Ch. 9 - Chimay and the Prinsipe ng Kadiliman


Cindy's Point of View.


"Wala na bang mas bibilis sa pagdrive mo ha?" inis na tanong ni Prince Nathan sa driver.

"P-pasensya na po mahal na Prinsipe. Sinusunod ko lang po yung protocol ni King." utal-utal na sagot ng driver namin. Napairap na lang ako sa kawalan dahil sa inasta niya.

Habang tumatagal mas lalong umiiksi ang pasensya ni Prince Nathan at di malabong lahat kami malintikan niya.

Nagulat ako sa malakas na pag-ungot ni Prince Nathan. Kanina pang umaga sa palasyo, hindi na maganda ang mood ng Crown Prince. Ewan ko ba dyan kung bakit tapos inutusan niya pa ako maglinis ng pool dahil trip niya.

"Hoy Chimay! Stop with that long face, wala kang karapatan na gumanyan." inis na turan ni Prince Nathan.

"Opo, mahal na prinsipe." matabang na sabi ko saka itinuon ko na lang ang atensyon ko sa labas ng sasakyan.

We have to pay a visit with the Head of the Royal family, syempre ang King iyon at ang Queen. They let us spend our so-called "royal honeymoon" eh walang habas na utos ang ginawa ni Prince Nathan sa akin at ang masama pa doon lagi niya akong inoorasan.

May convoy na dalawang sasakyan sa sinasakyan namin ni Prince Nathan. Isa sa harap at isa sa likod, hindi ko alam na ganito pala kataas ang security level ng Royal family.

Pagkarating namin sa palasyo, naunang bumaba sa sasakyan ang mahal na prinsipe saka sumunod ako. Magkahiwalay na palasyo kami nakatira. We have to live on our own daw sabi ng mahal na hari.

Bumukod nga kami at talagang literal kaming malayo sa palasyo ng hari para mamuhay ng mag-isa. Halos gusto ko na ngang lumayas doon dahil sa pang-aalila sa akin ng mahal na prinsipe ng kadiliman.

Minsan ko ngang nasagot yon dahil sa sobrang arogante at antipatiko niya, muntik na niya akong palayasin pero dahil nagmakaawa ako pinalampas niya iyon.

"Good morning Crown Prince and Crown Princess." masayang bati ng mga royal maids sa bukana ng palasyo pagkarating namin doon.

"What's so good in the morning?" masungit na tanong ni Prince Nathan, napasimangot ako sa sinabi niya.

Ayan na naman siya, umaandar na naman pagiging demonyito niya. Lumalaganap ang masamang aura sa paligid, kanina pa ganito ang mahal na prinsipe at walang sinoman sa amin ang nakakaalam ng dahilan kung bakit nagkakaganito ito.

Pagkasabi niya noon dire-diretso siyang pumasok sa loob ng palasyo at di niya napansin na naiwan niya kaming lahat dahil sa sobrang inis niya.

"Where's the Crown Princess?" ungot niya nang mapansin niyang hindi pa pala ako nakasunod sa kanya dahil napatigil ako sa ginawa niya ngayon.

"I'm still here." matabang na sagot ko. Saktong paglingon niya may limang metro ang layo sa pagitan nang kinatatayuan naming dalawa.

"Can't you make it faster? Kanina ka pa! Ang kupad mo kumilos! I will double your work, I don't care!" Sigaw nito saka naunang pumasok sa palasyo.

Napabuntong-hininga ako ng bongga dahil malapit na nga talagang mapatid ang pasensya ko sa mahal na prinsipe. Hindi ko alam ang dahilan ng pag-init ng ulo ni Prince Nathan.

Para siyang bulkan na sasabog anumang oras, katakot-takot ang aabutin naming lahat sa kanya. Nagmadali akong sumunod sa kanya at sa likuran lamang niya ako, mas mataas pa rin siya sa akin kahit na ba ako ang crown princess. Siya ang susunod na hari at walang sinuman ang kapantay sa kanya.

Yumukod ang mga royal maids sa pagpasok namin ni Prince Nathan sa loob. Pupunta kami sa hindi ko alam kung saan dahil sinusundan ko lang ang prinsipe ng kadiliman.

"Nasa garden po ang inyong pamilya, mahal na prinsipe." Saad ng butler saka yumukod sa harapan namin.

"Tss, ang dami pang sinasabi! Pwede naman sa sala mag-usap at talagang sa malayo pa talagang pinili! I hate this!" Galit na utas nito saka mabilis pa sa alas-kwatrong nag-martsa patungong garden.

Ako? Mapapatid na ako sa ginagawa niya. Bukod sa nakasuot pa ako ng magarang sapatos ay nakadress pa ako na medyo fit sa binti ko. Kainis talaga, kung hindi lang ito para sa pamilya ko eh hays.

Pagkarating namin sa garden inayos ko ang buhok ko na nakapusod at yumukod sa harap ng royal family bilang paggalang.

"Prince Nathan, what are you standing there? Where's your respect?" Inis na saad ni Princess Alyanna. Umismid lang ito saka mabilisang yumukod. Sabay naming inangat ang ulo namin mula sa pagkakayukod.

"Have a seat and join us on breakfast." Masayang sabi ng Queen. Napalunok ako saka nilingon ko si Prince Nathan na masama ang tingin sa kanila.

"We are here to pay respect to all of you. Nakapagbreakfast na kami ni Cindy sa palasyo before we headed here." Ang Prinsipe ng Kadiliman ay sobra-sobra na, maski ang hari puputok na sa inis.

Hindi na sila nasanay lahat kay Prince Nathan. "We'll going first." Malamig na dagdag pa nito saka mahigpit na hinawakan ang palapulsuhan ko saka hinila niya ako palabas ng palasyo.

"M-masakit, Prince Nathan." Daing ko dahil nasa bukana na kami ng main hall hindi pa rin niya ako binibitawan.

Iisipin ko na lang ihahagis niya ako palabas sa galit niya. Madalas kasi kapag galit ang mahal na prinsipe ng kadiliman sa mga royal guards niya binubunton lahat.

Binitawan agad ni Prince Nathan ang pagkakahawak sa akin. Humarap siya sa akin, napalunok ako bigla dahil mukhang mayayari ako sa kamahalan.

"You want to stay there because of Alex?" Inis na saad niya. Napakunot ang noo ko bigla. Ano bang pinagsasasabi nitong prinsipe ng kadiliman?

"Ha???? Anong pinagsasasabi mo Prince Nathan? Nasasaktan na ako sa hawak niyo." Naluluhang sabi ko.

He pinched the bridge of his nose. Napatunghay sa kalangitan at parang may binubulong-bulong pa. Ano ba kasing problema ng prinsipe ng kadiliman.

"Ano ba kasi kinagagalit mo, Prince Nathan? At least please calm down." Malumanay na sabi ko. I know that I'm going out of bounds pero sobra na siya!

Napapikit ako, handa na ako sa kaparusahan na igagawad ng prinsipe ng kadiliman. Mama, kayo na bahala kung saan man makarating ang bangkay ko 'pag tinapos ako ng maaga ng kamahalan.

"Calm down? Do you think I can fucking calm down with this family, huh?" The evil crown prince gritted.

Wala talaga akong laban sa mga galit niya huhu. Sana talaga hindi ko na lang tinanggap yung offer ni King eh. Dito lang rin namam ako mamamatay sa England.

I have never seen the evil Crown Prince Nathan like this. Hinawakan niya ang balikat ko saka hinarap ako.

"Do you really wish to go back inside the palace?" Malamunay na tanong niya. Umiling agad ako saka iniwas ang tingin sa kanya.

"Hindi na po Prince Nathan." Iyon lang ang tanging nasaad ko at yumukod.

The evil prince trying to suppress his smile and walk past behind me pero nilingon niya ako at nakataas ang isang kilay niya, the smirk still visible on his lips.

"Let's go. We have to pay a visit for some charity today. We will be very busy."

Totoo yata talaga ang himala. Parang biglang bumait ang mahal na prinsipe. Nabigla ako nang hawakan niya ang kamay ko at hinila ako papalit sa kanya.

Bumulong siya sa tenga ko ramdam ko ang init ng hininga ng prinsipe ng kadiliman.

"I'm looking forward the the crown princess' first appearance in public." He smirked. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top