Special Chapter

One week has passed since Heather left the house. Hinatid ko siya no'n at pinalad naman kaming makarating sa bahay ng lola niya. Kinabukasan na rin ako nakauwi no'n dahil nakakwentuhan pa namin ang lola niya.

Inilibot ko ang tingin ko sa buong sala. Malinis at bumalik ulit sa pagiging tahimik. Nakakapanibago lang dahil noong nandito si Heather, nabuhayan ang bahay na 'to. Nakaka-miss din talaga 'pag may nangungulit sa 'yo araw-araw.

Naupo ako sa sofa at binuksan ang cellphone ko.

I smiled when I saw Heather's latest post on Facebook.

Heather Kassidy Aranda
30m 👥

Hope to see you soon. I miss listening to your songs.

Agad akong nag-comment doon.

Gabriel Castillo
I miss you, too!

Heather Kassidy Aranda
I'm not referring to you :P

Joke!!!

Gabriel Castillo
Puntahan kita d'yan hahahaha

Heather Kassidy Aranda
Bike lang gamit mo? 'Wag na, baka mahirapan ka lang.

Gabriel Castillo
Hindi 'yan. Nasan ka pala ngayon? Diba walang signal sa bahay ng lola mo?

Heather Kassidy Aranda
I'm in the market. Nakapila pa lang ako kaya nagce-cellphone muna ako.

Magta-type pa sana ako kaso biglang may nag-notif sa akin na email. I opened it and saw that it's an email from CG Entertainment.

Good day, Mr. Gabriel!

We hope that you're doing fine. We just want to tell you that the offer is still open. Don't hesitate to contact us if you are still interested with it.

God bless and stay safe!

Ilang beses kong binasa 'yon at mapait na ngumiti. Gustong-gusto kong i-reply na interesado pa rin ako sa offer pero 'pag tinanggap ko 'yon, siguradong sasama na naman ang loob ng mga magulang ko sa akin.

Babalik na sana ako sa pagpe-Facebook nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Ilang beses akong napalunok nang makita ang number ni papa.

I cleared my throat and answered the phone call. "Hello, Pa?"

"Mama mo 'to, Gabo."

Si mama pala. Bakit naman bigla siyang napatawag?

"Bakit po?" tanong ko.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa...do you really want to pursue your passion?" tanong niya na ikinakunot ng noo ko.

"What do you mean, ma?" naguguluhang tanong ko.

"Alam naman nating lahat kung bakit ka nandyan sa La Union."

"But I didn't accept the offer. Uuwi rin ako agad d'yan kapag na-lift na ang ECQ," sabi ko.

"E 'di isusuko mo na talaga ang pagmumusika?"

Natigilan ako sa tanong niya. Wala naman akong magagawa, eh. Sa ayaw at sa gusto ko, kailangan kong isuko 'yon.

"Ayon naman ang gusto niyo diba?" tanong ko.

"Just find a stable job, Gabriel..." aniya.

Napayuko na lang ako.

"...and accept the offer."

Agad akong napatayo sa sinabi ni mama.

"A-ano?" Ayon na lang ang tangi kong nasabi.

"If you want to accept the offer, then go. Pero kung susuko ka na talaga, aantayin namin ang pag-uwi mo rito."

"Paano si papa?" nag-aalalang tanong ko.

"Pumayag siya pero sa oras na masira ang buhay mo d'yan, asahan mong wala kang babalikan dito," sabi niya.

Unti-unting lumawak ang ngiti ko. "T-thank you! I'm gonna accept the offer and find a stable job. Maraming salamat, ma. Pwede ko bang makausap si papa?"

"Busy pa ang papa mo. Kausapin mo na lang siya sa ibang araw. Magpasalamat ka rin sa kaibigan mo."

"Sinong---hello, ma?" Tinignan ko ang cellphone ko. Binaba na ni mama ang tawag.

Pero sinong kaibigan ang tinutukoy niya?

Pabalik-balik akong naglakad dito sa sala habang iniisip kung sinong kaibigan ang tinutukoy ni mama.

"Kaibigan, kaibigan, kaibigan, ka---Kassi! Si Kassi!" Baka si Heather nga 'yon dahil alam niya ang tungkol sa offer.

I quickly dialed her number, but she's not answering. Ilang beses kong ginawa 'yon pero hindi niya sinagot.

Binalikan ko 'yung email ng CG Ent. at agad na nag-reply.

Kinagabihan ay nakatanggap ulit ako ng email galing sa CG Ent. They want to see me on Monday.

Hindi ko mapigilang ngumiti nang malawak. I didn't expect this.

I typed a message for Heather.

To: Heather

Thank you so much! Hindi ko alam kung anong ginawa mo para mapapayag sila mama.

I accepted the offer and they want to see me on Monday. Thank you! Thank you! I owe you a lot.

It's Monday morning and I know it's gonna be the best day to start the week. Maaga akong nagising, kumain, at naligo.

9AM pa lang at 11AM ako pinapapunta sa company ng CG Ent. Kinuha ko muna ang gitara ko at nagsimulang tumugtog.

Inubos ko ang oras ko sa paggigitara at pagpe-Facebook. I also messaged Heather and greeted her a good morning. Alam ko namang hindi siya makakapag-reply dahil walang signal sa bahay ng lola niya.

It's already 10:30AM. Inayos ko na ang gamit ko at lumabas ng kwarto.

Nang ayos na ang lahat ay lumabas na ako ng bahay. Kinuha ko ang bike ko at sumakay doon.

Hindi pa man ako nakakaalis ay nakaranig na agad ako ng paparating na sasakyan. My eyes widened when I saw a familiar white car.

Tumigil ito sa harap ng bahay.

"Gabo!" Heather removed her face mask and smiled at me sweetly.

Napangiti ako at lumapit sa kaniya. "W-what are you doing here?"

"I told you before that I'll be your first supporter once na magsimula ka na ulit d'yan sa passion, that's why I'm here," sabi niya. "Sakto pala ang dating ko," dagdag pa niya.

Kakaiba talaga ang babaeng 'to.

"So, tara na? Ihahatid kita," aniya at hinawakan ako.

Hindi na ako naka-angal pa nang hilahin niya ako papalapit sa kotse niya.

"Paano mo napapayag sila mama?" tanong ko nang makapasok kami sa kotse.

"Well, malakas ako kila tita," natatawang sagot niya.

I smiled and looked at her. "Thank you so much, Kassi."

"Wala 'yon, Gabo. Simula ngayon, ako na ang makakasama mo sa bawat daang tatahakin mo. I will always support you," she said with a big smile.

Hinawakan ko ang kamay niya at tumitig sa mga mata niya.

I think I already found the right path. I may encounter another obstacle along the way, but as long as I'm with Heather, I'll never get lost again.

-----

Hanggang dito na lang. Sana nagustuhan niyo 'tong special chapter. Thank you ulittt!! 💙

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top