Prologue

Would you still go on with the path that you are taking even though you already know that it is wrong?

Ako kasi, oo. I've been driving for four hours straight and here I am, still driving and trying to find the right path.

Ramdam ko na ang pangangalay ng mga paa't kamay ko. Sinabayan pa ito ng gutom. I didn't expect that this summer vacation trip would end up like this.

Ilang taon na ba akong hindi nakabalik dito sa La Union? Hindi ko na matandaan ang mga daan. I stopped for a while to contact my grandma, but she's not answering the call! May signal ba do'n sa bahay niya?

It is already 5PM at ayokong abutin ng gabi dito sa kalsada. Nag unat-unat muna ako ng braso bago nagpatuloy sa pagda-drive. Napasimangot ako nang makitang malapit ng maubos ang gas ko. It seems like luck is really playing with me, wala akong makita ni isang gas station.

Fudge! I'm lost.

Naghanap din ako ng pwedeng pagtanungan pero wala akong nakita. Nasa'n ang mga tao rito?

"Great, great!" Tinapik ko ang manibela ng kotse ko. Wala na, ubos na 'yung gas.

Lumabas ako ng kotse at tumingin sa paligid. May mga bahay naman pero walang tao sa labas.

Tinignan ko ang bahay na nasa tapat ko. There's a big bike outside and a pair of slippers. Okay, dito na lang siguro ako hihingi ng tulong.

"Tao po! Tao po!" sigaw ko habang kumakatok sa pinto. "There's a pair of slippers here, so it means, may tao," dagdag ko pa.

"Tao po---oh, hi!" Nginitian ko 'yung lalaking nagbukas ng pinto. Oh! He's freakin' handsome. He has this pitch black messy hair that really suits his handsome face. Medyo moreno rin ang kulay ng balat niya.

"Sino ka at anong ginagawa mo rito?" tanong niya.

"I'm Heather." Nilahad ko ang kamay ko sa kaniya pero hindi niya tinanggap iyon. "I'm lost and my car ran out of gas..."

"So?"

"Hmm...maybe you could help me to find the right path?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top