Epilogue
I've been staying here with Gabriel for almost seven weeks. At first, he was just a stranger, but as days go by, nakikilala ko kung anong klaseng tao ba talaga siya. And one morning, I just found out that he's not a total stranger because he is my childhood bestfriend.
"Aalis ka na ba talaga dito bukas?" tanong ni Gabriel habang inaayos ang speaker dito sa sala.
I nodded my head. "Yes, kailangan, eh. Walang kasama si lola saka ayon naman talaga ang ipinunta ko rito," sagot ko.
Tomorrow is May 1, magiging GCQ na raw dito sa La Union. Magbabaka sali ulit ako kung makakapunta ako sa bahay ni lola.
"Ihahatid kita," sabi ni Gabo.
"Okay. For now, let's just enjoy the night. Kukuha lang ako ng pagkain natin," sabi ko at tumayo.
I went to the kitchen and opened the refrigerator. Kinuha ko roon ang natira naming cake kanina at nagtimpla ako ng juice.
Bumalik na ako sa sala dala ang mga pagkain namin.
"What's your favorite song?" tanong niya.
"I'm into OPM. Meron ka ba d'yan?" tanong ko. Tumango naman siya at may pinindot sa cellphone niya. Ilang saglit lang ay tumugtog na sa speaker ang Leaves ng Ben&Ben.
He sat beside me and sliced a cake for me.
"Uuwi ka ba agad pag na-lift na ang ECQ sa Manila?" tanong ko.
"Sana. Nakapagsabi na rin naman ako kay tita na hindi ako magtatagal dito," sagot niya.
"So, I guess sa Manila na ulit tayo magkikita?" tanong ko. Sana tapos na rin ang pandemic 'pag nagkita ulit kami.
"Oo, matagal ulit tayong hindi magkikita," aniya at tumingin sa akin.
Tumango-tango ako. "Well, at least may communication na tayo, 'di tulad ng dati."
Natapos ang Leaves ng Ben&Ben at nagsimula namang tumugtog ang Bawat Daan ni Ebe Dancel. That's also my favorite song.
Sa pagkumpas ng iyong kamay
Aking landas, ginagabay
Nag-iisang tiyak sa isang libong duda
Silong sa iyak at pagluluksa
Kung puso ko ay imamapa
Nagulat ako nang biglang nilahad ni Gabriel ang kamay niya sa harapan ko.
"Do you want to dance?" tanong niya.
Natawa naman ako. "Seryoso?"
Tinignan ko ang kamay niya at dahan-dahan na tinanggap 'yon.
He put my hands on his shoulders and his both hands landed on my hips. Gabriel turned his gaze to me and smiled.
"Ikaw ang dulo, gitna't simula. Nahanap din kita, nahanap din kita," sinabayan niya ang kanta at dahan-dahan na iginiya ang katawan ko sa ritmo ng kanta.
I placed my head on his chest and closed my eyes.
Ohhh
Maligaw man
At mawala
At umikot man
Sa kawalan
Sa bawat kailan
Sino't saan
"Nagsisisi ka bang pumunta ka rito sa La Union at---"
I cut his words. "No. Being lost here in La Union is actually a blessing in disguise because I found you...I found the right path. Hindi ko pinagsisisihan na tinuloy ko ang pagtahak sa daan papunta rito."
Ikaw lamang ang
Kasagutan
Bawat kanan
At kaliwa
Kung timog man
O hilaga
Ang bawat... Daan ko
Ay patungo (Ay patungo)
Ay pabalik (Ay pabalik)
Sa 'yo
Naramdaman ko ang dahan-dahan niyang pagyakap sa akin.
"Seryoso ako sa sinabi ko na tutuparin ko 'yung pangako natin sa isa't-isa dati. I still love you, Kassi," bulong niya.
Ngumiti ako at niyakap siya pabalik.
"Okay. Aasahan ko 'yan," nakangiting sabi ko.
Sa totoo lang, hindi naman nawala sa puso ko si Gabo. Kahit maraming lalaki man ang pumila d'yan, siya pa rin ang pipiliin ko.
And even if I get lost again, I know that I will always end up on the right path, together with the right person, Gabriel Erwan Castillo.
End
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top