Chapter Six

ECQ was supposed to be lifted on April 12, but the news earlier said that it will be extended until April 30. Akala ko makakauwi na ako bago mag-birthday ang kapatid ko, hindi pa pala.

Today is April 7, next week ay birthday na ng kapatid ko. Nakakaburyong na rin dito sa bahay, kahit si Heather ay gusto na rin umalis dito.

Dinampot ko ang cellphone ko nang mag-ring ito. My sister, Gianna, is calling me on Messenger. Agad ko namang sinagot 'yon.

"Kuya!" masayang bati niya.

"Kumusta?" tanong ko.

"Ayos naman kami dito. Nakakalungkot lang dahil hindi ka pala makakauwi sa birthday ko," aniya at sumimangot.

Lumapit ako sa kama ko at naupo. "After this ECQ, uuwi ako agad. Babawi ako sa 'yo."

"Okay. Kumusta ka naman d'yan, Kuya? Mag-isa ka lang pala d'yan."

Napalunok ako sa sinabi niya.

I'm not alone here, Gianna.

Hindi nila alam na may kasama ako rito. Kahit si tita ay walang alam. Pero hindi ko na sasabihin sa kanila dahil hindi rin naman magtatagal pa si Heather dito.

"I'm doing fine. Mas gusto ko ngang mag-isa para tahimik," sabi ko sa kaniya. "Sila mama? Are they...looking for me?" nag-aalinlangang tanong ko.

Biglang napalitan ng awa ang reaksyon ng kapatid ko. Napangiti na lang ako nang mapait.

"Kuya, masama pa rin ang loob nila, eh. Tinanggap mo na---"

Pinutol ko ang dapat na sasabihin niya. "I didn't accept the offer." Pagkasabi ko no'n ay nanlaki ang mata ng kapatid ko.

"Bakit? Malaking offer 'yon. Pwede ka ulit makapagsimula no'n," aniya.

"Kapag tinanggap ko 'yon, ako naman ang hindi matatanggap nila mama at papa," sabi ko sa kaniya. "Sige na, may gagawin pa ako. I'll call you tomorrow. Bye."

Binaba ko na ang tawag at huminga nang malalim. Muli ko na namang naalala ang offer sa akin ng CG Entertainment, isang company na nagte-train ng mga artist, especially 'yung mga nasa music industry. They offered me to be one of their trainees. Gaya ng sabi ng kapatid ko, malaking offer 'yon dahil halos lahat ng sikat na mga musician ngayon ay sa kanila galing.

That's also the reason why I went here in La Union. Pero noong nandito na ako, naalala ko ang mga magulang ko. They're against my passion.

I was 16 years old when I started to join different bands. Ilang beses din ako lumipat ng banda hanggang sa makilala ko ang AXIS five years ago. Tumagal din ako roon bilang vocalist, but two years ago ay umalis din ako nang bumalik ako sa bahay namin.

Music has been my guide for almost 7 years. Nang madiskubre ko ang talent ko sa music, pakiramdam ko ay nahanap ko na rin ang tamang landas ng buhay ko. Nahanap ko na ang bubuo sa akin. Pero maliligaw at maliligaw ka pa rin pala lalo na kapag may humarang sa landas na tinatahak mo.

At imbis na magpatuloy sa landas na 'yon, mas pinili kong tumigil at tuluyang magpapigil sa humaharang sa akin. I chose my family over my passion.

But, there's a part of me saying that my decision was wrong.

Gabi na naman. Tinawag ko na si Heather para maghapunan.

"Wait lang! Matatapos na 'tong pinapanood ko," sigaw niya mula sa loob ng kwarto.

Dumiretso na ako sa dining area at naghain. Dahil marami pang natira sa niluto kong Nilagang Baboy kanina, ininit ko na lang iyon para ulamin ngayon.

Saktong paglabas ni Heather ay tapos na rin ako maghain.

"Ininit ko lang 'yung Nilaga. Masasayang kasi kung magluluto na naman ako," sabi ko sa kaniya.

Ngumiti siya at naupo. "Okay lang. Kapag pasko nga mas malala, ilang araw paulit-ulit ang ulam," sabi niya.

Bahagya akong natawa at napailing na lang.

"Oh my God! You're laughing again. Pansin ko nitong mga nakaraang araw, panay na ang pagngiti at tawa mo," nakangiting sabi niya.

"Bawal ba akong ngumiti?" tanong ko at diretsong tumingin sa mga mata niya.

"Hoy, hindi ah! Mas lalo kang nagiging gwapo," aniya at humagikhik.

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya. But, she's right. Pansin ko rin ang madalas na pagngiti ko ngayon. Normal lang naman 'yon, diba? Magtaka siya kapag hindi talaga ako ngumiti.

"Saka ayaw mo ba na ikaw ang dahilan kung bakit ako ngumingiti?" seryosong tanong ko na sana pala ay hindi ko na lang tinuloy.

Napatingin ako kay Heather nang marinig ang pagbagsak ng kutsara niya. She's looking at me with wide eyes.

"Hoy, Gab! Stop it! Kinikilig ako!" She bit her lips as her face flushed red. Agad din siyang yumuko.

Kakaiba talaga siya. Paano niya nasasabi nang diretso 'yon?

Pero totoo ang sinabi ko sa kaniya. Ngumingiti ako kapag natutuwa ako sa kaniya, madalas nga lang ay nakakairita ang kakulitan niya.

Pagkatapos kumain at maghugas ng pinggan ay nagtungo ako sa sala. Naupo ako sa dulo ng sofa at nag-scroll sa facebook.

Sa kabilang dulo ng sofa ay nakaupo naman si Heather, hawak niya ang cellphone niya habang may nakasalpak na earphones sa tainga.

Sa bawat pag-scroll ko sa news feed ko, kasabay nito ang sunod-sunod na pagtunog ng Messenger ko. Hanggang ngayon ay marami pa ring nagcha-chat sa akin na taga-hanga ng AXIS. Tinatanong nila kung kailan daw ako babalik sa pagbabanda.

Hindi ko alam kung babalik pa ba ako. Kahit nga pagtugtog ng gitara ay minsan ko na lang din magawa, sinusubukan ko minsan mag-compose ng kanta pero hindi ako na-sa-satisfy sa mga salitang ginagamit ko.

My gaze turned to Heather when she started humming a familiar song. Hindi niya napapansin na nakatingin ako sa kaniya dahil busy pa rin siya sa cellphone niya.

Kunot-noo akong tumayo at lumapit sa kaniya. Dahan-dahan kong tinanggal ang earphones niya na siya ring nagpatigil sa kaniya sa pag-hum.

"Gab, bakit?" gulat na tanong niya.

Nilagay ko sa tainga ko ang earphones, kasabay nito ang panunumbalik ng mga alaala.

She's listening to my song...my first ever song that I composed five years ago for the girl that I love.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top