Chapter Seven

Dito pa rin ako nakikitira sa bahay ng tita ni Gabriel at hindi pa rin ako makaalis dito dahil extended na naman ang ECQ hanggang April 30.

Na-prepare ko pa naman na ang mga gamit ko para sana makauwi na ko pero hindi pala matutuloy. Nakakalungkot man, but I know it's for the safety of everyone. Wala pang vaccine para sa COVID-19 kaya mas mabuting manatili na lang muna sa loob ng bahay kaysa naman mahawa ng sakit.

Hindi na rin naman masyadong boring dito sa bahay dahil nakakausap ko na si Gabriel. We are alone together in this house and we have no choice but to talk with each other. Nakakatuwa lang din kasi palangiti na si Gab, minsan nga ay tumatawa pa.

I went in the sala and I found Gabriel there. Lumapit ako sa sofa at naupo sa tabi niya.

It's already 8 PM, katatapos lang din namin mag dinner.

A sudden thought crossed my mind. I smiled and faced Gabriel.

"Gab, hindi pa kita naririnig na tumugtog ng gitara or kumanta manlang...baka naman," sabi ko sa kaniya.

"But, you've already watched one of our concerts," aniya.

He's pertaining to the video that I found on Youtube. Na-LSS din ako sa isang kinanta nila no'n na si Gab mismo ang nag-compose. It's a sad song though, tungkol kasi 'yon sa babaeng bigla na lang nawala at hindi niya na nakita.

"Pero iba pa rin 'pag personal 'no!" saad ko.

"It's just the same," sabi niya at muling nag-cellphone. Hmp! He's being grumpy again.

"Please, Gabriel?" Pinagdikit ko ang dalawang palad ko habang nakatingin sa kaniya.

Saglit siyang tumitig sa akin. Napangiti na lang ako nang tumayo siya at pumasok sa kwarto niya. Pagbalik niya ay may dala na siyang gitara.

"Pwede mo bang kantahin 'yung original song mo?" nakangiting tanong ko.

"Nakalimutan ko na 'yung chords," sagot niya.

"Imposible."

Wala na akong nagawa nang magsimula na siyang mag-strum. Pinanood ko na lang siya habang ginagawa 'yon.

Akala ko ay kakantahin niya 'yung original song niya, hindi pala.

"Kamukha mo si Paraluman
Nu'ng tayo ay bata pa
At ang galing-galing mong sumayaw
Mapa-Boogie man o Cha-Cha."

Ipinikit niya ang mata niya habang dinadama ang bawat ritmo ng kanta. I am astonished by how his fingers move gracefully on the guitar strings.
Napakalinis rin ng pagbigkas niya sa bawat salita.

"Magkahawak ang ating kamay at walang kamalay-malay." Inilipat niya ang kaniyang tingin sa akin at tinitigan ako sa mata. "Na tinuruan mo ang puso ko na umibig na tunay."

He finished the song with those lines that made my heart beat fast. Masyado ata akong nahumaling sa boses niya. Napakaganda nito.

Ngumiti ako at pumalakpak. "Ang galing!"

Ibinalik niya na sa case ang gitara niya.

"AXIS is still active, but why did you left the band? Sayang ang talent mo kung hindi mo rin naman ipaparinig sa iba," sabi ko sa kaniya.

I've also read a lot of comments from their fans and they want Gabriel back in the band.

Ilang segundo pang tumingin sa akin si Gab bago siya sumagot.

"Ayaw ng parents ko sa pagbabanda," sagot niya. Biglang kumirot ang dibdib ko dahil doon.

Sayang naman ang talent niya. Kanina habang pinapanood ko siyang kumanta, halatang-halata na gusto niya talaga ang ginagawa niya.

"Nakausap mo na ba sila?" tanong ko.

Tumango naman siya. "Hindi talaga bakasyon ang ipinunta ko rito. I received an offer from an entertainment company." He cleared his throat. "They want me to become their trainee."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"D-did you accept the offer?"

"No. Kapag ginawa ko 'yon baka tuluyan na akong itakwil ng pamilya ko," aniya at mapait na ngumiti.

Nakakalungkot lang dahil may mga taong katulad ni Gabriel. They can't pursue their passion because there are things that hinder them. Sa kaso ni Gabriel, pamilya niya ang humahadlang sa kaniya pero ang hirap din namang suwayin ang sariling pamilya.

"I know that you really love music. Maraming naniniwala sa 'yo, Gabriel. Why don't you talk with your parents again?" tanong ko. "Show them how much you love music."

Sana makapag-usap sila. And I hope, in the future, I can see him again performing on the stage. At sa oras na 'yon, sana tanggap na ng pamilya niya ang pagkanta niya.

Kinabukasan, pagdilat ko pa lang ng mga mata ko ay bumungad na agad sa akin si Gabriel na nakatayo sa harap ng study table. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko alam kung anong ginagawa niya roon.

Kinusot ko ang mata ko at naupo sa kama. Pinunasan ko pa ang mukha ko dahil baka may makita na naman siya. Nakakahiya.

"Good morning, Gabriel," I greeted him, but he didn't even glance at me.

Tumayo ako at lumapit sa binta para buksan ang kurtina.

"Anong ginagawa mo d'yan, Gab?" Kunot-noong tanong ko.

Lumapit ako sa kaniya at nakita kong hawak-hawal niya ang instax mini album ko.

"Akin 'yan," sabi ko. Noong isang araw kasi ay nagtitingin-tingin ako ng mga old photos na nandoon sa album. Naiwan ko pala 'yon dito sa mesa. Hindi ko naman alam na marunong mangialam ng gamit ang lalaking 'to.

"Kassi," he whispered.

Mas lalo namang kumunot ang noo ko. Bakit niya binanggit ang nickname ko? At pa'no niya 'yon nalaman? I told him my full name, but I didn't tell him my nickname.

"Akin na nga 'yan," sambit ko at inagaw sa kaniya ang album.

My heart pounded when his hand landed on my arm. Nanlalaki ang mata ko nang tumingin ako sa kaniya.

He's looking at me with a wide smile.

"Kassi, I missed you."

Biglang uminit ang pisngi ko at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

"A-anong sabi mo?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top