Chapter One

I smiled as I saw the welcome arch of La Union. Finally! After four long hours of travel, nakarating na rin ako.
Ngayon naman, kailangan ko na lang hanapin kung saan nakatira ang lola ko.

I have her home address and I've been there before...when I was a kid. Kaya naman hindi ko na kabisado ang mga daan. Siguro ay lagi rin akong tulog no'n tuwing nasa byahe kaya hindi ko talaga maaalala.

The blue and orange skies that blend with each other make me want to stop and just watch the sun that is about to set. But, I need to arrive soon at my grandma's house. Ayoko namang abutin ng gabi sa daan.

Nagpatuloy ako sa pagda-drive pero habang tumatagal ay napapansin kong tila naliligaw ako. May gamit naman akong Waze pero bakit naligaw pa rin ako?

Kunot-noo akong tumingin-tingin sa paligid. Parang kanina lang ay ang dami ko pang nakikitang tao sa daan, bakit ngayon wala na?

Hmm? Should I still go on with this path or not? Ugh! Ramdam ko na ang pangangalay ng braso at paa ko. Ubos na rin ang mga pagkain na binili ko kanina.

I stopped for a while. I stretched my arms and heaved a deep sigh.

Okay! I'll go on with this path.

Sabi nga nila ay bahala na si Batman. Okay! Bahala na si Batman. Tutuloy na lang ako. Siguro naman ay may madadaanan akong pwedeng pagtanungan.

I reached for my phone and dial my grandma's number. Ilang beses iyon nag-ring pero hindi manlang sinagot.

May signal ba do'n sa bahay niya?

Napasimangot ako nang makitang malapit ng maubos ang gas ko. Luck is really playing with me, huh? Ni isang gas station, wala! Saan na ba ako napadpad?

I just want a fun summer vacation trip but I didn't expect that this would end up like this.

"Great, great!" Tinapik ko ang manibela ng kotse ko. Wala na, ubos na 'yung gas.

Lumabas ako ng kotse at tumingin sa paligid. May mga bahay naman pero walang tao sa labas.

Tinignan ko naman ang bahay na nasa tapat ko. There's a big bike outside and a pair of slippers. Okay, dito na lang siguro ako hihingi ng tulong.

Lumabas ako ng kotse at naglakad papalapit doon sa bahay.

"Tao po! Tao po!" sigaw ko habang kumakatok sa pinto. "There's a pair of slippers here, so it means, may tao," dagdag ko pa.

"Tao po---oh, hi!" Nginitian ko 'yung lalaking nagbukas ng pinto. And oh! He's freakin' handsome. He has this pitch black messy hair that really suits his handsome face. Medyo moreno rin ang kulay ng balat niya.

"Sino ka at anong ginagawa mo rito?" tanong niya.

"I'm Heather." Nilahad ko ang kamay ko sa kaniya pero hindi niya tinanggap iyon. Tinuro ko na lang ang kotse ko na nakaparada sa tapat. "I'm lost and my car ran out of gas..."

"So?"

"Hmm...maybe you could help me to find the right path?" I smiled sweetly and looked to his dark brown eyes.

He put his right hand inside his pocket and looked away. "I'm sorry pero hindi kita matutulungan. Hindi rin ako taga rito," aniya.

"Paanong hindi ka taga rito? May sarili ka ngang bahay, oh!" tanong ko sa kaniya.

"This is my aunt's house and I just arrived here last week. Pasensya na pero hindi ako ang dapat mong hingan ng tulong." He's about to close the door but I stopped him.

"Wala na akong gas. Wala na! Paano ako aalis dito?" iritableng tanong ko.

Biglang kumunot ang noo niya. "Hindi ko na problema 'yon."

It made my mouth open. Wala bang konting awa sa katawan ang lalaking 'to? Can't he see that I'm a girl? Paano kung may mangyaring masama sa akin?

Pero...tama nga rin naman siya. Hindi niya na problema 'to dahil hindi niya naman ako kilala. Hindi rin siya taga rito kaya hindi niya talaga ako matutulungan.

Biglang nanlaki ang mata ko sa naisip ko. He's a total stranger! Paano kung siya pa pala 'tong magpapahamak sa akin?

"Fine. Salamat na lang." I turned my back to him and walked slowly toward my car.

Pumasok ako roon at pumikit.

This time, I need to call my mother. Siya na lang ang makakatulong sa akin.

I tried to contact her pero nabitawan ko na lang ang cellphone ko dahil hindi niya iyon sinasagot. My mother is a doctor and maybe she's busy, especially now because of corona virus that is spreading really fast. Mabuti nga't nakarating pa ako rito kahit na naka-lockdown na ang ibang lugar.

Tumingin na lang ako sa labas at pinagmasdan ang ibang mag bahay. Nakaramdam na tuloy ako ng hiya na magtanong.

Sumandal na lang ako at pumikit ulit.

But, after a few minutes, I suddenly heard continuous knocks on my car window. Napadilat ako bigla at nagulat ako nang makita 'yung lalaking kausap ko kanina.

Sinenyasan niya akong buksan ang pinto pero hindi ko ginawa. Bintana na lang ang binuksan ko.

"What do you want?" tanong ko.

"I cooked a food for dinner. B-baka gusto mong kumain?" From his arrogant face earlier, ngayon ay maamo na ito.

What's with the sudden change? Bakit biglang bumait 'to? Baka may balak talagang masama sa 'kin 'to.

"No, thanks. Busog pa ako," sabi ko sa kaniya.

"I know what you're thinking. Hindi ako masamang tao, okay?" He looks so serious. Mukhang nagsasabi talaga siya ng totoo.

"Pero---"

"No buts! Bumaba ka na d'yan. Tutulungan kita bukas na pumunta sa gas station."

Tila nagliwanag ang paligid ko dahil sa sinabi niya.

"Mag promise ka muna na hindi mo ako gagalawin," sabi ko sa kaniya.

Bumuka ang bibig niya at tila hindi makapaniwala sa sinabi ko. "What?! I'm not interested to you. Mas pipiliin ko pang galawin ang gitara ko kaysa sa 'yo." Pagkasabi niya no'n ay naglakad na siya palayo.

I mentally rolled my eyes before opening my car door. Binuksan ko naman ang compartment ng kotse ko para kunin ang luggage ko.

Napadami yata ang nailagay ko rito kaya mabigat.

"Hey! Baka naman pwede mo akong tulungan?" sigaw ko.

Tumingin siya sa akin at tamad na lumapit.

"Salamat talaga." I smiled and tapped his shoulder. Nauna na akong maglakad palapit sa bahay niya.

I can finally rest!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top