Chapter 1

Genevieve Ashbourne's POV

Binilisan ko ang paglalakad dito sa hallway ng hospital at halos lakad-takbo na ang ginawa ko. Masyado nang haggard ang itsura ko pero hindi yun big deal para sa amin. Nang malapit na ako sa room kung saan halos maglupasay ang isang ginang sa pag -iyak dahil sa sobrang pag-aalala sa batang lalaki na anak niya ay mas binilisan ko ang paglapit sa kanila. Buti na lang meron ang isang lalaki na nasa 19 years old yata na anak niya na nagsusuporta sa kanya. Matagal na sila dito sa hospital, her child is suffering from Intussusception disease.

"doc!" bungad sa akin ng isang nurse.

"bat nandito kayo sa labas? sinong nag -aasikaso sa loob?" medyo pasigaw na saad ko dahil na rin siguro sa commotion dito sa labas.

Pumasok ako sa room at bumungad sa akin ang isang nasa limang taon na bata, sobrang payat na at pinipilit pa rin lumalaban. The child's abdomen displayed signs of bloating and tenderness, a result of the intestinal blockage caused by intussusception. The medical staff surrounded him, their urgency evident as they assessed the child's condition. Wires and monitors were attached to their body, tracking vital signs such as heart rate, oxygen levels, and blood pressure. The beeping of the machines provided a constant reminder of the gravity of the situation.

Bilang isang doctor, ang ganitong eksena ang mahirap para sa amin. I snapped myself and tried to get on thier way to help in assesing the child. Nagsusuka na siya ahit walang maisuka. We tried every means para maibsan ang sakit na nararamdaman niya. Nang kumalma na ang lahat ay mabilis na pumasok ang ginang para damayan ang anak.

Tumayo ako at mahinang hinila sa braso ang isang nurse palabas. Nag-sialisan na rin ang ibang mga hospital staff kaya ang nurse na dating naka-duty at ako na lang ang naiwan.

"what happened? Bakit hindi inaasikaso ni Doc. Manuel ang bata? The child need an immediate operation, bakit hanggang ngayon hindi parin siya nag d-decide?" bulong ko sa nurse.

Nakita ko pang nag-aalaganin siyang sumagot that's why I give her my authoritative aura.

Dahan-dahan siyang umiling bago mahinang nagsalita.

"hindi kaya ng magulang ang terms and condition na binigay ni Doc. Manuel lalo na sa cost ng operation." she said at binigay sa akin ang papel na hawak niya.

"yan yung copy na binigay sa akin ni Doc. Baka sakali raw makapag-isip sila na pumayag ay pirmahan na lang nila tsaka tawagan na lang daw siya kapag."

I read it at maayos naman lahat, mababa rin ang risk ng operation. Ang problema lang ay yung cost talaga ng operation ang mahal and I bet the family can't afford it kaya hanggang ngayon ay hindi parin sila nakakalabas ng ospital at wala rin progress sa bata. But, if hindi na agapan agad at idelay ang operation ay baka wala nang pag-asa pa.

Bumukas ng pintuan ng room at lumabas don ang ginang.

"d-doctor ka rin? Nag o-operate ka rin ba?" tanong ng ginang. Sinilip ko ang bintana ng room at nakita kong kalma naman na natutulog ang bata habang binabantayan siya ng kuya niya.

"opo" sagot ko sa ginang.

"ang bata mo pa para maging isang doctor. Siguro magaling ka kaya mabilis kang nakakuha ng doctor na propesiyon." saad niya.

Ngumiti lang ako sa compliment niya.

"siyempre naman! Alam mo bang siya lang ang pinakabata sa mga doctor dito? Sa edad na 24 she became a fully licensed doctor. At sa loob ng dalawang taon lang, nag undergo siya ng maraming marami na training at experience to become a surgeon. Kaya ngayon, isa na siya sa top surgeon ng hospital. Halos magkapantay na nga sila ni Doc. Manuel." pagyayabang with exaggerated action ni nurse Anna sa mga merits ko dito sa hospital, pero pabulong niyang sinabi ang huling linya, takot na baka may makarinig.

Lumiwanag ang mukha ng ginang at parang nakakita ng pag-asa habang nakatingin sa akin.

"kung ganon mas magaling ka pa kay Doc. Manuel!?" sigaw ng ginang kaya nagulat ako at nag-alala na baka may makarinig na iba. Nasa 40s na kasi si Doc. Manuel at siya ang matagal na dito sa Hospital at laging nasa top na pinakamagaling na doctor. Kaso nga lang, natrigger yata siya nung dumating ako kahit marami rin naman magagaling na pwede niyang kakompetensya. Kaya minsan kahit sa work ay may something foul play na ginagawa siya para angatan ako.

"siyempre naman! Siya rin ang---!" natigil ang pagsabat ng sabat ni nurse Anna nang binigyan ko siya ng nakamamatay na tingin kaya napayuko na lang siya.

Mas lalo akong nagulat nung biglang lumuhod sa harap ko ang ginang at halos yakapin ang mga binti ko at nagmakaawa na iligtas ko ang anak niya.

"tumayo po muna kayo, mam." pinakiusapan ko siyang tumayo muna para pag-usapan ng maayos ang situation.

Sinikap kong hindi sila bigyan ng 100% na assurance kasi doctor lang ako rito at wala akong control sa mga desisyon ng director ng hospital. Tsaka may rules din kaming sinusunod. Kaya kahit gusto ko man kunin ang responsibilidad ay depende pa rin iyon kung papayag si Doc. Manuel na ipasa sa akin ang operation ng bata. Pero ganun nga na may galit siya sa akin, imposible na ibigay niya sa akin iyon, ayaw niyang nalalamangan siya. Kaya kapag successful ang operation, another merit na naman iyon para sa akin kapag. Ang unfair no? Ganon talaga minsan dito sa Hospital na napasukan ko.

I instructed the mother not to tell Doc. Manuel ang gusto niyang ako ang mag operate sa anak niya. Yes, may karapatan silang mamili kung sino ang surgeon na mag o-operate, kaso may kontrata na silang pinermahan na si Doc. Manuel ang pinili nila. And terminating the contract is another financial problem for them. Kaya sinabi ko na lang sa kanya na ituloy ang contrata. I believe in Doc. Manuel skills but medyo kwan nga lang sa personality. Alam ko naman na hindi niya hahayaang mafailed ang operation niya sa bata kasi masisira ang propesiyon niya. Ang problema lang sa kanya ay medyo may pagka greedy siya.

The only thing can help for the family is financial support. Hindi naman ako mayaman porket doctor na. Hindi tulad ng mga character sa story na kapag doctor yung bida ay mayaman na. Siyempre nag-iipon din kami, may pinagkakagastusan at nagkakautang din. Pero sa akin kasi, mag-isa na lang ako at wala nang pamilya. Kaya naman kahit hindi ko sila kaano-ano ay hindi naman masama na ibigay muna sa kanila ang kalahati ng ipon ko. Dibale sa akin dahil makikita ko rin naman ulit ang pera.

Mabilis akong bumangon sa pagkakahiga at tinapos lahat ng routine ko ngayon araw, habang sinasara ang butones ng blouse ko ay tumawag ang isa sa mga trusted friend ko.

"girl, seryoso ka? Pinag-ipuna mo yun ng ilang taon pambili ng sarili mong mansion, I mean, bahay. Tapos idodonate mo lang sa hindi mo ka ano-ano? Oo nga at gusto mong tumulong, pero marami pa naman ibang paraan sdiyan ah. Huwag mong sabihin na lahat ng pasyente sa ospital niyo ikaw magbabayad lahat sa babayarin nila?" saad niya. Nakaipit na rin sa tenga at balikat ko ang phone.

Binaba ko ang phone s at in-on ang loud speaker para matapos ko ang pagmemake up. Hindi ako papasok ngayon sa hospital. A-attend ako sa batch reunion ng batch namin nung highchool kahit ngayon lang. Dahil nasa city ako ngayon, malayo-layo pa ang babyahe-in ko. Sa prbinsya ako nag-aral ng elem at highschool pero nung college na, dito na sa city dahil dito mas maraming opportunity. Sa province namin, mountainous siya kaya nakakatakot magbyahe mag-isa lalo na kung hindi ka expert sa pagd-drive.

"huwag nang maraming tanong. Ano na? Yung pinagawa ko sayo?" tanong ko sa kanya.

"don't worry, everything is under my control. Na process ko na lahat. And base on my calculation, baka ngayon na receive na ni Doc. Manuel ang pera. And maybe a minutes from now, sisimulan na ang operation."

"are you sure he won't doubt na galing sakin yun?" paninigurado ko sa kanya.

In-assure naman niya na hindi. Kaya nang tinignan ko ang oras ay nagmadali ako dahil malayo-layo pa ang pupuntahan ko.

Dumeretso ako sa parking lot ng condo at sumakay sa aking makintab na pulang sasakyan. Siyempre brand new ito, pinag-ipunan ko ito ng ilang taon. Tsaka kung bibili man ako ng gamit, gusto ko yung tumatagal talaga. Kaya kung kaya ko naman bumili ng brand new ba't pa ako mag s-settle sa second hand.

Nakalabas na akong ng city dahil halata na sa mga mapunong gilid ng daan at hindi na ganon kalawak ang highway. Habang nagmamaneho ay nakakaramdam ako ng kaba dahil pataas na ng pataas ang daanan. Makipot na rin at sa gilid ay malalalim na bangin. Nasa bundok na ako kaya kailangan kong mag-ingat. Yung ibang pa ay walang mga roadside barrier kaya matatanaw mo ang kalaliman ng bangin.

Pataas na ako sa isang curve part ng highway. Eto yung part na maraming naaksidente dahil blind curve at masyado pang mataas ay kaya mahirap kontrolin ang sasakyan.

Nanlamig ang buong kamay ko at mahigpit na hinawakan ang manibela dahil sa hindi inaasahan na may makakasalubong akong malaking truck. Dahil two way lang daan ay kailangan kong magbigay ng space. Ang problema ay ako yung nasa kanan, sa malapit sa bangin. Isa pang nagpalakas ng kaba ko ay ang malakas at mahabang busina ng truck. Nakalusot naman ako kaya napabuga ako ng hangin.

Ngunit hindi pa pala iyon ang tamang oras para magpakampante. Dahil nung huling tinapakan ko ang preno ay napansin kong hindi na kumagat iyon. Ilang beses kong sinubukan dahil maayos naman kanina. Doon na ako nawalan ng pag-asa at pumikit na lang nang maramdaman kong papaatras na ang sasakyan ko pababa. At kapag nagtuloy-tuloy pa ay ssa bangin ang bagsak ko.

Hindi na nga napigilan. Halos tatlong beses akong nauntog sa manubela hanggang sa mawalan akong na malay. Huling narinig ko ay ang tunog ng pagbagsak ng sasakyan dito sa lupa. At huling nakita ko ay ang sarili kong dugo bago ako dahan-dahang pumikit kahit gusto ko man dumilat. Who knows if i can still open my eyes if I got it? Kung masisilayan ko pa ba ang araw kapag pumikit ako. Pero kahit anong gawin ko ay hindi na talaga kaya ng aking katawan.

Nagising ako nang makarinig ng ingay. Like there are many people murmuring. No, I think it's an incantation. It's a word that I can't understand.

Dahan-dahan akong bumangon at inilibot ang tingin. I saw unfamiliar faces. Nakapalibot sila sa akin pero nasa mga limang metro ang layo nila. Nakaupo sila sa sahig na nakacross ang paa habang nakapaikit. Parang yung posisyon ni budha. They are murmuring a kind of incantations.

Napansin ko rin na ang kinahihigaan ko ay puno ng mga bulaklak na nakapaligid sa akin. I was surrounded with flowers and my dress is so colorful. It is a gown to be exact. The colors chosen for the gown are rich and majestic, such as deep blues, vibrant greens, and rich reds. This gown feature delicate lace, shimmering gemstones, or ornate patterns that add to its beauty. I was wearing a queen's gown!

Hindi ko pinansin ang mga nakapaligid sa akin dahil mas pinagtuunan ko ng pansin ang paligid. It is an old, abandoned palace, but this room remain untouched. Halatang inalagaan ito. I touched my hair and felt that there is a little crown that made by flowers.

Habang busy ako sa pagtingin sa paligid ay narinig kong nagsalita ang isa sa mga nakapaligid sa akin. Nakapikit pa rin siya.

"hindi ka dapat naririto. Bumalik ka muna sa pinanggalingan mo. Masyado pang maaga." saad niya.

Ako ba kausap niya? Kasi naiintidihan ko na ang mga salita niya. Hindi parin tumitigil ang iba sa pag murmur ng mga salita na diko mainditihan. Itong isa lang ang kinakausap ako.

"i don't understand. A-anong ginagawa niyo? And...who am I?" tanong ko. Yes, hindi ko rin kilala kung sino at anong pangalan ko. Basta na lang akong nagising na walang alam sa identity ko.

Hindi siya nagsalita ulit. At nagpatuloy na sa incantation nila.

Sa kalayuan ay napansin ko ang katulad ng hinihigaan ko rin. May isang nakahiga rin doon, ang kaibahan lang ay hindi katulad ng sa akin na puno ng bulaklak. Masyadong manly at parang napapalibutan ng isang malakas na aura. Habang tinititigan ko iyon ay tumataas ang balahibo ko. Hindi ko alam kung lalaki o babae ba ang nakahiga doon dahil hindi ko kita ang mukha. Ang basehan ko lang ay sa damit niya na eleganteng pula at itim.

Napahawak ko sa ulo ko dahil nakaramdam ako ng pagkahilo. Hanggang sa unti-unting napahiga ulit ako.

"Elder Shan, ba't kailangan niyang bumalik ulit sa earth?" rinig ko ang boses at usapan nila.

"hindi pa ito ng oras na niya rito sa Izacaetopia. Masyado pang magulo ang mundo natin." sagot nung isa na nagsalita kanina.

"pero diba yun nga? Babalik ang kapayapaan kapag nandito na sila dalawa?"

Mas lalong sumasakit lang ang ulo ko sa pakikinig ng usapan nila na hindi ko naman maintindihan.

"mas lalong magkakagulo kapag napaaga. Hindi ko rin inaasahan ang pagbabalik niya rito agad. She will still need to complete the set 100 years of her tribulations that is equal to 10 years in earth. That is her retribution for the chaos she did. To be forgiven and revived in a good state."

The last conversation I heard until I couldn't endure the pain anymore at tuluyan nang nawalan ng malay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top