Chapter 18: Rowss is Awake


Amaranthe's POV


"Sino kayo?" Unang lumabas sa bibig ni Rowss paggising niya. Napakunot ang noo ko dahil nalilito ako sa pangyayari.





Nagtinginan kami ni Stephanie, hindi ko alam kung anong irereact ko, matatawa ba ako o maiinis.





"Nasaan ako? Sino ba kayo?" Ulit niya.





"Hindi mo maalala? Ako si Amaranthe," pagpapakilala ko.





"Amaranthe sino?" Tanong niya.





Kinabahan na naman ako. Ganito ba ang dapat maging epekto sa pagpapaka-hero mo Rowss? At ngayon, wala ka nang maalala? Ano pa bang kailangan mong mawala ha?






I knew it, isa lang akong burden sa buhay niya. Hindi na sana ito mangyayari kung hindi kami nagkakilala eh, sana sa ibang school nalang ako nag-aaral.





"Hindi mo ba talaga kami maalala Rowss?" Tanong ni Stephanie.





Napakamot lang ako ng ulo, trying to figure things out. Masaya na sana ako dahil gumising na siya pero bakit magiging ganito pa?





"Stephanie, tawagin mo ang doctor, sabihin mo gumising na si Rowss pero wala siyang maalala," utos ko.





"S-sige," tugon ni Steph at papalabas na sana ng pinto nang magsalita ulit si Rowss.





"Sinong Amaranthe? Amaranthe ba na girlfriend ko?" Dagdag niya.





Unti-unti akong napalingon sa kaniya. Binigyan niya ako ng ngiti habang nakatitig siya sa akin. At natatawa pa talaga siya sa prank niya.





Tumawa rin si Stephanie nang maintindihan niyang pinaprank lang kami ni Rowss. "Ano ba iyan Rowss pinapakaba mo talaga kami."






"Did you wait too long?" Rowss. He's still looking at me, pero ako naluluha na sa kaniya.





Talagang pinipigilan ko ang sarili kong maiyak sa harapan niya. Sobrang saya ko deep inside na okay na ulit siya. Sa halip napayukom lang ako at agad na binigyan ng suntok ang braso ni Rowss.





"Bwesit ka," react ko sa kaniya.





Pero ngumiti lang siya. "Nag-aalala ka ba babe?"





"I-I'll get the doctor ah, saglit lang," wika ni Stephanie at tuluyan ng lumabas ng room.






Nakatayo pa rin ako sa tabi ni Rowss at tinitigan siya. He then offered his hand to me. "Maaari ko bang mahawakan ang kamay ng babe ko?"






Shet. Nakakagaan nang makita ko ulit ang mga ngiti niya. Ang ngiting Rowss na palaging nangungulit sa akin. I can't explain this weird feeling inside me.





Hindi ko napigilan ang sarili ko na yakapin siya. At doon ako tuluyang umiyak para hindi niya makita. Naalala ko lahat ng sakripisyong ginawa niya para sa akin, gusto ko siyang pasalamatan as well as sermonan pero walang niisang lumabas sa bibig ko.






"Sorry kung pinag-aalala kita, sa totoo lang hindi ko naman inaasahan na mag-aalala ka talaga sa akin eh," wika niya.





"I'm just glad you're okay now," tugon ko.






Nararamdaman kong nakangiti siya ngayon. Dumating naman agad ang doctor kaya umatras na ako para talikuran siya habang pinunasan ko ang mga luha ko.





"Welcome back," bati ng doctor.





Tiningnan na rin ng mga nurse ang kalagayan niya. Nasa sulok lang ako habang nakatingin kay Rowss, katabi ko rin ngayon si Stephanie.





"For now, he needs to regain his strength kaya recommended na mga prutas at gulay na muna ang ipapakain sa kaniya," wika ng doctor.





"Maraming salamat po doc," tugon ko.





Everything is okay now. He's fine now. I'm glad.





Rowss' POV





AROUND 5 AM EARLIER.





Nagising na ako sa napakatagal kong pamamahinga. I regained my conscious pero sobrang tahimik ng lugar. Pagkatingin ko sa digital clock sa itaas mula sa hinihigaan ko, it's 5AM.






Naaalala ko na nasagasaan ako ng sasakyan. Wow, unang beses kong matamaan ng sasakyan ah, grabe ang sakit pala.






I still feel weak, namamanhid pa ang mga binti ko, hindi ko maigalaw. But I can feel something in my left hand. I saw Amaranthe sleeping next to me while holding my hand.






"Did you miss me?" Bulong ko.





I couldn't wake her up, I don't want to wake her up, I just want to see her sleeping.






Ilang araw na kaya akong nandito? Pero nahihilo pa rin ako. But seeing her beside me is already enough para mabawasbawasan ang pagsasakit ng ulo ko. Gusto ko sanang hawakan ang buhok niya pero hindi ko maigalaw ang kamay ko, nanghihina pa talaga ako.





Hindi ko namalayan na nakatulog ulit ako. Pagkagising ko, naigalaw ko na ang kamay ko, rinig ko rin ang pag-iingay nina Amaranthe at Stephanie. Nakakatuwa talaga silang dalawa.






At nang tuluyan na akong mamulat, sinubukan ko silang pagtripan na para akong nagka-amnesia, ano kayang magiging reaction ni Amaranthe?





"Sino kayo?" Tanong ko.





Nagtitinginan ang dalawa. Tapos ako nagpipigil-tumawa.





"Nasaan ako? Sino ba kayo?" Ulit ko.




"Hindi mo maalala? Ako si Amaranthe," pagpapakilala pa ni Amaranthe. Ang cute niya sobra.




"Amaranthe sino?" Tanong ko ulit.






Para na silang natataranta sa akin. So I decided to stop my prank.





"Sinong Amaranthe? Amaranthe ba na girlfriend ko?" Dagdag ko. Pinipigilan kong tumawa sa reaction nilang dalawa. Tapos binigyan ako ng death-glare ni Amaranthe. But I smiled to her.





"Did you wait too long?" Tanong ko sa kaniya sabay ngiti. Ngiti na nagpapahiwatig na medyo namimiss ko siya. I want to hug her so badly pero baka aabutin pa ako ng isa pang linggo dito dahil baka manapak na naman 'to kaya huwag nalang.





"Bwesit ka," react niya.





Napangiti ulit ako. "Nag-aalala ka ba babe?"





Pero nagulat ako nang bigla niya akong niyakap. My heart almost stopped when she did it. She really hugged me.






Damn kailangan ba talaga akong ma-ospital para magbago ang ihip ng hangin? Hindi ko inaasahan na siya mismo ang yayakap sa akin. This is not like her.





But I feel so beyond happy. I don't know what this means but I am happy.





"Sorry kung pinag-aalala kita, sa totoo lang hindi ko naman inaasahan na mag-aalala ka talaga sa akin eh," wika ko.





"I'm just glad you're okay now," tugon niya.





I am also glad Amaranthe na ikaw ang una kong nakita sa paggising ko. Hindi ko lang talaga matandaan kung paano nagsimula ang pakiramdam na ito, ikaw ang babaeng nais kong alagaan habang-buhay. At iyon ang dahilan kung bakit mas gusto kitang kilalanin. This is not about business anymore, this is already personal.





END OF CHAPTER 18.
ITUTULOY...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top