Chapter 12: Friendship
Amaranthe's POV
Mas inentertain na kami ngayon ng mga saleslady kompara sa unang pasok namin. Habang busy sa pamimili si Stephanie, dinala naman ako ng manager nila sa VIP room kung saan nakadisplay ang designs ng Twistolar Company.
"Bakit parang nawala ang sense of style ng Twistolar ngayon? Paulit-ulit nalang ang designs nila," sabi ko.
"Dinig ko nga po na unti-unti ng mabankrupt ang kompanya nila, hinaharap nila ngayon ang matinding krisis," tugon ng manager.
"Alam mo napakaschismosa mo rin ano?" react ko sa kaniya.
"Pero meron po kaming designs din galing sa Crystal Corp.," dagdag niya.
Dinala niya ako sa kabilang room na kung saan nakalagay ang mga limited edition ng Crystal Corp. I'm so disappointed. These designs were originally from Twistolar eh. Kilala ko na ang designs ng Twistolar at kinopya lang ang mga ito ng Crystal Corp.
"Ito po ang pinakabagong design na ginawa ni Ms. Rosalia Taylor."
Taylor? Crystal Corp.
Aba naman, speaking of--. Now I get it, bankruptcy of Twistolar is a good opportunity for Crystal. Intentional bankruptcy ito dahil may umaagaw sa atensyon ng mga tao. So ito pala ang Crystal Corp. Isa itong napakalaking b*llsh*t.
Biglang nagvibrate ang phone ko. Si Stephanie pala tumawag.
"Pinsan, nasaan ka?" bungad niya.
"Ah nag-CR lang, pabalik na ako riyan," tugon ko.
Agad akong sumulpot sa likuran niya para hindi siya magduda. Isang oras na kami sa tindahan na ito pero dalawang damit lang ang nasa braso niya.
"Hello? Stephanie? Okay ka lang?" Ako.
"Ang dami kasing magaganda kaya nahirapan ako sa pagpili," Steph.
Napafacepalm nalang ako. "Kumuha ka ng mga nagustuhan mo dali, tapos isukat mo at tingnan ko kung anong bagay sa'yo."
Naghintay na naman ako ng 30 minuto para sa muli niyang pagpili. At ngayon may dala na siyang sampung damit, ang iba ay terno at ang iba ay pwedeng pang-mix fashion.
"Sige isukat mo na para matingnan ko," ako.
Isa-isa niyang isinukat at rumampa sa harap ko. Inassist naman siya ng ibang saleslady hanggang sa matapos niyang isukat lahat.
"Sabayan mo ng mga sapatos na iyon," dagdag ko.
"Ano na pinsan? Okay ba?" Steph.
"Gash, maglalaway talaga si Lenz sa'yo niyan," pambobola ko pa.
"So anong napili mo? Para maipacounter na natin," tanong niya.
"Lahat." Ako.
"Eh mas lalo tayong mahihirapan sa pagpili niyan," tugon niya at nakasimangot.
"Then let's just buy them all," tugon ko din. Nanlaki ang mga mata nilang lahat. Sinenyasan ko ang manager nila para kunin lahat ng napili ni Stephanie.
Hinila ako ni Stephanie sa labas ng boutique. "Ame ano ba 'tong pakulo mo ha? Baka mapagalitan ka ni lola niyan," bulong niya.
"Eh ano naman? Nabayaran ko na lahat ng 'yon kaya tanggapin mo nalang, isipin mo nalang na advance birthday gift ko 'to sa'yo," ako.
Bumalik kami sa loob para kunin ang mga nabili namin. Kinalaunan, nanood kami ng movie sa sinehan at naglaro kami ng Arcade pagkatapos nun. Ngayon ko lang ulit naranasan ang ganito, nakalimutan ko na kung anong pakiramdam.
"Salamat Ame ah," wika ni Stephanie.
"Yeah, no prob. So dapat heads up ka na simula bukas," ako.
"How about you? Bakit hindi ka bumili ng ganito?" ipinakita niya ang kaniyang shopping bags.
"Um, wala lang, ayoko lang," ako.
"Balang araw kapag may savings ako, ako na naman ang manglilibre sa'yo, bibilhan din kita ng ganito para mas lalong ma-in love si Rowss sa'yo," dagdag niya.
Napakunot naman ang noo ko. "Bakit nasali si Rowss dito?"
"Ame, you should be proud na may boyfriend ka, at hindi lang siya normal na boyfriend, he is also a celebrity, ang swerte mo nga eh," ani niya.
"Hindi nga talaga kami mag-jowa, napagtripan lang ako ng Rowss na 'yon," ako.
Tumawa siya. "Baka darating ang araw na mamimiss mo siya bigla pag nawala na siya sayo ah."
"Hinding-hindi iyon mangyayari," tugon ko.
"Kung hindi kayo totoong mag-on, bakit hindi ninyo totohanin? Everyone knows na kaya about sa inyo," siya.
"Let's talk of something else nalang ha? Huwag na nating pag-usapan ang lalaking iyon, baka nadapa na 'yon ngayon pero sana nga nadapa iyon HAHA," tugon ko.
Pagkatapos naming mag-arcade, napagpasyahan naming umuwi na kaya papalabas na kami ng mall pero biglang huminto si Stephanie.
"Bakit?" ako.
"Nauuhaw ako bigla, pwede ba ako bumili muna ng maiinom? Traffic din kasi ngayon kaya baka mamamatay na ako sa uhaw bago tayo makakaabot sa subdivision," ani niya.
"O-okay, maghihintay nalang ako sa'yo rito," ako.
"Is that you Amaranthe?" biglang tawag ng babaeng malayo sa amin. Pagkatingin ko, nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Merci, ang dating kaaway ko sa Northern Sector.
Agad akong tumalikod sa kanila.
"Kilala mo sila Ame?" tanong ni Stephanie.
"Ha? No, I don't, bakit naman kami magkakilala eh ngayon pa nga lang ako nakakapag-gala," pagsisinungaling ko pa.
Hindi na naging curious si Steph at pumunta sa pinakamalapit na tindahan ng inumin. Nanatili akong nakatalikod kay Merci at mga kasamahan niya. Bwesit, ano bang ginagawa niya rito sa Southern?
"Si Amaranthe Del Fiorre ba? Hindi naman yata siya yan, look at her clothes, total cheap creep," dinig kong sagot ng isang kasama niya.
"You're right, ano naman gagawin niya rito sa South? This place is a total boredom. Besides, ang pagkakaalam ko, ikinulong siya ng dad niya sa mansion nila," tugon ni Merci.
Umalis na nga kayo, baka iinit na naman ang ulo ko sa inyo! Grrr. Bakit ang liit lang nga ba ng mundo?
"Tara na nga," wika ng isa pang kasamahan nila.
Ang pagkakaalam nila ay nasa bahay lang ako buong taon? WOW HAHA grabe bilib na talaga ako sa'yo dad. Pati ang whereabouts ko ay kontrolado mo na rin. Tingnan nalang natin kung hanggang saan ang makakaya mo kung malalaman ng lahat na inabandon mo ang sarili mong anak dito sa South?
"Actually may ibibigay ako sa'yo Ame," wika ng kakabalik na si Stephanie.
Ibinigay niya sa akin ang isang cup ng fruit juice at may nakadikit sa gilid na isang kwentas. Kwentas na may pendant na letrang A. Si Steph naman ay may kaparehong kwentas ngunit ang pendant niya ay letrang S. Magkasama kami buong hapon pero hindi ko namalayan na bumili pala siya ng ganito.
"Isuot mo, huwag mong tanggalin ha, promise me na hinding hindi mo tatanggalin," wika niya.
END OF CHAPTER 12.
ITUTULOY...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top