Chapter 3
Nagkita na sina Heaven at si Greg sa Love Coffee Shop. Halatang-halata na excited na pumasok si Greg doon, habang si Heaven naman ay nagsusulat sa kanyang laptop habang naghihintay ng order ng kape.
"Oh hello, nice to meet you. I'm Gregory," sabi ni Gregory kay Heaven, kaya nagulat naman ang dalaga sa pagsulpot noong lalaki
"Oh, upo ka muna. I ordered Vanilla Latte for the two of us. Pasensya ka na kung iyon lang inorder ko, I need coffee na kasi right now. Isa pa, hindi na din naman tayo magtatagal," sagot ni Heaven
"Oo naman, okay lang. Tinupad mo naman yung pakikipagkita sa akin kaya okay na ako. Iyon lang naman importante sa akin," sabi ni Gregory
"N-nasaan na nga pala yung ID ko? Thank you nga pala sa pagpulot mo noon. Kung hindi kasi eh baka natapakan na iyon ng kung sinu-sino," sabi ni Heaven
"Oo, dala ko na. Ang bilis mo naman agad, hindi ba pwedeng magkwentuhan muna tayo?," sagot ni Gregory
"Pwede naman, I'm just making sure kung dala mo ang ID ko. Mamaya niyan niloloko mo lang pala ako eh, you know yung mga nasa TV," sabi ni Heaven
Pinatong ni Greg ang kanyang cellphone sa table at kinuha ang kanyang backpack kung saan nandoon ang ID ni Heaven. Binigay niya ito sa dalaga at saka siya nagsalita.
"Sa pogi ko ba namang ito eh lolokohin kita? Hindi no, ako nga yung madalas iwanan ng walang dahilan ng mga babae eh, kaya ito two years na akong single. Nagka-phobia na kasi," sagot ni Greg
Sasagot na sana si Heaven nang biglang dumating ang crew ng Love Coffee Shop, binigay niya ang dalawang small sized cups ng vanilla latte.
"Miss Jan Heaven Badillo, here's your order. Two small sizes of vanilla latte. Enjoy your order Miss Heaven. Kung may kailangan po kayo ay tawagin niyo na lang po ako," sabi ng crew ng coffee shop at nilapag nito ang order sa table saka umalis
Ngumiti naman pabalik si Heaven doon sa crew ng coffee shop na may pangalang Sophia. Although, nakatingin pa din siya sa kanyang laptop dahil sa sinusulat niya.
"So writer ka pala ng isang kilalang company. That's great, alam mo ba sabi nila eh mahirap daw maging writer kasi lahat ng gagawa ay ikaw. Noong una, gusto ko din pero parang mas gusto na kita," sabi ni Greg pagkatapos ay tumawa at humigop ng kape
"Oo, mahirap talaga ang pagiging writer. Character's names, characteristics, plot snd settings. Lahat ay sa iyo, pero nag eedit din ako sa Pink Pages Corp, minsan," sagot ni Heaven habang nakatingin pa din sa laptop niya
"So ano? Forever ka na bang titingin na lang dyan sa laptop mo? Pansinin mo naman ako, please?" sabi ni Greg kay Heaven
"Ano ka ba naman? Busy ako, uubusin ko lang itong vanilla latte ko tapos uuwi na din ako. Alam mo naman, grabe ang traffic. Ulit, thank you sa pagpulot at pagbalik sa akin nitong ID ko," sabi ni Heaven
"Ay, uuwi ka na pala agad. Sayang naman, gusto mo ihatid na kita sa inyo? Pwede naman, may kotse naman ako eh," sabi ni Greg
"Hmm, huwag na. Okay na ako sa pagco-commute. Ayaw ko na makaabala pa ulit sa iyo. Binalik mo na nga itong ID ko eh, huwag mo na kong ihatid," sabi ni Heaven
Habang nag-uusap sina Heaven at Greg ay biglang tumugtog ang kantang Hindi Na Nga by This Band. Hindi napigilan ni Heaven na mapakanta ng kaunti kahit mahina lang sapagkat isa sa mga paborito niyang banda iyon.
"Favorite mo ba ang This Band? Ang ganda pala ng boses mo eh, pwede mong paltan yung vocalist nila," sabi ni Greg kay Heaven
"Oo, isa sila sa mga bandang lagi kong pinapakinggan. Why? Their songs speak about the truth tungkol sa pag-ibig. They all cry for pain," sagot ni Heaven
"Ang mga writer talaga, malalim mag-isip ano? Kaya ayaw ko makinig sa I Belong To the Zoo, This Band at kung ano pang usong banda ngayon eh. Malalim yung sugat nila, masakit masyado. Ay oo nga pala, may bayad iyang pagkuha ng ID mo sa akin ha?" sabi ni Greg kay Heaven kaya napatingin ito sa binata na takang-taka
"Magkano naman? Hindi ko pa sweldo, wala pa kong pera dito. Siguro, next month ko na lang—" hindi na natapos si Heaven sa kanyang sinasabi dahil sumagot agad si Greg sa kanya
"Hindi magkano kundi ano. Tingnan mo na lang—" hindi pa tapos si Greg pero pinutol na siya ni Heaven sa pagsasalita
"Uy, ano iyan ha? Hindi ko naman ibebenta ang kaluluwa ko para lang sa ID ko ano! Sa iyo na iyan, baka bumili na lang ako sa office—"
"Baliw, hindi iyon ang ibigsabihin ko ano! Sa gwapo kong ito, sa tingin mo ay rapist ako? Ang gwapo ko namang rapist!" sabi ni Greg kay Heaven na may halong tampo
"Uy, sorry na ah? Hindi ko naman sinasadya eh. At saka, sabi nila don't talk to strangers kaya inisip ko iyon. Sorry talaga, my bad. Anong magagawa ko para—" hindi na natapos si Heaven dahil may sumigaw na customer sa kabilang table
"Sophia, please naman! Balikan mo na ako, aayusin ko na ang sarili ko. Promise iyan, huwag ka lang bumitaw ng ganoon lang. Huwag mo naman sayangin ang two years! Nagmamakaawa ako sa iyo," sabi noong lalaki
Heaven then realized na yung crew na nagserve sa kanila ni Greg ay ang kausap noong lalaki. Ngayon ay nakaluhod na ang lalaki habang may hawak na tray si Sophia at pabalik na sana doon sa counter, kaso nga pinigilan nitong lalaki.
"Jayvan, please? Umuwi ka na, ilang beses ko na bang sinabi sa iyo na wala na? Ayaw ko na diba, pagod na ako. Sana naging ganyan ka sa akin noong mahal pa kita, kaso hindi mo naman na nakita ang worth ko as your girlfriend," sagot ni Sophia
"Ayaw ko sa iba, I already saw your worth. I'm sorry kung ngayon lang, promise ko naman sa iyo na babawi ako. Just give me one last chance. Kapag pumalpak pa ako dito, break up with me again. Promise, after noon ay hindi na kita aabalahin pa," sabi ni Jayvan
Natulala naman sina Heaven at Greg dahil doon. Naalala tuloy niya si Save, parang si Jayvan din ito. Mga taong hindi makakita ng worth kapag kasama pa nila yung tao tapos kapag hiniwalayan na sila eh saka maghahabol na parang aso. Bakit nga kaya ganoon?
"Yan, yan ang napapala ng mga hindi nakakakita ng worth ng partner nila. Deserve niya lang ang nangyari sa kanya, buti na lang hindi marupok si Sophia kundi patay na naman siya dito sa Jayvan na ito," biglang sabi ni Greg
"Do you think hindi talaga niya deserve ang isa pang chance? Lahat naman nagkakamali di ba? Malay mo, this time eh okay na. This time eh natuto na siya," seryosong sagot ni Heaven
"Iyon na nga ang mali sa pag-iisip ng tao eh, na lahat ng tao ay deserve magkaroon ng second chance. What if yung taong iyon ay one chance taker lang? Yung hindi naniniwala sa second chances," sabi ni Greg
"Tama ka naman, maybe sometimes may mga tao talagang deserve magkaroon ng second chance at meron ding hindi, parang si Save," sabi ni Heaven
Agad na nagtaka si Greg dahil sa sinabi ni Heaven. Kaya hindi niya mapigilan na hindi magtanong kung sino si Save sa buhay ni Heaven.
"Hmm, sino naman si Save aber? Is he related to you?" he asked
"Ah, wala. Si Save ano iyon, character sa bagong story na sinusulat ko ngayon. Saktong-sakto nga ang nangyari kay Sophia at Jayvan, naghahanap kasi ako ng scene na babagay doon sa story ni Save," pagsisinungaling ni Heaven
"Ah ganun ba? Kapag natapos mo na, pabasa ako ah! Parang maganda iyan eh, slice of life. That's from truth, mas gusto ko pa iyang ganyang kwento kaysa yung fairytale na hindi naman totoo. Ang akala tuloy ng mga kabataan ngayon na parang magic ang buhay," sabi ni Greg
"Oh sige na, aalis na ako ah? May aasikasuhin pa kasi ako sa bahay eh, nice to meet you. Salamat ulit sa pagpulot at pagbalik ng ID ko. You saved me a lot, alis na ako bye," sabi ni Heaven habang inaayos niya ang kanyang gamit
Noong nalaman naligpit na niya ang lahat ng kanyang gamit ay umalis na siya sa Love Coffee Shop. Sa totoo lang, umiiwas lang siya sa mga tanong ni Greg sa kanya tungkol kay Save. Naalala na naman kasi niya ang kanyang ex-boyfriend dahil doon sa nangyari kina Jayvan at Sophia. They have the same situation, muntik pa nga siyang maluha dahil iyon ang problemang kinakaharap niya ngayon. Ang pakikipagbalikan ni Save sa kanya.
"Mama, I'm home! Pasensya na po kayo at late akong umuwi ngayon. Kumain na po ba kayo? Haynaku naman, hindi pa ako nakain. Gutom na gutom na ako. Ano pong ulam?" salubong ni Heaven sa kanyang nanay
"Ay, buti naman ay nakauwi ka na. Bakit pala late ka na umuwi, overtime ka ba ngayon sa trabaho mo? Sige, ipaghahain na kita. May niluto akong sweet and sour pork kanina, diba paborito mo iyon?" sabi ng nanay ni Heaven
Agad-agad na pumunta sa dining area si Heaven. Para siyang batang excited na sa pagkain na hinanda ng nanay niya. Isa kasi ang sweet and sour pork sa lagi niyang kinakain noong bata pa siya. Kaya nung tumanda ay iyon pa din ang hinahanap-hanap niya.
"Hindi ako overtime, Mama. Nakipagkita ako doon sa nakapulot ng ID ko. Buti na lang talaga at napulot ito ni Greg," sagot ni Heaven
"Oo nga pala ano, okay naman ba ang taong iyon? Baka mamaya manyakis ah, patay siya sa akin," sagot naman ng nanay ni Heaven
"Ah, okay naman po siyang kausap. Makulit nga lang pero may sense naman ang sinasabi," sagot ni Heaven
Pagka-shower ni Heaven ay agad siyang humiga sa kanyang kama. Nung nakita niyang nakabalandra ang kanyang bag ay inayos niya ito. Nahulog ang kanyang ID at noong pinulot niya ay nagulat siya dahil may nakalagay na papel sa likod nito.
"Will you be my date? Songs Of Your Heart, Saturday @7PM"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top