Chapter 21

After 2 weeks..

Two weeks na ang nakalipas pero hindi pa din nagpaparamdam si Greg kay Heaven o kay Hunter. Ayaw naman niyang kausapin ito dahil sa pride niya, kung ayaw niya edi huwag. 

"Huy, nakatunga-nga ka na naman dyan. Hindi pa rin ba siya nagpaparamdam?" sabi ni Hunter

"Naku, hayaan mo nga iyon. Kung ayaw niyang makipag-usap sa akin edi huwag! Hindi ko naman siya kailangan sa buhay ko eh," sabi ni Heaven, namumula ang ilong nito sa sobrang inis

"Huy, kilala ko ang mukhang iyan. Alam ko ang ma linyang iyan, i-texy mo na para matapos na ang pag-iisip mo sa kanya," sabi ni Hunter

"Ayaw ko nga, sabihin pa noon eh hinahabol ko siya. Kung may balak siyang makipag-usap, siya ang dapat mauna ano," sabi pa ni Heaven

"Eh bakit panay kang tingin sa cellphone mo? Hinihitay mo siyang magparamdam ano?" sabi ni Hunter

"Naku, huwag mo nga akong pansinin. Magtrabaho ka na lang at baka makita pa tayo ni boss. Baka parehas pa tayong mayari kapag nakita niya tayong nagke-kwentuhan lang dito," sagot ni Heaven

Ilang oras pa ang nakakalipas ay bigla namang tumawag ang Mama ni Heaven sa kanya. Napailing na lang siya  noong ma-realize na hindi niya pala na-silent ang kanyang phone. Pinagtitinginan na tuloy siya ng iba pa niyang katrabaho.

"Girl, ano ka ba? Sino ba iyan? Sagutin mo na nga," sabi ni Hunter

"Sorry naman, hindi ko naman alam kung bakit natawag ang nanay ko eh alam naman niyang nasa trabaho ako," sabi ni Heaven at lumabas muna sa office para sagutin ang kanyang Mama

"Hello, Mama. Bakit po kayo napatawag? Nasa trabaho po ako ngayon, pwede po ba iyan mamaya?" sabi ni Heaven

"Naku anak, pasensya ka na. Hindi ko rin alam kung bakit nandito siya pero sabi niya, hihintayin ka niya," sabi ng Mama ni Heaven

"Nino po?" tanong ni Heaven

"Nandito si Greg, anak," sagot ng Mama ni Heaven

Halos isang minuto ding nakatanga si Heaven, paulit-ulit na sinasambit ng kanyang utak ang pangalan ni Greg. Hindi kasi siya makapaniwala na darating pa ang araw na ito kung saan babalik si Greg.

"Anak, ayos ka lang ba? Nandyan ka pa ba?" muling narinig ni Heaven, doon ay bumalik na ang kanyang katinuan

"Ah opo, pasabi na lang po na ako'y huwag na niyang hintayin. Mamaya pa po kasi ang uwi ko dahil ako'y mag-oovertime ngayon sa trabaho," sabi ni Heaven

"Aba, anak. Paano naman ito dito? Anong sasabihin ko? Nakakahiya naman kung hindi mo siputin. Akala ko ba ay ayos kayo nito?" sagot ng Mama ni Heaven

"Ayos naman po kami, sadyang busy lang ngayon. Kung pwede po ay paalisin niyo na sa bahay, sabihin niyo po na saka na lang ulit siya dumalaw kapag day-off ko na," sabi ni Heaven pagkatapos ay pinatay na niya ang kanyang phone

Inis na inis siyang bumalik sa office. Padabog niyang nilagpak ang kanyang phone sa lamesa at saka bumalik ulit sa kanyang desktop. Gulat na gulat naman si Hunter at ang iba pa niyang ka-trabaho kaya nagtanong na si bakla kung ano ang nangyari.

"Girl, bakit daw?" tanong ni Hunter

"Wala, hayaan mo na iyon. Si Greg lang naman iyon eh," sabi ni Heaven

"Ha? Paanong si Greg eh si Mama mo ang kausap mo? Teka, ang gulo ha!" sagot ni Hunter

"Tumawag si Mama dahil nandoon si Greg sa bahay. Ayaw ko naman siyang makita kaya hayaan lang natin na maghintay siya doon," sagot ni Hunter

"Ay grabeng loka-loka ang kaibigan ko! Hindi ko kinakaya ha? Akala ko ba ay hinihintay mong tumawag iyan?" sabi ni Hunter

"Hindi na, hayaan mo siya!" sagot ni Heaven

"Hindi ko hahayaang lumipad iyang utak mo sa kakaisip kung bakit hindi ka kinausap ni Greg, tara na!" sabi ni Hunter

Tumayo siya at kinuha ang bag niya pagkatapos ay hinila si Heaven doon sa upuan nila. Noong una ay pumipiglas pa siya pero dahil mas malakas si Hunter ay hindi niya kinaya.

"Teka lang, kukunin ko muna ang bag ko! Saglit!" sabi ni Heaven pagkatapos ay hinablot niya na ang bag niya kung saan

Bago lumabas totally sa office ay humarap si Hunter sa lahat ng mga ka-trabaho nila at nagsalita.

"Guys, alam kong importante ang trabaho pero kahit ngayon lang ay ibigay na natin ang araw na ito kay Heaven. Lovelife niya ang nakasalalay dito," sabi niya sabay sarado ng pinto

Tumakbo sila papunta sa kotse. Hindi alam ni Heaven ang gagawin. Kinakabahan siya sa pwedeng isagot ni Greg sa kanya kung bakit hindi ito nagparamdam ng mahabang panahon.

"Girl, ano ka na dyan? Tulala? Edi itanong mo nang deretso kung bakit bigla na lang siyang nawala. Ang hirap naman kasi diba? Nanliligaw siya tapos--hindi na natapos ni Hunter ang kanyang sasabihin dahil sumagot agad si Heaven

"Girl, paano kung negative ang isagot niya? Paano kung may iba na siya tapos magpapaalam lang pala siya sa akin," sagot nj Heaven

"Alam mo, hindi naman si Greg ang negative eh kundi ikaw. Huwag mo muna kayang isipin iyan, sa pagkakakilala ko naman kay Greg, hindi ka niya sasaktan ng ganoon na lang," sabi ni Hunter

"Haynaku, bahala ka na nga! Bahala na kung anong mangyari mamaya sa bahay," sabi ni Heaven

"Naku, excited na ako para sa iyo girl! Ito na, pabalik na ang prince charming mo," sagot ni Hunter

"Prince charming ka dyan, hindi nga natin alam kung sasagutin ko pa iyon eh," sabi ni Heaven

"Bakit hindi? Loka-loka ka!" sabi ni Hunter

Ilang minuto pa ay dumating na sila sa bahay. Nakita din nila ang kotse ni Greg kaya sure na silang nandoon ang binata.

"Girl, kumalma ka ah. Tantyahin mo muna kung paano mo tatanungin kung bakit siya nawala, hindi na ako sasama sa iyo at papasok pa ako ulit," sabi ni Hunter

"Ha? Huwag naman, samahan mo ako sa loob," sabi ni Heaven

"Hindi na, nandyan naman si tita sa loob ah," sabi ni Hunter sabay sakay ulit sa kotse niya at umalis na

Naiwan si Heaven doon, kaya paunti-unti ay naglakad siya papasok ng bahay nila. Doon ay nakita niyang naghihintay si Greg sa kanya.

"I'm sorry, Heaven," aniya

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top