PHANTOM 3

Yuhan

Second day, kasama ko si kai dito sa kotse nila dahil dinaanan niya ako sa bahay dahil daw baka malate ako. Nakatingin lang ako sa bintana habang nasa byahe kami.

"Uy yuhan may sasabihin pala ako" biglang sabi ni kai na ikanatingin ko naman.

"Sa tingin mo totoo yung balita sa school natin?" tanong niya at napa isip ako anong balita?

"Huh? bakit ano meron?" tanong ko.

"Check this out" tinignan ko ang news na nasa cellphone niya.

"Fredstone University is Haunted" Napakunot ang noo ko.

Matagal na ang news na yon  at sabi sabi ng mga studiyanteng umalis sa school na yon ay may mga kababalaghan daw na nangyayare sa school na yon lalo na kapag gabi.

"I dont know sabi nila may multo daw sa school at di naman ako naniniwala kasi kong may multo sa school na yan edi sana wala nang nag aaral dun dahil sa takot diba?" sagot ko at tumingin ulit sa bintana nasa highway na pala kami.

"Hay naku sabagay tama ka naman. Anyway  i think may crush na ako sa school" nilingon ko siya.

ito nanaman po tayo sa kaharutan ng lalaking to parang ako lang din!

"The who?" tanong ko.

"Di ko pa kilala kasi nakita ko siya kahapon nag lalaro ng volley ball and damn! ang cutiee niya" kilig na kilig niyang kwento kaya napailing ako.

"Okay is that a boy? or a girl?" tanong ko.

Naninigurado lang

"A boy" sagot niya

"Okaaaay goodluck" sagot ko at biglang pumasok sa isipan ko ang lalaking yon kahapon.

ang daya nun eh! di man lang nagpakilala, edi sana kilala ko siya ngayon! tapos bigla-biglang lumalabas na di manlang napapansin ng iba kung di ako lang.

"Malamang tinititigan mo kasi kaya ikaw lang nakapansin" sabi ng utak ko.

aish!

Tumigil ang kotse dahil nag red ang stop light, nakuha ang atensyon ko ng isang matandang nag bebenta ng sampaguita kaya kinuha ko ang bag ko at kumuha ng barya wallet.

binaba ko ang salamin ng bintana.

"Ginagawa mo?" di ko pinansin si kai.

"Nay magkano po isa?" tanong ko

"Sampu lang hijo"

"Ay sige pabili po ng dalawa" nakangiti kong sabi at binigyan ko ng dalawang sampu.

"Salamat hijo ah—" napatigil siya sa pagsasalita at tinignan ako ng seryoso.

"Naku hijo mag ingat ka ha?" iniabot niya saakin yon sampaguita na binili ko.

"Bakit po?" nagtataka kong tanong.

"May nakasunod sayo hijo di ko alam kong mabait ba o hindi pero mag iingat ka parin dahil may mga taong dadating sa buhay mo na mamahalin at aalagaan ka pero iiwan ka din sa huli" napakunot ako ng noo.

Ano daw?!

umalis na siya at naiwan akong nakanga-nga.

ang weird ah.

Napatingin ako kay kai na tawa ng tawa.

"Punyeta ka!" singhal ko. Ibinigay ko yung sampaguita sa driver ni kai para isabit dun sa harap.

Nakakaloka ah!

Pagkarating namin sa school ay naghiwalay na kami ni kai.

Room 214.

Binuksan ko ang pinto at nakita ko na yung mga kaklase ko.

"Hi!" napatingin ako sa bumati saakin.

She is Lyca kaklase ko.

"Hi!" umupo ako sa tabi niya at nakangiti lang siya saakin.

"May partner ka na? tayo nalang" sabi niya.

"O-okay" sagot ko kaya ngumiti pa siya lalo.

Another day again!

Nasa laboratory kasi kami ngayon at may pa activity kaagad si mayor eh. Hinanap ng mata ko yung lalaki kahapon pero wala siya.

ano kaya yon? kakaumpisa palang ng klase  umaabsent na kaagad?

Mabilis kaming natapos sa practical namin kaya't may 20 minutes free time kami.

Naisipan kong mag banyo dahil nakakaloka yung ginawa namin eh.

Habang nag lalakad ako sa hallway ay walang masyadong studinyante tahimik akong naglalakad ng mapadaan ako sa isang room na nakapatay ang ilaw.

i dont know pero ang weird lang kasi parang may something kaya't tumigil ako.

anong meron sa room na to?

hahawakan ko na sana ang door knob ng biglang.

"What are you doing?"

"Ay palaka! shit!" napahawak ako sa dib-dib ko at nilingon ko ang walang hiyang gumulat saakin.

Napataas ang kilay ko sa lalaking naka tayo sa harapan ko at sa tingin ko di siya tiga rito sa building na to.

"Anong binabalak mo ha?" natatawa niyang tanong saakin at sa tingin ko ay nasa senior year na tong lalaki na to.

"W-wala ang weird lang kasi bakit walang tao sa room na to" sagot ko.

tumango-tango naman siya.

"I think wag mo nang ituloy na tumingin or pumasok diyan" biglang sabi niya.

napatingin ako ulit sa room atsakanya.

"O-okay pero bakit naman?" tanong ko naman.

"May multo diyan" nanlaki ang mga mata ko kaya't napalayo ako sa pinto.

"Shit! Talaga?!"

"HAHHAHAHAH!! JOKE LANG" napasimanot naman ako.

"Tsk! Ediwow!" at naglakad na.

"Hey wait!" tumigil naman ako at nilingon ko siya.

Napa kamot siya ng ulo niya at tumingin saakin.

"Gusto ko lang sabihin na cute ka!  sige bye!" napanga-nga ako habang tinitingnan ko siyang tumatakbo papalayo.

ano daw?

"SAY WHAT?! IKAW CUTE?" napairap naman ako sa sinabi ni kai.

punyeta naman oh! ayan tuloy lahat ng tao dito sa Mcdo napatingin saamin.

"Ang ingay mo" saway ko sakanya.

tawang tawa parin ang kumag! ikwenento ko kasi sakanya ang nangyare kanina at tawa lang siya nang tawa.

tsk alam ko namang mukhang tae yong mukha ko.

"Hahahah sige awat na hahahaha!" pinagpatuloy ko lang ang kinakain ko.

Asar eh.

Hapon na at last subject ko na we are here sa room at yong prof namin daming pagawa.

"Omg malapit na mag 5 huhuhu!"

"Shocks ayaw ko talaga abutin ng gabi dito"

Napalingon ako sa usapan ng mga kaklase ko at napatingin ako sa Relo ko at ilang minuto nalang pala mag aalas singko na.

"Okay class answer the questions at ipasa niyo saakin bukas."

parang saglit lang na naubos ang mga kaklase ko.

taray! takot na takot!

tinignan ko ang tanong na nasa notebook ko.

May library ba dito?

Tumunog ang elevator at charan! nasa 3rd floor na ako, hinanap ko ang library at pumasok dito.

Pak! ang laki laki naman ng library dito! excited akong pumasok at nagsimulang maghanap ng librong hihiramin ko, i just find it good na mag library nalang ako kesa mag search sa net.

Tinext ko si Kai na mauna na siya saakin kasi may hihiramin pa ako sa library, medyo unti nalang ang tao dito kaya madaming available na upuan.

Bitbit ang dalawang libro ay naghanap ako ng pwesto,

"Perfect"

Bulong ko ng makaupo ako, nandito ako sa dulo banda sa may bintana, sinimulan ko nang magbasa at wala pa ako sa kalagitnaan ay naramdaman ko ng bumigat ang mga mata ko.

Damn!

Isinarado ko ang libro at naramdaman ko nalang na unti-unti na akong nakatulog.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top