PHANTOM 17

Yuhan

Maaga akong pumasok ngayon dahil kasabay ko si Kai at halos di kami makapasok dahil sobrang daming tao na nagkakagulo sa loob ng campus.

"What the hell is happening again?" tanong ni kai, bigla akong nakaramdam ng kaba.

"Tara tignan natin" nakisiksik kami sa mga tao at napatakip ako ng bibig ng makita ko ang pinagkakaguluhan.

May namatay nanaman at ngayon ay nakalagay na ito sa stretcher at si steven his crying.

no way! don't say ang namatay ay ang boyfriend niya?

Bigla akong nanghina.

"Yuhan are you okay?" tanong ni kai,

"Medyo masama lang ang pakiramdam ko sige na mauna muna ako" sagot ko at umalis sa mga nagkukumpulan na tao humanap ako ng pwedeng maupuan at umupo roon.

Di na talaga maganda ang nangyayare dito sa school na to.

Ibig sabihin yong lalaking naka itim na yon ay killer talaga? nakakatakot paano kong isa sa mga malapit saakin ang isunod niya?

at anong reason niya bakit siya pumapatay?

Napahawak ako sa ulo ko.

"Hey, are you okay?" napaangat ako ng tingin at nakita ko si dustin na naka upo sa tabi ko.

"Yeah natatakot lang ako sa nangyayare dito" sagot ko.

"Its fine anyway may gagawin ka ba ngayon?" tanong niya saakin, umiling lang ako at maya-maya ay nakita ko si steven na kinocomfort ng mga kaklase niya.

"I feel sad for him" naiiyak kong sambit naramdaman ko naman ang paghawak niya sa likod ko.

Pinahid ko ang luha ko.

"Tama ng iyak okay? baka naman mamaya talunin mo pa siya sa pag iyak diyan eh" natatawa niyang sambit.

"Tse! bakit ba? masakit kaya mawalan ng taong minamahal" sagot ko, ewan ko pero ramdam ko ang sakit na nararamdaman ni steven kahit na single naman ako at di ko pa naranasan magkaroon ng jowa.

"I know it's painful but all we need is to accept it di man ganun kadali pero kailangan para maka pag move forward" sagot niya nagtitigan kami.

"Ikaw dustin nainlove ka na din ba?" tanong ko sakanya, tumingin siya sa malayo.

"Siguro? but i don't remember anything about that pero siguro nainlove na ako at sa tao din sigurong kahit kailan di magiging akin" sagot niya, napatingin din ako sa malayo.

"That's sad bakit kasi ang complicated mainlove? kong sino pa yong kahit kailan di mo makukuha ay doon ka pa talaga magkakagusto" sagot ko naman.

"Well that's life, ikaw ba? nainlove ka na ba?" tanong niya saakin.

Huminga ako ng malalim.

"Well in my case mahirap mainlove kasi kahit kailan di ako nagugustuhan ng taong gusto ko" malungkot kong sagot.

"Why?"

"Because im like this, gay" sagot ko.

"Love is love wala sa gender, race at sa hitsura ang love and you? you don't know someone na meron palang taong gusto ka at pinapangarap ka" sagot niya saakin.

"Hays sana nga" sagot ko.

Sasagot pa sana siya ng biglang nag bell kaya't napatayo ako.

"I do have class na see you later" paalam ko kay dustin.

Nakapamulsa lang siya.

"Yeah" sagot niya, umalis ako at kitang-kita ko sa mga nakakasalubong ko ang takot sa mga mukha nila.

Damn this thing should end para naman maging peaceful ang pag aaral namin dito.

Someone's P.O.V

Fuck! nasaan na ba ang notebook na yon? kanina pa ako naiistress dahil dun at di ko alam kong saan ko nailagay damn it! lumabas ako ng office ko at napangiti ako ng makita ko ang hitsura ng mga studiyante they look scared well whatever!

Dumiretso ako sa building na pupuntahan ko and there i saw him crying at kinocomfort siya ng mga kaklase niya.

Awww.. masakit mawalan ng minamahal diba? well you fucking deserves it!

Dumiretso na ako sa room.

Yuhan

"Okay so go to the library and search that" sambit ng prof namin.

"Hayss again?" usal ko at inilagay ang notebook ko at tumayo na, dumiretso ako sa library para mag research ng pinagpagawa ni sir.

nang makarating ako sa library ay naghanap ako ng pwesto, hinanap ko din yong libro na pinapahanap ni maam at bumalik.

Kakaloka bakit ganun? parang normal lang sa school na may namamatay?

napailing nalang ako at binuksan ko ang bag ko nagulat ako ng makita ko yong notebook na nakita ko.

oo nga pala! kinuha ko ito at inilapag sa lamesa.

kanino kaya to?

Dahan-dahan ko itong binuksan at napakunot ako dahil may mantsa na pula ang first page nito.

ang weird at bakit parang dugo?

What?

I flip to the next page at napalunok ako ng may makita akong picture ng babae at baba nakalagay ang pangalan na.

Alexandra.

what? ano kaya to? wala namang ibang nakalagay kundi picture at sa ilalim nito ay pangalan ngunit napakunot ako dahil may mantsa ng pula ang pangalan nito.

I flip to next page at napatakip ako ng bibig ko.

this is not real! picture ni dustin ang nakalagay at nakalagay ang pangalan niya sa ibaba at may bahid ng dugo.

O my god! ano to kanino to?

Bigla akong kinilabutan at may mga picture pa hanggang sa umabot ako sa last page at napatayo ako

dahil nasa last page ang picture ng boyfriend ni Steven at nakalagay na lucas.

Ibig sabihin ito ang listahan ng mga namatay dito sa School?

I quickly closed it ng makita ko si Sir Allison na papalapit.

Napatingin siya saakin at kaagad kong tinago ang notebook.

"Hey what's wrong with you? bakit parang nakakita ka ng multo?" tanong niya.

"Ah eh wala po sir okay lang po ako" sagot ko, napatango naman siya at nilagpasan ako.

Omg! dustin's need to know this!

Kaagad akong lumabas ng library at pumunta sa pwesto ko kanina, nasaan na siya? inikot ko ang paningin ko ngunit wala siya pumunta ako sa abandonadong music room ngunit wala siya.

Nasaan na yon?

"Looking for me?"

"Ay palaka!" sigaw ko at napalingon kay dustin.

"Diba sabi ko wag mo akong gugulatin?" inis kong sambit natawa naman siya.

"Akala ko ba may klase ka?" tanong niya.

"No wala but i have something for you" sagot ko.

"What is it?" tanong niya.

"Well i think this could help you para mahanao na natin ang hustisya na para sayo" inilabas ko ang notebook.

"Look at this" medyo nagulat pa siya ng inilabas ko iyon.

"What?!" sambit niya ng ipinakita ko sakanya ang laman ng notebook.

"Kailangan nating malaman kong kanino to dahil for sure siya ang killer dito sa fredstone" sambit ko, tumingin siya saakin.

"Are you insane?" tanong niya saakin.

"Huh? why? ano ka ba? kailangan ko to para matulungan ka" sambit ko, he let out a deep sigh.

"No yuhan! you're risking your life! paano kong ikaw naman ang patayin ng killer?!" nagulat ako sa sinambit niya.

i thought he would be happy pero bakit parang nagalit pa siya?

"Dustin i just want to-"

"No you can't yuhan! ibigay mo yan sa mga taong may kayang gumawa hindi ikaw" frustrated niyang sambit.

"But-"

"Stop it yuhan for Godsake" napayuko at naramdaman ko ang pang gigilid ng luha ko.

"B-bakit dustin ayaw mo bang tulungan kita?" tanong ko, tumingin siya saakin.

"Why yuhan? Gusto mo na ba akong mawala?" nabigla ako sa tanong niyang iyon.

Base on my research kapag nahanap nang taong nagmumulto ang hustisya para sakanila ay makakatawid na sila sa afterlife at kapag nahanap ko na ang killer at mapabayad sa kasalanan niya..

Ay mawawala si dustin sa mundong ito..

kakayanin ko kaya?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top