/26/ Caught
George Morris' P.O.V.
MALAMIG, lalo na nang hawakan ko yung dalawang bakal na rehas. Bumitaw ako at bumalik sa kalawanging upuan. Sinulyapan ko yung pagkaing nakahain sa katabing lamesa na inuupuan ko, nakalagay sa isang tray ang isang tinapay at isang baso ng tubig, iyon ang magiging tanghalian ko.
Well, ang nangyari ay nangyari na nga sabi nila. Kinuha ko yung tinapay at sinimulang kainin.
I was caught as a 'murderer' and this is my punishment.
Mariah caught me.
Hindi ko maiwasang mailing at mangiti kapag inaalala ko yung mga nangyari kanina...
Naglaho ang ngisi sa labi ni Ireneo nang gantihan ko siya ng matipid na ngiti.
"Morris." Nang biglang may tumawag sa pangalan ko.
Si Mariah.
"Na sa'yo ang ace of hearts." Turo pa niya. "Ikaw yung killer."
She caught me.
Tumitig ako sa mga mata niya.
"Para saan 'to?"
"You'll use that tomorrow. Ikaw ang magiging taya sa laro, Morris."
"Anong laro?"
She was there. She was watching and she heard it all.
"Malalaman mo bukas. You'll have your chance to peek at everyone's past."
"Para saan naman?"
"We're just in the first step. I want all of you to remember the past by staring. And... be ready for this."
Nakita niya kami ni miss na nag-usap kagabi, nagtatago siya habang nakikinig sa usapan namin. Just as I thought, ibang klase ang panghihinala sa amin ni Mariah, she's curious like a cat after all.
Pero ang ipinagtataka ko lang... Kung narinig lahat ni Mariah ng pinag-usapan namin, bakit hindi niya kaagad ako hinuli? At bakit hindi niya sinabi ang alam niya in the first place pa lang?
I had this feeling... I haven't seen her eyes... And I can feel that there is something about her. There is something odd with Mariah... You can see her outside, a gullible jolly carefree girl... But there is really something hidden in her eyes.
"Morris, will you show us your card?" utos ni miss kahit na alam din naman niya na nasa akin nga ang ace of hearts. Titingnan ko pa sana ang mga mata ni Mariah pero naabala ako nito.
I flipped the card and raised it. I lose.
"Very well, Mariah." She praised.
Tumingin ako kay miss, at para bang sinasabi ng mukha niya na 'You failed'. Huminga ako ng malalim. Nasira ang pinakamagandang pagkakataon para tingnan ang bawat nakaraan ng bawat isa.
Tiningnan ko si Jill. She's not fine, she's shaking, nasa tabi niya si Penelope at bumubulong ito ng pag-aalala sa kanya. I'm sorry Jill, alam kong mahirap ang larong 'to para sa'yo, kaya tama na sigurong ihinto na 'to.
Pagkatapos maanunsyo na tapos na ang laro, pinabalik sa loob ang mga nasa labas. Katabi ko pa rin si Lily, may mga sinasabi siya sa'kin pero hindi ko siya pinapansin, huminto lang siya nang magsalita na si miss Karen na nasa gitna ulit ng bilog.
Nang biglang magtaas ng kamay si Ireneo. Tumayo ito.
"I don't get it." Sabi niya, "This game doesn't make sense at all."
"You think?" sagot ni miss tumaas ang isang kilay.
"Yes, I mean, para saan ba 'to? At anong klaseng activity 'tong wink murder? It's senseless." May punto si Ireneo. Sumang ayon sa kanya ang ilan at nagkaroon ng kanya-kanyang violent reactions ang bawat isa.
"Nagmumuka lang kaming tanga na nagtitigan kanina rito to find out who that freaking killer is." Inemphasize niya ang salitang 'freaking' at sumulyap sa'kin. "I'd rather listen to boring discussions than doing these childish activities."
"Oo nga."
"Ang ewan lang."
"Yun na ba yun?"
"Anyare sa recollection natin?"
"Is that so." Tanging nasabi ni miss.
Hindi ko alam kung ano ang naglalaro sa isip ni miss Karen. At kung paano niya gagawin ang pabor ko, may plano siya, nararamdaman ko, pero hindi ko mapredikta kung ano ang mga susunod niyang gagawin.
"Can I ask you something, Ireneo?"
Natigilan si Ireneo tsaka sumagot, "Yes."
Dahan dahang lumapit si miss sa kinaroroonan niya habang nagsasalita, "Ano ang nasa isip mo habang tinitingnan ang bawat isa sa kanila?"
Marahang natawa si Ireneo, nakatutok ang mata naming lahat sa kanilang dalawa ni miss Karen, tila may nabubuong tensyon.
"Ano ang nasa isip ko habang tumitingin sa kanila?" umismid siya, "Iniisip ko kung sino sa kanila yung murderer ng game, at kung paano siya mahuhuli." Sumulyap na naman siya sa'kin.
"Tama ka. Marahil iyan ang nasa isip niyong lahat, kunsino nga ba ang murderer... Pero... Sa pagtingin niyo sa bawat isa... Ireneo, ano naman ang naramdaman mo?"
Hindi nagsalita si Ireneo, nakakunot lang ang noo niya.
"Magkaiba ang gamit ng puso sa utak. Magkaiba ang nasa isip at nasa damdamin." Hindi pa rin makasagot si Ireneo, "Ano ang... nararamdaman niyo habang tinitingnan ang bawat isa... Wala bang sumasagi sa isip nyo kahit ni isa tungkol sa taong iyon..." bumalik sa gitna si miss, pagkatapos naglakad sa loob ng bilog, nakalagay ang dalawang kamay sa likuran, "Alam kong habang tinitingnan nyo ang bawat isa... may mga tanong na pumapasok sa isip nyo...If can you still recognize them... If can you still remember them.... Or... If do you really know them... If do you really know what's inside them..."
Naupo na si Ireneo at hindi na nagsalita pa. Tahimik na ang lahat, walang nagsalita pa sa amin matapos sabihin ni miss Karen yon.
"Wink murder is not just all about finding who the killer is... It's all about remembering too."
Doon nagtapos ang laro. So... that's the purpose of this game... Remembering... I hope everyone feels the same thing...
Miss Karen faced me, "Morris, you lost in this game and you must take the consequences of your actions."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Anong ibig mong sabihin?"
"There's a punishment for you."
At... Iyon na nga ang mga nangyari bago ako dalhin dito. Kinulong nila ko sa isang lugar na medyo malayo sa main house, on the way here is like a tunnel pero hindi siya underground, the tunnel was made from rocks at sa dulo nito ay matatagpuan ang parang lumang bodega, may mga cargos kasi at mga lumang gamit, may isang silid na may rehas na gates, kaya nagmuka tuloy kulungan. Dito nila ko kinulong. I'll stay here until three pm, at kasama sa parusa ko ang pagkain. Two hours na lang ang hihintayin bago nila ako pakawalan.
Mahirap sabihing mababaw ang dahilan ng lahat, nang dahil lang sa sulat kaya nakuhang utuin at kontrolin ni Ireneo ang buong klase. Tingin ko hindi ganoon yon basta. Iba kasi ang impact nang pagkawala ni Lucille.
Lucille was everyone's friend. Siguro naging mahalaga siyang parte ng bawat isa sa amin, lalong lalo na kay Jill.
Nang nawala siya, Ireneo thought of replacing her... in a different way. Hindi ko masabi kung paano nga ba nagsimula ang caste, bigla na lang nagbago noong unang taon sa senior high.
Lalo na ngayong huling taon sa senior high, nagkaroon ng kanya-kanyang personal reasons kung bakit nagpupursige ang lahat para sa top priority nila kung ano ang gagawin pagkatapos ng graduation.
Doon na tila nakalimutan at natabunan ang lahat ng nakaraan...
Nabaon na sa limot ang kahapon, at kumikilos ang lahat na parang walang nangyari at walang nawala
Mas lalo kasing nag-iba nang dumating si Karen Italia.
She and Ireneo have the same sentiments.
"In this country, out of fifty people, only three will be happy."
Ewan ko kung paano naging kumpetisyon ang buhay. At ewan ko rin kung bakit sa bawat limampung tao ay tatlo lang ang magiging masaya. Iyon daw ang buhay sabi ni miss Italia.
Para sa mga katulad ko, sa katulad kong 'iba' o Peculiar, hindi ganoon kadaling maging masaya. Sa sitwasyon ko, na halos buong buhay namin ni ate Georgina na pagtakas, pagtakas sa malupit na realidad. Siguro nga sang-ayon na rin ako sa sentimiento ni miss. Na ganoon ang buhay.
Pero matagal na rin akong nahihiwagaan kung bakit nga ba niya nasabi ang lahat ng yon. Kung bakit iyon ang gusto niyang ipaimpluwensya sa aming lahat.
Pumikit ako at pinilit kong maidlip...
Pero kahit sa panaginip nakikita ko pa rin ang mga nakita ko kanina sa mga mata nila. Ito ang mahirap sa kapangyarihan ko. Hindi ako pinatatakas kahit sa pagtulog. Nagdudugtong dugtong ang mga pangyayari sa isip ko. Parang puzzle na kulang-kulang... na sa panaginip ko ay para itong pirapiraso na unti-unting nabubuo... Pero may mga piraso pa ring kulang... Piraso na kailangan kong mahanap.
Nagising ako sa mga yabag na paparating. Umeecho kasi sa loob ang kahit na anong gawin mong ingay. Kinusot ko ang mga mata ko bago luminaw sa paningin ko ang bulto ng isang tao na nakatayo sa harapan ng 'selda'
"Alas tres na."
"Mariah."
"Alam mo, ikaw na lang ang tumatawag sa'kin sa buo kong pangalan, Morris." Sabi niya habang binubuksan ang lock ng rehas, "Hay. Bakit kasi ako pa yung nautusan ni miss Karen na sumundo sa'yo. Mas malamig pala rito! Tss..." she's acting like nothing happened. Pinanood ko lang siya sa ginagawa niya, "Oh, labas na. Kawawa ka naman dito eh. Wooo... Ang lamig nung bakal!"
"You knew it."
Napahinto siya.
"Ha?"
"Wag ka ng magmaang-maangan, Mariah. Nakita mo kagabi hindi ba?"
Umismid siya, "Hindi ko alam ang sinasabi mo, Morris. Ang weird mo talaga forever. Alam mo lumabas ka na lang ano, o baka gusto mo hilahin pa kita, kajirits ka ha, naistress na ang ganda ko"
Naiinis ako. Naglakad ako papalapit sa kanya.
"Ayan, good, madali ka naman palang kausap eh. Halika na kanina pa sila naghihintay sa--- H-HOY!" bigla ko siyang hinigit sa braso at pinasok sa loob ng selda.
"A-anong trip mo ha! Bitawan mo nga 'ko!" hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at nilapit ko ang muka ko sa kanya, "H-hoy!"
"Shut up!" sigaw ko sa kanya na kinatahimik niya. Wala akong balak na masama sa kanya,gusto ko lang makita kung ano ang nakatago sa mga mata ni Mariah.
I concentrated until her eyes absorbed me to travel the past.
"Hahahahahahahahahahahahahaha." Mga tawa ang bumungad sa'kin.It was dark..
She was blindfolded
"Hey, may alam akong magandang hairstyle, try natin sa'yo." They cut her hair.
"Buhos nyo na lahat!" They soaked her.
"Boom! Three points!"
"Mariah is a certified loser."
They were faceless monsters around her. She couldn't do anything but to cry. Sabi ko na nga ba at tama ang hinala ko tungkol sa nakaraan ni Mariah.
She was an outcast. She doesn't have any friends at school.
And she was a victim... of...
"Tama na..."
"Wag..."
Wala akong ibang marinig kundi hikbi... Pagmakakaawa. Bakit dito pa ako dinala ng nakaraan!
H-hindi ko na kayang makita ang mga mata niya. Hindi ko inaakala na ganito ang makikita ko...
"WAG!!!" tinulak niya ako dahilan para mawala ang lahat ng nakikita ko sa mga mata niya. We're both breathing heavily. Tiningnan ko si Mariah, yakap niya ang sarili...
"A-Ano bang problema mo Morris?!"
Gulat na gulat pa rin ako hanggang ngayon... At the same time... Ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa takot. Nanlalamig ang buo kong katawan pero pumapatak ang pawis ko.
"I..." hindi ko alam kung ano ang sasabihin... "I'm sorry..." hindi ako makatingin sa kanya... "H-hindi ko sinasadya..." nanginginig na rin ang boses ko.
"...you must take the consequences from your actions." Biglang nag-echo sa isip ko ang boses ni miss. Hindi ako naging handa sa mga outcome...
I can feel Mariah's pain... Hindi ko alam ang gagawin. Pero pakiramdam ko tama pa rin ang hinala ko. "Hindi kita maintindihan!" huminga siya ng malalim. "Bumalik na tayo." Lumabas na siya at sumunod ako.
"Ikaw 'yon diba."
Hindi niya ako nilingon, "Pwede Morris wag mo muna 'kong kausapin."
"Ikaw 'yung naglagay ng sulat sa ilalim ng desk ni Lucille!" Si Mariah ang suspect ko noon at hanggang ngayon.
Huminto siya at nilingon na 'ko sa pagkakataong ito, "Anong pinagsasabi mo?! Nababaliw ka na ba talaga Morris?!"
"Sabihin mo! Sabihin mo yung totoo!"
"Tama na, Morris!" parehas kaming napatingin sa pinanggalingan ng sumigaw.
"Jill..."
"Morie!" mabilis na tumakbo si Mariah sa kanya.
"How dare you to say her name!" bakas na bakas ang galit sa mga mata niya. "Mariah had nothing to do with her! Kaya tumigil ka na!"
"You're just running away, Jill." Lumapit ako sa kanya.
"No, I'm not!"
"Then face me! Look at me!"
"Morris ano ba!"
Desperado na kung desperado. Unti-unti akong nilalamon ng sarili ko. Nang may dumapo na isang malakas na sampal sa pisngi ko. It wasn't Jill... or Mariah...
"Come back to your senses, fool."
"M-miss!" Mariah blurted.
"Jill and Mariah, bumalik na kayo sa main house, I'll just deal with this fella." Mabilis na umalis sila Jill. Naiwan kaming dalawa.
"What now?" sabi ko.
"You're going crazy, Morris. Hindi mo na alam kung ano ang ginagawa mo."
"Fine. Tawagin nyo na kong baliw kung baliw."
"If you continue yourself like this walang mangyayari sa'yo. You will be eaten completely by the past and you cannot escape from it forever."
Naisip ko yung sinabi niya. Nawawala na ko sa sarili ko. Tama siya.
"Remember, this is the last chance of what you have been wishing and a single wrong move could ruin it. Think carefully."
"Sorry... I feel sorry for Mariah... Hindi ko naman alam na..."
"Bumalik ka na rin doon."
I silently followed her.Fine... I'll leave everything to you miss.
Napahinto ako sa paglalakad nang matanaw ko silang nakakumpol sa labas ng main house. Nasa likuran ko si miss at pinauna ko siyang maglakad.
"Ano ng ipagagawa mo?" mahinang pagkakasabi ko habang nakabuntot sa likuran niya.
"Later."
Nang makarating kami roon umayos na sila at naghihintay sa susunod na ipagagawa ni miss.
"Dahil ako na ang in-charge sa inyo... Napagpasyahan kong gawing laro ang buong recollection niyo."
Laro? Hindi pa ba laro ang ginawa naming kanina?
"What kind of game this time?" tanong ni Ireneo.
"A survival game."
"Survival?!" the class almost chorused.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top