/12/ Bullied Proof


"Jill Morie the newest rank 40. What a shame."

Well, that blog got updated. Kaya ayun, mabilis na kumalat sa buong school ang pagkakalaglag ko sa rankings. Who cares? Yeah, nag-eexist pa rin yung pesteng blog na yun sa internet, dumadami bawat araw yung views. In fairness updated sa buhay ko yung blogger na yun, ang galing niyang stalker, pwede ko syang bigyan ng award.

Malakas yung pakiramdam ko na malapit lang sa'kin yung taong nasa likod ng blog na yun. At kung sakaling malaman ko kung sino ano naman ang gagawin ko sa kanya? Kumbaga, out of curiosity lang talaga kung bakit gusto kong malaman, tsaka sino ba kasi siya para tawagin akong psychopath? Kaya naman the best way to do is to ignore it.

So, the current issue is about being rank forty. Last Tuesday nung inannounce ni Ireneo na ako yung bagong pangalawang class representative, Thursday na ngayon so it means third day ko na, and guess what, buhay pa naman ako, what I mean is heto bored pa rin. Hindi lang calculus book yung minurder nila, dinamay pati yung English at Physics, ok, bili lang ulit ako ng bago, wala namang problema dahil hindi requirement sa finals ang text book. Tapos, hindi naman ako pinahahawak ni Baldo ng mop tuwing uwian, lagi niya kong pinauuwi, may tinatanaw daw kasi siyang utang sa'kin, Yun lang, nasaan na yung ineexpect ko? Wala pa rin.

Biglang may tumamang nilamukos na papel sa ulo ko.

"Shoot!" tapos tumawa sila. Ah, I forgot, kasama yan sa nangyayari sa'kin, pero dedma lang, magsawa silang mambato, bakit hindi kaya upuan ibato sa'kin? Para masaya. Okay, gawin nating iba ngayon. Liningon ko sila. Si rank seven Ayton na naman, nang-aasar na nakatingin sa'kin. Tumitig ako ng limang segundo sa mga mata niya na katumbas ng ilang fast forward sa future niya.

Pinulot ko yung binato niya sa'kin, tapos tumayo ako at humarap sa kanila.

"Ito na ba yung sinasabi nilang system? Walang kwenta." Tumahimik silang lahat, tumingin sa'kin, "Nambabato ng papel? Ang alam ko sa elementary lang uso to, wala ka bang alam gawin?"

Gusto kong matawa sa reaksyon nila, lalo na si Ayton, namula bigla dahil sa di inaasahan kong pagsagot.

1-0

 Hindi sila sumagot, pumunta ako sa may blackboard para magbura ng lecture sa board, hindi na nila ko kelangang utusan dahil isa to sa "duty" ko. Besides nag-eenjoy akong magbura. Alam ko, nanggagalaiti siya sa likuran, anytime dadampot siya ng libro. Tapos. Ibabato nya sakin. At dahil nga advance ako ng isang segundo, nailagan ko yung ibinato niya habang nakatalikod. Hindi maalis yung ngiti sa labi ko, may advantage din palang magkaroon ng freaking powers na 'to. Dahan-dahan akong lumingon. Reaction nila? Nganga.

Yung iba naastigan, yung iba kinakabahan, yung iba napamura. I'm not trying to act cool okay. Binigyan ko sila ng what's-your-problem-look. Burn!

2-0

Full of intense kaya walang nagtatangkang kumilos o magsalita, kulang na lang hindi sila huminga. Kaya para naman matanggal yung intense, lumabas na lang ako at naglakad papalayo sa lugar na kinaiinisan ko.


*****


Pabalik na ko sa homeroom, hindi ko feel magkulong sa library, naunahan ako ng mga naglalandiang PDA couples, mas lalo lang akong nabadtrip. Anyway, Physics na yung susunod na subject, walang pwedeng idahilan kung bakit ka late or pwedeng magstay ka ng nakatayo sa labas for the whole period.

Pagpasok ko sa loob, lahat sila tahimik, may mga nakayuko. Tanging si Aya lang yung nakatayo malapit sa may bintana. Nakatalikod siya at may hawak-hawak. Then I noticed the blackboard, may nakasulat na tanong doon. A Physics question

 "1.How fast do objects fall? 2. Doesn't a more massive object accelerate at a greater rate than a less massive object?"

"Morie, pwedeng pakisagot yung tanong ?" Lily asked while smiling, biglang nag-init ang ulo ko. What the hell is going on here? Sige, pagbibigyan ko siya.

"Ang isang free-falling object ay may acceleration ng 9.8 meters per second squared. Ibig sabihin, sa bawat isang segundo, yung mga bagay na babagsak ay bibilis by 9.8 dahil sa gravity. Then, the answer to the next question is no, free-fall objects do not encounter air resistance. More massive objects will only fall faster if air resistance is present." 

Pumalakpak si Lily sa sagot ko.

"Eh, gaano mo naman kabilis makukuha yung mga mahuhulog galing dito?" tanong niya ulit.

"Your time starts now."

"Anong-"

Tsaka ko lang naintindihan yung mga nangyayari. Bag ko pala yung hawak ni Aya. Sa isang snap, hinulog niya sa bintana lahat ng laman ng bag ko. Lumabas ulit ako, pwede na kong tawaging walk out queen. Psh.

I hate Physics.

2-1

Let's see who'll win.


*****


Nagskip ako ng klase. Balak ko na ring wag na lang pumasok hanggang sa last period, wala lang, tinatamad ako eh. Okay, naisahan nila ko kanina, pero ayos lang. Bumaba ako sa groundfloor para puntahan yung field na pinagbagsakan ng mga gamit kong nagmistulang confetti kanina.

Dahil siguro sa air presence nagkalat-kalat yung mga gamit ko. Buti naman sinama ring itapon yung bag ko kaya may napaglalagyan ako ng gamit na pinupulot ko ngayon. Si Aya nga pala yung nagtapon, or should I say nautusan nila. I know Aya would not do such things.

"Mahilig ka pala kay Pusheen the cat." From nowhere may nagsalita, pero boses pa lang kilala ko na kung sino yun, ilang araw ko ring hindi naramdaman ang presensya. Buhay pa pala 'tong si Enriquez.  Tumayo ako para agawin sa kanya yung notebook ko na may design na Pusheen.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya habang nakapamulsa, wearing his boyish smile, nakasukbit yung gitara sa balikat, as usual get up ng isang Cloud Enriquez.

"Hindi ba obvious?" I replied while putting my things in my bag.

"Nagkacutting ka no?" hindi ko alam kung sadyang mahina yung common sense ng taong 'to or what.

"Ikaw, hindi ka nagkacutting sa alagay na yan." Sagot ko, tapos ko ng ilagay yung mga gamit ko.

"Nope. May practice kami eh. Hindi mo ba ko namiss?"

"Hindi."

"I miss you too. Haha!"

"Layas."

"Chill! Tutal mainit yang ulo mo, ahh" nagstretching siya sabay akbay sakin, "magpalamig muna tayo."

"Magpalamig kang mag-isa." Siniko ko siya ng malakas.

"Grabe ibang klase kang magmahal Morie, ang brutal." Tumatawa pa siya. May sayad ang lalaking to, walang duda. Akala ko hindi na niya ko titigilan pero buti na lang tinawag siya ng mga kabanda niya.

"Bye, Morie. See yah." Before he left he handed me something. A lollipop.


*****


 5:30 pm

Nasa school pa rin ako. May dapat pa kong gawin. Hindi pa ko pwedeng umuwi. Sa hallway nakasalubong ko si Baldo, may bitbit siyang kahon.

"Ah M-morie."

Napahinto naman ako sa tawag niya. Inabot nya sakin yung kahon. Ano namang gagawin ko rito? "Pwede bang ano, ah, eh, ano." Hindi siya makapagsalita ng maayos. "Ano, ikaw na lang maglagay sa music room niyan. Hehe."

Tumango na lang ako, akala ko naman kung ano na yung sasabihin ni Baldo. Pumunta naman ako sa left wing ng building, nandun kasi yung music room. Pagpasok ko sa loob, tumambad yung grand piano sakin, saglit akong nahipnotismo, pero pinilit kong bumalik sa sarili ko, nandito ko para lang isoli tong kahon na puro music sheets. Matapos kong mailagay yung kahon sa may ibabaw ng cabinet, papalabas na ko. Pero.

Nakalock ang pinto.

Kanina ginamit nila si Aya, ngayon naman si Baldo. This is unforgivable.

2-2. now, we're even.

6:30 pm

Isang oras na rin pala kong nakakulong dito sa madilim na music room. Sinadya nilang sirain yung ilaw. Tanging liwanag lang mula sa labas ng bintana yung nagsisilbing ilaw ko. Siguro nga in-underestimate ko sila because I didn't see this coming, again.

Isang oras na pero wala pa rin akong ginagawa. Nakaupo lang ako sa semento habang pinagmamasdan yung grand piano.

7:00 pm

I'm bulletproof, nothing to lose, fire away, fire away, ricochet, you take your aim, fire away, fire away, Nag-alarm yung cell phone ko.

Hindi ako pwedeng magstay dito. Dahil meron na lang akong 39 minutes na natitira.

 "You shoot me down, but I won't fall, I am titanium you shoot me down, but I won't fall, I am titanium"

I'm going to get the hell out of here.There are only two choices; break the door, or jump out of the window.


*****


7:29 pm

I still have ten minutes left. Hindi pwedeng huminto sa pagtakbo. I'm almost there. Pero pagdating ko sa entrance ng station six, maraming mga tao kaya nahirapan akong makipagsiksikan.

 How did I get out?

 Well, I chose the second option. I know, unimaginable. Buwis buhay eh. Wala akong choice dahil wala akong pwedeng ipangsira sa pinto. But hey, I'm still alive and running. 

Five minutes left.

Hindi ko pa rin mahanap si Yue! Mahirap tumakbo kapag maraming tao at siksikan.

"Yue!" I can't help it but to shout his name. Damn.

Three minutes. I keep on running.

"Yue!"

Two minutes.

One minute.

I stopped to catch my breath. Still, I can't find him. The train was about to move. Shit. Yung nakita ko dati sa mga mata niya―

"Morie." May tumapik sa balikat ko,paglingon ko, nakita ko si..

"Miss Karen." Anong ginagawa niya rito?

May tinuro siya, agad naman akong napatingin doon sa may bench di kalayuan..

"Yue."

 Tumingin ulit ako kay Miss Karen, waiting for her explanation.

 "He was about to jump, but I stopped him," she said, "You're right."

Matapos kong mapakinggan ang paliwanag niya, pinuntahan ko si Yue sa bench, nakayuko ito. Napansin nya yung presensya ko pero hindi nya ko tiningnan. Tumabi ako sa kanya.

"Kasalanan mo 'to." Sabi nya.

Ok, ako pa ang sinisisi niya.

"Kung hindi mo sinadya yung exam, hindi ako mas magmumukang kawawa." Nakita kong nakakuyom yung dalawa niyang palad. "Hindi ko kailangan ng awa mo para iligtas mo ko."

I smirked. "Sinong may sabing naaawa ako sa'yo?"Nakita ko sa peripheral vision ko na napatingin si Yue sa'kin. "At sino namang may sabi na gusto kitang iligtas?"

"H-huh?"

"Iniisip mo ba na ginawa ko 'to para sa'yo?  Tssk. Pwes, mali ka. I didn't do this for you."

 "A-anong ibig mong sabihin?"

"Ginawa ko yun,"tumayo ako,"para sirain ang caste. Sa mundo hindi ganun kabait ang mga tao para tulungan ka. Hindi ganun kabait ang mga tao para huminto at alalayan ka. Hindi ganun kabait ang mga tao para pag-aksayahan ka ng oras."  Dire-diretso akong naglakad,

"Dahil sa mundong 'to, walang ibang pwedeng tumulong sarili mo kundi ikaw lang. Sarili mo lang din ang kakampi mo. Hindi masamang maging mahina, ang masama, yung hindi ka lumalaban."Dahil nakakasawang maging mahina.Tumalon ako sa ibaba ng riles. I'm ready to meet the train.

I'm bullied proof nothing to lose.                

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top