PROLOGUE

Prologue

Paglabas ko ng silid na pinasukan ko kani-kanina lang ay halos di kayang iproseso ng utak ko ang nalaman ko. Oo, alam ko na na noon pa man ay isa na akong bearer. Bumagsak ang mata ko sa tiyan ko na parang walang laman pero may buhay na palang nakakubli doon.

Wala sa sarili kong napahimas doon. Paano ito ngayon? Ano na ang gagawin ko? Hindi ito maaari. Nagsimula nang maunahan ang luha ko sa paglabas kaya mabilis akong pumasok sa isang cr ng ospital at doon ako umiyak. Bat ang tanga-tanga ko? Bakit ganito?

Hindi ko alam kung ilang minuto ako doong umiiyak. Mabuti na lang at walang pumapasok na mga tao upang mag-cr. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko at humarap sa salamin. Bakit kailangang ako pa? Bakit ako pa? Hindi pa ba sapat ang mga pinagdadaanan ko? Mahirap na nga ako tapos ito pa ngayon.

Naalala ko ang sinabi ng obstetrician kanina na bawal akong mais-stress dahil hindi na lang buhay ko ang hawak ko... may ibang buhay na rin akong dinadala.

Lumabas ako sa ospital at nakita ko kaagad ang dalawang lalaki na nakasuot sa kanilang laging uniporme katabi nila ay ang sasakyang sinakyan ko kanina papunta dito.

"Mr. Barromeo ayos lang po ba kayo? Tatawagan ko po ba ang Don?" saad ng isang tauhan ni Tyson o kilala sa tawag na Don.

Agad akong umiling ng marinig ko ang katagang 'Don'. Iniisip ko pa lang ang mukha niya nangangatog na ang mga binti ko. Naiisip ko pa lang ang malalalim, malamig at amatista niyang mata ay pinagkikilabutan na ako.

"Uuwi na po ba tayo?" tanong ng tauhan na kanina ay kumausap sa akin. Matamlay akong ngumiti sa kanya at tumango.

Mabilis niya naman akong pinagbuksan ng pintuan at pinapasok ako doon. Habang nilalakbay namin ang daan pauwi sa mansyon ni Tyson ay panay ang pisil ko sa mga kamay ko. Ang binti ko rin ay hindi ko matigil ang panginginig nito. Kinakabahan ako ng husto.

"Ah... ahmm... n-nakauwi na ba si Tyson?" tanong ko sa kanilang dalawa na nasa harap. Nakita kong nagkatinginan silang dalawa bago binalik ang mata sa daanan. Yumuko ako at pinaglalaruan ang kuko ng daliri ko.  Lagi namang ganito wala namang bago. Pagdating sa akin lahat ng kilos ko halos nga pati pagpasok at labas ko sa cr ay kailangan nilang i-report kay Tyson. Nakakainis iyong ganoon pero wala akong magagawa. Tapos kapag ako nagtatanong tungkol sa mga gawain ni Tyson wala akong nakukuhang sagot sa mga tanong ko.

Hmm! Sino ba naman ako? Isa lang naman akong basura na dinala nila sa mansyon ni Tyson.

"Uuwi si Don mamaya."

Sa sagot ng lalaking nakausap ko kanina ay  napatingin ako sa kanya. Nakita kong papa-alma na iyong lalaki na katabi niya.

"Bakit may sasabihin ka sa Don?" dagdag niyang tanong.

"O... e... oo sana."

Tumango siya. "Sabihin mo sa kanya mamaya."

Tipid ko siyang sinagot ng ngiti.

Nang makarating kami sa mansyon ni Tyson ay pinagbuksan nila ako ng pintuan na noon ay hindi ko talaga gamay pa. Dumating ang gabi at kakatapus ko lang kumain. Nandidito ako sa tabi ng pool. Malamig pero nanatili ako dito. Inaantok na nga ako pero ayaw ko pang matulog ng hindi nasasabi kay Tyson ang nalaman ko kanina.

May narinig akong pagdating ng dalawang sasakyan kaya agad akong tumalima at pumasok sa loob ng mansyon. Tamang-tama na sa pagdating ko sa malaking sala ay nakita ko si Tyson na nakasuot ng puro itim na suit na siyang parang laging suot niya pero hindi dahil may ilang daan siguro siyang pares ng ganoon sa closet niya. Hindi ko na mabilang pa iyon.

"Why aren't you asleep yet?" salubong niya sa akin. Nakita kong pagod siya.

Hindi agad ako nakapagsalita dahil parang inaantok na siya sa pagod

"A-ahmm... pagod ka ba? Gusto mong magpahinga muna." Imbes ay sagot ko sa kanya.

"Answer my question." demand niya. "Say what the fuck it is so that we can rest."

Yumuko ako at kinagat ang labi ko.

"Dang it! Will you fucking say it or not?" iritado niyang tanong.

Binalik ko ang mata ko sa kanya. Umiigting na ang panga niya. Napakadali niya talagang uminit. Napakadaling uminit ng ulo niya.

"P-pwedeng iyong tayong dalawa lang." mahina kong wika.

Napatingin siya sa paligid na punong-puno ng mga tauhan niya na naka-standby sa kani-kanilang post.

"In my library." Inaasahan ko na iyan pero hindi ko alam na parang merong kumirot sa puso ko nang marinig ko iyon. Ni-isang beses hindi ko pa nasilayan ang silid niya nakahiwalay kasi ang kwarto niya at ang walk in closet niya kaya sa walk in closet niya lang ako nakakapasok.

Habang binabaybay namin ang hallway ng second floor patungo sa library niya ay bumalik ang kaba ko kanina. Humataw ang puso ko sa kaba. Gusto ko ng umatras. Gusto ko ng bawiin iyong sinabi ko sa kanya kanina.

"What is it? Spill it now." may awtoridad niyang wika nang makapasok kami sa loob ng library. Hindi gaanong maliwanag dito dahil di niya naman binuksan ng mga ilaw sa ceiling tanging iyong ilaw lang sa bawat sulok nag nagsisilbing ilaw namin. Sinara ko ang pinto at sumunod sa kanya. Umupo siya doon sa upuan  na may mesa rin sa harap niya na gitna at pinakadulong bahagi nitong library niya. Ako naman ay nakatayo lang sa harap niya.

Pinagsiklop ko ang kamay ko sa aking harapan para sana mabawasan iyong panginginig nun at pagpapawis. "P-pumunta ako ng ospital kagaya ng utos mo." paninimula ko.

Pinikit niya ang mata niya at sumandal sa umupuan niya.

Tumango siya. "Then? That's it?"

Napalunok ako. "A-ano... k-kasi T-Tyson..."

"I can't barely understand when you stammer a lot, Cass." pikit matang untas niya.

"K-kasi... Tyson... Tyson b-buntis ako."

Dahil sa sinabi ko ay napa-ahon si Tyson mula sa pagkakahilig niya doon sa upuan niya at bumilog ang mata niya bago ako pinukol ng matatalim niyang titig.

He groaned in annoyance. "Are you kidding me?" Parang natatawa niyang saad pero hindi siya nakangiti. Dahil nagtatagis na naman ang bagang niya.

"T- Tyson..."

"Tell me you're lying!" Sigaw niya sabay hampas ng kamay niya sa mesa.

Umalon ang lampshade na nasa mesa niya iyong lalagyan ng ballpen niya umalog rin tapos iyong mga papel din doon ay lumipad dahil sa lakas ng pagkakahampas niya doon.

Ilang beses akong napalunok dahil sa nakikita kong galit sa mata ni Tyson.

"You. Are. Lying. Right?" may diin at may pagtitimpi niyang wika.

Ang kabang nararamdaman ko ay nadagdagan ng takot... takot kay Tyson dahil alam ko kung ano ang pupwede niyang gawin. Naluluha na ako sa takot at kaba. Gusto kong umupo dahil sa panginginig ng tuhod ko. Nanghihina na ang tuhod ko at malapit nang bumigay.

Dalawang beses kong iniling ang ulo ko. "T-tyson... b-buntis nga ako. Buntis ako."

"How the hell that happened Cassidy!? You are a fucking male species! You're a damn MAN!" Sigaw niya at nagsiliparan ang gamit niya sa mesa sa isang daan ng kamay niya.

Iniwas ko ang mata ko doon sa kanya. Tinakpan ko tenga ko. Ang kawawang lampshade ay kumikidlap na sa sahig. Binalik ko ang tingin ko kay Tyson na ngayon ay nakatayo na at nakatungkod na ang dalawang kamay sa mesa.

Binaba ko ang kamay ko. Pinagsiklop ko iyon. "I... I am a bearer." Nakayukong sagot ko kay Tyson. Narinig ko ang daing niya na parang nasasaktang hayop.

"Darn it!" humampas na naman siya sa mesa.

Nilakasan ko ang loob ko at sinalubong ko ang matatalim niyang titig. Nasasaktan ako sa pinapakita niya ngayon. Nasasaktan ako dahil ganito ang naging reaksyon niya. Alam ko na naman ito pero bakit ganito? Nasasaktan ako. Nasasaktan ako ng sobra-sobra. Konti na lang iiyak na ako.

"Tys-"

"Abort that. Abort the child in your womb." walang pag-aalinlangan niyang sabi sa akin.

Awtomatik na dumapo ang isang kamay ko sa tiyan ko at kasabay nun ang pagtulo ng luha ko. Oo nga't hindi ko ito gusto. Oo nga't hindi ko ito inaasahan... pero... pero wala sa bukabolaryo ko ang ipakuha ang buhay na nasa sinapupunan ko. Hindi! Hindi ito pwede. Abort? Hindi ko kaya iyon!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top