Simula
Simula
"Ladies and Gentlemen, now we're approaching Manila International Airport where the local time is 1:00 pm. At this stage you should be in your seat with your seat-belt firmly, fastened. Personal television screens, footrests and seat tables must be stowed away and all hand luggage stored either in the overhead lockers or under the seat in front. Please ensure all electronic devices including cellphones and laptops are turned off."
Nagising ako dahil sa anunsiyo ng isang flight attendant. Nakakahiya dahil kung hindi pa siguro siya nagsalita ay magtutuloy-tuloy ang tulog ko.
Paglabas pa lang ng airport ay nanibago na ako. Ibang-iba ang init dito kumpara sa init na kinasanayan ko.
Nakasabit sa kaliwang kamay ko ang isang light pink designer handbag habang dire-diretsong naglalakad patungo sa sasakyan na siguro ay kanina pa naghihintay. Nasa likod ko naman ang isang lalaking porter na humihila sa dala kong mga maleta.
Pinagbuksan ako ng pinto ng driver na ipinahatid ni daddy. Hindi pamilyar ang mukha niya, siguro ay napalitan na ang dati naming mga manggagawa.
Pagkaupo ko pa lang sa passenger seat ay tumunog na ang cellphone ko.
"Where are you?" bungad ni mommy sa kabilang linya.
I sighed. "I'm already here."
Narinig ko rin ang malungkot at malalim niyang buntong hininga, "Dumiretso ka sa mansyon, nagpahanda ng kaunting salu-salo ang daddy mo."
"I know mom," maikling tugon ko bago tuluyang ibinaba ang tawag.
It's been 10 long years. I went to America because they want me to pursue a career that I don't even like. Dahil masunuring anak, wala akong ibang nagawa kung hindi ang sumunod, and yes I'm here again to follow their order.
Alam ko na kapag umuwi ako ito ang haharapin ko but I don't have a choice. Sa akin nakasalalay ang ihahain ng daan-daan naming manggagawa sa kanilang mga hapag-kainan. Why would I waste my time and effort protesting about this arrangement if it's already decided.
Katulad ng inaasahan ko, mas lumala pa ang trapiko sa bansang ito. Kahit na malapit lang naman ang Makati sa airport ay inabot kami ng ilang oras sa byahe. Papalubog na tuloy ang araw nang makarating kami
Pagpasok ng sasakyan sa malaki at mataas na entrada ng mansyon ay agad kong binuksan ang bintana upang mas makita ang kabuuan ng lugar na kinalakihan ko. Maraming pagbabago, kung noon ay bata pa ang mga puno na nandito, ngayon ay namumunga na ang mga ito. Marami na ring iba't ibang klase ng halaman, karamihan ay mga namumulaklak. Napalitan na rin ang dati naming fountain na nasa gitna ng rotunda. Mas pinatingkad naman ng mga solar garden lights ang daan patungo sa mismong pintuan ng dalawang palapag naming mansyon.
Nawala ang paglipad ng isip ko nang huminto ang sasakyan. Tanaw ko mula sa loob ang lalaking nakahalukipkip habang nakasandal sa isang haligi. Pinagbuksan ako ng pinto ng driver at agad dinaluhan ang mga maletang nasa compartment.
Niyakap ako ng nag-iisang kapatid na siguro ay nag day-off pa sa trabaho para lang salubungin ang pagdating ko. "I missed you Claud," kahit na nakangisi ay batid ko ang sensiridad sa sinabi niya.
Kumalas ako sa yakap niya saka nagsalita. "The feeling is not mutual kuya," pang-aasar ko na naging dahilan ng pagbusangot niya.
Inakbayan niya ako papasok. Iginala ko ang mga mata ko sa kabuuan ng unang palapag ng aming bahay. Ibang-iba na ang itsura nito ngayon, dati ay masyadong tradisyonal ang disenyo maging ang mga gamit na nandito. Nakikita ko naman ang unti-unting pagbabago tuwing ka-videocall ko sila ngunit iba pa rin pala talaga kapag nasa harap mo na.
Naagaw ang atensyon ko ng dalawang matanda na kasalukuyang pababa sa hagdan. Hindi halata ang edad ni Mommy sa suot niyang royal blue belle dress na may habang lagpas lang ng kaunti sa kanyang tuhod. Makisig namang tingnan si daddy sa suot niyang blue sweater na may pang-ilalim na white shirt, tenernohan niya ito ng slacks at itim na sapatos.
Bakas sa mukha nila ang magkahalong saya at lungkot habang tinatanaw ako mula sa taas.
Lumapit sa akin si Mommy pagkatapos ay mahigpit na yumakap. "Welcome home Claud," aniya.
Kung gaano kahigpit ang yakap ni mommy ay ganoon naman kaluwag ang kay daddy. Ginawaran niya ako ng isang pilit na ngiti bago nagsalita. "I'm glad you're home. Umakyat ka na muna sa kwarto mo para makapagpalit, paparating na sila."
Binalikan ko ng tingin si Mommy at Kuya na ngayon ay nakatungo na. Nagtaas ng tingin sa akin si Mommy at saka malungkot na tumango. Ipinapahiwatig na sundin ko ang sinabi ng ama.
Binuksan ko ang pinto ng kwarto at napansin na halos walang nagbago. Sinunod nila ang ipinagbilin ko. Kung papaano ko iniwan ang mga gamit ay nasa ganoon pa rin ang ayos ng mga ito. Halata namang inalaagaan ito ng maayos dahil wala akong makita ni agiw o alikabok man lang.
Agad kong binuksan ang maletang ini-akyat ng mga katulong sa kwarto at naghanap ng masusuot sa hapunan na ipinahanda ni Daddy. Nakita ko ang isang Black See Through Lace Crochet Long Sleeve, dahil katamtaman lang ang taas ko ay hanggang tuhod ko ito.
"Okay na siguro 'to," sa isip ko.
Pumasok ako sa banyo para makaligo saglit. Pagkalabas ay agad na nagbihis at humarap sa vanity mirror. Nagblower ng bahagya para matuyo ang mahaba at umaalon na buhok. Tiningnan ko ang sariling repleksyon mula sa salamin. Naglagay ako ng kaunting eyeshadow para mas lumitaw sa maliit kong mukha ang bilog na mga mata. Sapat na ang tangos ng ilong ko kaya hindi na kailangang mag noseline pa. Kahit na natural na mapula ang manipis na labi ay nagpahid pa rin ako ng kaunting lipstick.
Nags-spray ako ng pabango noong may kumatok sa pintuan.
"Claud, pwede ba akong pumasok?" boses ni mommy mula sa labas ng pinto.
"Come in"
Umupo siya sa kama na katabi ng vanity mirror. "Are you ready anak?" may bahid ng pag-aalala sa tono niya.
Binalingan ko siya ng tingin. "Mom.... I don't have a choice. Kahit naman sabihin kong hindi ako ready at hindi ko alam kung kailan ako magiging ready, may magbabago ba?"puno ng pait kong daing sa kanya.
Mas lalong nangibabaw ang pag-aalala sa mukha niya.
"I'm sorry anak. Sinubukan kong kausapin ang Daddy mo tungkol sa bagay na ito but he did not listen to me," kitang-kita sa mga mata niya ang labis na kalungkutan.
Malungkot kong pinasadahan ng tingin ang sarili sa salamin bago nagsalita. "I know mom."
"Ma'am Agatha." Mahinang boses mula sa labas na sa tingin ko ay galing sa isa sa mga kasambahay. "Ipinapatawag na po kayo ni Sir."
"Susunod na kami manang," sagot naman ni mommy na ngayon ay nakatitig pa rin sa akin.
"Let's go anak?" anyaya niya.
Kahit labag sa loob ay tumango ako at sumunod patungo sa dining area.
"They are here," bungad ni daddy sa akin na ngayon ay nakaupo na sa kabisera ng lamesa. "Be nice Claudia Amanda," pahabol niya na mas nagpadagdag sa lukot kong mukha.
Sinulyapan ko ang mga nakahain at nakitang halos lahat ng paborito ko ay nandoon. Umupo ako sa katabing upuan ni Kuya, nakapwesto naman sa gilid ni Daddy si Mommy na ngayon ay nakatingin pa rin sa akin.
Tumayo silang lahat kaya napatayo na rin ako. Dumating na ang inaasahang mga bisita. Sapilitan akong ngumiti kahit labag naman sa loob ko.
Isang pamilya na may apat na miyembro ang aming panauhin. Tindig pa lamang ay mababakas na may sinabi sila sa buhay. Pamilyar ang mag-asawa ngunit hindi ko na matandaan kung saan ko sila unang nakita. Kasunod nila ang isang babae na may hanggang balikat na buhok, sa palagay ko ay hindi kami nagkakalayo ng edad.
Napako ang paningin ko sa kasunod nilang lalaki. His sharp and bony jawlines make him look powerful and aggressive. Magulo ng kaunti ang medyo mahaba niyang buhok. Bumagay naman sa diamond shape niyang mukha ang matangos na ilong. Noong nagtama ang mga mata namin ay agad akong nag-iwas ng tingin. Bahagya akong natawa dahil tulad ko ay gusot rin ang ekspresyon sa mukha niya.
Nagkamayan si Daddy at ang matandang lalaki. Bumeso naman kay Mommy ang kasama nitong babae.
"Maupo kayo kumpadre." Iminuwestra ni daddy ang mga bakanteng upuan na nakalaan para sa kanila.
"Long time no see Raymark. Ilang taon rin kaming hindi nakabalik sa Manila dahil naging abala sa mga negosyo namin sa Cebu."
Tumango naman si Daddy bilang pagsang-ayon. "I think it's been 2 years simula noong huli nating pagkikita. By the way this is my daughter," pakilala sa akin ni daddy sa mga bisita.
Pilit akong ngumiti sa kanila at agad na nagpakilala. "It's nice to meet you, my name is Claudia Amanda."
Tumawa nang malakas ang matandang lalaki bago nagsalita. "Nice meeting you hija. I've heard a lot of good things about you. I believe that you're not that familiar to my family, I'm your Tito George and this is your Tita Gwen, my wife," he paused and turn to the lady beside him. "Megan my youngest," agad naman akong ginawaran ng ngiti nito, "and your soon to be h-husband C-Clinton..." kung kanina ay tumatawa ngayon ay seryoso na ang mukha niya.
Gusto kong matawa dahil sa mga huling salitang sinabi niya pero pinigilan ko at napasulyap sa lalaking nasa harap ko. Halata sa mukha niya ang pagkainis sa sitwasyon na kinapapalooban namin ngayon.
Nagsimula na kaming kumain at halos walang ibang nag-uusap kung hindi ang mga matatanda. Umiikot ang kanilang usapan sa negosyo at sa mga isyu na kinaharap ng mga kompanya nila. Paminsan-minsan naman ay sumasagot din kami kapag may ibinabatong katanungan sa amin.
Pagkatapos magsalin ng champagne ay nagsalita si daddy. "I think we need to settle their marriage as soon as possible."
Napatigil ako sa pagnguya at napainom ng tubig.
"You're right," sagot naman ni tito George na kakatapos lang magpunas ng bibig.
"Hon, kakakilala pa lang ng dalawa. Siguro hindi dapat natin madaliin ang mga ganitong bagay," sabat ni Tita Gwen na napahinto sa paghiwa ng steak sa kanyang plato.
"Gwen is right.. Sa palagay ko hindi magiging maayos ang lahat kung masyado nating mamadaliin. They need time to get to know each other," si mommy na hindi na rin napigilan ang sarili.
"Fine, but as much as possible before this summer ends ay kasal na dapat ang dalawa," sabay baling nito sa anak na lalaki ni Tito George.
Napabuntong hininga ako at magsasalita na sana.
"Yes Tito," sagot ng lalaki sa harap ko.
Ngayon ko napagtanto na kapag naging masyadong mabait ka ay aabusuhin ka. Naging mabuti at masunurin akong anak sa mga magulang ko kaya pati sa mga ganitong bagay sila ang nagdedesisyon para sa akin. Ayokong magpakasal lalo na sa taong hindi ko naman kilala. Noong ipinadala ako sa Amerika para mag-aral ng business ay hindi ako sumuway kahit na mahirap, kahit na malungkot, kahit na mag-isa lang ako at natatakot dahil malayo sila sa akin.
Natapos ang hapunan at nagtungo sila Daddy sa study room. Samantalang naiwan naman kaming apat sa sala. Nakaupo ako katabi si Kuya at sa katapat na upuan naman ang dalawa.
"Are you fine with this set-up?" Kung hindi pa magsasalita si Megan ay mapapanis na ang laway naming apat dito.
"I have no other option. Bakit ba kasi wala silang ibang inisip kung hindi ang kompanya at negosyo nila."
"That's how business works," sa baritonong boses ni Clinton na ngayon tutok ang mata sa kanyang cellphone.
Napabaling ako sa gawi niya. "Okay lang sayo?"
Titig lang ang isinagot niya sa akin.
"Wow! Nice talking," sinadya kong lakasan para marinig niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top