Dark World XXV
Dark World XXV
~Metria's POV
Everything wasn't normal. All you have to do was to make the world away from the Dark Revolution and keep your love ones save from it.
Nang makalabas kami sa portal na ginawa ng pinuno ng Aldimoir patungong second dark places na kung tawagin nila ay ang Dobrecan. May pakiramdam ako na malapit na namin makuha ang dapat na makuha namin at magbibigay ng isang konklusyon sa lahat subalit hindi natatapos ang lahat kung ang Dark Lord nananatiling malakas sa kanyang trono. Kung nagawa namin na wakasan ang Life Taker ay posible rin na magawa naming wakasan ang Dark Lord ngunit sa natatatandaan ko, may binanggit sa akin si Grano na si Xana lamang din ang may kayang wakasan ang Dark Lord ngunit ayokong madawit siya sa misyong ito pero mukhang mapapasubok rin siya dahil sa isang misyong kanyang kinahaharap sa lupa.
Gusto ko man siyang tulungan doon pero kailangan namin itong unahin. Ang hanapin si Jester.
"Nandito tayo..." Ani ko. Sinuri ko naman ang paligid. Napapalibutan nang apoy ang kapaligiran. Sobrang init. Sobra sobra pa sa nasusunog na earth mula sa isang solar flare. Nilakad namin ang daan na nagtutungo sa mga kabahayan na matayog namang nakatayo ang mag ito. Gaya ng mga nakaraan lamang na napuntahan naming mga lugar, ang mga nilalang na nandito ngayon ay kasing postura na ng isa tao. Parang ganito lamang 'yan, namatay sila noon at hindi sa langit ang kanilang napuntahan kundi sa mundong ito.
"May kakaiba akong nararamdaman dito, Metria." Ani Grano.
Napatingin naman ako sa kanya na kunot ang noo dahil hindi naman gano'n kakaiba ang nararamdaman ko pwera na lamang sa mainit na paligid dahil isama mo na rin ang apoy na nagliliyab sa paligid ng lugar na ito, gaya ng iba ganito rin ang nangyayari.
"Ano ba 'yon Grano?" takang tanong naman ni Frixon.
"Suriin mo lang ang paligid." Aniya.
Gaya ng sabi ni Grano ay sinuri ko rin naman din ang paligid at napansin ko doon ang mga nilalang na mga nakasilip sa kanilang mga kabahayan. Nang makita ko sila ay agad agad silang nagtatago at napakunot na lamang ang noo ko sa kanila. Ewan ko ba kung bakit o anong nangyayari dito sa paligid ng Dobrecan o sa mga nilalang na ito kaya dapat din naming malaman kung ano man 'yon dahil kailangan namin kumuha ng impormasyon tungkol kay Jester.
"Anong nangyayari sa kanila, hindi naman tayo kampon ng Dark Lord diba?" ani Frixon ng mapansin din ang mga nilalang na kanya-kanyang nagtatago sa paligid. Napataas pa ako ng kilay na mapansin kong sa bawat paligid nga ay merong nagtatago at parang nagmamasid lamang din sa amin.
Napakamot na lang ako ng ulo ko. Kung ano man nangyayari dito siguro may kinalaman na naman ang Dark Lord dito sa pangyayaring ito, hindi naman mangyayari ang ganito kung hindi kakagawan ng isang'yon. Sinubukan pa naming maglakad sa gitna ng daan at sa bawat may makikita akong nagtatago na nilalang ay mabilis na itong nawawala sa kanyang pagkakatago at tuluyang hindi nagpakita.
Pero bago pa kami tuluyang makapaglakad ay may humarang sa aming mga nilalang o mga kawal kung susuriin. Agad kaming napaatras ngunit sa pagatras namin ay may mga kawal din sa aming likod. Agad naman kaming nabahala dahil baka sugurin nila kami ng walang dahilan at baka inisiip nilang kampon kami ng Dark Lord.
Pinigilan ko si Frixon na aakmang susugod sana sa mga kawal na 'yon pero syempre nasa teritoryo nila kami ay kailangan naming maghungus-dili baka kamatayan pa ang abot namin sa kanilang mga kamay.
"Sino kayo?!" Ani ng isang kawal na agad akong tinapatan sa leeg ng isang matulis na armas. Napalunok na lamang ako ng laway sa kanyang ginawa at sinubukang umatras ngunit sinundan niya pa rin ang leeg ko. "Sino kayo! Kampon ba kayo ng Dark Lord?!" sigaw nito sa amin.
"Hindi..." ako na ang nagsalita. "Kaya huminahon kayo, galing kaming Aldimoir at kami'y may hinahanap na kaibigan." Ani ko habang nakataas ang dalawang kamay sa mga kawal.
Agad namang binaba ng kawal ang hawak niyang armas ng sabihin ko ang intensyon naming tatlo. 'Mabuti naman.' Sabi ko sa isip ko dahil mabilis lamang silang napaki-usapan. Nakahinga rin naman ako ng maluwag at napatingin sa dalawa kong kasama.
"Sino ang hinahanap niyo?" ani ng isang kawal.
"Si Jester, ang kaibigan namin." Tugon ko naman sa kanya.
Pero agad na naman nila kaming tinapatan ng kanilang armas ng banggitin ko ang pangalan ni Jester. Nakatutok na naman sa aming mga lee gang matutulig na kanilang mga armas na gawa sa isang kahoy at may matulig na kutsilyo ang dulo nito. Nakapalibot silang lahat sa amin at napapalibutan naman kaming tatlo ng mga matutulis nilang sandata.
"Kampon kayo ng Dark Lord, umalis na kayo sa lugar namin kundi kawasakasan ng pamumuhay niyo dito sa Dark World ang makukuha niyo." Pagbabanta nito sa amin.
Mas lalo akong naguluhan dahil sa kanyang sinabi. Kami? Kampon ng Dark Lord? Napakaimposible naman ng mga sinasabi nila dahil kahit kailanman hinding hindi kami sasapi sa mundo ng Dark Lord at hindi magpapa-alipin sa kanya.
"Nagkakamali kayo, anong pinagsasabin niyo?" naguguluhan ko ng tanong ko sa kanila.
"Hindi kami pwedeng magkamali, ang kaibigang pinagsasabi niyo ay nasa kamay ng Dark Lord."
"Ano? Hindi." Napatingin naman ako sa mga kasama ko at pati na rin silang dalawa ay nakakunot at gulong-gulo na nakatingin sa akin pero inilingan ko na lamang sila at napaikot naman ang tingin ko sa paligid at ang mga tao na kanina lamang ay nagtatago ay mga nasa labas na nang kanilang mga kabahayan at pinapanood nila kaming tatlo na nasa gitna ng mga kawal ng Dobrecan.
"Sumama kayo sa amin, kailangan niyo nang mawala baka sa susunod kayo pa ang gumawa ng kaguluhan sa aming lugar."
Naiiinis ako. Hindi ko maintindihan ang lahat.
Pinasunod nila kaming tatlo sa kanila upang dalhin sa kanilang lugar ng kawakasan subalit may naisip akong ideya. May mga kawal sa aming likod na nakatutok pa rin sa amin ang mga armas nilas ngunit sa harap namin ay mga nakatalikod na sila at sinusundan na lamang namin sila.
Ibinulong ko naman kay Frixon na katabi ko ang gagawin naming pagtakas.
"Lumayo ka sa kanya..." tinaboy naman ako ng isang kawal kay Frixon ngunit bago pa niya maigawa 'yon ay nabulong ko na kay Frixon ang plano at maging siya kay Grano. Kanina lamang ang mga nilalang nandito ay nakatingin lamang sa amin ngunit ngayon nagsisigaw-sigaw na sila na kailangan na kaming wakasan dahil sa akala nila kampon kami ng Dark Lord.
Hindi ko maintindihan kung bakit kaya nasa kamay ng Dark Lord si Jester. Hindi maaari kung gano'n.
"1..." senyales ko sa dalawa kong kasama. "2...3..." pagsigaw ko ng huling bilang ay nagsitakbuhan na kaming tatlo palayo sa mga kawal ngunit mabilis nila kaming hinahabol at hinahagisan ng kanilang mga matatalas na armas pero naiilagan naman namin ang mga 'yon. At nang medyo may kalayuan na kami sa kanila bagama't natatanaw ko pa rin naman sila ay natanaw na rin naman ang portal na magtutuloy diumano sa ika-unang dark places ng Dark World.
Isang armas ang humagip sa balikat ko at ang dumanak ang dugo mula dito. Tinakpan ko ng kamay ko ang sugat na 'yon at nagtatakbo lamang kami ng umilaw ang portal at tuluyan naman kaming kinain ng portal na 'yon. Nagpaikot ikot kaming tatlo at habang nasa loob kami ng portal ay nagbalik tanaw sa akin isipan ang mga nangyari noon.
Ang lahat ng nilalang na naibalik sa mga kanilang dimensyon o sa Dark World ay wala ng kakayahang makapanik pa sa mundo ng mga tao pero kung may tinataglay kang kakaibang lakas o pwersa ay pwede kang maglabas pasok sa loob ng mga portal at isa na nga doon si Jester.
Napabuntong hininga na lamang. Tama nga ang hinala ko noon. May kakakaiba na akong napansin kay Jester pero paanong nasa kamay na siya ng Dark Lord at anong ginagawa niya doon? Jester. Kailangan mong tumiwalag diyan sa kinapupurihan mo. Hindi 'yan ang magliligtas ng mundo natin.
Nang lumabas na kami ng portal ay agad akong dinamba ni Frixon at napatumba na lamang kami sa lupa. "Metria, anong ginagawa mo ngayon? May trap ka siguro 'no at pati kami dinadamay mo sa mga plano mo. Metria, tama ang narinig ko, hawak ng Dark Lord ang kaibigan mong matagal na nating hinahanap. Ano Metria! Niloloko mo ba kami?!" sigaw pa nito sa akin.
Napailing naman ako sa kanya, "Hindi... Frixon..." at nabaling sa gilid ko ang ulo ko at nanlaki ang mata ko ng makita ang nangyayari ngayon. Hindi sa kalayuan ay may isang digmaang nangyayari.
Napatingin din si Frixon at Grano sa bandang kanan namin. Umalis si Frixon sa ibabaw ko at natulala na lamang kami sa nakita namin. Anong nangyayari dito?
~Xana's POV
"Handa na kayo?" tanong ni Asylum sa amin.
Napatango na lamang ako at maging ang ibang kawal na kasama namin ngayon na nagmula pa ng Aldimoir. Ngayon panatag na ako na malalabanan namin ang nilalang na 'yon sa abot ng aming makakaya dahil ang lahat ng ito ay may kawakasan at hindi dapat nananatili.
Gumamit na nang kakaibang lakas si Asylum upang sirain na ang gate ng paaralan. Pasado alas nueve na ng gabi ngayon at sigurado ako ngayon na wala nang maglalakas loob na gumala pa sa ganitong oras. Tuluyan ngang nasira na ang gate ng Impyernong Paaralan at tuluyan na kaming lumusob.
Hindi kami maghihiwalay dahil kung gano'n, pwedeng maging mahina at matalo kami ng gano'n kadali.
Pero papasok pa lamang kami ng main building ng biglang sumulpot sa aming harapan ang nilalang na aming hinahanap. Mas napapalibutan na siya ng itim na aura at ang kanyang mga mata lamang ang aking naaaninag na kasing pula ng isang mansanas ang mga 'yon at hindi mo maipagkakaila na malakas ang isang 'to.
Agad kaming sinugod nito gamit ang lakas niya, napatilapon naman kami sa ginawa niyang 'yon. Hindi siya umaalis sa kanyang pwesto kundi nakatayo lamang siya doon at sinusundan kung nasana na kami. Agad na naman kaming sinugod nito at mabuti na lamang ay nakaiwas na kami.
At nang nakakita naman kami ng pagkakaton na lumusob ay naunang sumugod ang mga kawal at sa hindi inaasahang pangyayari at napalibutan ito ng kulay pulang liwanag at naglaho na lamang na parang usok ang mga ito. Tuluyan na kaming nabawasan at nanghina.
"'Wag kayong susuko, para sa Dark World ang gagawan natin." Ani ng pinunong kawal at hindi akong nagpatalo. Agad akong nakaramdaman ng kakaibang pangyayari sa buong sistema ko at pakiramdam ko gusto ko na patayin ang nilalang na nasa harapan ko. At walang kamintis-mintis ay sinugod ko na ang nilalang na aming puntirya at natamaan ko siya at tumalsik at tumama sa pader ng building.
Tumayo iti gamit ang kanyang tuhod at ng iniangat niyo ang kanyang ulo ay lumabas ang isang pulang mainit na tumama sa pinunong kawal at tuluyan iyong naglaho sa aming paningin.
Natigil ang nilalang na aming kalaban at mayamaya lamang ay may lumabas na portal sa kanyang likuran at dahan dahan naman itong pumasok. Agad naman akong hinigit ni Asylum at nang marating namin 'yon ay biglang nawala ang portal ngunit sa hindi naming mapigilang pagtakbo namin ay muling may lumabas na portal at naramdaman ko na lamang na bumitaw sa kamay ko si Asylum at tuloy tuloy akong hinigop ng portal na 'yon.
Ilang saglit lamang ay iniluwa ako ng portal na 'yon at nakaluhod na ako sa lupa at nang iangat ko ang ulo ko ay may isang mahabang tulay sa pagitan at sa di kalayuan ay mayroong kaguluhan na nangyayari.
"Xana?" napatingin ako sa tumawag ng pangalan ko at nang makita ko si Metria ay agad akong napatayo at niyakap siya ng mahigpit. "Anong ginagawa mo dito?"
"Metria, kinalaban namin ang alagad ng Dark Lord na 'yon ngunit mabilis niyang inubos ang mga kawal na aming kakampi at nang tumuloy sa isang portal ang nilalang na 'yon ay susundan sana namin ngunit ibang portal ang sumulpot at dinala ako dito. Naiwan si Asylum doon. Metria, ano nang gagawin natin?"
Humiwalay si Metria sa pagkakayakap ko sa kanya, "Ang talunin ang Dark Lord ang unang paraan, Xana."
"Ano?" hindi ko makapaniwalang sagot sa kanya.
"Hindi ka maniniwala sa malalaman mo Xana, hindi mo nanaisin ang lahat na malaman." Aniya. At sa boses niyang 'yon ay nakaramdam ako ng matinding kaba.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top