2
3RD PERSON'S P.O.V.
Nagising si Vie nang tumunog ang cellphone niya dahil tumatawag pala ang best friend niyang si Yvonna.
"Hello Yv?" Sambit niya nang sagutin ang tawag ng kaibigan.
"Vie? Where are you? Kanina ka pa namin inaantay? Mag sisimula na yung exhibit." Natatarantang sabi ng kaibigan na ikinakunot ng noo ni Vie. Agad siyang tumingin sa wall clock na nasa kanyang kwarto at napahampas sa kanyang noo nang makitang alas otso na pala ng umaga.
"I'm sorry. Nalimutan kong mag alarm and I forgot about our schedule. Masyado kasing magulo ang isip ko but don't worry hahabol ako." Sabi nito at agad bumangon sa kama para dumiretso sa kanyang closet.
"Okay bilisan mo Vie. Hinahanap ka na ni Sir Wendell."
"Sige na. I'll hung up na." Sambit ni Vie at agad pinatay ang tawag.
Wala na siyang oras para mamili pa ng magandang susuotin kaya isang plain black shirt lang at rip jeans ang kinuha niya bago nag mamadaling pumunta sa CR para maligo.
Wala pang 20 minutes ay tapos na siyang maligo at magbihis. Nag suot lang siya ng puting rubber shoes. Agad niyang kinuha ang camera niya at and isang makapal na notebook.
Isa kasi siyang campus journalist at may seminar na gaganapin ngayon sa isang hall malapit sa school nila. Bilang editor-in-chief ay kailangan niyang mag cover ng buong art exhibit para mai publish sa kanilang school newspaper.
Tumutulo pa ang tubig mula sa buhok ni Vie pero nilagyan niya lang ito ng suklay. Dinampot niya ang kanyang cellphone at ang bag bago isinukbit ang camera at agad nang bumaba para mag paalam sa kanyang ina.
"Mom, good morning." Bati nito at humalik sa pisnge ng kanyang ina.
"Nagmamadali ka ata?" Tanong nito.
"Yes mom. Late na kase ako for the exhibit. Alis na po ako." Paalam nito pero pinigilan siya ng kanyang ina.
"Wait lang anak. Nag prepare ako ng sandwich mag baon ka man lang para maka kain ka sa daan. Just give me 5 minutes kukuha lang ako ng lalagyan." Napangiti si Vie.
Napaka maasikaso talaga ng kanyang ina. Hindi siya hinahayaan nito na umalis ng kanilang bahay ng hindi kumakain.
"Here! Ingat anak! God bless and huwag kalimutang mag dasal." Bilin nito sa anak matapos iabot ang sandwich na ginawa niya.
"Thank you mom. Ingat rin po sa duty niyo mamaya. " Sambit ni Vie at umalis na. Katulad ng naka sanayan ay inihatid siya ng kanyang kinikilalang ama. Ang tatay na kinagisnan niya ay hindi niya tunay na ama sapagkat iniwan daw sila nito noong ipinag bubuntis pa lang siya ng kanyang ina. Gayunpaman, gusto pa ring makita at makilala ni Vie ang kanyang ama upang mayakap ito. Kahit ganoon kase ang nangyare ay mahal pa rin niya ito.
Doctor ang ina ni Vie at isang businessman naman ang kanyang kinikilalang ama.
"Thank you dad! Ingat po." Sambit nito at yumakap sa ama bago bumaba ng kotse nang makarating sila sa hall na pinag dadausan ng exhibit.
***
"Vie? Bakit ngayon ka lang?" Bungad ni Sir Wendell sa kanya. Sanay kasi itong siya ang pinaka maaga lagi sa tuwing mag co cover sila ng isang event.
"Uhmn... Sorry po Sir. Medyo na late po ako ng tulog kagabi saka nalimutan ko pong may exhibit ngayon." Paliwanag ni Vie habang nakayuko.
"Vie, huwag mo sanang masamain ha? Pero these past few days parang wala ka sa sarili mo. Palaging late ang articles mo tapos yung article na chineck mo last time may mga errors pa rin kaya napilitan akong i copy read dahil kailangang mabilisang i-release. Tapos ngayon late ka naman. Kung hindi mo kaya you can tell me para matulungan kita. Sana lang huwag nang maulit ito." Sabi ni Sir Wendell at bakas rin ang pag dududa sa boses nito.
Napansin kase niyang nag simulang maging ganto si Vie nang maging girlfriend ito ni Frainier, ang anak ng principal ng school na kinabibilangan niya. Alam ni Sir Wendell na si Vie ang gumagawa ng ibang projects nito kaya siya na le late mag pasa ng articles. Nung isang beses kasing ichineck ni Sir Wendell ang written report ni Rain ay napansin nitong hand-writting ni Vie ang nasa report nito. Kilala niya ang sulat ng bata dahil editor-in-chief niya ito at lagi itong nag papasa ng handwritten articles sa kanya. Lalo niya pa itong napatunayan nang makita niya si Vie na may inaabot na papers kay Rain. Hindi niya ito sinubukang kumprontahin dahil gusto niya na si Vie mismo ang maka realize ng mali niya pero mukhang mas lumalala na ito ngayon.
"Opo Sir! Medyo magulo lang po talaga ang isip ko kaya nalimutan ko na may event ngayon." Paliwanag ni Vie at tumango na lang si Sir Wendell.
"Oh sige na! Punta na kayo roon and take some pictures tapos alam niyo na yung mga artist na dumating today. Please remind Yvonna na i interview-hin niya si Dark Monteblanco okay? At huwag kamo siyang mag alala kinausap ko na si Dark para roon. Kailangan na lang niya itong lapitan." Bilin ni Sir Wendell sa kanya.
"Opo Sir. Sige po." Sabi nito bago tuluyang pumunta sa gitna ng hall kung saan naka lagay ang iba't ibang artworks.
***
Sa kabilang parte ng hall ay naroon din si Harris. Pinsan niya kase si Dark na focus ng exhibit na ito. Actually he is not into arts pero bilang pag suporta sa pinsan niya ay pumunta siya rito.
Iginala ni Harris ang kanyang mata at nakita niya ang isang babaeng pamilyar na pamilyar sa kanya, si Vie.
'what is she doing here?' yan ang tanong na nabuo sa isipan niya.
Vie is busy taking photos of an artist at syempre yung mga works nito. She is also taking down notes sa mga bagay na pinapaliwanag ng artist na iyon. Matapos nitong makipag usap ay nakipag kamay ito at nagpasalamat. Dahan dahan niya namang ni review ang mga photos na nakuha niya sa kanyang camera.
Hindi alam ni Harris kung ano ang pumasok sa kanyang isipan pero lumapit siya kay Vie na ngayon ay naka focus sa pag ba browse sa kanyang camera.
"Didn't know you're into arts huh?" Panimula nito na naging dahilan ng pag lingon ni Vie sa kanya. Halatang ang gulat sa mga mata nito at dahilan para matawa si Harris sa kanya.
"Uhmn? Hindi naman. Kailangan lang talagang mag cover for a school newspaper. Ikaw? Interested ka pala sa Arts?" Tanong nito at agad nag iwas ng tingin at nag kunwareng may pipicture an sa di kalayuan. Kahit kasi alam niyang mabuti ang kalooban nito ay nahihiya siya dahil nakita siya nitong nag mamakaawa sa isang lalaki kagabi.
"Not really. I'm actually here for my cousin. Siya kase ang isa sa highlights ng exhibit na ito. He asked me kung okay lang na sumama ako today kaya I'm here." Paliwanag nito at tumango naman si Vie.
"Ah ganun pala. Sino pala ang cousin na tinutukoy mo?" Tanong nito habang busy pa rin sa pag kuha ng mga larawan. Naiinis na siya dahil hindi siya maka pag focus at makakuha ng magandang shot. Ramdam niya kase ang mga titig sa kanya ni Harris kaya hindi siya mapakali.
"Dark." Maikling sambit nito. Agad namang napalingon si Vie sa kanya.
"Dark? As in Dark Axele Monteblanco?" Curious na tanong nito and Harris just gave her a nod.
"Wow! He was an amazing painter." Kumento nito.
"He is?" Hindi siguradong tanong nito.
"Oo naman! Napaka ganda ng mga works niya and napaka meaningful. Kitang kita mo sa mga artworks na puno ito ng pag mamahal." Paliwanag ni Vie at napatango na lang si Harris.
"Anong oras ba matatapos ito?" Harris asked.
"I'm not sure pero ang alam ko hanggang 5 pm pa ito." Sagot naman ni Vie.
"So you're staying here 'til 5 pm?" Harris curiously asked.
"Nope. Tapos na ang main event kanina at naka pag salita na si Dark so maya maya lang pwede na akong umuwi since nakakuha na naman ako ng mga facts for an article." Paliwanag nito.
"Kumain ka na ba?"
"Yun nga e. Hindi pa. Sobrang haba kasi ng pila sa kainan kanina. Ikaw ba?" Sabi ni Vie.
"Same. So? Would you mind if I ask you to have a lunch with me?" Harris asked.
"Ayos lang naman sakin. Pero tatawagan ko muna si Yvonna baka kasi hanapin niya ako e." Sabi ni Vie at agad kinapa ang cellphone niya sa bulsa.
"Sige. Take your time." Nakangiting sagot ni Harris.
Agad namang ini-dial ni Vie ang number ng kanyang best friend at agad itong sumagot.
"Hello Yv?"
"Yes Vie? You need something?" Tanong niyo sa kanya sa kabilang linya.
"No. Kakain kasi ako with uh..." Tiningnan niya si Harris na nakatingin naman sa isang painting sa harap nila. "A friend. Kakain lang kami saglit." Nag aalangang dugtong nito.
"Okay lang Vie. Sorry hindi na kita naaya kumain kanina. Nag mamadali kasi ako na kumain dahil may interview pa ako wuth Dark. Actually, in 20 minutes ako na yung sunod na mag i interview sa kanya at kinakabahan ako." Halata sa boses nito na talagang kinakabahan talaga siya dahil napaka tinis na ng boses nito.
"Calm down Yv. You need to focus on that interview. Oh siya! Gutom na ako e. Babye Yv."
"Bye Vie." And the she ended up the call.
Agad itong humarap kay Harris at ngumiti habang ibinabalik sa bulsa ang kanyang cellphone.
"Let's go?" Tanong nito sa binata at tumango lang ito habang sinusundan siya mag lakad
"So, you're my friend now?" Napalingon su Vie sa kanya at namula. Hindi niya alam kung anong sasabihin.
"Uh ..."
"No need to say something. Basta friend mo na ako ngayon. Should I call you beshy?" Harris said while grinning.
"Beshy huh?" Natawa naman si Vie sa sinabi ni Harris at tinaasan ito ng kilay.
"I'm just kidding!" Sabi nito at ginulo ang buhok ni Vie bago naunang mag lakad papalabas ng hall kaya agad siyang sinundan ni Vie.
Hindi maipaliwanag ni Vie ang kanyang nararamdaman. Kakikilala pa lamang niya kay Harris pero napakagaan na ng loob niya rito.
"Where are we going to eat?" Tanong Harris kay Vie nang makalabas na sila ng hall.
"Anywhere? Basta may food?" Sagot nito na nag pangiti kay Harris. Mukhang gutom na nga ito.
"Okay. Sa Chix n' Fries na lang tayo? They serve rice naman?" He suggested while pointing his finger sa isang kaininan sa harap ng event's hall and she just nod at him.
Nang marating nila ang kainan ay agad silang humanap ng bakanteng pwesto at maswerte sila dahil may isang table sa malapit sa veranda na katatapos lang linisin ng isang staff.
Naupo na si Vie at inilapag ang bag niya sa upuan ganon rin ang kanyang camera.
"What do you wanna eat? Rice ba?" Harris asked.
"Nope. I just want some fries." Sagot nito kaya napakunot ang noo ni Harris sa kanya. "I'm not that hungy to eat rice." Dagdag nito at nag kibit balikat.
"Sige o order na ako." Sabi nito at umalis para pumunta sa counter kaya sinundan siya ni Vie.
"Good day Sir. May I have your order?" Tanong ng babae sa counter kay Harris.
"Dalawang order ng fries. And one order ng nachos."
"Share po ba or solo?"
"Share. And for the drinks..." Lumingon ito kay Vie. "Uh? What do you want for drinks?" Tanong nito sa dalaga.
"What would you recommend?" Sagot nito.
"Choco hot fudge?" Patanong na sagot nito.
"Ayos na saken yon." Vie replied.
"You heard her. Large dalawa."
"Sir? Flavor po ng fries?"
"Cheese yung isa and Barbeque for the other."
"Yun lang po ba sir?"
"Pakidagdagan mo ng dalawang order ng chicken."
"May available po kaming hot and spicy chicken Sir? Gusto niyo po ba or plain na lang?"
"Yung isa spicy..." "Parehas hot and spicy." Sabay na sagot ni Vie at Harris.
"Sige po. I'll repeat your order po. 2 solo fries, cheese and barbeque. 1 nachos share. 2 chicken legs? Spicy and 2 Choco hot fudge. Large." Sambit nito at tumango lang ang dalawa.
"480 po sir."
Sabay naman silang nag abot ng bayad kaya tila naguluhan ang babae.
"I'll pay for it Vie. Ako ang nag yakag." Natatawang sabi nito.
"Hindi na, ako na!" Vie insisted pero ang bayad ni Harris ang tinanggap ng babae. Mukhang alam nito ang dapat gawin kaya iyon ang kinuha niya.
"Go back to our table Vie. Aantayin ko lang to." Sabi ni Harris kaya bumalik na lang si Vie sa table nila.
Ilang minuto lang ay bumalik na si Harris bitbit ang isang tray na laman ang mga order nila. Tinulungan naman siya ng dalaga na isa isang ilagay sa table ang pag kain.
Before eating, they prayed pag katapos ay nag simula na silang kumain at mag kwentuhan.
"So? Mahilig ka pala sa maanghang?" Na a amaze na sabi ni Harris. Karamihan kasi sa mga babae ay hindi kumakain ng maangang pero si Vie ay enjoy na enjoy sa spicy chicken na inorder nila.
"Yup. Mas masarap kasi kumain pag may thrill." Matatawang sabi niyo habang nag pupunas ng gilid ng labi niya.
"Mag katulad pala tayo." Natatawang sabi no Harris. "Mukhang mag kaka sundo tayo pag dating sa pagkain ah."
Marami pa silang pinag kwentuhan at tawa rin sila ng tawa dahil sa isa't isa. Kahit papaano ay nalimutan ni Vie ang masakit na nangyare sa kanya dahil kay Harris.
Natigil ang kanilang tawanan nang may isang lalaking tumayo sa kanilang harapan habang may bitbit na tray.
"Excuse me? Pwede bang maki share sa inyo? Wala na kasing bakanteng upuan ee."
***VIE***
Napaangat ang tingin ko sa pamilyar na boses na narinig ko.
"Sir Wendell?" Malamang Vie si Sir Wendell yan. Nag tanong ka pa e obvious naman. Kahit kailan talaga may pag ka baliw ako e.
"Oh Vie ikaw pala yan? Sino naman..." Hindi na natapos ni Sir Wendell ang sasabihin niya ng humarap sa kanya si Harris.
"Hi Tito Wen." Bati nito at ngumiti.
Wait? Tito Wen? Mag kakilala sila?
"Nako bata ka. Pwede na ba akong maupo?" Tanong nito kaya tumango nalang ako. Umupo ito sa tabi ni Harris at tiningnan niya si Harris ng makahulugan.
"Magkakilala pala kayo nitong pamangkin ko?" Baling sa akin ni Sir Wendel na ikinagulat ko. Woah? Mag tito pala sila.
"Ah opo. Friend ko po si Harris." Sagot ko naman at tumango tango si Harris bago nag patuloy sa pag kain kaya kumain na lang rin kami ni Sir Wendell. Mukhang dahil tinawag kong Sir ang tito niya ay alam na niyang estudyante ako nito.
"Harris, naayos ko na yung papers mo. Pwede ka nang pumasok sa monday." Sabi ni Sir kay Harris na ikinapukaw ng atensyon ko.
"Thank you Tito." Pag papasalamat nito at marami pa silang pinag usapang bagay.
Bigla namang tumunog ang cellphone ko at nakita kong tumatawag pala si Yvonna. Nag excuse naman ako para sagutin ang tawag at tumango lang silang dalawa.
"Hello?"
"Vie? May emergency ako. Nalowbatt kase yung cam ko. I need to take some pictures from Dark's gallery kaso pati cellphone ko lowbatt na rin. I need your help." Sabi nito at agad naputol yung tawag. Sinubukan ko siyang tawagan pero unattended na. Mukha ngang na lowbatt na siya.
"Sir? Harris? Okay lang po ba kung mauna na ako sa inyong dalawa. Kailangan po kasi ako ni Yvonna." Paalam ko.
"Bakit anong nangyare?" Tanong ni Sir at napatigil sa pag kain.
"Na lowbatt daw po ang cam niya ee. Kailangan ko po siyang sundan sa gallery ni Dark." Sagot ko at inayos ang gamit ko.
"Alam mo ba kung saan yon?" Tanong ni Harris sakin.
Napakamot naman ako sa ulo ko. Oo nga ang shunga ko. Hindi ko nga pala alam yung gallery kung saan? Siguro naman alam yon ng taxi driver diba?
"Ah...eh"
"Ihahatid na kita roon." Sabi niya at nag ayos na rin ng gamit.
"Hindi na kailangan. Nakakahiya. Sagot mo na food natin tas aabalahin pa kita. Kain ka na lang. I'm sure naman alam ng taxi driver kung saan yon diba?" Sagot ko pero hindi niya ako pinakinggan.
"Hayaan mo na siyang ihatid ka Vie. Mapagkakatiwalaan ang pamangkin ko kaya you don't need to worry." Sabi ni Sir Wendell at ngumiti kaya wala na akong nagawa.
Alam ko namang mapag kakatiwalaan si Harris at may mabuti siyang puso. Kitang kita ko yon lalo na nung pinag tanggol niya ako kagabi.
Nag mamadali kaming lumabas at dumiretso sa parking lot ng event's hall. At doon ko nalaman na hindi pala kotse ang dala niya ngayon kundi motor.
Medyo kinabahan ako. Sanay kase akong umangkas sa motor pero kay dad lang at ngayon lang ako aangkas sa ibang tao. Hindi ko alam kung may pagka byaheng langit ba to si Harris pag nag mo motor o hindi? Pero no choice ako. Yv needs me right now, masasayang ang pinag papaguran niyang article kung hindi siya makakakuha ng shots.
"Let's go?" Tanong nito ng makasakay na kaming dalawa at tumango lang ako.
Agad niyang pinaandar ang motor at boom lumipad na kami charot lang. Parang medyo OA pag ganon pero mabilis talaga siya mag drive kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko.
"Harris?" Tawag ko sa kanya.
"Oh?"
"Gusto kong umuwi ng buhay samin."biro ko pero sa totoo lang hindi talaga yon biro. Oo na, ako na magulo pero gusto ko pa talagang umuwi ng buhay samin.
"Huwag ka mag alala. Makakauwi ka ng buhay. Ambagal bagal naten oh." Sagot nito saka tumawa ng tumawa.
Wow? Mabagal pa to? E ano pa kung mabilis ang takbo namin. Pilit kong pinipigil ang pag hinga ko nang makita ko yung takbo namin ay nag lalaro na sa 70 at 80km/h.
Lord, kayo na po ang bahala po sa akin.
Wala pang 8 minutes ay nakarating na kami sa gallery.
"We're here." Proud na sabi ni Harris at ngali ngali ko siyang batukan. Feeling ko ngayon e nag karoon ako ng isa pang buhay. Tulala ako ng bumaba ay nakita ko sa labas ng gallery si Yv at kahit na gulong gulo ang buhok ko ay patakbo ko siya nilapitan para i abot ang camera ko.
"OMG! Thank you Vie." Sabi nito at agad akong niyakap.
"Oh mamaya mo na ako yakapin mag picture ka na. Mauuna na ako umuwi sayo ha? Sayo muna yang cam." Sabi ko at tumango lang siya habang nakangiti pagkatapos ay nag paalam na siya at patakbong bumalik sa loob ng gallery.
"Thank you Harris." Sabi ko at naglakad na papalapit sa kanya. "Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ko sa kanya.
"Ihahatid na kita." Sabi niya at hindi na ako umangal pa. Masyado na akong pagod para mag hanap pa ng taxi ngayon o di kaya ay mag lakad pa punta sa terminal. Dahil inihatid na niya ako kagabi ay alam ba niya ang daan papunta sa amin.
Agad akong bumaba nang makarating kami sa tapat ng bahay at nag pasalamat sa kanya. Grabe! Dalawang araw pa lang kaming nag kikita pero ang dami ko na agad utang na loob sa kanya.
"You really look beautiful even when your hair us messy." Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung matutuwa ako o mahihiya dahil apaka gulo nga ng buhok ko.
"Bolero." Sabi ko na lang para pigilan ang ngiti sa labi ko.
"Oh siya! Aalis na ako Vie. See you on Monday... Uhmn? Ano bang itatawag ko sayo" Tumigil siya saglet at ngumiti. "Schoolmate." Sabi nito bago pinaandar ang motor niya palayo sa akin.
Ano raw? Schoolmate?
Naalala ko naman yung papers na sinabi ni Sir sa kanya kanina. Uh oh? Does that mean? Magiging schoolmate ko siya?
Napangiti na lang ako at agad pumasok sa bahay. Wala namang tao dito kundi si Nana Andeng kayanag dire diretso ako sa kwarto ko. Agad akong nag palit ng pambahay at nag online.
Rexandrei Monteblanco sent you a friend request.
Napataas ang kilay ko sa notification na nabasa ko kaya agad kong ini stalk ang Rexandrei na ito and I found out na si Harris pala ito dahil sa profile picture niya. Nakasuot ito ng isang plain white shirt at naka short ito habang naka sandal sa pader. Kahit simple lang ito ay napaka gwapo pa rin nito.
Bago ko pa tuluyang mapag pantasyahan itong si Harris ay inaccept ko na lang ang friend request niya at nag out na.
Mukhang araw araw kong makikita si Harris simula sa lunes at hindi ko alwm kung dapat ba akong matuwa o matakot sa katotohanan na yon. Hays! Bahala na nga.
Feeling Author's note:
Hey guys! Whatcha think? HAHAHAHA so ayun. Thank you so much for reading and sorry kase ngayon ko lang na i update tong story. Medyo busy kase mangancer sa ML ang author niyong ito. Sana nagustuhan niyo itong update. Keep on reading. God bless you all.
PS: Sorry for all the typographical and grammatical errors. Please bear with me hihi. Iloveyouall.<3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top