67: Lost City; Steffy's Power
Agad na naglaho ang mabigat na pressure na pinakawalan ng hari para sa kanila.
"Inaakala ba ng mga batang ito na ganito lang kadali ang umalis sa lugar na ito? At bakit hindi man lang ako nilapitan ng isang to?" Sabay tingin ng masama kay Steffy.
"Steffy! Halika dito." Pasigaw na sabi ni Haring Yuji na ikinaigtad ni Steffy ngunit agad ding naglakad palapit.
Pipigilan sana siya ni Aya ngunit umiling si Asana. Na sinasabing hayaan niyang makalapit si Steffy.
Nang makalapit na'y pinitik ng hari ang noo ni Steffy na ikinasimangot nito. Nagulat sila nang bigla na lamang yakapin si Steffy ng Hari.
"Bakit ngayon ka lang dumating? Magpipitong taon na kaming nakakulong dito." Pasigaw na sabi nito pero alam nilang hindi siya galit.
Hindi umimik si Steffy at yumakap din pabalik.
"Patawad po." Mahinang sambit nito na halos hindi nila marinig. "Patawad po kung dahil sa akin nakulong kayo dito."
"Naalala mo na?" Tanong ni Haring Yuji.
Natigilan naman si Sioji malamang si Steffy pala ang dahilan kung bakit nakakulong sila sa lugar na ito.
Her past story....
Ten years ago, isang misteryosong organisasyon ang bigla na lamang umusbong sa Mysteria. Tinatawag itong Dethrin Organization na binubuo ng mga Mysteriang gumagawa ng ipinagbabawal na eksperimento at mga ipinagbabawal na kagawian ng mga Mysteria.
Masyadong malakas ang organisasyon na ito na kahit ang mga Chamnian mula sa invincible clan ay walang magawa. Ang pinaka-target ng kanilang eksperimento ay ang mga may dugong Chamnian at ang mga pinili. At kadalasan sa mga pinili ay mga Chamnian o may dugong Chamnian.
Para hindi makuha ng mga Dethrin maging ng mga Superian ang mga Chosen Ones na galing sa Chamni, naisipan ng mga Chamnian na itago ang mga batang pinili sa mundo ng mga tao. Kaya lang, hindi pa nila alam kung sino-sino sa mga batang Chamnian ang mga nagiging kabilang sa mga pinili.
Sa mga oras na iyon, isang binibini na galing sa kontinente ng Chamni ang piniling Destroyer. Na naging asawa ng prensipe ng Hanaru Clan. Habang ang piniling savior na tinaguriang leader sa lahat ng mga pinili ay galing sa angkan ng mga Superian. Ninais ng mga Mysterian na patayin ang piniling Destroyer dahil pangwasak ang kapangyarihang taglay nito.
Hindi pumapayag ang mga Chamnian dahil wala namang ginawang masama si Kara na dating piniling tagasira at tagapagwakas. Kaya nagkaroon ng di pagkakaunawaan ang bawat kontinente. Ngunit dahil sa hindi kaya ng mga Chamnian ang manakit ng mga kapwa Mysterian, pinili na lamang nilang itago ang kanilang kaharian mula sa mga Mysterian.
Kaya lang, nang isilang ang mga bagong henerasyon ng mga pinili. Nagbago ang tahimik na buhay ng mga Chamnian. Sa bawat panahong may magigising na kakayahan ang mga batang Chamnian na kabilang sa mga pinili, nararamdaman ito ng mga piniling protector at guardian na galing sa ibang kontinente at sa pamamagitan nila, natutunton ang lokasyon ng mga batang pinili. May kakayahan ang mga chosen protector at chosen guardian na mag-teleport sa kinaroroonan ng sinumang mga chosen keeper. Nakatago man ang mga ito sa Chamni o hindi.
Kaya binihag ng mga Mysterian ang mga chosen guardian at chosen protector at kinontrol para matagpuan ang mga iba pang chosen one. At dahil sa kanila, napapasok ng mga Mysterian ang Chamni. Kaya sa bawat panahong nagigising ang mga kapangyarihan ng mga bqtang keeper, ni-si-sealed agad ng mga Chamnian ang kanilang mga kapangyarihan saka ipadala ang mga bata sa ibang lugar malayo sa lugar kung saan nagising ang kanilang kapangyarihan.
Kaya lang, nang magising ang unang kapangyarihan ni Steffy, natanggal ang protective magic barrier na likha ng mga Chamnian sa kanilang kontinente. Sa mga oras na yon, walang ni isa man sa mga Chamnian ang nakakagamit ng kahit isang kapangyarihan o special ability man lang. Kaya sinamantala ng mga Mysterian ang pagkakataon at nilusob ang mga Chamnian gamit ang mga armas at hindi magical weapon dahil walang ni isa man sa mga Mysterian ang makakagamit ng ability at magic sa mga panahong iyon.
Dito, nakuha nila ang Chosen destroyer na bestfriend ng ina ni Steffy. Sumama ang chosen destroyer sa mga Mysterian kapalit non, hindi nila sasaktan ang mga Chamnian.
Sa mga oras na ito, pinadala ang apat na taong batang Steffy, sa mundo ng mga tao para makagawa sila ng magic Artifacts. Hindi nila magagamit ang ability nila hangga't mananatili si Steffy sa kanilang mundo.
Nang makagawa na sila ng magic Artifact na nakakapigil sa kapangyarihan ng isang pinili at pinasuot nila ito kay Steffy. Lahat sila nakakagamit na ng kapangyarihan kahit na nasa malapit lang si Steffy.
Muli nilang ibinalik si Steffy sa Chamni para i-sealed ang kakayahan ngunit bago mangyari yon, nagising ang isa sa kakayahan ng bata. Ang makakakita sa kahit gaano man kalayong lugar. Tumatagos ang paningin sa kahit anong uri ng bagay at nakakapaglakbay na naiiwan ang katawan. Ang pinakamalala, kaya nitong magpasabog ng bagay gamit ang tingin.
Walang kaalam-alam ang mga Chamnian na habang natutulog ang batang Steffy, naglalakbay ang kaluluwa nito sa labas ng Chamni at dito nakita ng batang Steffy kung paano pinatay ng mga Mysterian ang kanyang tita Kara na piniling Destroyer.
Nabalot ng galit ang kanyang puso. Inatake niya ang lahat ng mga Mysterian na nandoon sa lugar na iyon. Walang makakakita sa kanya gamit ang naked eye. Nakikita lamang siya ng mga Mysterian na ginagamit ang seventh sense o ba kaya sa mga soul attacker na katulad niya.
Inatake niya ang kaluluwa ng lahat ng mga Mysteriang natutuwang makitang tumarak sa puso ni Kara ang destruction swords. Hindi lang yon, pagkatapos niyang patayin ang lahat ng mga Mysterian na saksi sa pagkamatay ni Kara, bumalik siya sa kanyang katawan. At nag-teleport sa kontinente ng Celeptriz. Ang lugar kung saan pinatay si Kara. Kinuha niya ang katawan ni Kara ngunit maraming mga makapangyarihang mga Mysterian ang dumating upang pigilan siya. Pero ang gusto lang niya sa mga oras na iyon ay ang mailayo ang tita Kara niya at makuha ang bato ng kalikasan na may kakayahang bumuhay ng mga patay. Pero inatake siya ng mga Mysterian.
At nagulat na lamang siya dahil naging abo ang katawan ni Kara. Sa sobrang galit, tinanggal niya ang pulseras na pumipigil sa kanyang forbidden ability at destructive power. Dito siya sumigaw ng ubod lakas.
"Masasama kayo. Pinatay niyo ang Mysterian na wala namang ginawang kasalanan." Ang umalingawngaw na sigaw ng batang Steffy noon habang basang-basa ng luha ang mukha.
"Aaah! Isasama ko kayong lahat." Pagkatapos ng kanyang pagsigaw sumabog ang lahat. Nasunog, naging abo, at walang kahit ano mang mga living things ang nanatiling buhay sa Celeptriz. Nagiging disyerto ang dating maunlad na syudad. At tanging ang nakahiga lamang at walang malay na si Steffy ang naiwang buhay.
Sa tapat ng natutulog na bata isang liwanag ang na hugis tao ang lumapit. Pinasuot ang pulseras sa wrist ni Steffy. May binulong bago naglaho.
"Pumili ako ng mga tagapangalaga pero pumipili din ako ng tagapagwakas. Kung sa tingin mo hindi na karapat-dapat ang sinumang manatili sa mundong ito, may karapatan ang piling tagapagwakas na wakasan ang mundong ito. Nasa iyo ang pasya. Nakasalalay ang buhay ng mundong ito sa iyong mga kamay."
"Pero kung wala silang nalalabag na batas, hindi ka dapat nagpaparusa. Wasakin ang dapat wasakin at iligtas ang dapat iligtas. At kung magkakamali ka ng pasya hindi ka na makakabalik pa."
"Wag kang mag-alala. Hindi si Kara ang natunaw na katawan Steffy." Mahinang bulong nito.
"Paalam Steffy. Magpalakas ka." Saka naglaho ang puting liwanag.
Pagkaalis ng puting liwanag siya ring pagkagising ni Steffy. Oo tulog siya. Pero hindi ibig sabihin non na di niya nakikita ang puting liwanag na nagkatawang tao. Katawan lang niya ang tulog at hindi ang pakiramdam niya at ang kanyang espiritu at kaluluwa.
Nagteleport agad siya sa kanilang tahanan. Nalaman ng mga Elders ng Chamnian ang kanyang ginawa kaya kailangan niyang maparusahan. Gusto ng mga magulang niya na angkinin ang parusa pero alam nilang hindi mangyayari yon. Dahil kahit ilang taon pa silang tatayo sa altar walang mangyayari kung wala silang nagawang kasalanan. Ang kanilang Poong Maylikha ang magpaparusa sa mga nagkakasalang Chamnian.
May altar ang mga Chamnian at doon ilalagay ang mga nagkakasalang Chamnian.
Dinala siya sa altar at pinatayo sa gitna. Ayaw man ng mga magulang niya pero mamamatay lahat ng mga malalapit kay Steffy kung hindi niya mababayaran ang anumang nagawa niyang kasalanan.
Matapos ang ilang magic Incantation, may liwanag ang bumulusok mula sa langit. Tumama iyon sa katawan ni Steffy pero ang inaakala nilang magiging liwanag na katawan, hindi nagbago. Ngunit napansin nila ang pagbabago ng kanilang langit.
At sa mga oras na iyon, wala ng kahit sino man sa mga Chamnian ang nakakalabas ng Chamni at walang sinuman na nasa labas ang makakapasok muli sa Chamni.
Mula sa kalangitan, narinig nila ang isang boses.
"Ang mga Chamnian, ay ang tagapangalaga ng mundong ito. Ipinagbabawal ang pumatay ng kapwa nilalang pero hindi ibig sabihin nito na hahayaan ninyong mamamatay ang mga walang kasalanan sa hindi makatarungang paraan. Tagapangalaga hindi ibig sabihin na pabayaan ang kapwa."
"Binigyan ko kayo ng pagkakataon na patunayang nararapat pang manatili ang mundong ito. Pero sa oras na magkamali kayo ng pasya, hahayaan ko ng maglaho ang mundong ito ng tuluyan. Bigyan ko kayo ng isa pang pagkakataon. Patunayan niyong nararapat manatili ang mga iniingatan niyong Mysterian."
"Nakasalalay sa mga bagong pinili ang buhay ng mga Mysterian. Ang makakalabas sa lugar na ito ay isa sa mga batang napili ko. Maglalakbay sila sa iba't-ibang parte ng Mysteria. At kung ililigtas man nila ang mundong ito o hindi nasa kanila na ang pasya."
Naglaho ang boses at nabalot ng napakalakas na protective barrier ang Chamni.
Hindi man si Steffy ang gumawa ng harang na iyon pero kundi dahil sa pagkagising ng kapangyarihan niya hindi sana mahuhuli ng mga Mysterian si Kara at hindi ito mamamatay. Hindi sana mangyayari ang pagkakulong ng mga Chamnian sa Chamni.
Kaya sinisisi niya ang sarili kung bakit hindi na nakakalabas ang mga Chamnian at di narin nakakapasok ang mga nasa labas sa mga panahon na yon.
Kasabay ng paglaho ng Chamni sa Mapa ng Mysteria, naglaho rin ang Arizon Capital City, at ang iba pang lugar sa Mysteria.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top