46
Sa labas naman, hindi na alam ni Asana kung ano ang gagawin. May mga bagong grupo kasi ang dumating. Base pa lamang sa kanilang mga aura, halatang malalakas sila. Sinabihan niya sina Izumi na magteleport na palayo at siya naman hahanapin si Steffy sa loob. Kaya lang hindi niya alam kung paano makakapasok.
Inatake niya ang pinto pero may pwersang nagtulak sa kanya palayo na ikinatilapon niya. Lumuwa pa siya ng dugo. Aatake na sana siyang muli nang dumating sina Geonei at Rujin na kanina pa pala nagmamanman sa kanya. Sabay-sabay nilang inatake ang pintuan. At sabay-sabay din silang tumilapon.
Palakas ng palakas na ang paparating na aura at di nila alam kung saan ito galing.
"Tatanggalin ko ang protective barrier nila. Pag mawalan ako ng malay, ilayo mo agad ako dito Geo." Sabi ni Rujin kay Geo. Tumango naman ito.
Biglang nagbago ang hitsura ni Rujin. Ang dating itim na buhok ay naging kulay silver gray. Ang itim na mga mata ay naging silver gray din na may red sa pinakagitna ng iris.
Gumawa siya ng ilang hand gestures bago lumabas ang isang transparent na liwanag sa mga kamay, saka itinutok ang palad sa pintuan. May malakas na pwersang tumama sa pintuan kasabay ng isang malakas na tunig ng pagsabog. At nasira ang harang at ang pintuan. Nawalan naman ng malay si Rujin kaya agad siyang kinuha ni Geonei.
"Lumayo na kayo dito." Utos ni Asana.
"Pero si Seyriel."
"Ako na ang bahala sa kanya. Umalis na kayo. Bilisan mo."
Binuhat ni Geonei si Rujin at naglaho na.
Mabilis na pumasok sa loob si Asana at agad na hinanap si Steffy. Pero umusok ang ilong makitang naglalaro lang pala ito.
"Iyan. Sapakin mo."
"Dapa!"
"Ilag!"
"Lutang sa ere."
"Very good."
Rinig niyang sunod-sunod na sambit ni Steffy habang kaharap ang isang screen na parang yari lang sa green na liwanag. Sa loob ng screen ay ang mga eksena kung saan may mga Mysterian ang naglalaban.
Mas lalong sumingkit ang mga mata ni Asana makitang may nagsi-serve ng juice kay Seyriel at may nagmamasahe pa sa balikat nito.
Pak!
"Aray!" Angal ni Steffy at nanlaki ang mga mata dahil natalo ang kinokontrol niya. Tumilapon si Solaira at may mga letrang lumabas sa screen na may nakasulat na "Controlling over."
"Ayan tuloy. Malapit na 'yon e. Bakit mo kasi ako binatukan?" Reklamo niya kay Asana.
"Alalang-alala kami sa'yo, tapos, naglalaro ka lang pala dito?" Nakapamaywang niyang sigaw. Pinaningkitan din ng mga mata sina Jinmo at Dorko na nakataas na ngayon ang mga kamay. Ramdam nila ang mabigat na pressure na nagmumula kay Asana kaya naisip nilang hindi rin ito ordinaryong Mysterian.
"May papunta diyan." Rinig nina Asana at Seyriel na boses ni Izumi sa kanilang isip.
"Kailangan na nating makaalis dito." Sabi ni Asana. Napalingon kina Jinmo at Dorko.
"Hayaan mo na lamang silang makaalis sa lugar na ito. Babaguhin ko na lamang ang kanilang alaala." Pagkasabi ni Steffy nito, tinitigan niya si Dorko pagkatapos ay si Jinmo.
"Umalis na kayo."
"Pero di pa kami nakakapaglaro e." Sagot ni Dorko na gusto ring subukan ang nilalaro ni Steffy kanina.
Ngunit naramdaman na rin nila ang malakas na aurang paparating. Natitiyak nilang kamatayan ang ipaparusa sa kanila kapag nahuli sila ni Doctor Rey dahil di nila nabantayan ng mabuti ang underground laboratory. Kaya naman sumang-ayon na rin sila sa plano ni Steffy.
Matapos alisin ang alaala ng dalawa agad silang ipinasok ni Asana sa gawa nitong portal.
Makitang naglaho na sa kanilang paningin sina Jinmo at Dorko, binalingan agad ng tingin ni Asana si Steffy. Hinintay na mawawalan ito ng malay dahil ginamit na naman ang kapangyarihan ngunit ilang segundo na ang nakalipas ay wala pa ring nangyari.
Lalo namang lumakas ang mga presensyang paparating. At mukhang mga ilang metro nalang ang layo nito sa kinaroroonan nila. Ibig sabihin paparating na ito sa underground lab.
Aalis na sana sila nang maalala ni Steffy ang lalaking nasa loob ng isang glass sphere.
"Siya lamang ang hindi nila nakokontrol. Kailangan ko siyang iligtas." Lumabas siya at pinagmasdan ang batang nasa loob ng glass sphere. Sinundan naman agad siya ni Asana.
"Ash, umalis ka na! Mga one hundred meters ang layo. Ngayon din!" Gusto mang magtanong ni Asana pero napansing masyadong seryoso si Steffy kaya napasunod siya.
Tiningnan ni Steffy si Hyper at tiningnan ang pulseras sa wrist niya.
"Bahala na pero mukhang kailangan ko itong gawin." Hinubad ang pulseras at nilapag sa sahig. Nang mabitiwan ang pulseras, nagiging bato ang lahat ng bagay na natatamaan ng kanyang paningin. Sinuntok niya ang nagiging batong glass sphere at nabasag ito. Hinila ang kadenang naging bato na ngayon na nakagapos parin sa katawan ni Hyper. Napigtas ang kadena sa mabilis niyang binuhat si Hyper at ipinasok sa space sack ang matigas na katawan nito.
Isang Dethrin ang bigla nalang sumulpot sa kanyang tapat. Sa halip na magiging bato, bigla nalang itong sumabog.
Hindi niya maiwasang mapaatras. Lalo na makita ang nakakalat na dugo na bunga ng pagsabog. Nanginginig ang kanyang katawan at napapikit na lamang.
May eksenang pumasok sa kanyang isip. Mga nawasak na katawan katulad sa nangyari ngayon at may boses siyang naririnig sa kanyang utak.
"Huwag na huwag kang kumitil ng buhay." Naikuyom niya ang kanyang kamao.
"Hindi ko sinasadya." Sambit niya. Inaamin niyang nabigla siya at nakaramdam ng takot ngunit hindi siya nakakaramdam ng pagsisisi.
Ngunit may parte sa puso niya na nagsasabing hindi siya dapat pumatay. Kaya lang nakapatay siya. Nakapatay siya nang hindi sinasadya. Ayaw na niyang ibuka ang mga mata at makita ang hindi kaaya-ayang tanawin. Nang bigla nalang may humila sa kanya at naramdaman ang pulseras na pinasuot sa wrist niya.
"Umalis ka na habang hindi pa sila dumarating." Napadilat siya at nakita ang lalaking may pulang mga mata.
'Hanaru?'
Napansin niya ang kwintas nitong nagliliwanag.
"Umalis ka na kung gusto mo pang mabuhay." Pero naguguluhan parin siya dahil isang Hanaru ang lalaking ito.
"Wow! Gwapo." Sambit niya mapagtantong may gwapo itong mukha.
May dumating na mga Dethrin ngunit naglabas agad ng ice blade ang Hanarung ito at pinatama sa mga Dethrin at agad naman silang naging isang yelo bago nabasag.
"Nakabawi na ako sa utang ko sa'yo. Kaya hindi na kita tutulungan pang muli kung tatanga-tanga ka pa rin diyan."
"Umalis ka na!" Utos nitong muli. Natauhan naman si Steffy at agad na nagteleport palayo.
Pamilyar sa kanya ang mukha ng lalakeng 'yon. Parang nakita na niya dati.
Pagkaalis ni Steffy, napahawak si Karim sa kanyang dibdib. Muntik pa siyang natumba. Buti nalang agad siyang nahawakan ni Lhoyderick ang kanyang guardian and protector.
Siya si Karim. Karim Hanaru. Fifteen years old at nakatira sa Hanaru empire ng Celeptriz continent.
"Kamahalan, bumalik na tayo. Hindi po nakakabuti sa kalagayan niyo ang ginawa mong pagteleport sa lugar na ito." Nag-alalang sabi ni Lhoyderick.
"Tayo na." Utos niya at naglaho na silang muli.
Sumulpot sila sa isang malawak na bulwagan.
"Kapag nalaman ng iyong ama ang ginawa mo, tiyak na mapaparusahan ka. Hindi ko mawari kung bakit mo hinayaang makatakas ang batang iyon. Tinulungan mo pa."
"Tinulungan niya ako. Bayad ko lang iyon sa gamot na ibinigay niya sa akin." Sagot ni Karim. Muntik na siyang matumba na agad namang nahawakan ni Lhoyd.
Sa bawat panahong may isang Pinili ang mamamatay o masasaktan, mababawasan din ang kanilang lakas kapangyarihan.
Sunod-sunod ang panghihina at nararamdaman niyang sakit sa nagdaang mga araw na nagpapahiwatig na iilan ng mga pinili ang namatay o napahamak. Hindi niya hahayaang mangyayari iyon sa batang nagbigay sa kanya ng gamot noong nasa gubat sila ng Iceria.
Kinuha niya ang maliit na bote. Kunti nalang ang natira sa gamot na ibinigay sa kanya ni Steffy. Nakakatulong ang gamot na ito para maibsan ang sakit na nararamdaman niya sa bawat panahong may napapahamak na pinili.
Napatitig na lamang si Lhoyd kay Karim. Kilalang masamang prinsipe ang batang ito ngunit sa likod ng kasamaan nito batid niyang naroon pa rin ang dating kabutihan na matagal na sana nilang ibinaon sa limot.
"Hindi ka dapat makaramdam ng awa. Wag mong kalimutan ang ginawa ng mga Mysterian sa iyong ama at sa mga batang Pinili." Paalala ni Lhoyd.
Naikuyom naman ni Karim ang kamao.
"Wag kang mag-alala. Ipaghihiganti ko pa rin sila. Magbabayad silang lahat." Ngunit pumasok na lamang bigla sa kanyang isip ang mukha ni Steffy. Napailing na lamang siya. "Patay na ang mga batang iyon pero bakit? Bakit ko naaalala ang mukha ng babaeng iyon kapag naiisip ko sila?" Ang sila na tinutukoy niya ay ang mga mahahalaga sa kanya na ninais niyang ipaghiganti.
"Lhoyd, paano kung buhay pa sila?"
"Wala pang nakakaligtas sa altar ng paglilitis. Maliban na lang kung wala silang nakitil na buhay ng kapwa Mysterian."
Bumagsak ang balikat ni Karim.
"Pero ang babaeng iyon, may pulseras din katulad ng sa kanya."
"Posibleng isa rin siyang Chamnian. Lahat ng mga Chamnian na hindi kayang kontrolin ang kapangyarihan ay may ganoong suot at nagkataon lang siguro na magkapareho sila ng estilo at disenyo." Sagot ni Lhoyd na lalong ikinabagsak ng balikat ni Karim.
"Magpapahinga na muna ako." Sabi ni Karim at iniwan na si Lhoyd.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top