CHAPTER 37: HeartBroken


Pauline's POV

    Last day of school parang ayokong pumasok. Ayokong isipin na matatapos na ang lahat. Hindi kasi ako sanay ng ganon eh! Sorry Blaine mahal kita pero... Ayoko ng Long Distance Relationship sana maintindihan mo ko. Sana wag kang magalit. Sana hindi mo ko kamuhian sa gagawin ko. Ayoko lang din namang masaktan eh! Mas mabuti ng maghiwalay na tayo ngayon pa lang tutal dun din naman tayo pupunta eh. Hayst!! Kung di na lang kaya ako pumasok?? Hay! Tumayo na ko kahit mabigat sa loob ko kelangan kong pumasok kelangan personal ko syang kausapin. Sorry talaga Blaine. Ayokong saktan ka pero ayoko ding saktan ang sarili ko.
7:30 am ng makarating ako sa school ground. Kaya ko to I can do it. Kelangan ko syang maka usap. Sakto naman pagdating ko sa room namin sya pa lang nandoon kaya kinausap ko na sya.

"Ahm.. Blaine, pwede b tsyong mag-usap?" Tanong ko.
"Mukhang seryoso ka ah! Sige ano yun Boss Qoe??" Sabi nya ng nakangiti. Alam ko yang mga ngiti na yan mamaya lang mapapalitan na ng lungkot at pagka dismaya.
"Kasi Blaine makikipag----" di ko natapos yung sasabihin ko kasi biglang sumulpot si Madie.
"Good morning!!" Sabi nya. Panira naman to ng moment naka buwelo na ko eh! Naku! Ito talagang babae na to.
"Ooppss.. Sorry may pinag uusapan pala kayo.. Sige lamg tuloy nyo lamg alis na ko." Sabi ni Madie.
"Hindi maya ko na lang sabihin sayo Blaine." Sabi ko at sinundan na si Madie.

Blaine's POV

     Hmmm... Ano kaya yung sasabihin nya?? Minsan yung mga babae ang hirap intindihin. Napakamot na lang ako sa batok ko.
Ilang subjects na ang lumipas pero parang ang cold sakin ni Pau. Tuwing nagkakasalubong kami ng tingin bigla na lang syang iiwas. May problema ba kami?? Wala naman akong natatandaan na nag away kami ah! Ano kaya problema nya??
Recess na namin bigla syang tumayo at lumabas na hindi nagpapaalam. Lumapit naman sakin si Madie.

"Nag-away ba kayo?? Kanina pa iba kinikilos ni Pau eh!" Sabi nya pati pala sya napansin rin yun.
"Hindi.. Di ko nga alam kung ano problema nya eh??" Sabi ko.
Lumipas ang oras umiiwas pa din sakin si Pau. Sa wakas uwian na. Umalis na ng classroom ang buong kaklase namin maliban samin ni Pau. Alam kong kelangan naming mag usap. Kaya pinauna ko na sila Madie. Maging yung mga cleaner's pinauwi ko na rin. Ilang minuto pa walang nagsasalita samin kaya lumapit na ko sa kinauupuan nya.
"Pau may problema ba tayo?? Kanina ko pa napapansin na iniiwasan mo ko?? Hindi ako sanay na ganyan ka sakin." Sabi ko na lang.
"Masanay kana." Cold na sabi nya. Ano bang mga pinagsasasabi nya wala kong maintindihan.
"May nagawa ba kong mali Pau?? Sabihin mo itatama ko Promise!" Sabi ko sa kanya.
"Wala. Ako yung may problema. Itigil na natin to Blaine. Magbe break din naman tayo eh! Ayoko ng LDR!" Sabi nya. Ganon lang yun?? Ganon na lang?? At tumayo na sya pero pinigilan ko sya.
"Bakit?? Aalis ka ba?? Gusto mo lumipat din ako sa lilipatan mo wag lang tayong magbreak! Please Pau.. Nag mamakaawa ko sayo!" Paki usap ko sa kanya. Hindi ko alam pero may pumatak na tubig galing sa mata ko. At unti unti na syang dumarami. Ang sakit sobra! Bakit kelangan pang maghiwalay kami??
"Tama na Blaine. Ayoko na! Please wag mo na kong habulin! Hindi ako lilipat ng school. Bakasyon na kasi kaya makikipag break na ko." Sabi nya. Yun lang ang dahilan nya?? Kaya sya makikipag break ng dahil sa lintik na bakasyon na yan.
"Lintik naman Pauline oh! Ng dahil lang sa bakasyon makikipagbreak ka sakin!" Sabi ko sa kanya yan hindi ko mapigilang mainis ng sobra. Kaya ko namang mag effort na puntahan sya araw araw sa kanila eh!!
"Buo na ang desisyon ko." Sabi nya ng nakatalikod at tinanggal nya yung pagkakahawak ko sa kamay nya. Naiwan ako dito na parang tanga kakaiyak.

Pauline's POV

     Tumakbo na ko palabas ng school. Hindi ko na napigilang hindi mapaluha ng dahil sa desisyon ko.
"I'm sorry Blaine.."
Yan na lang ang nasabi ko. Sana mapatawad nya pa ko.

Madie's POV

     Nasa labas na ko ng school ng maalala ko yung libro ko sa math.
"Shit ang tanga ko!!" Nasabi ko na lang sa sarili ko. Tumakbo na ko papuntang room sana hindi pa nila sinasarado papalapit pa lang ako ng makita ko si Pau at Blaine kaya nagtago ako sa pader. Nakatalikod si Pau kay Blaine alam kong wrong timing pag nakita nila ko. Tinignan ko lang sila parang umiiyak si Blaine si Pau naman tumakbo na palabas. Linapitan ko agad si Blaine. Kawawa naman sya, biglan nya kong niyakap kaya niyakap ko na din sya pabalik.

"Magiging okay ka din. Hindi man ngayon, alam ko kakayanin mo!" Sabi ko habang tinatapik ko yung likod nya. Hinatid ko na sya sa kanila at umuwi na rin ako pagkabihis konahiga ako saglit at naalala ko na naman si Blaine. Kaya naman tinext ko sya. Pagkatext ko natulog na ko.

Blaine's POV

       Nagising ako ng mapaginipan ko si Pau palayo ng palayo daw siya sakin. Naiyak ulit ako. Para na kong babae nito hahaha!! Anong magagawa ko mahal ko sya eh! Akala nya kasi ang dali lang kalimutan nun! Ang akala nyo kasing mga babae ksyo lang ang nasasaktan pati din kami, may puso't damdamin rin kami.. Tao din kami nasasaktan kagaya nyo di naman kami robot para walang maramdaman. Tinignan ko kung may text sya ngunit nabigo ako. Pero may isang text galing kay Madie. Teka nga pano ako nakauwi dito?? Di ko matandaan!

Flashback...
"Oy Blaine tumayo ka na jab please??" Sabi ni Madie. Paano kasi si Blaine nakasalampak sa tabi ng kalsada.
"Hindi! Gusto ko ng mawala! Lord kunin mo na ko!" Sabi ni Blaine.
"Halika na Blaine!" Sabi ni Madie habang hinahatak si Blaine.
"Magpapasagasa na ko!!" Sabi ni Blaine.
"Bakit?? Kapag ba ginawa mo yan babalik sayo si Pau! Blaine mag isip ka nga!!" Inis na sabi ni Madie at doon natauhan si Blaine.

End of Flashback...

Shocks!! Para kong tanga!! Nakakahiya kay Madie. Binasa ko na lang yung text nya.

From: Baby Girl
       Oh!! Mr. Lover Boy okay ka na ba?? Huwag ka ng umiyak diyan pumapangit ka lalo eh! Tandaan mo may mga bagay talagang kahit anong higpit ng pagkakahawak mo mawawala at mawawala pa rin sayo. Nabuhay ka naman ng ilang years di ba nung hindi mo pa siya kilala kaya makakaya mo yan.  Don't tell me hindi ka pa kumakain hanggang ngayon, wala sa kanya yung kaldero niyo kaya wag ka ng mag emote diyan at kumain na bilis!! Hahaha!! Pero kahit wala na siya Life must go on!! Hindi lang siya ang babaeng makikilala mo ang dami pang iba diyan! Sa pogi mo ba naman na yan eh! Oh! Ayan pinuri na kita kaya libre mo ko sa kuhanan ng card hihihi!! Kelangan sa pagkikita natin okay kana ha! Nandito lang ako para sayo tandaan mo yan.

Pagkabasa ko ng text nya nabuhayan ako tama sya Life is must go on kahit hindi na kami ni Pau. Kaya kumain na ko. Pagkatapos kong kumain tinext ko sya.

To: Baby Girl
      Salamat sa paalala.  Nakakain na po koWag ka ng mag alala sakin makaka move on din ako sa kaniya hindi man ngayon but soon.  Salamat kasi lagi kang nandiyan, at salamat hinatid mo ko hahaha!! Kakahiya pero thank you talaga Baby!! Na appreciate ko lahat ng efforts mo.  Lab you!!

Hindi man ngayon but soon, makakamove on din ako sayo Pauline May Ramos!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top