CHAPTER VI

Pagkatapos nong araw na kumain kami nila Fielo sa bahay ay kumuha na ako ng part-time job sa kapit-bahay namin. Matapos ang Christmas Party ay mula tanghali hanggang gumabi ay naghuhugas lamang ako ng mga pinggan. Mahigit anim na araw na rin akong nagtratrabaho gabi-gabi kaya puyat ako.

Pag-gising ko kaninang umaga ay nilalamig ako. Uminom na ako ng gamot pero nilalamig pa din ako.

"Ate magpa-hospital ka na kaya?" Tanong ni Dash

"Hindi pwede, kakapusin tayo sa pera" sabi ko dito

"Sige bibilhan kita ng Arroz Caldo sa kapitbahay jan ka muna ha" sabi nito at umalis. Makalipas ang ilang minuto nagtaka na lamang ako na may nakiramdam sa noo ko pagbukas ko ng mata wala akong makitang maayos napaka-blur ng lahat at umiikot rin ang paligid base sa paningin ko.

"Dash si crizzy pakainin mo ha, magsaing ka na" sabi ko at napapikit nalang ako ng maa dahil sa bigat ng talukap ng aking mga mata.

Nang magising ako ay alas onse na ng gabi. Maayos-ayos na ang pakiramdam ko ngunit napatayo ako agad twenty-four ngayun. Christmas na mamaya hindi pa ako nakaluto.

Nang makaabot ako sa kusina ay isang masarap na amoy ang nalanghap ko. May lalaking nagluluto sa kusina ko.

"Ano ni?" Tanong ko

"Surprise!!! Akala ko di ka pa magigising eh" sabi nito at binigyan ako ng shanghai.

"Ano ni?" Tanong ko

"Pagkain eh, di ka pa nakaka-kain ng shanghai noon?"tanong nito at nangunot ang noo

"Hindi, what i mean is ano itong mga pagkain. Ikaw, ba't ka nandito?" Tanong ko

"Halata ba? Surprise ko sayo ako na nagluti dahil may sakit ka" sabi nito at ipinahawak sa akin ang sandok ng beef steak na niluluto nito.

"Say Ahhh" sabi nito at sinubo sa akin ang kutsarang may lamang mango Float.

"An-ano ba kasi nakakabigla ka" sabi ko at pinahid ang cream na tumulo sa bibig ko. Ang sarap ng mango float.

"Sige pa" sabi nito ay kumuha ulit ng mango float na isusubo sa akin.

"Kaya kong kumain mag-isa tangi" sabi ko at tinarayan siya. Buti nalang maayos na pakiramdam ko ang sarap talaga ng Mango Float. Hala ba't pal siya nandito?

"Hoi ba't ka nandito? Diba dapat andun ka kasama ng Pamilya mo?" Tanong ko

"Gusto kitang i-surprise at alagaan kasi tumawag si Dash may sakit ka daw. At kawawa mga kapatid mo Hindi makakapag Nochd Buena, walang magluluto" sabi nito at kumain ng Mango Float.

"Okay na ako, baka hinahanap ka na sa inyo" sabi ko sa kanya at tumingin sa oras malapit na pala mag alas dose.

"Hindi nila ako hahanapin" sabi nito at nangunot ang noo.

"Oh ba't nangungunot noo mo?" Tanong ko

"Parang may kakaibang amoy" sabi niya at inamoy ang sarili niya, lumalit din siya ng kaunti sakin hanggang sa tumakbo na siya hanggang sa kawali.

"Hala buti nalang hindi nasunog" sabi nito at napasapo sa noo.

"Ba't kasi pabaya yung nagluluto" sabi ko dito at humagalpak sa tawa grabe yung kaba niya bakas sa mga mata

"Ikaw kasi ang dami mong tanong" sabi niya

"Ba't ako? Lage nalang ako" tanong ko sa kanya

"Oh ayan nagtatanong nanaman" sabi nito at tinikman ang beef steak.

"Ano bang mga niluto mo? Baka inubos mo stocks namin ha." Sabi ko at tumingin sa Ref

"Indi ah Beef Steak, Mango Float, Fruit Salad, Spagettie at Shanghai lang yun lang request ng mga kapatid mo eh." Sabi niya at kumain ulit kami ng Shanghai.

Sabay kaming nag-Noche Buena sa bahay, nagkuwentuhan at nagkulitan. Matapos yun ay nakatulog na sila Dash at Crizzy.

"Ba't ba lagi ka nalang nandito? Wala ka bang ibang gagawin? Ang Pamilya mo baka hinahanap ka pasko pa naman" Tanong ko sa kanya

"Broken family kami" sabi niya dahilan upang magkaroon ng matagal na katahimikan.

"Pareho silang busy kaya sigurado akong hindi naman nila malalaman na wala ako sa bahay" sabi niya

Napaisip tuloy ako kaya pala lagi siyang nandito dahil wala siyang kasama sa bahay. Kung laging busy mg magulang niya sinong kasama niya sa bahay?

"Wala ka bang mga kapatid?" Tanong ko sa kanya

"Wala, mga pinsan ko lang kasama ko sa bahay pero may sari-sarili silang pinuntahang Christmas Party." Sabi niya habang nakatingin kami sa magandang hubog ng mga ulap.

"Alam mo ang saya niyong kasama, kayo ng mga kapatid mo. Nararamdaman kong sumaya kahit minsan lang" sabi niya at ngumiti saglit sa akin.

"Pareho tayong napabayaan na ng mga magulang" sabi ko at natawa ng kunti

"Nakakatawang isiping sinasabi nilang mahal nila tayo pero wala silang time" sabi niya na malalim ang iniisip.

"Bakit kaya napupuno ng kalungkutan ng buhay ng tao noh?" Tanong ko sa kanya at napaisip na rin ng malalim.

"Yan din ang tanong ko" sagot niya sa akin.

"Ang ganda ng Clouds" sabi ko dahil ang liwanag ng buwan ay gumagawa ng effect na nagiging dahilan ng pag-iiba ng kulay ng parte ng clouds.

"Oo nga ang ganda" sabi niya tumingin ako sa kanya ngunit nagulat ako ng nakatingin siya sa akin.

"Sira sa Clouds ka tumingin" sabi ko at natawa ng kunti.

Nagka-tinginan kami ngunit naputol din ito nang tumahol ang aso.

"Sheee! Ang bastos nong aso distorbo" sabi nito at nangamot ng ulo

"Tara pasok na tayo doon ka nalang muna sa sala matulog pwede bah? Baka magising kasi si dash kung doon ka eh" sabi ko. Pero ang totoo ay mas mabuti na dito na siya sa sala dahil nagka-karate si Dash kalag tulog baka sumakit katawan niya.

Nakatulogan ko na ang pag-iisip kung paano magka-Raket nang may pambili naman kami ng handa para sa New year. Mabuti na lang talaga at tinanggap ako ni tita. Nakuha ko na ang allowance ko at pinasobrahan pa ito ni tita dahil na-i-promote ko ng maayos ang 24K ang Name ng Clothing brand nila.

Dahil sa dami nang nabighani sa dress while i was wearing it na sold-out ang Christmas New Arrivals ng dresses nila. I did a good job so tita paid me extra. Buti nalang talaga at tinanggap ako ni tita or else i wouldn't know how we could live in this state anymore.

Pagaksunod na araw nagising kami ng isang malakas na sigaw.

Agad akong napatayo natumba pa ako sa may pinto dahil sa pagmamadali. Nang makarating ako sa labas ang ingay talaga ng sigaw.

"OHHHHH MYYYY GOOOOD" sabi ni Alexa. Tinignan ko ang orasan jusko ala sais palang ng umaga

"Ang aga-aga you're too loud" sabi ko at kinusot-kusot ang mata

"Why is he here? Uyab mo na pala? Kayo ha! Naglilihim kayo" malakas na sigaw ni Alexa at kinindatan ako.

"Ang ingay mo" sabi ni Dash at pumasok ulit sa kwarto niya upang matulog.

"May sakit ako kahapon, he took care of my siblings. Oh shangahi siya nagluto niyan" sabi ko  sa kanya habang nagtitimpla ng kape, wala pang isang minute ubos na niya ang binigay kong nasa platito.

"Sana ol may tagaluto ng shanghai" sabi ni Alexa

"Ba't ka hyper mo oi? Umagang-umaga" tanong ko

"Remember that man na gikuwento ko sayo?" Excited niyang tanong.

"He's super convincing-" panimaula nito ngunit di ko na siya pinatapos.

"Don't tell me na-fall ka?" Tanong ko

"No, we're just vibing with each other thats all, i went there last night before midnight" sabi niya at uminom sa kape nito.

"And?" Tanong ko

"And i'm just amazed" sabi niya at ngumiti alam kong masasaktan si Alexa dahil jan sa pinaggagagawa niya she's already smiling for no reason.

"Just don't get your hopes to high, masakit mag-assume, walang kwenta umasa" sabi ko sa kanya

"MERRY CHRISTMAS DAIII" sabi niya at niyakap ako. Binuksan niya ang bag niya at may iniabot sa akin na small box.

"Hala nag-abala pa nga" sabi ko ngunit na-excite na ding buksan ang regalo. Alexa always surprises me with her gifts, she's so unpredictable.

"Hurry up" pagcheer niya sakin at laking tuwa ko it's a triple butterfly neclace, memorable sa amin ito. Lahat kaming girls sa tropa ay may parehong earrings noon na butterfly.

"Merry christmas dai" niyakap ko siya at kinuha rin ang regalo ko sa kanya.

"Ayna ginakabahan ako" sabi niya at binuksan ito. I bought her a body bag, she's always riding. It's a lot nicer if she stops losing money. Kaya ko siya binigyan ng body bag.

"I was just about to buy this exact design yesterday" sabi nito at tumawa

"Lower your voice they're still sleeping" sabi ko at tinignan si Fielo nagising siya kanina pero natulog siya ulit.

"Aysus indi daw uyab ha" pang-aasar niya

"Nope not until i assure a safe future for my siblings" sabi ko at uminom sa kape ko

"Ikaw may sabi eh, anyways magdamit na kayo" sabi niya

"What for?" Tanong ko at nangunoot ang noo

"Didn't i told you a while ago?" Tanong niya

"No, di mo namention Lex" sabi ko being impatient now

" Arat Genalin, G? Andun lahat ng tropa" sabi niya kaya ginising ko na si dash at crizzy nae-excite na ako minsan ko lang makita ang buong tropa na magkasama.

I wore a white fitted shirt top and paired with a 24K brown trousers and brown with esscence of white boots. Ginising ko na rin si Fielo.

"Good Morning" sabi nito ang kyut lang ng boses niya pag-bagong gising yung akin parang boses ng zombie.

"Good Morning, may Christmas party ako with friends." Sabi ko

"Sama ako" sabi nito at napatayo sa kinahihigaan.

"Pasamahin mo na naglandian pa kayo sa harap ko eh" sabi ni Alexa na umiinom ng kape.

"I'll get my things" sabi ni Fielo at dumiretso sa sasakyan nito. Pagbalik niya ay nagbri-braid na ako ng buhok ko paheadband.

"Magbibihis na ako" sabi niya

"Edi magbihis ka" sabi ko at sinuklay ulit ang buhok ko. Di ako sanay na akong gumagawa nito dati kasi si manang tumutulong sa akin.

"Sa harap mo?" Tanong niya at tinakpan ang katawan. Napataray nalang ako sa kabaliwan niya.

"Masyado pa akong bata para magstrip show for you" sabi nito kaya napatawa si Alexa

"Strip show! Strip show! Strip show" cheer nito. Gagi talaga

"Dun ka sa kwarto ko" sabi ko at sinunod niya naman.

Sinuot ko ang bigay ni Alexa na butterfly Necklace. Nang handa na kami ay pumunta na kami sa sasakyan, tinatamad daw magdrive si Alexa kaya sasakyan ni Fielo ang gamit namin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top