Chapter 5

Alexa De Guzman

Tinry ko mag search sa Social media ng kung ano-ano para malaman kong sino nga ba talaga tong multo na nasa harapan ko ngayon.

"Kung titingnan mo lang ako ng ganyan di ka matatapos diyan." saad nito sabay irap ni manly way. Jusko! Gwapo sana kaso mayabang! Atsaka ew ha! Nagagwapohan ako sa Multo?

Nandito ako ngayon sa CH (Coltrane High) lunch break na kaya nandito ako sa May open ground at nakaupo sa damuhan.

"Wala talaga eh!" sabi ko at Ibinaba ang Cellphone ko. Napabuntong hininga din siya sa sinabe ko.

Napakamot naman siya ng ulo. Almost 2 days na kaming magkasama pero wala padin di ko padin alam kong paano ko matutulungan to.

"Akin na nga yan" hinablot niya ang ang cellphone ko pero tumagos lang ito sa kamay niya.

"Shit!" usal niya, natawa lang ako sa Reaction niya.

"You know what Mr. Ghost kailangan talagang may maalala ka." sabi ko rito, kinuha ko ang Pagkain mula sa Bag ko.

"Wala nga eh, I cant even remember my name. Atsaka malay ko ba kong paano ako namatay." humiga ito sa damuhan at ginawang unan ang dalawang kamay niya.

I just stare at him, Ang Gwapo siguro nito nung buhay pa? Ang tangos ng ilong at Ang kinis pa ng ng mukha.

Hayy! Ako kaya? Kailan ko mamemeet ang prince charming ko? Yong gwapo din? Napatingin ako sa paligid ng may makita akong couple na nag haharutan.

Buwisit! Edi kayo na! Kayo na may love life! Ako na wala!

"Inggit?" napatigil ako at tumingin sa multo kong katabe.

"Duh? Ako? Maiingit?" sagot ko. Tumawa naman ito at Ginulo ang Buhok ko.

"Di nga ba talaga?" sagot niya. Iwawaksi ko sana ang kamay niya pero di ko mahawakan. Ang daya! Bakit siya nahahawakan ako? Pero ako hindi?

"Dont touch me ugly Ghost." sabi ko.

"Im not Ugly, di mo ba alam na sobrang gwapo ko?" sagot niya sabay kindat. Hayop na lalaki.

"Gwapo your Ass." sagot ko at inirapan siya.

"Siguro ang daming babaeng umiyak ng namatay ako no?" sabi niya, ang yabang talaga!

"Wow ha! Baka natuwa pa nga siguro sila noh." sagot ko sakanya, bigla naman siyang humarap saakin at inilapit ang mukha niya, as in sobrang lapit.

Bigla akong napatigil at parang naningas ang katawan ko sa mga tingin niya.

Shemay~

"Ngayon sabihin mo saakin na pangit ako." saad niya habang ngumingisi.

"Saan ka galing?" tanong saakin nila Jane pagkapasok ko ng Room. Buwisit talaga yung multo na yon! Arhhghgg! Buti nalang nag bell kaya ayon.

"Wala dun lang sa Open Ground." sagot ko sakanila at pumunta na sa Upuan ko. Di padin ako maka get over sa nangyare kanina.

"Okay Class I have an announcement." tumahimik ang klase sa sinabe Ng adviser namin.

"i think yan yong sa Fieldtrio natin." sabi ni Kathryn sa tabi ko, lumipat kasi siya ng upuan kanina eh.

"Next Week we will have a Fieldtrip!" ayon na nga! Nag hiyawan ang mga kaklase ko lalo na nang sabihin na pupunta kami sa EK.

"Kyaa! Im so Excited na!" sambit ni Kath sa tabi ko at halatang excited na excited.

"Ako din!" sagot ko at nag apir pa kaming dalawa.

Nang uwian na ay bigla akong ipinatawag ng adviser namin na si Ms. Villanueva.

Pinuntahan ko siya sa Faculty room at naabutan ko siyang may ginagawa sa Computer niya, nasa 30s pala siya at ayon maganda padin.

"Yes ma'am, pinapatawag mo raw po ako?" sabi ko nang makalapit ako sakanya.

"Oh Good thing your here, i have a Favor for you Ms. De Guzman if its okay?" sabi nito.

"Ofcourse ma'am ano po ba yon?"

"Dahil ikaw ang naka perfect score sa Exam pwede bang ikaw ang mag check ng Mga papers ng classmates mo?" sabi nito. Yeah!

"Okay po Ma'am." sagot ko. Gustong-Gusto ko kasi ang subject niya which is science.

"Thank you Ms. De Guzman. " nang makuha ko ang mga papers ay nag palaam na ako. Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko si Mrs. Coltrane and directress ng School, ang ganda padin niya talaga kahit nasa 40's na siya.

May kausap ito sa phone at parang may problema yata. Tuambi ako ng makasalubong ko siya. Nag bow lang ako bilang tanda ng pagbati and she just smiled at me.

Bebe 8pm ah.
From: Kath.

Napangiti ako, birthday kasi ng kuya niya kaya invited kaming lima.

"Nginingiti mo diyan?" tanong nitong multo na to. Kasaluyan kasi akong nag che-check ng mga papers ng kaklase ko at ayun siya naka upo lang sa harapan ko.

"Bakit? Masama bang ngumiti?" mataray kong sagot. Akala niya ah.

"Aba't taray ah? Kala mo maganda." sagot niya at tiningnan ang papel na Chinicikan ko.

"Duh! Bakit magaganda lang ba ang may karapatang Mag taray? At saka maganda ako noh." sagot ko sabay pout.

Nagulat nalang ako ng bigla niya pinisil ang Pisngi ko.

"Wag kang Gumanyan, di bagay sayo." sabi niya sabay naglaho ulit. Bastos na nilalang!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top