CHAPTER 2
Alexa De Guzman
Wait mo lang kami diyan Bebe
From: Jane
Ano ba yan! Sabi ko na nga ba eh! Filipino time talaga lagi tong mga kaibigan kong to eh! May usapan kasi kaming lima na magkita-kita dito sa Open Ground ng Coltrane High at ngayon naka upo ako sa Bench sa ilalim mg puno.
Ano ba yan! Ako nanaman mag isa dito! Buti nalang talaga at di maaraw ngayon, half day lang kasi yung pasok namin ngayon. I just look around at yung mga ibang Estudyante may kani-kanilang Gawain. May nagbabasa, nag uusap at ang mas nakakainis yung mga nag de-date. Litse eh!
Jusko lord bigyan niyo na ako ng ko love life please!! Nakapikit kong bulong.
"Meow!"
Napamulat ako at napasimangot kasi naman Lord eh! Love life hinihingi ko di po Pusa!
Tiningnan ko ang pinagmulan ng pusa at nasa taas pala to ng puno sa taas ko.
Ano na? Paano yan naka akyat diyan?
"Meow!"
Omg! Baka mahulog to! Maliit pa ito at oarang malalag na. My gosh! Kaagad kong hinubad ang sapatos ko. Buti nalang di fit yung palda namin.
Here i Come! Umakyat ako sa puno, infairness ang hirap ah.
"Meow!" sabi ng pusa ng malapitan ko na siya. Nang hahawakan ko to ay biglang umusog.
"aba! Pabebeto ah. Nilapitan ko to pumunta ba naman to sa may sulo ng sanga.
"Lapit dito dalii!" dahan-dahan akong tumayo sa Sanga na inaapakan ko, matibay naman eh. Hahakbang sana ako ng biglang...
"Ahhhhhh!!!!!
My gosh!! Ipinikit ko nalang ang mata ko at hinantay na tumama ang katawan ko sa Lupa pero wala! Naramdaman kong may malamig na bagay ang sumalo saakin. Gosh! Nasa langit na ba me?
Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at dalawang pares ng Itim na mata ang Nakita ko. Gulat din ito na nakatingin saakin.
Teka paano to nakarating dito? Paano niya ako nasalo? Magsasalita sana ako ng bigla akong nahilo and everything Went black.
"Bes!
"Alexa!!
"Bebe gising!!
Unti-unti akong napamulat sa mga narinig ko and nakita ko ang mga mukha ng mga nag aalala kong kaibigan.
"Ayan gising na!" sabi ni Kath.
"Ano bang nangyare sayo? " sabi ni Van. Teka nasaan na yon? Nasaan na yong lalaki? At teka bakit naka higa ako Dito sa lupa.
"Hoy Alex!" napatingin ako kay Van, kanina pa nga pala sila nag sasalita.
"Ewan ko. Teka nasaan na yon? " tanong ko sakanila sabay kanot ng ulo. Pinaupo ako nila sa may bench at pinagpagan ang damit ko.
"Sino?" tanong ni Jane.
"Yung lalaki, yong sumalo saakin kanina?" nagulat sila lahat sa sinabe ko.
"Jusko teh! Saan? Eh pag dating namin nakabukaka ka na dito." sagot ni Shaine.
"Nanaginip ka lang hay naku! Bakit mo ba naisipang humiga dito?! Naku baliw ka talaga!" sabi ni Van. Naguguluhan padin ako. Nasaan na yong lalaki kanina na sumalo saakin? At teka bakit ako nakahiga sa Lupa? Gosh ano na nangyayare saakin.
Kasalukuyang nasa Coffe shop kaming lima, naisipan kasi nila na mag Mall kasi May bibilhin si Van para sa nililigawan niya at si Kath naman bumili ng Dress.
"Eh saan naman punumunta yung lalaking yon?" tanong ni Jane. Kwenento ko sakanila yung nangyare saakin kanina pera ayaw padin nila maniwala.
"Baka naman nanaginip ka lang talaga?" sabi ni kath.
Napailing nalang talaga ako. Paano nga ba? possible bang nanaginip ako? Baka nabaliw nanaman ako. Gumala muna kami sa loob ng mall hanggang sa inabot na kami ng gabi.
"Oh 'lex dito na ako ah." sabi ni kath ng nasa tapat na kami ng bahay nila.
"Sige ingat saakin!" nakangiti kong sagot at dumeretso na ako ng lakad. Nang makapasok ako ng bahay bumungad saakin si Mommy na nasa sala. She is always beautiful talaga! Syempre kong maganda ang anak means maganda ang nanay!
"Hi mom!" bati ko dito at hinalikan ko sa pisngi.
"Oh hija, buti naman at dumating ka na hinihintay ka ng daddy mo sa office niya." bigla akong na excite ng marinig ko yon. Basta pinapatawag kasi ako ni dad ay may ibinibigay siya saakin or what.
"Sige Po mom!" sagot excited akong umakyat at dali-daling pumunta sa office ni dad, naabutan ko siyang nagbabasa ng files niya.
"Daddy!!" sabi ko rito at nilapitan siya at humalik sa pisngi.
"Buti naman at nandito ka i have something for you." mas lalo akong na excite ng may folder siyang iniaabot saakin.
"Whaa dad ano to?" tanong ko at kinuha ang Envelope.
"Open it hija. " sagot niya.
Binuksan ko ang Envelope at...
"Whaaa!! Daddy thank you so much! Sabi ko at napayakap ako sakanya. It was a Concert ticket for 5! Ililibre ko kasi sila Kath.
"O hija Mag bihis ka na at bumaba para sa dinner. "sabi ni dad.
"sige po dad!" tuwang-tuwa akong lumabas ng office ni dad at pumunta sa Kwarto ko. Binuksan ko ang pinto at binuksan ang ilaw pero nagulat ako ng may makita akong lalaking nakatayo patalikod saakin. Bigla akong nakaramdam ng takot ng Mapansin kong naka lutang ito.
My God!!
Unti-unti itong humarap saakin at teka...
Siya yung lalaking sumalo saakin kanina, he is wearing all black.
"S-sino ka?" nangi-nginig kong tanong at mas nakaramdam ako ng takot na bigla itong ngumisi.
"Nakikita mo nga ako."
Biglang nanghina ang Tuhod ko at naramdaman ko nalang na Sinalo ako ng sahig and everything went black.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top