Heir 1: Dauntless & Intruder

1: Dauntless & Intruder,

Naglalakad lakad ako sa may pagka-tago at masukal na eskinita na ito, noong may maramdaman akong parang may sumusunod sa akin. Noong una, hindi ko ito pinapansin dahil baka guni-guni ko lamang iyon, pero sa habang tumatagal, lalong lumalapit ang mga presensya na kanina ko pa nararamdaman.

Huminga muna ako ng malalim, saka tumigil sa paglalakad at lumingon lingon sa likudan ko. Hindi nga ako nag-kamali, may mga nakasunod sa akin. Nag-kibit balikat na lamang ako, at nagpatuloy ulit sa paglalakad.

Imbis na matakot o kung ano, napangisi na lamang ako. Maling tao sa sinusundan nila. Pinakiramdaman ko pa silang maigi. One. Two. Three. Four. Five. Biglang ko sa isip ko. Limang lalaki ang mukang gustong madala sa ospital.

"Move out. You're not good at hiding ugly ogres." I warned dangerously, and then I heard footsteps. Mukang lumabas na sa lungga nila ang mga sumusunod sa akin. Humawak ako sa strap ng bag pack ko. Pinalibutan ako ng mga unggoy na mukang high na high pa at katatapos lang mag-drugs. Tsk.

"Hi Miss." One of them said, habang nakatingin ng masama sa'kin, punong puno din ng iba't-ibang tattoos ang katawan niya at malaki ang pangangatawan, nakakatakot pagmasdan subalit nakaka-aduwa din.

Tahimik lang ako habang iba ang mga titig nila saakin. Unti-unti silang lumapit sa kinatatayuan ko. "Oy, bata! Ganda ng bag natin ah. Akin na lang?" One of the ugly ogres said, psh. Hindi ko siya pinansin at nanatili lamang na tahimik.

"Hay. Miss ang kinis mo din. Mayaman ka 'no?" Sabi pa nung isa. Mga walang magawa sa buhay. Tsk. Mga tao nga naman minsan, mukang gusto maranasan ang impyerno.

"Ibigay mo gamit mo saamin kung ayaw mong masaktan." He warned. Hindi ko sila pinansin at naglakad na lang ulit ako. Nagtawanan pa sila noong bungguin ko ang isa sa kanila, para makadaan ako.

"Matapang ka ah." Tatawa tawang sabi nung isa, I rolled my eyes heavenwards. Bastards. Nag-lakad lang ako ng naglakad pero ramdam ko pa din ang presensya nila na sumusunod sa'kin. Hindi ko na papatulan pa, ang mga walang kwentang ito. Maliban na lang kung kakantiin nila ako. Mabilis pa naman maubos ang pasensya ko.

Marahan akong naglalakad, ngunit natigil iyon, noong hawakan ako sa braso ng isa sa kanila. I angrily gritted my teeth because of that. "Don't. You. Dare. Touch. Me." Mapanganib at marahang bigkas ko sa kanila. Lalo silang nagtawanan dahil sa sinabi ko, saka nila ako pinalibutan.

Sinasayang nila oras ko may lugar pa ako na balak puntahan. "Ilabas mo gamit mo, kung ayaw mong sumabog ang ulo mo." Napabuga na lamang ako ng malakas na hangin mula sa bibig ko. Hindi man lang nila na pansin na wala akong interes sa kanila. Hindi ba sila marunong makahalata?

"Tsk." Tanging wika ko sabay irap. Nanatili akong walang kibo. Lumapit na iyong isa sa akin at pinagmasdan ako na para bang naninindak, ngunit wala akong ibang naramdaman sa ginawa niya, kundi pagka-inip.

"Akin na bag mo!" One of them yelled happily, na para bang ibibigay ko nga iyong bag ko dahil sinabi niya.

"Wow. May kamay ka, hindi mo makuha?" Walang ganang tugon ko. Mukang uminit ata ulo nila dahil dun. Psh. Ano bang mahihita nila sa bag ko? Mag-aaral ba sila? Tss.

"Tangina mong bata ka ah!" He screamed furiously.

"Same to you." Malambing na sabi ko sa kaniya, saka ako unti-unting ngumiti ng matamis.

"Aba! Aba! Matapang ka ha?" Dagdag na wika pa nito. Lalong lumawak ang ngiti ko sa labi dahil doon. Totoo naman kasi ang sinabi nila. Hindi naman kasi ako mapapadpad sa ganitong klaseng eskinita, kung hindi malakas ang loob ko.

Ilang sandali lang, lumapit sa akin ang isa sa kanila at itinutok sa sintido ko ang baril na hawak niya. I snorted because of that. Sana pala hindi na lamang itong shortcut sa pupuntahan ko ang dinaanan ko, kung hindi iyong malawak na daan na lamang. Ang dami palang istorbo dito.

"Ilabas mo mga gamit mo at pera mo, kung gusto mo pang mabuhay." He warned firmly. Natawa naman ako ng marahan doon. Wow ha? Paulit-ulit?

"Ikaw, gusto mo pang mabuhay?" Walang ka-emo-emosyon na tanong ko sa kaniya. Mabilis kong naramdaman na parang kakabigin na niya ang baril kaya't mabilis pa sa kidlat gumawa na ako ng paraan para makawala sa bingit ng kamatayan. Hindi naman pwedeng dito na lamang magwakas ang buhay ko.

Sa isang iglap, mukang natigilan silang lahat at napatulala dahil hawak hawak ko na ang baril na kanina lamang ay nakatutok sa ulo ko. "Oh? Where's your gun?" Pang-aasar ko pa sa kanila.

Agad kong itinutok ang baril sa ulo ng lalaking malapit sa akin at naramdaman ko na nabato siya sa kinatatayuan niya. Tsk. Walang kahirap hirap noong makuha ko ang baril na ito sa kaniya. "Na sa akin na ang baril mo, gusto mo i-try ko?" I teased while beaming mischievously. Naramdaman ko naman ang kakaibang tingin nila sa'kin dahil sa nagawa ko. Tsk. Cravens.

Nanginginig na naglabas din ng baril yung apat. Mayroon din palang baril itong apat. Akala ko naman makaka-alis na din agad ako.

"Iba-ibaba mo y-yang baril mo. Ipuputok namin ito sayo." Mahina at marahan naman akong napatawa dahil sa sinabi niya. Ang lalaki nga ng katawan at halatang maangas na taga kanto, pero muka namang wala binatbat.

"Kapag mag babanta ka. Siguraduhin mong itutuloy mo. Dahil kung hindi uunahan kita." I paused for a moment. Hinawakan ko yung baril sa ko pang kamay, at itinutok isa isa sa kanila. One. Two. Three. Four. At huli sa leader nila at, "Bang." I teased.

"Ready?" Nakangiting tanong ko. Nangangatog iyong mga kamay nila. "Go on. Shoot me before I shoot all of you." Nakangiting sabi ko sa kanila.

Nanginginig na itinutok ng isa sa kanila saakin yung baril, tsk. He's going to pull the trigger... pero naunahan ko na sya at agad sinipa ang baril sa kamay niya kaya tumalbog ito mabilis pa sa kidlat, agad kong pinagtuunan ng pansin yung isa at hinawakan iyong baril niya at tinggal yung lalagyan ng bala.

Napangiti na lang ako. "Three guns down? Two left?" I said with a playful smirk plastered on my angel face. Hindi makakilos iyong dalwang natitira at nakatulala sila na nagtataka kung paano ko nagawa ang mga bagay na iyon ng sobrang bilis.

"Ha-ha-ha." Napalingon ako sa tumatawang lider nila. Tsk. Nagitla na lang ako nung bigla na lang akong may maramdamang matilos na bagay sa leeg ko. Woah. Hindi ko man lang napansin na may panlaban pa pala siya. Mautak din kahit papaano.

Ramdam ko walang pag-aalinlangan gigilitan niya ko ng leeg. Kaya't nanatili akong nakatayo ng maayos, dahil mamaya matuluyan pa talaga ako.

"Huwag ka nang lumaban. Kayang kaya kitang patayin." Babala niya gamit ang baritong boses niya, saka idiniin ang kutsilyo sa leeg ko. I was about to do a swift move but...

"Bitiwan nyo sya!" The heck? Napa-tiim bagang ako dahil sa bigla na lamang sumigaw. Ang sikip at ang dumi na nga ng eskinitang ito, may bigla pang dadating ng basta basta? Argh. Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. Isang lalaki na parang kasing edad ko lang. Papunta din sya sa direksyon namin. Sa tingin niya ba magiging ganoon kadali makipaglaban sa lugar na ito? Nahihibang na siya. Bakit ba kailangan pa niyang maki-alam?

"Kung sino ka man, wag kang ma-ngi-alam kung ayaw mong masaktan o mamatay!" Sigaw nitong leader nila na tila naghahamon ng matinding away. Kung papatayin niya ako, sana kanina pa niya ginawa. Maliban doon, nakakaloko naman itong biglaang dumating. Tatapusin ko na sana ang mga laban sa drug addicts na ito, kung hindi lamang siya biglang dumating.

Pinagmasdan ko ang lalaking kadadating lamang, mukang kasing edad ko siya ngunit mas matangkad sa'kin, mayroon din siyang katamtamang pangangatawan at kulay itim na buhok, nagulat ako noong tingnan niya ako. Kitang kita ko ang dark eyes niya dahil doon, at saka niya ako binigyan ng isang matamis na ngiti na pinagtaka at nagdulot sa akin ng pagka-asar.

Nilapitan noong tatlo pang lalaki iyong paki-elamero. Pagkapatos ay hinila nila, iyon papunta dito kinatatayuan ko. Naman oh! Mukang duwag din, subalit nung tingnan ko siya ng mas masinsinan at malapitan sa mata. I can see no fear and a different kind of aura. Parang mapaglaro at easy go lucky lamang siya.

"Pakawalan n'yo siya. Ako kalabanin n'yo." Matapang na sabi ng paki-elamerong gugong na ito. Sayang pogi pa naman sana. Tsk.

"Huwag kang mangi-alam dito." Madiing bigkas ko at saka siya tiningnan ng masama. Ngunit, nginitian niya lamang ako na parang sinasabi na siya ng bahala. Bakit ba naman kasi walang tao dito, maliban sa amin? E di sana kanina pa ako nandoon sa patutunguhan ko. Aish.

"Miss. Alam mo ililigtas ka na nga--" Biglang pagsasalita niya, noong siguro ay makita niyang naiinis ako sa biglang pag-sulpot niya.

I cut him off and spoke. "Well I don't need help. Mr. Intruder." Napa-tsk-ed naman siya dahil sa sinabi ko.

"Tama ng satsat nyo! Ilabas nyo na gamit nyo, kung ayaw n'yong matuluyan!" Galit na sabi nung leader nila. Tsk. Napa-buntong hininga na lamang ako at saka mabilis na kumilos. Gusto ko ng maka-alis dito. I nimbly moved and used one of my feet para apakan ang paa niya at pagkatapos nyang mapa-aray hinawakan ko yung kamay na nasa leeg ko at pinilipit iyon, para malaglag iyong kutsilyo, naramdaman kong may nagtututok ng baril sa direksyon ko kaya't agad akong tumungo at iniharang sa sarili ko yung leader nila. It was a swift move. Sa isang iglap. Ang natamaan ng gun shot ay iyong leader nila. Hindi sila makapaniwala sa nangyari, natulala sila. Mabuti na lamang at daplis lang iyon, nakita ko pa ang pagtulo ng dugo mula sa braso niya.

"Know your places. You don't know who I am." I said as I smiled at them devilishly. Napatingin ako sa intruder na yun nakangiti s'ya. Nagulat ako sa mga ngiting iyon, nakapaghatid iyon ng kakaibang pakiramdam sa akin. Goosebumps. His smile it's... it's... mysterious.

"Boss! Boss!" Nag-aalalang sigaw nung apat sa boss nilang nakaluhod. Napa-taas naman ang kanang kilay ko dahil sa eksena nila. Para namang namatay iyong leader nila, daplis lang naman. Tss.

"Walang hiya kang bata ka!" They yelled at me. Hindi ko sila pinansin at inayos ang nagusoy kong uniform habang ginagawa ko iyon bigla na lamang akong hinila ng intruder na ito. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil sa ginawa niya.

"Damn! Let go!" I shrieked irritatedly. Pero hindi niya ako pinansin at tumutok sa daan na tinatahak namin. Wala na din akong nagawa dahil doon, makitid ang daan na may matataas na pader, kaya napa-iwas na din ako sa mga nagkalat na bote at kung ano ano pa sa eskinita.

"Bumalik kayo!" Napalingon ako bigla dahil sa biglang pag-sigaw noong mga drug addict. Nakita kong hinahabol kami noong apat at may nakatutok sa sa'min na mga baril. Shit!

Pagkapos bigla na lang kaming nakarinig na malakas na putok ng baril.

"Dodge!" I squealed. Agad kaming lumiko sa isang kanto dahil sa pagpapaputok ng mga baril. Luckily, marunong pala makiramdam ang intruder na ito at naka iwas kami sa mga bala.

Ramdam ko pa din na sinusundan pa din kami at patuloy pa sila sa pagpapaputok ng baril!

"Bullshit!" I heared him cussed. Subalit, tuloy tuloy lang kami sa pagtakbo. Medyo nakalayo na din kami kahit masikip ang dinadaanan namin.

"Aish, those ugly pigs! Sige lang ng hingalin kayo, para pumayat kayo! Sige, takbo pa!" Ewan ko bigla akong napatawa dahil sa sinabi niya, muli tinanaw ko iyong mga humahabol sa'min at mukang napapagod na nga sila, sa laki ba naman ng mga katawan nila.

"Natawa ka pa sa lagay natin?" Amused na tanong niya. Inirapan ko siya dahil doon, "So what?" I retorted. I heard him hissed pero parang natawa din naman siya. "Do you know how to climb?" Napatingin ako ng nagtataka sa kanya dahil sinabi niya.

"Yeah why?" I asked.

"E di akyat, agad agad!" Agad akong napatingin sa unahan namin gawa ng isinigaw niya. Kaya naman pala nasa dead end na pala kami. Nakita ko siyang umakyat agad sa pader kung asan kami, ang bilis lamang niya iyong ginawa.

Napatingin ako sa nahabol saamin. Wala na ata silang bala, at hinihingal silang papunta sa kung nasaan kami.

"Hey! Ms. Dauntless, climb." Natauhan ako noong sumigaw saakin si Mr. Intruder. Agad akong umakyat sa pader ng dahil doon. Habang umaakyat, nagitla ako ng may humila sa paa ko. Oh shit! Hindi ko maiwasang mapamura sa isip ko. Agad kong sinipa iyong humigit ng kauntian sa akin at mabilis na patuloy umakyat. Hanggang sa nakarating ako sa taas at tumalon sa kabilang bahagi ng pader. Finally.

Napatingin ako sa pakielamerong ito. "Stop staring." He said discreetly. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya saka naglakad papunta sa park. Park kasi tong nasa kabilang bahagi nung pader. Medyo kaunti lang din ang tao. Napatingin ako sa langit, palubog na din ang araw at marahang umiihip ang hangin. Agad akong umupo sa swing.

Susunduin naman talaga ako dapat sa school kanina, ngunit tumakas ako. Hindi na ako bata para sunduin pa. Saka, ang ingay sa school kaya't umalis na lamang ako doon.

"Hey, Ms. Dauntless." Napalingon ko sa paki-alamero na 'to, tinaasan ko sya ng kilay, at tingnan na parang wala lang, na parang hangin lamang.

"Wanna say thank you?" He asked.

"Heck no." I immediately answered.

"Woah, hindi ka marunong tumanaw ng utang na loob?" He sarcastically retorted. Natawa naman ako na tila naasar sa kaniya.

"Yeah. And I didn't ask for your help anyway." Plain na sabi ko sa kanya. Siya nga itong sulpot ng sulpot na lang at eextra bigla-bigla. Tatapusin ko na sana iyon at hindi tatakbuhan pero, eto... tumakas kami.

"Ms. Dauntless. Thank you ah. Thank you. Mabuti nga sinalba kita sa mga baboy na iyon." He sarcastically said. I looked at him unbelievably. Ano daw? Ako? Niligtas niya, parang wala naman akong matandaan. Tss.

"Niligtas mo ako?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya saka nag-cross arms. "Sa pagkakatanda ko, sumulpot ka lang para maki-alam." I added.

"Woah. Woah. Woah. Ang yabang. Mag-tha-thank you ka lang hindi mo pa magawa." Asar na wika niya, I just rolled my eyes. Kasalanan niya. Hindi ko naman hiningi tulong niya. Kung titingnan mo pati siya mukang mayaman at may class, kaya nagtataka ako bakit naki-gulo siya. Tss.

"And why would I thank you?" I taunted. "I just saved you!" He yelled and I was taken aback. Kailangan sumigaw? Kapal ng muka, para namang may sampung libo akong utang sa kaniya.

"Woah. Great. You stupid idiot." I retorted bluntly, nakakainis kasi, he just saved me? Sa pagkakaalam ko hinila lamang naman niya ako ng hinila paalis doon. Wala akong dapat ipagpasalamat doon. Tsk.

"What did you just call me?" Tila nang-hahamon na wika niya pagkatapos ay lumapit sya saakin. Mukang inis na sya, buti nga. His fault.

"You're not just stupid idiot, you are also deaf." Walang ganang saad ko. Nanlaki naman ang mata niya sa sinabi ko, na para bang unang beses nyang mainsulto.

"Ms. Dauntless. You don't know who I am." He firmly retorted. I gave him my sweetest yet pissed off smile.

"Oo nga, hindi ko nga alam pangalan mo at kakikita ko lang sa'yo, pano kita makikilala?" Nang-aasar na sabi na habang nakatingin sa nanlilisik niya mga mata.

"Shut up! Ms. Dauntless."

I gave him my sweetest smile. "You can't shut me up! Mr. Intruder."

Nagitla na lang ako ng panlisikan niya ko ng mga kulay itim niyang mata na tila napaka calm ngunit may nagwawalang dragon na at saka niya inilapit ang muka niya sa muka ko. Hindi ako nagpatinag tinitigan ko sya sa mata, kahit ang ganda nung itim niyang mga mata at iyong mahahaba at makakapal na pilik mata niya. Hindi ko ipinaramdam na naiilang ako sa lapit ng muka namin sa isa't isa.

"Stupid." Inis na sabi ko.

"Birdbrain." He mocked.

"Bubble-headed." Mabilis at nag-titimping na saad ko.

"Chuckleheaded!" Agad na bigkas niya, habang walang expression ang muka, pero iying nga mata naman niya parang may ibang pinararating.

"Dumb!"

"Idiot!"

"Witless!"

"Gormless!"

Nagsukatan kami ng titig sa isa't isa. Walang nagpapatalo. Naiinis ako, at mukang ganun din siya. Siya lang ang tanging uminsulto saakin ng ganito. Ako? Stupid? Gormless? Foolish? The heck is wrong with him? Nakikipaglokohan ba sya?

Ako si Princess Light Smith? The heiress of the hoodlum empire, tinawag niyang ganun? Sinong niloloko niya?

"You don't know who I am." Mahina ngunit mapanganib na bigkas ko sa kaniya.

"Ako. ang. hindi. mo. kilala." Bigla akong natigilan at hindi nakasagot doon. Pakiramdam ko din, tumigil ang pag-ikot ng mundo at wala akong nagawa kundi nanginginig na titigan siya sa matatapang niyang mga mata. Na-intimidate ako dahil doon.

Who the heck is he?

* * * * *

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top