Element 55: Miruh | Hunter
The Four Elements
Element 55
/Miruh/
"The World of Fire." sabi ni Rallen at pangako, kung nakita niyo ang mukha ni boss, malamang ay maninindig din ang mga balahibo mo.
Her smile looks very evil at the same time, excited. Malamang ba iniisip nito na mundo niya yun kasi apoy ang pangunahing elemento niya.
"My world." sabi niya sabay pikit. "It's going to be enjoyable." bulong niya. Nagkatinginan naman kaming lahat sa inasta ni boss. Shet, katakot. Siya lang ata ang kinakatakutan ko sa lahat ng tao rito.
Tinignan ko naman yung Head (na tita ni boss), maganda katulad ni boss at nakaka-intimidate ang itsura. Mga hanep ang mga lahi nila.
"Head, I want to ask for the cooling potion." sabi ni Rallen, na bumasag sa katahimikan.
"Follow me to the potion room." sabi ni Head kay Rallen, saka sumunod si Rallen sa kanya. Naiwan kaming lahat kasama si boss na kasalukuyang nakapikit padin. Pero alam ko namang gising pa siya.
"Yan." pabulong na tawag sakin ni Kae.
"Bakit?" tanong ko.
"Ano na kayang nangyari kela ate at kuya Ice?"
Napabuntong-hininga ako. "Hindi ko alam, pero sana ayos lang sila."
"Sana nga." sagot niya. "Hindi ko alam ang gagawin ko kung may masamang nangyari sa kanya." Binigyan niya ako ng isang malungkot na ngiti kaya niyakap ko siya.
Nakita ko namang kausap ni Hunter at Xyper si VP, at nabigla ako nung ngumisi siya ng kaparehas kay Boss.
Hindi pala. Hindi lang pala si boss ang kinakatakutan ko dito.
Pati ang sidekick niya, si VP. Shet.
/Hunter/
"Bro." pagtawag ni Xyper sakin.
"Bakit?"
"Nakakatakot ang aura ni Greya." sabi niya at tumango ako. Totoo yun, kahit lalake ako at babae siya, napakaintimidating niya. Maganda ang ngiti niya kanina sa amin sa traveling hole pero ang ngiting ibinigay niya kani-kanina lang ay nakakapanindig balahibo.
"She's scary, but don't be scared of her." sabi ni Freeze sa amin. "This is still not the state were you should be scared of her." Pagpapatuloy niya.
"She's even scarier than what you think she is." bulong niya sa amin sabay bigay din ng ngiting kapareho kay Greya. Shit, these two are making me insane. They're the perfect duo. They're scary.
Pagkatapos nun, tumayo silang dalawa ni Greya at lumabas. May napansin naman ako habang papalabas sila.
Greya was surrounded by reddish-orange light while Freeze was surrounded by sky bluish light.
Their auras are creeping me out. Shit.
***
A/N: Very short, indeed. Sorry.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top