TFE 38: River of Pain

"Tu--Tulungan niyo ko... Pakiusap..."
Nanghihinang iniwika ng dalagang si Alexandra, habang nakatayo pa'rin mula sa naka-bukas na pintuan ng cabin...

But Ophelia screamed in fear, at bigla nalamang 'ring napa-upo.

Dahil dito'y kaagad niyang naagaw ang pansin noong iba, dahilan upang pare-pareho itong nagmamadaling pumunta sa may sala.

At doon nga nila nakita si Alexandra.

Halos nababalutan na ng napakaraming dugo ang kanyang katawan. Maraming mga sugat sa balikat, at hanggang ngayon ay bahagya paring dumudugo ang matang nabulag dahil sa ginawa sa kanya ni Rosario.

"Shit! It's Alexandra!" Naibulalas ni Raffy.

"Please... Tulungan niyo ko..." Muling iniwika pa nito.
"I--I'm begging you..."

Ngunit imbis na lapitan at alalayan ang dalaga ay dali-dali lamang na pinatayo nina Juvy at Lalaine si Ophelia at agad na napa-atras papalayo mula 'roon. Johnrey covered the rest, at mariing itinutok sa dalaga ang kanyang hawak-hawak na shotgun.

"Lumayo ka!" Sigaw ni Johnrey.

"What the- B--Bakit!?... kaklase niyo ko! At kaibigan!" Mangiyak-ngiyak na naibulalas ni Alexandra.

"You killed everyone," says Raffy. "You almost killed me, Alexandra, Rosario and the rest. At ikaw 'rin ang may kagagawan sa pagkamatay ng iba pa nating mga kaibigan at kaklase sa lugar na ito. Sina Aldrich, Chris, Rosemary, Florelyn, Janmil, Rogelio, Joyce, Zyhra. And basically everyone before Mary Hills! So why should we believe you now?!" Muling bulyaw ng binata dito.

"It wasn't just entirely me," Alexandra's emotions shifted all of a sudden. From looking like a helpless victim earlier, to a much serious tone.
"I was not alone. We were not alone to begin with," aniya pa.
"Hindi 'rin naman ako ang orihinal na killer eh. I was bored, so I decided to help."

"By killing half of our friends?" Asks Johnrey.

"No. But by eliminating annoyingly spoiled teenage brats like you," says Alexandra. Bagay na bahagyang nagpa-inis naman kay Johnrey na kamuntikan pang ipaputok iyong hawak niyang shotgun sa dalaga.

"Oh, ba't hindi mo ipaputok? Diba matapang ka? Iputok mo na! I'm right here motherfucker! Do your thing!"

"She's taunting us," ani Raffy kay Johnrey.

"Sh--Shoot her!" Says Ophelia.

Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa'rin ito magawa ni Johnrey.

May bagay na wari ba'y kanina pang bumubulong sa kanya na huwag ituloy ang kanyang binabalak, dahil baka mapahamak lamang siya.

"A--Ano pang hinihintay mo? Barilin mo na siya!" Muling bulyaw ni Ophelia kay Johnrey.

Ngunit tanging panginginig ng kanyang kamay lamang ang nagagawa ng binata, habang nakatutok pa'rin iyong baril kay Alexandra.

Kanina pa kasi may napapansin ang binata doon sa dalaga.
Naka-ngiti lamang ito. Pakiramdam niya'y may bagay na ipinaplano. At kapag maipa-putok niya ang baril dito'y may masamang mangyayari sa kanila.

"Goddamn it- give me the gun!" Muling bulyaw ni Ophelia at walang ano-ano'y bigla nalamang inagaw iyong baril kay Johnrey at paparatratan na sana ng putok si Alexandra, bagay na ikinagulat ng lahat.

Ngunit hindi pa man iyon nagagawa ni Ophelia ay agad na siyang naunahan ng dalaga nang may bigla itong binunot na baril mula sa kanyang bulsa't ipinaputok kay Ophelia.
Dahilan upang kaagad na matumba ang dalaga.

Dahil sa nangyari ay mas lalo lamang na nakaramdam ng matinding galit si Johnrey, kaya nama'y muli niyang kinuha iyong baril at kaagad na ipinaputok kay Alexandra.

But when he suddenly pulled the trigger, nagulantang ang lahat nang bigla nalamang sumabog iyong shotgun na hawak pa'rin ni Johnrey. Dahilan upang kaagad na kasamang sumabog ang mga braso't katawan niyang nakariin doon sa shotgun.
Even his jaw was nowhere to be found.

Dahan-dahang napaluhod ang binata sa sobrang sakit at paghihirap. His whole body was bleeding. At halos makita na'rin ang mga laman-loob ng binata.

Dahil dito'y tuluyan nang bumuhos ang pag-papanik sa loob ng cabin, as Alexandra did nothing but laugh, seeing as two more students fell from their deaths.

"Now... Where were we?" Muling sabi ni Alexandra, at tinapunan naman ng mga tingin iyong iba pang nasa loob ng cabin.

"Shit!! Guys, takbo!!" Sigaw ni Raffy. They wanted to fight, but they never had any weapon to begin with, kaya nama'y nag-tatakbo nalamang sila papuntang kusina at sinubukang humanap ng maaaring malabasan.

Ngunit wala pa mang may mga nakakalabas sa kanila ay sunod-sunod na silang pinag-babaril ni Alexandra.

Each screams and gunshots can be heard from afar. Ngunit tanging mga walang malay na mga hayop at insekto lamang ang nakakarinig sa mga ito.

Nang mapansin ni Alexandra na wari bang hindi na gumagalaw ang mga ito ay muli siyang bumalik sa may sala, at dahan-dahang nilalapitan ang ngayo'y nag-hihirap pa'ring si Johnrey.

He was still alive, but he was already feeling such an immense pain.

"A--Arilin wo ko~"
Says Johnrey. Still couldn't handle the suffering, and requested Alexandra to just shoot him instead.

Ngunit bahagyang napa-buntong hininga nalamang si Alexandra.
"Sorry pal. You're already a goner, and I don't want to waste any more bullets for you," aniya. "Just figure something out okay? Bash your head with something. Kailangan ko pang hanapin ang iba," ani ng dalaga. Na para bang normal na kinakausap lamang si Johnrey, at pagkatapos ay bored na agad nang naglakad paalis mula 'roon.

Leaving Johnrey behind, still being suffocated with the pain of dying...

Ngunit ang hindi alam ng dalaga ay may isa pala sa kanyang mga kaklaseng naroroon ang hindi niya masyadong napatamaan ng baril, at halos tanging mga galos lamang ang natamo nito.

Dahan-dahan itong tumayo at kaagad na lumapit sa isang kaklaseng naka-handusay na sa sahig.
"L--Lalaine? P--Please tell me you're still alive?" Mahinang naisambit ng dalaga.

She checked her pulse and noticed that Lalaine was indeed still alive!

Agad naman siyang napalapit kina Faye at Raffy, at pinulsuhan 'rin ang mga ito. At sa gulat ng dalaga'y buhay pa'rin ang mga ito.
"W--Wag kayong mag-alala, h--hihingi ako ng tulong," wika ng dalaga sa mga ito, even though she's actually unsure if they can hear her.

Dahil dito'y kaagad na nag-tungo si Juvy sa may sala upang sana'y lumabas ng cabin at hanapin iyong iba.

Ngunit kaagad lamanh siyang napatigil nang makita ang mga wala nang buhay na katawan nina Ophelia at Johnrey.

She wanted to cry... Ngunit naisip niyang wala nang panahon pa para magluksa, dahil mas may nangangailangan pa sa tulong niya.

Kaya nama'y dali-dali siyang lumapit sa may pinto upang sana'y lumabas na, ngunit muli lamang siyang natigilan nang may marinig naman siyang tumawag sa kanyang pangalan...

"J--Juvy..."
Mahina ito, at halatang nag-aagaw buhay na.

Nang lingunin niya ito'y kanyang nakita si Johnrey na bahagyang gumagapang pa papalapit sa kanya.

Mahahalatang sobra na itong nag-hihirap sa kanyang dinadanas.

Lasog na ang tiyan nito, at halos bumulwag na'rin ang kanyang laman-loob dahil sa nangyari sa kanya kanina.

His jaw was torn off, and he was bleeding. Talagang halos hindi niya na ito makilala pa. Bagay na sadyang ikinataka at ikinaawa ni Juvy kung bakit hanggang ngayon ay buhay pa ito at nag-dudusa.

Johnrey wanted to say more words, ngunit dahil sa sobrang sakit, at dahil na'rin sa nangyari sa kanyang mukha ay hindi na ito makapag-salita pang muli.

Ngunit sa mga tingin palamang sa kanya ng binata ay agad nang naintindihan ni Juvy kung ano ang gustong ipahiwatig nito sa kanya.

He wanted her to help him end his suffering.

Tumango nalamang si Juvy, at sa puntong iyon ay hindi niya na napigilan pa ang sariling emosyon at napa-luha nalamang siya.

Lumapit siya sa isang upuang naroroon at binali ang paang kahoy nito.

Dahan-dahan naman siyang lumapit kay Johnrey.

"P--Pasensya na't wala na akong ibang magagawa pa sa'yo..." Mangiyak-ngiyak pa'ring sabi ni Juvy sa binata.

Nag-aalinlangan man ay pinatatag nalamang ni Juvy ang kanyang sarili't dahan-dahang itinataas iyong dos-por-dos na kahoy sa harapan ni Johnrey.

Dahil dito'y ipinikit nalamang ng binata ang kanyang mga mata. Waiting for the final pain to struck, before finally achieving the inner peace.

At mula 'roon nga'y agad nang hinataw ni Juvy iyong kahoy mula sa ulo ni Johnrey.

Paulit-ulit niya iyong ginawang, kahit na labag sa kanyang sarili.

She never wanted to any of it.
She never wanted to kill a friend.

Ngunit upang matulungan itong hindi na makaramdam ng kahit na anong sakit ay minabuti ng dalagang tapusin nalamang ang paghihirap nito...

Nang mapansin niya namang hindi na gumagalaw ang binata, at halos posak na ang ulo ay doon niya na itinigil ang kanyang ginagawa.

At umiyak nalamang siya nang umiyak.

She never thought that someday, she'd be able to help a friend by killing him.

+++

BestRoleInLife
Presents

The Final Exam

Chapter 35:
~ River of Pain ~

+++

"Tin, s--siguro kailangan na nating bumalik. Nag-aalala na ako para doon sa mga kaibigan nating naiwan," wika ng dalagang si Sheena habang maingat at tahimik pa'rin silang naglalakad sa kalagitnaan ng kakahuyan. Nag-babakasakaling may makikita silang pamilyar na mukhang maililigtas sa patuloy na kapahamakang idinudulot sa kanila ni Bladespawn.

There were twelve of them in total. Besides Sheena, kasama niya 'rin sina Heide, Daniel, Erron, Hanzell, Joseph, Justin, Reymart, Mell, Nicole at Theresa.

"T--Tama si Sheena, Tin," pag-sang-ayon naman ni Mell.
"Kanina pa tayo lakad nang lakad dito, pero wala namang sign doon sa iba pa, o sa killer," aniya.

"Hindi," agarang isinagot ni Justin sa kanila.
"Hindi tayo kailangang sumuko. Kung iniisip niyo na marahil ay patay na sila, then we search for their bodies for confirmations.”

"But if we find them dead, then wouldn't it be pointless?" Says Rejielyn.

"Kailangan pa'rin nating makasiguro. Kung kayo ang nasa sitwasyon nila, alam kong gugustuhin niyo 'ring may mga taong maghahanap upang magligtas sa inyo," wikang muli ng binata, bagay na ikina-sang-ayon naman ng lahat mula sa kani-kanilang mga isipan.

Dahil sa malayong nilakbayan ay napag-pasyahan naman ng magkakaibigang magpahinga at mag-tago nalamang muna.
They've all hid behind the bushes, ngunit sinisigurado pa'rin ng lahat na talagang naka-matyag sila sa paligid at walang mangyari sa kahit isa sa kanila, kapag umatake nanamang muli iyong mamatay-tao.

Mahahalata sa mga mukha ng bawat estudyante ang sobrang pagod at stress na kanilang nararamdaman.

And besides that, they're also grieving to every single friend they've lost during this point.

Ngunit kahit na anong gawin nila, hindi pa'rin sila nagkakaroon ng mahabang pahinga simula noong nangyari ang lahat nang ito.

Parang kahapon lang ay naaalala pa nila ang mga tawanan at asarang kanilang ibinabato sa bawat isa.

At kung panaginip lang ang lahat nang ito para marahil ay wala na ni-isa pa sa kanila ang magbabalak na matulog.

Sobrang namimiss na'rin nila ang kanilang mga kapamilya't mga magulang.

But during at this point, they're all alone...

Theresa sighs.
"Sa tingin niyo, tayo-tayo nalang ba talaga ang buhay pa?" Aniya.
"Papaano sina Angel at Raynold? Sa tingin niyo... Buhay pa ba sila ngayon? Pansin ko lang kasi, matapos 'yong nangyari sa hospital, wala na tayong balita pa tungkol sa kanila," aniya pa.

"Nobody knows for sure," sagot ng katabi nitong si Sheena.

"Manalangin lang tayong, walang masamang nangyari sa kanila," ani naman ni Justin.

"W--What about Richard?" Rejielyn asks.
"Diba ang sabi nakatakas daw siya sa kulungan? Do you guys think na siya ang gumagawa nito?" She asks.

"I don't think so," sabi naman ni Heide.

"Bakit?" Tanong sa kanya ni Rejielyn.

Heide then, shrugged both of her shoulder as an answer, and then took a deep breath.
"I have a feeling that, the killer is a woman," aniya. Dahilan upang bahagyang mapatingin naman sa kanya iyong iba.

"P--Papaano mo nasabi, ate Heide?" Takang tanong ni Mell...

Umiling-iling naman si Heide bilang sagot.
"Maging ako hindi ko 'rin ma-explain," aniya. "Pero... Siguro dahil sa babae 'rin ako. I know a girl when I see one, and Bladespawn is definitely a girl," aniya.

"Okay? So... Let's just say Bladespawn is indeed a girl," says Nicole.
"But the only question is... Who?"

++

"Jackpot, andiyan lang pala kayo ah..."
Pabulong na naiwika ng dalagang si Alexandra, nang makita nito ang pinagtataguan ng mga kaklase.

May dahan-dahan naman siyang kinuhang isang wari ba'y switch ng kung ano mula sa loob ng kanyang bulsa at tinitigan ito.

She pushed the button and whispered, "Boom!"

+

Mayamaya'y nagulantang naman ang lahat nang may bigla nalamang silang marinig na isang bagay na pumutok mula lamang sa di kalayuan.

Kaya nama'y dahil dito ay kaagad silang napatayo at napa-masidmasid sa buong paligid.

"A--Ano yo'n?!" Gulat na naibulalas ni Justin.

Few seconds later naman ay bigla nalamang nilang narinig si Reymart na panay ang sigaw ng mga masasamang salita, kaya nama'y dali-dali silang napa-lapit dito.

"Mart? A--Anong nangyari?!" Agarang naitanong sa kanya ni Sheena.

Reymart's facial expression looked like he'd just seen a ghost!
"Yo--Yo'ng baril! Bigla nalang nagkaroon ng isang kakaibang tunog iyong baril kaya binitawan ko ito. A--At pagkatapos bigla nalang sumabog! -SHIT! Buti nalang talaga't naibaba ko na muna siya. D--Dahil kung hindi- baka nasabugan na'rin ako!" Sunod-sunod na sinabi ni Reymart habang patuloy lamang na tinuturo iyong ngayo'y sumabog nang baril malapit sa kanyang paanan.

"Teka... Anong ibig mong sabihin?" Takang naitanong naman sa kanya ni Hanzell. "Anong tunog ba bro?"

Pagkatanong noon ng binata ay kaagad naman silang nakarinig ng isang wari ba'y manipis na paputol-putol na tunog. Isang tunog na wari ba'y kaparehong-kapareho sa mga bombang nasa mga palabas bago ito sumabog.

"Y--Yan! Yang tunog!!" Agarang sagot ng binata na ngayo'y nakaturo na sa mga baril na hawak ng kanyang mga kaklase.

Lubusan din itong ikinataka ng lahat.
But it only took 2 seconds for Erron to finally realized something...

"SHIT!" Bulalas niya.
"Lahat kayo itapon niyo 'yong baril!!"
Agarang sigaw ng binata, at dali-daling inihagis papalayo ang kanyang dala-dalang revolver.
Isang bagay na kaagad din namang sinunod noong iba, at pagkatapos ay nagsitakbuhan sila papalayo sa mga ito.

At hindi pa man lumalagpas sa pitong segundo, nagulantang ang lahat nang bigla nalamang ngang sumabog ang lahat nang iyon. At sa sobrang lakas nito'y pare-parehong nagsi-dapaan iyong mga estudyante, sa takot na baka matalsikan sila ng mga parte at bala nito...

Dahil sa nakita'y napa-irap naman ang halatang disappointed na si Alexandra, dahil wala manlang ni-isa sa mga ito ang nagalusan.

She sighs.
"Oh well, time for plan B!" Aniya pa, at naglakad na papaalis mula sa kanyang pinag-tataguan, upang harapin ang mga kaklase.

"A--Ayos lang ba kayo?" Heide asked all of her classmates, sinusubukang tingnan kung may natamo bang sugat ang mga ito.

Unti-unti na'rin silang nagsisitayuan.

"A--Ano bang nangyari?" Takang naitanong nalamang ng dalagang si Theresa, habang inaalalayan siyang makatayo nina Sheena at Justin.

At kabay din nito ay ang agad siyang mapatingin doon sa nakikita niyang taong wari ba'y naglalakad papalapit sa kanila at kahit natatabunan pa ng usok dahil sa nangyaring pagsabog ay napansin din agad ng dalagang may dala itong dalawang armalite sa magkabilang kamay. Bagay na kanyang kaagad na ikinataka.

At habang papalapit si Alexandra'y unti-unti na siyang napapansin noong lahat. The first one being Theresa.

"Te--Teka... Si Alexandra ba iyon?" Takang naitanong ni Theresa.

Alexandra smirked and stopped infront of them.
"Surprise, bitches!" Bulyaw ni Alexandra sa mga kaklase at bigla nalamang silang pinaratratan ng bala, bagay na ikinagulat ng lahat.

Nagawa pang maka-takbo ng bawat isa sa kanila, ngunit hindi sila naka-iwas sa paulang mga bala.
Mabuti nalamang talaga't hindi sila natamaan sa kung saan ay pwede silang mamatay. Tanging mga daplis lamang.

Nagtatakbo sila nang nagtatakbo, ngayon ay wala na silang mga armas dahil sa nangyari. Ngunit hindi gaya noong dati ay minabuti na nilang hindi magkahiwa-hiwalay, dahil baka mas lala lamang ang mangyari sa kanila sa oras na may mga mawalay nanaman sa grupo.

Sa kanilang patuloy na pag-takbo naman ay bigla nalamang silang nakaabot sa isang dead end.

A cliff suddenly made a surprise appearance.
Kamuntikan pa ngang mahulog si Hanzell mula 'rito, ngunit mabuti nalamang at kaagad siyang na-hugot pabalik nina Heide at Erron, preventing him from facing death earlier than them.

"Dead end!" Bulalas ni Nicole, at pagkatapos ay muli silang napa-tingin doon sa humahabol sa kanila, and saw Alexandra appearing before their eyes.

"A--Alexandra? Anong ibig sabihin nito?!" May halong kalituhang naitanong nalamang ni Sheena.

"The hell- ikaw ang killer!?" Bulalas naman ni Justin.

"B--Bakit mo ito ginagawa?!" Mangiyak-ngiyak na naitanong naman ni Theresa.

Alexandra rolled her eyes in boredom.
"Same old reactions, so irritating!" Says Alexandra, at muli nanamang itinutok iyong hawak niyang mga baril sa mga kaklase.
"I'm sorry it had to be this way. Pero, I'm afraid katapusan niyo nang lahat," aniya pa. "Any last words?"

+


T o B e C o n t i n u e d...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top