4: Losing Ground
Vander Lewis
He deliberately went to the hotel early. Nagdala siya ng ilang damit dahil balak niyang okupahin muna ang katabing suite ng mag-iina.
He waited for the flower delivery bago niya kinatok ang mga ito.
He'd been ringing the door bell for few minutes pero walang nagbubukas ng pinto kaya tinawagan niya ang dalagitang anak.
He paced back and forth while waiting for Desiry to answer.
["Good morning, dad."] Agad na bati ng dalagita pag-angat ng telepono.
"Morning. Pabukas naman ng pinto." Tugon niya rito.
["Dad?"]
"Kindly open the door please." Ulit niya sa anak.
["Nasa hotel po kayo?"] balik-tanong ng anak.
"Obviously."
["Oh no! Maaga po kaming umalis, dad. Hinatid kami ni mommy dito kina lolo't lola kasi may aasikasuhin daw siya saglit."]
He mentally cursed. Inagahan pa niya ang pagpunta para sana pigilan ang asawa sa pag-file ng petition.
["Dad?"]
"I'm still here. Please inform me kapag nandiyan na ang mommy mo. I'll come over." He said before hanging up.
He inhaled deeply. Mukhang hindi na talaga niya mapipigilan ang asawa.
-----
He gathered his strength bago nagdoorbell sa bahay ng mga in-laws. Hindi naman siya kinakabahan sa mga in-laws niya. He's always been welcome at their house kahit noong umalis si Aubrey. Hindi nagalit ang mga ito sa kanya o kung nagalit man ay hindi siya pinagtabuyan ng mga ito. Marahil ay dahil sa mga apong nasa poder niya kaya open pa rin siya sa bahay ng mga ito. Ipinapasyal din kasi niya minsan ang mga anak dito kapag hindi siya busy at pinatutuloy naman siya ng maayos.
Kinakabahan lang siya sa magiging reaksyon ni Aubrey. Nasa loob na daw kasi ang asawa at malamang kagagaling nito sa korte.
Agad siyang pinapasok ng biyenang babae nang makitang siya ang nag-doorbell.
"Kumusta na? Matagal kang hindi napasyal." Tanong nang ginang habang papasok na siya ng bakuran. Iniwan na lamang niya ang kotse sa tabi ng kalsada. Isa lang kasi ang kasya sa garahe ng mga biyenan niya.
"Okay lang po, ma. Busy sa business." Parang may bikig sa lalamunan ang pagtawag niya rito ng "ma". Iniisip niya kasi kung dapat pa ba niya itong tawagin ng ganon.
"Sabi nga ng mga bata parami ng parami na daw ang hotels niyo. Meron na yata sa Dubai." Komento naman nito.
"Medyo po. Paano niyo po nalaman yung sa Dubai?" tanong niya sa biyenan.
"Ah, nabanggit ng mga bata." Tugon naman nito.
As far as he know hindi niya sinasabi sa mga bata ang tungkol sa hotel sa Dubai. His parents might have told them. Aasa pa ba siyang may maililihim siya sa dalagitang anak. Mana yata 'yon sa ate Vanna niya na magaling mag-spy. Ito nga lagi ang nagpapauwi sa kanya noon sa tuwing gumigimik siya. Lagi nitong alam kung nasaan siya.
"Nag-usap na kayo ni Aubrey?" tanong ng biyenan habang binubuksan ang maindoor ng bahay.
"Opo." Magalang niyang tugon rito. Do they know that Aubrey's filing an annulment?
"Mabuti naman kung gano'n. Gaya ng sinasabi ko, welcome ka pa rin naman dito sa bahay kahit na hiwalay na kayo."
He inhaled deeply as he nodded. So they knew?
Bakit parang ang dali lang sa mga ito na tuluyan na silang maghihiwalay ng asawa niya?
He shrugged the thought off at ibinigay ang mga dalang pagkain sa mga anak na sumalubong sa kanya. He wanted to talk to Aubrey pero hindi ito lumabas ng kuwarto.
His kids told him na doon matutulog ang mga ito kaya nang umalis siya ay sa bahay na siya ng mga magulang umuwi.
-------
"You're not really a fan of elevators, are you?"
Napatigil siya sa akmang pag-akyat ng hagdan nang marinig ang ka-triplet. Vance is sitting on the stool at the bar counter. Matagal na kasing may elevator ang bahay ng mga magulang niya pero hindi niya ito ginagamit. Nasa second floor lang naman kasi ang kuwarto niya. Mga anak niya ang madalas gumamit non dahil nasa third floor ang kuwarto ng mga ito.
"Ginagawa mo dito? Sawa ka na ba kae-experiment mo?" sarkastiko niyang tanong dito. Tumawa naman ito ng mahina.
"I have actually invented a pain reliever and it might be a breakthrough in the field of medicine." Seryoso nitong saad habang pinagmamasdan siya ng maigi. Vance has his own pharmaceutical company bukod sa ito ang nagmamanage ng cruise ships ng pamilya nila.
"Ano namang kinalaman ng pag-akyat ko sa hagdan diyan sa pain reliever mo?" nakangisi niyang tanong.
"Well I need to see first hand kung makakagamot nga talaga ito ng broken heart. I'm going to test it on you." Vance answered grinning.
"Gago!" natatawa niyang sagot. Akala naman niya seryoso ang sinasabi nito. Chemical engineer kasi ito at madalas ito ang nag-iimbento ng mga gamot na ginagawa sa pharmaceutical laboratories nito.
"Dapat nakakagamot din ng pagkabulag, bro!"
Napadako ang tingin niya sa couch nang marinig ang boses ni Leandrei. Nandoon pala ito, hindi man lang niya napansin pagpasok niya ng bahay. Masyado yata siyang pre-occupied sa sitwasyon niya.
"Isa ka rin! Inumin mo rin yung gamot para gumaling ka sa pagkabulag mo diyan sa asawa mo!" Biro niya rito.
"Aba! Kung makapanlait ka ah! Hindi ka naman guwapo!" Tumayo ito mula sa sofa at nagkunwaring susugurin siya. Napatawa naman siya sa inakto nito. Alam niyang hindi naman ito nasasaktan. It was their family's covert joke before they get to know his wife well.
"Hindi tayo guwapo period." Natatawang tugon niya rito. Sa kanila kasing tatlo, silang dalawa ang higit na magkamukha.
"Vance pigilan mo ako. Bubugbugin ko 'to!" Leandrei shouted that made Vance laugh hard.
"Umalis na nga kayo!" saad niya sa mga ito. Natawa lang ang dalawa sa sinabi niya. May mga sariling bahay na rin kasi ang mga ito. Sila lang namang tatlo ng mga anak niya ang nakikitira sa parents nila. All of them have their own houses and a family to call their own.
"Ano ba kasing ginagawa niyo rito?" tanong niya at nilapitan ang dalawa na pareho nang nasa bar counter.
"Alam kasi naming kailangan mo ng kasamang uminom." Vance answered getting a whiskey.
"Bakit naman ako iinom?" kunot-noo niyang tanong sa kapatid.
"Celebration sa pagbabalik ni Aubrey." Natatawa namang sagot ni Leandrei. He glared at him.
"Puwede rin para sa pagkalimot mong may elevator naman naghahagdan ka pa at pagiging bulag dahil sa laki naming dalawa hindi mo kami nakita." Natatawa ulit nitong hayag. Kahit kailan talaga maloko si Leandrei.
"Halika na may regalo kaming babae mamaya baka hindi ka na makatikim ng iba ngayong bumalik na ang asawa mo." Sabad naman ni Vance.
Tiningnan niya ang kapatid. Ngayon lang niya ito narinig na magsalita ng ganon. Among the three of them, Vance has always been reserved.
"Joke! Para masanay ka na sa ibang flavor." Bawi nito.
"Vance?" Hindi makapaniwalang napatitig siya sa kapatid.
"Bakit akala mo ba inosente yan? Mas makamandag pa yan sa 'yo. Puro mga babae ine-experiment n'yan dati." Natatawang saad ni Leandrei.
"Napag-iwanan ka talaga dahil diyan sa broken heart mo. Tara samahan ka naming maglasing." Natatawang namang dugtong ni Vance. He thought he'd disagree with Leandrei. Sumang-ayon pa ito.
Kinuha na lamang niya ang basong iniaabot nito at itinungga. Maybe he really needs to drink. These two really know kung kailan niya kailangan ng kapatid.
.
.
.
.
.
*Tama bang tumigil na kapag alam mong wala ng pag-asa?*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top