Chapter 29
Ezekiel
Napalaki naman ang ngiti ko nang makita ko ang dalawang parang aso't pusa kung magbangayan.
Ilang matapos ang concert nila Zero ay nagdesisyon itong manligaw kay Febbie. At itong si Febbie naman ay parang nakainom ng maraming gamot yata at parang paranoid.
Natatawa nalang kami ni Marie sa nangyari sa kanila. Kahit anong taboy ni Febbie kay Zero ay bumabalik pa rin siya para patunayan ang sarili.
Nabalitaan ko kay Zero na nag-usap na sila ng parents niya. He already forgive his parents specially his father kahit pa may times na hindi sila magkaintindihan.
Hindi naman inaasahan ang nangyari kay Febbie. Nagkita sila ng ama niya. Nung una ay nagmatigas pa siya. Pero ng tumagal ay kinausap rin niya ito.
Nagpapasalamat ako kay Zero dahil siya ang naging gabay ni Febbie upang maibalik ang paniniwala nito sa Diyos.
Bakit nga naman hindi makukumbinse si Febbie? If ever na mag-aaya si Zero ng date sa kanya ay simbahan pinakaunang pinupuntahan nila. Zero's reason, he wants their date to be bless by God. At para daw sagutin na siya ni Febbie. Nice idea right?
Hindi ko masasabing happy ending na sila dahil nagsisimula pa ang kabanata ng buhay pag-ibig nila. Marami pa ring 'Kismet annihilator' upang sirain sila. Pero naniniwala akong hindi sila magtatagumpay. Like Febbie said, God is more powerful than evil. At yun ang panghahawakan ko.
Tinignan ko naman ang tablet ko. Naririto pa pala 'to. Agad kong tinignan ang result ng mission ko kina Febbie.
MISSION #1
Types of People: Neighbors
Woman's Career: Writer
Man's Career: Famous Performer
Status-to-be: Couple
Conflicts: Attitudes, Feelings
Result: Pass
"Hmm, not bad for a first timer" untag ni Marie.
"Nah! Wala nga akong nagawa masyado. Sila ang nagpasuccess ng mission ko" komento ko naman.
"Right. Pero nakatulong ka rin. So you deserve it" masayang tugon niya.
"Thanks. Salamat din sa paggabay sa akin. I owe you this one" I thank her.
"Not at all. Ikaw pa. Tsaka, trabaho natin yung tumulong sa kapwa natin" she smile.
"Yeah.."
"So, hanggang dito nalang ako. I know you can do this on your own. Alam mo na kung anong gagawin kung may mga alagad ni Luci ha" she reminded me.
I nod. Niyakap naman niya ako at bumulong sa akin na mamimiss niya ako. Sa totoo lang may kunting takot pa akong nararamdaman pero alam ko kakayanin ko ito. Magtiwala lang ako kay Ama.
Halos tungkol lahat sa boyfriend-girlfriend ang mga sumunod kong misyon. O kaya naman love triangle ng tatlong high school students.
And now, I'm heading to my next mission. Hindi ko alam kong anong mangyayari sa akin sa misyong ito pero sana kayanin ko. Agd ko namang ni-review ulit ang profile.
MISSION #7
Types of People: Criminal
Criminal Case: Robbery
Status-to-be: Stable life
Conflicts: Family usual problem
Result:
MISSION #7 Information Area:
Name: Jansen Sitio
Age: 29 years old
Citizenship: Filipino
Career/Job: Thef
Address: Bagong Silang Str., Tondo, Manila
Belief: Walang permanente sa mundo. Kailangan gumawa ng paraan kahit masama mabuhay mo lang ang pamilya mo.
I sigh. With this belief, isa naman ito sa mahirap pakisamahan. Paliko na sana ako sa may kanto ng mahagip ako ng isang tumatakbong criminal?
Agad naman niya akong tinulak sa may sulok saka kami nagtago.
"Isang sigaw mo, mapapahamak ka sa akin" banta niya.
Napatango nalang ako at kinabahan. Naku God, mukhang mapapahamak na talaga ako sa misyon ko. Nakarinig naman akong mga boses ng mga tao na may hinahanap.
Sumilip siya konti at agad ring nagtago. Ilang sandali pa ay nagsialis na rin ang mga naghahanap na hula ko ay mga pulis. Lumabas na ito agad. Aalis na sana ito ngunit nilingon pa niya ako.
"Wag na wag kang magsusumbong sa pulis. Kundi, babalikan kita" banta niya saka siya umalis.
Napatulala ako sa sinabi niya. Mga ilang segundo rin ang lumipas saka bumalik ako sa diwa.
"What was that? Mukhang mapapalaban ako sa misyon na to ha. From romance to action. Iba rin ang trip ng fate ko" napailing kong bulong sa sarili.
Hay! This is it! Wala nang atrasan to. Kakayanin ko ito! So help me God.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top