Chapter 15: Asylum

Chapter 15: Asylum

Maaga akong nagising noong umagang yon. It was Sunday. Hinanda ko ang lahat ng aking kailangan. Isang paperbag na may lamang pagkain ang dala ko. Nilock ko ang gate ng apartment bago pumara ng taxi.

Lumipas ang halos isang oras bago huminto ang sasakyan. Binigay ko ang aking bayad at hindi pinansin ang pagtataka sa mukha ng driver. Pagbaba ko bumungad sa akin ang matataas na pader. Sa likod nito makikikita ang isang building. For a stranger the place may look abandoned. Gray bleak walls, bare lawn, white steel gate. Ang tanging nagbibigay kulay sa lugar ay ang mga berdeng punong nakapaligid dito.

Naglakad ako papunta sa gate. Isang guard ang nakadistino doon. Binati niya ako.

"Ikaw pala yan, Denise. Magandang umaga. Mukhang ngayon ka lang ulit napadalaw."

Simple unintentional words, but guilt churned inside my stomach. "Naging busy po ako."

Binuksan niya ang mataas na gate upang papasukin ako.  He gave me a gentle smile.

"Hindi mo naman kailangan laging mag alala. Maayos ang kalagayan niya dito."

Binigay niya sa akin ang clip-on ID. A word was printed in blood letters. VISITOR. He tipped his hat comically before motioning the building.

"Salamat."

Nang nasa bungad na ako ng building tumigil ako sa paglalakad. Inayos ko ang gusot sa aking damit. Sinilip ko ang laman na pagkain sa paperbag. Panay ang hawak ko sa laylayan ng aking damit. I did almost every delay I could think of.  My hand holding the paper bag were sweaty. Kinailangan kong huminga ng malalim bago nagpatuloy sa paglalakad.

Nasalubong ko ang ilang familiar na mukha pagpasok ko sa loob ng building. A lot of them smiled, grinning widely than normal. Someone tried to approach me, pulling my sleeves. Dalawang nakaputing nurse ang pumigil sa kanya. May bata akong nasalubong sa hallway, hinahampas ang ulo niya sa pader. Isang nurse ang lumapit upang patigilin siya. Isang luma ngunit malaking TV sa sulok ang pinapalibutan ng ilang mga matatanda. They were seated on the floor, some of them laughing and clapping their hands while watching a kiddy cartoon show.

Dumerecho ako sa mesa sa dulo ng lobby. Hinintay ko na may magtao sa information desk. Itim, puti, at berde. Tatlo lang ang kulay na madalas makikita sa lugar na ito. Black for the furniture, white for the walls and employee uniforms. Green for the potted plants situated at every corner, and for the patients wearing hospital gowns.

Bumalik ang attention ko sa information desk nang isang babae ang pumwesto dito. She was petite, young, her hair in shoulder length brown curls. She looked too exhausted too early in the morning.

"Hi!" She greeted me in a high pitch voice. "What can I do for you?"

Bago lang siya. Maybe a few weeks since she'd gotten the job. Staff behind this polished desk always change. They leave the moment they realize what they have to deal with. Binasa ko ang nakasulat sa name plate niya.

Cheska. Staff. Saint Jude Rehabilitation Center.

"Uhm, Miss?"

I didn't realize I was staring at her name for quite some time. "I'm Denise Limerick. Nandito ako para bisitahin si Anastasia Limerick."

Isang 'oh' ang nasabi niya. At least she was informed about the patients information. "Ikaw ba ang tumawag kagabi?"

"Yes."

Humarap siya sa screen ng computer. May tinatype siya dito. "Nasa garden siya ngayon, nagpapahangin. Maaari mo na siyang puntahan."

Nagpasalamat ako bago umalis. I walked through the bare lobby. Bawat pintuan sa hallway ay nakalagay ang pangalan ng ilang pasyente. The place was chaotic but at the same time enveloped by abandoned silence.

May nakabukas na pintuan sa dulo ng hallway. Mula dito ay makikita ang tanawin sa labas. The hallway leads to the garden on the back of the property. It was one of the rare places in the asylum that remained serene despite the eerie place. It looks like a park more than a garden. Maluwang ito at malilim dahil sa nakapaligid na puno. May pond, wooden benches at trimmed plants.

Paglabas ko sa liwanag nakita ko ang isang nurse ang nakaupo sa bench. Kaharap niya ang isang babaeng nakaupo sa wheelchair. Narinig ko silang nag uusap.

"Kamusta ang pakiramdam niyo?"

"Maayos ako. Napaganda ng panahon, hindi ba? Alam mo bang bibisita ang aking anak ngayong araw?"

Her gently voice made my heart wrench in subtle pain. Nakatalikod siya mula sa akin. Nakalugay ang mahaba niyang buhok. I always like her hair, it was naturally wavy. She used to let me comb it when I was young.

Huminga ako ng malalim bago lumapit. Nakita ako ng nurse. Nagpaalam ito sa babaeng nasa wheelchair. The lady held the nurse's hand gently, as if telling her to come back immediately. I gripped my own empty hands. I hope she can do the same with mine.

Lumapit sa akin ang nurse. Ngumiti ito. "Ikaw na ang bahala sa kanya."

I smiled back. Tinapik niya ang balikat ko bago pumasok sa loob ng building. Naiwan kami ng babaeng sa garden. It's her favorite place in the asylum specially during mid morning or late afternoon. Hindi kasi ito madalas puntahan ng ibang pasyente tuwing ganitong oras.

Tahimik na pinagmasdan ng babae ang mga isda sa pond. Hindi niya alam na nasa likuran niya lamang ako. She looked so calm, so normal. She had the warm beautiful face of the woman who used to sing me to sleep whenever I had nightmares.

Lumapit ako. Napalingon siya sa aking pagdating. Ngumiti siya. Isang ngiti na isang buwan ko ding hindi nakita.

"Mama."

Tinitigan ako ng babae. "Napaganda ng panahon, hindi ba? Alam mo bang bibisita ang aking anak ngayong araw?"

Ito ang eksaktong sinabi niya sa nurse kanina. Binaba ko ang dala kong pagkain sa bench.

"Ganon po ba?" Nakangiting pahayag ko.

"Alam mo bang malapit na siyang magraduate ng high school? Masipag mag aral ang anak ko. Magaling siya sa arts."

Nanginginig ang mga kamay ko habang hinahanda ang mga pagkain.

"Bibisita siya ngayon, alam mo ba? Matagal ko na siyang hindi nakikita."

Tuluyang tumulo ang luha ko. Ngunit mabilis ko itong pinahid. Humarap ako kay Mama at ngumiti. "Siguradong papunta na siya." Mama, nandito ako. I'm here in front of you.

"Pumili ako ng damit para sa graduation niya. Magaling ang anak ko. Madami siyang awards. Magaling siya sa arts."

Mama, I graduated high school three years ago. I was the top of my class. But you were not there.

Nag aalalang pinagmasdan ako ng babae. "Bakit malungkot ka?" Hinawakan niya ang aking mukha. "May nang aaway ba sayo?"

She thought I was one of the staff here. Umiling ako. "Wala po ito. Pagod lang." Mama.

Bumalik ako sa paghanda ng pagkain. Niluto ko ang mga ito kaninang umaga. Nilapag ko ang picnic blanket sa damuhan. Dala ko ang mga paboritong pagkain ni Mama.

"Gustong gusto ko talaga ang mga luto mo." She smiled. "Si Denise, turuan mo siyang magluto."

Mama, nandito ako.

Nagsimula kami sa pagkain. Tinulungan ko siya sa pagsubo. Ang Saint Jude na ang kanyang naging tahanan mula noong nangyari ang insidente three years ago.

When I was in high school I had a normal life. My mother owned a flower shop. We have a decent house back then. Two storey. A garden. I ride my bicycle to and from school, and to my mother's shop.

May dalawa siyang staff. She was a good florist, with a few event organizers as regular clients. It wasn't a grand life. But it was normal, it  was peaceful, and it was mine.

Ngunit unti unting nagbago ang lahat. Nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan sina Dad at Mom. It was never clear to me. I was young, with a comfortable life ahead of me, I knew nothing about the sinister reality lurking behind.

Nangyari ang insidente ilang linggo bago ang aming high school graduation. Nagmadali akong puntahan si Mama sa shop noon. Gusto kong siya ang unang makaalam ng maganda kong ibabalita. I was the top student of my batch.

Pero wala si Mama sa shop. Sinabi ng staff na hindi pa siya bumibisita mula umaga. Doon palang nagtaka na ako. My Mom was a passionate florist. Walang araw na hindi siya bumisita sa kanyang shop.

Umuwi ako sa bahay. The doors was well-locked. Buong akala ko umalis si Mama. Tahimik ang buong bahay. Pagakyat ko pangalawang palapag napansin ko bahagyang nakabukas ang pintuan ng room ni Mama. Pumasok ako dito.

Nagkalat ang ilang puting bote ng gamot sa kama. All of them were empty. Nangilabot ako. Lalo na noong nakita ko sa sahig ang isang gunting na may bahid ng dugo.

Nagkalat ang dugo sa sahig. My Mom's favorite white carpet was covered with blood. Sinundan ko ang patak ng dugo. Dinala ako nito sa bathroom. Sa paanan ng pinto nagkalat ang ilang litrato. Kinuha ko ang isa at tinignan. It was a picture of my Dad inside a car, kissing another woman.

Tumakbo ako papasok sa bathroom. Hinawi ko ang kurtina na naghihiwalay sa bathtub. Malakas ang kabog ng aking dibdib. Ngunit tuluyang tumigil ang aking mundo nang makita ko siya. Nakalubog ang mukha ni Mama sa bathtub. Umaapaw ang tubig sa sahig. Tubig na may halong dugo mula sa kanyang palapulsuan. An ear splitting scream filled the afternoon air. My scream.

Until now I could still hear the loud siren of the ambulance on the peaceful neighborhood, the shocked and intrigued faces of the people. She has a good life. Bakit niya ginawa? Paano ang kanyang anak? Those words, the noise, and the images still haunts me on my sleep.

My entire world collapsed in front of me. Naospital si Mama ng ilang buwan. Tinulungan ako ng staff ni Mama sa shop at ng ilang kapitbahay. Nag-graduate ako nang wala siya. Pero kinailangan kong tumigil sa pag-aaral para tutukan si Mama. Nagkamalay siya mula sa comatose after four months. Pero hindi na siya bumalik sa dati.

Something inside her snapped. She lost grasp of reality. The hospital advised me to admit her into a rehabilitation center. Kalaunan kinailangan kong ibenta ang shop at ang bahay para sa pagpapagamot niya.

Lumipas ang mga taon. Dito na siya nanirahan. Nasanay akong mabuhay ng mag isa sa labas. Kahit gustuhin kong makasama siya hindi ako pwedeng manatili sa lugar na ito. I went back to college through a scholarship program. Doon ko nakilala si Elyse at ang iba pa.

Isang bagay lang ang alam kong makapagbalik kay Mama sa dati. Yon ay ang makita niya ulit si Dad. Pero ang paghahanap na yon ang naging dahilan kung bakit nakilala ko si Landon Monaghan.

I made a wrong decision by selling my blood and soul for a second life. Akala ko noon wala na akong ikawawasak pa. But reality proved me wrong. I begged Landon to keep me alive. Hindi pa ako pwedeng mamatay. Hindi ko maaaring iwan si Mama sa ganitong kalagayan.

--

Bumalik ako sa kasalukuyan nang magsalita si Mama.

"Napakaganda ng panahon, hindi ba? Alam mo bang bibisita ang aking anak ngayong araw?"

Ngumiti ako. Pinagmasdan ko si Mama habang kumakain. Lagi niyang hinihintay na bisitahin siya ni Denise. The high school student Denise. And every time she ends up disappointed. Not knowing that I'm already in front of her. That her daughter is an adult now.

Noong matapos kaming kumain dumating ang nurse na kasama ni Mama kanina. I excused myself from Mom.

"Mas naging maayos na ang kalagayan niya kumpara nitong mga nakaraang buwan." Sinabi nito noong makalayo kami. "Malaking tulong sa kanya ang high dosage ng gamot. Hindi na siya nagigising sa gabi o binabangungot."

Nag alangan ang nurse bago muling nagsalita. "There's only one problem. The cash deposit of Mrs. Limerick account is low."

"Pero kahuhulog ko lang ng pera para sa pagpapagamot niya last month." Hininaan ko ang boses ko upang hindi marinig ni Mama na nakaupo lamang sa malapit. "Dapat magtatagal yon ng tatlong buwan."

"Miss Limerick, the high dosage of the medicine doubles the cost of it."

Nanghina ako. Double?

"Kung hindi mo ito maibibigay agad, maaari namang bawasan muna natin-"

"No." Agad kong sinabi. "Gagawan ko ito ng paraan. Continue the dosage. Doon maayos ang kalagayan niya."

Sinilip ko si Mama na nakaupo sa wheelchair at pinapanood ang mga isda sa pond. This peace of mind is the only thing she's got. I can't take it away.

"G-Give me a week. Makakapagbayad ako."

Tumango ang nurse. "Kung ganoon hindi mo na kailangan na mag alala. Sisiguraduhin ko na patuloy ang gamutan ng iyong Mama."

--

Bago aumalis sa Saint Judes noong hapong yon, naglakad kami ni Mama sa garden. Nakaupo siya sa wheelchair habang tulak tulak ko siya. Matingkad ang kulay kahel na langit. Palubog na ang araw.

"Hindi dumating si Denise." Malungkot na pahayag ni Mama. "Madami siguro siyang ginagawa sa school."

"Ano po ang itsura ni Denise?" Tanong ko. "Para kapag nakita ko siya sasabihin ko na bisitahin niya kayo."

Ngumiti si Mama.

"Napakaganda at napakabait ng anak ko. Matalino siya kaya laging may award sa klase. Marunong din siyang magluto. Alam mo bang paborito namin ang hinanda mong pagkain kanina? Takot siya sa masisikip na lugar. Kapag tumatawa siya nagniningning ang kanyang mga mata."

Tuluyang tumulo ang mga luha ko. Pinahid ko ito at pilit ngumiti. Mama, ang Denise na tinutukoy mo ay matagal ng wala. Hindi na niya kayang ngumiti ng may kislap ang mga mata. Hindi na siya tulad ng dati. Matagal na siyang sinira ng realidad.

"Mahaba ang kanyang buhok. Gustong gusto niya itong pinapasuklay sa akin. Kapag galing siya sa school pupunta siya sa shop at yayakapin ako ng mahigpit."

Tuluyan akong tumigil sa paglalakad. Lumapit ako kay Mama at lumuhod sa kanyang harapan. Umiiyak ako. Ang mga luhang ito ay para sa lahat ng nawala ko at hindi ko na kailanman maibabalik.

"Mama, pagod na ako." Sinabi ko sa pagitan ng hikbi. "Pagod na pagod na ako."

Umiyak ako sa kanyang kandungan. I never realized the impact of everything that happened in the last month until I cried in front of my Mom. Ang mga kaibigan na kinailangan kong talikuran, si Elyse, ang kasunduan namin ni Landon. I need something, anything, I can hold on to, to survive the reality ahead of me.

Naramdaman kong hinagod ni Mama ang aking likod. "Tahan na. Makakaya mo yan. Matapang kang dalaga."

She smiled gently at me. But the recognition in her gaze was long gone. Tuluyang lumubog ang araw. At para akong batang umiyak  sa harapan ng ina na hindi ako kailanman makikilala.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top