Chapter Five
Dindin's
JACOB is a good person. I realized this after the night when I came home late. Dahil dito, lalo akong nagdadalawang isip sa plano ko. Hindi ko naman kailangan kuhanin sa kanya ang lahat. Maybe we can stand side by side as equals when the right time comes. Hindi ko alam kung paano, pero wala pa rin talaga akong balak na basta na lang i – give up ang mga bagay na para naman talaga sa akin. He gives me things. Nitong nakaraan lang ay ibinili niya ako ng mga damit – lahat iyon ay branded. Ayoko talagang tanggapin, but he insisted. I just kept on telling myself that I deserve all of these because basically, this is mine, but deep inside, I am feeling so guilty because I know that I don't deserve this. Napakasama ko kung tutuusin.
"Wala ka ba talagang hiya?" Suddenly, I was started by Nicole's voice. Katatapos lang ng lecture nang araw na iyon at wala akong natatandaan na may ginawa ako o sinabi sa kanya. Tumaas ang kilay ko ngunit kunot na kunot naman ang noo ko.
"Anong pinagsasabi mo?" I asked her.
"Your clothes."
Napatingin ako sa aking sarili. Anong problema ng damit ko? Wala naming masama sa suot ko. Jacob insisted this morning that I wear this Gucci shirt dress he bought for me. Tinernuhan ko iyon ng Gucci sliders na siya rin ang namili. Para akong walking brand ng Gucci sa ngayon. Tumaas ang sulok ng bibig ni Cole. Noong isang lingo lang ay magkausap at magka – partner kami sa isa sa mga activities na ibinigay ni Mr. Tungol na isa sa mga major subjects namin. I really thought that she is kind but who am I kidding? Iisa lang naman ang ugali ng mayayamang ito. Kapag hindi na convenient para sa kanila ang isang bagay, magrereklamo at magrereklamo sila.
"Don't tell me you had enough money to buy those clothes." Sarkastikong wika niya. "JAP bought that for you. Wala ka na ba talagang hiya?"
"Ano bang problema kung binili ni Jacobo para sa akin ang mga damit na ito?" Kalmadong wika ko. "I never asked him to buy anything for me."
"And yet he does. Tell me, do you suck his dick so well that he is willing to risk everything for you?" I should feel insulted – and I do feel like that pero bakit ko ipakikita sa kanya na nainsulto ako sa mga sinasabi niya? Instead of showing her that I was offended, I smiled at her.
"So what if I suck his dick? It's a good dick, so delicious—"
"Fuck you." Nangigigil na wika niya. "He is engaged! Babae ka rin, maaawa ka naman sa kapwa mo!" Tumaas ang boses ni Cole. Nakatingin na sa amin ang mga ibang students, nakakahiya – sa totoo lang pero hindi talaga ako patatalo.
"Shut it, Nicole. Kung naiinggit ka dahil kay JAP, sorry, I don't share. Maghanap ka ng ibang titing para sa'yo." Walang habas na wika ko sinabayan ko iyon ng pag-walk out. Anong akala niya papaapi ako sa tulad niya? Buong buhay ko hinahatak ako pabababa at inaapi ng kung sino – sino. Hindi ko basta paaapi na lang. Kung umiyak siya, anong pakialam ko? Wala akong pakialam sa kahit na kanino. Darating ang araw, lahat ng nangmaliit sa akin ay luluhood sa harapan ko at titingalain ako, sisiguruhin kong isa si Cole roon.
It was a good thing I don't have any lectures today. Naglakad – lakad ako sa loob ng university. Ayoko pang umuwi, wala naman tao sa condo ni Jacobo. Wala akong gagawin roon. Ang sabi niya sa akin hindi siya makakauwi kaagad kasi kailangan niyang magpunta sa bahay ng tatay namin. I wondered what they were doing there. Nagkakukumustahan ba sila? Bonding? Paano kaya makipabonding ang tatay namin? Does he coddle Jacobo? Si Jacobo ba ang paborito niyang anak? Wala ba siyang alam tungkol sa existence ko o talagang mas pinili na lang niyang wala siyang alam para walang gulo? Kahit ba kailan ay hindi pumasok sa isipan niya na hanapin ang nanay ko? Did he really have to let her go and forget about us?
"Sobrang unfair ng buhay pagdating sa akin." Sabi ko sa aking sarili. I sighed again. Pumasok ako sa loob ng chapel. I wanted to just sit there. I don't pray. I just sit and stare at the altar. Pinalaki naman ako ng nanay kong naniniwala sa Diyos pero nang mamamatay siya, para akong nawalan ng dahilan para maniwala at magdasal. Naging mag – isa kasi ako. Ano pang idadasal ko? I sat on the pew at the back od the chapel. I crossed my arms while looking at the altar. May mangilan – ngilang students doon. Maybe thy are praying, but maybe they're just like me who is looking for a place to stay because I don't want to go home yet.
"Hello..." I was startled by that voice. I had to look up because the owner was standing just in front of me. Sapatos niya lang ang nakikita ko. When I looked up, my eyes widened and my mouth parted.
"Hindi ko inaasahang magkikita tayo rito, Divina." Ngumiti siya sa akin. I swallowed hard. I stood up not knowing what to do. Bigla akong kinabahan.
"Ki-Kit..." Kit Sarmiento helped my mother back then. He was younger, pero hinding – hindi ako magkakabali na si Kit Sarmiento ang kaharap ko ngayon. He paid for my mother;s hospital bills, siya rin ang namili ng mga gamot ni Mama hanggang sa namatay ito. He helped me and my mom big time and I will always be grateful to him.
"I'm glad you still remember me. How have you been?" Tanong niya sa akin.
"Kinakaya pa naman." Ang buong akala ko ay hindi na kami magkikita. Hindi nga pumasok sa isipan ko na maaari kaming magkita ni Kit dito, but he's here and I am just glad.
"I'm glad that you made it here, Divina."
"Dindin na lang. Sabi ko naman sa'yo, tawagin mo na lang akong Dindin." Tinanguan na lang niya ako. Gusto ko sana siyang yayaing kumain o magkape. May sapat naman akong pera rito. Gusto ko lang magpasalamat sa kanya sa mga tulong na ibinigay niya sa akin at sa Mama ko, but then he said that he needed to leave. Natagpuan ko na lang ang sarili kong tumatango. Pinanood ko siyang umalis. Napabuntong – hininga na lang ako. At least dalawa na ngayon sa school na ito ang nakakikilala sa akin. Si Jacobo at si Kit. Iyong iba, kilala ako dahil gold digger ako. I just hope it wouldn't reach Kit. Nakakahiya ang chismis na iyon, but then, ano pa nga bang aasahan ko?
xxxx
"I'M HOME."
I saw Jacobo's shoes in the foyer kaya alam kong nandito na siya. Naunahan niya pa akong umuwi ngayon. Hindi na naman yata ako makakapagluto. Wala rin naman siyang sinasabi sa akin kapag hindi ako nakakaluto. Hindi siya kumakain ng almusal and most of the times wala naman siya rito kapag dinner. Gusto kong itanong sa kanya kung bakit pa baa ko nandito, halos wala naman akong ginagawa.
Jacobo excitedly greeted me. Kaagad niyang hinawakan ang kamay ko.
"Come on! I need to give you something!" He said to me. Ang bilis – bilis niyang magsalita. Nadala rin niya ang mood ko, biglang gumaan ang pakiramdam ko kaya napahagikgik naman ako. Nagpunta kami sa silid niya. Sa kama niya may napansin akong isang box. Mabilis niyang kinuha iyon at ibinigay sa akin. I gasped as I look at him.
"You did not!"
He giggled like a little boy. Lalong nanlaki ang mga mata ko.
"I did. It's the latest model." Sabi niya sa akin. "Ayoko nang male-late ka ng pag – uwi just because you went to the library to study. I bought you a laptop. All you need to do is use it. You don't even need to say thank you."
Heto na naman siya. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Hindi ko mapigilan ang pagbili niya ng kung ano para sa akin. Baon na baon na ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano pang magagawa ko para sa kanya.
"You didn't have to. I can't... I'm not a good person." Mahinang wika ko.
"Heto na naman tayo. Whatever it is, Divina, you are you and I want to take care of you."
"Why?" I asked again.
"Just because. Okay? Now get dressed. We're going out for dinner." Nagdesisyon na siya. Naisip kong ipagluto siya bilang pasasalamat pero heto siya, nagdesisyon na siyang lalabas kami. I found myself nodding. Tahimik akong lumabas ng kanyang silid at nagtungo sa kusina upang kumuha ng gamit. Kung ano – anong naiisip ko. Hanggang ngayon, kahit ulit – ulitin ko sa isipan ko kung bakit, hindi ko talaga maisip kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito.
I know his friends and telling him to be careful when it comes to me, ang hindi ko maintindihan ay kung bakit hindi siya nakikinig sa kanila. I know he could see that I am seducing him, and he is outright denying me when I do that. Nakakaramdam ako ng hiya, lalo kapag nagpapakita siya sa akin ng kabutihin. What did I do to deserve this treatment? May mga plano ako sa kanya, gusto kong maisakatuparan ang lahat ng iyon, but every damn time he is doing something good to me, nakakalimutan kong kailangan ko siyang talunin, naiisip ko na maaari kaming maging equals na lang – na okay na sa akin ang kalahati ng kompanya, na okay na sa akin ang kahit na ano because I want him in my life.
Pumasok ako ritong alam na alam ko ang gagawin pero mukhang lalabas akong duguan lang.
We went to a five-star hotel's restaurant. I don't know what happened to him this morning but his mood is light and he keeps on giggling. Natatangay niya ako. Somehow, his giggles made me think of a certain someone in my past.
"Nabusog ka ba?" We ordered steak and some mashed potatoes. Mahilig siya sa mga ganoong pagkain, but nothing will beat that first ever moment we went out for dinner at the convenience store, kakaiba ang ngiting iyon sa labi niya. I wanted to hug him and preserve that smile.
"Oo naman." Sabi ko sa kanya. Kasalukuyan kaming naglalakad sa labas ng hotel patungo sa park sa tapat lang nito. "Thank you so much, Jacob." I told him. "I don't know what I did to deserve this." Tumawa siya.
"Ang sabi ko naman sa'yo, you deserve all these because growing up, you only had bad things, ngayon, pagsusumikapan kong ibigay ang lahat sa'yo, para ang makukuha mo lang ay puro magaganda, mabubuti at masayang alaala."
Why does he care so much about what I want and my happiness? Ganito ba talaga siya kabait?
Inabutan kami ng ulan na dalawa. We ran towards the condo's direction hand in handa. Kasabay ng pag – ulan ay ang pagtulo ng mga luha ko. I kept on telling myself that I don't deserve this.
Nang makauwi kaming dalawa sa condo ay agad niyang sinabing maligo na ako para hindi ako magkasakit, but I know I will get sick, hindi man physically, but emotionally.
I need to get out of here.
xxxx
BUT I did get sick. I woke up the next morning feeling so hot and weak. I guess Jacobo was anticipating that because when I woke up, he was already beside me and nursing me. Mukhang masaya siyang maalagaan ako. He made sure that I am warm enough, comfty enough and full enough.
Pumapasok siya sa Uni, kinukuha niya lahat ng lecture ko. He made sure that my lectures are organized in the way that I do para daw kapag bumalik na ang lakas ko at muli akong nag – aral ay mas madali para sa akin ang mag – aral daw.
"Do you want more soup?" He asked me. I shook my head. "Okay, magpahinga ka."
"I can do it na. I'll go to school na bukas." Napaubo pa ako.
"Nope! Magpapahinga ka pa. Sasabihin ko sa mga prof na kailangan mo pang magpahinga, okay?" Ngiting – ngiti siya sa akin. I realized that he really loves taking care of me. Natutuwa siya, lahat ay binibigay niya. He even bought me new clothes because according to him, my clothes are not warm enough. Nakakaloka.
Sa ikaapat na araw ay napakagaan nang pakiramdam ko. Wala si Jacobo, he went to school because he had an exam. He told me he'd come back early to make me soup again, sinabi ko naming maayos na ang pakiramdam ko pero hindi yata siya talaga naniniwala.
Nainip na ako kakahiga kaya nagpasya akong maglinis ng bahay. Inuna ko ang sala. I made sure that everything is neat, after the living area, I went to his room. I have decided to replace his beddings. Dalawang linggo na rin ang nakalipas nang palitan ko iyon.
Jacob's room is neat, kaunting – kaunti lang ang nililinis ko. May mangilan – ngilang papeles roon na nakakalat sa study table niya, hindi ko naman binasa iyon pero inayos ko. I want him to feel comfortable when he comes home. Wala naman akong ginagawa kaya aayusin ko ang lahat nang ito.
Inilagay ko ang papers sa gilid ng desk lamp. Nang angatin ko iyon ay may mga ibang papel pang nalaglag sa sahig. They were yellow pads. Inilapag ko sa mesa ang folder at isa – isa kong pinulot ang mga iyon. My eyes suddenly caught my name.
Napakunot ang noo ko. Okay lang sana kung Divina ang nakalagay sa papel, pero hindi, ang nakasulat sa yellow paper ay Dindin.
Dindin ang tawag sa akin ni Mama at ng mga nakakikilala sa akin sa probinsya. Why is my name written here?
I had to read the letter.
Dindin! Naampon ako! Gustong – gusto kong magpaalam sa'yo, pero sabi nila sister, wala na raw panahon kasi dumating na iyong bago kong Daddy! Magkikita tayo ulit Dindin! Susulatan kita! Sasabihin ko kay Daddy na kailangan kitang sulatan kasi ikaw ang best friend ko!
The letter seemed to be cut in the middle. Titig na titig ako sa sulat. My heart is racing and my mind is flying elsewhere. Anong nangyayari?
Sa pinakaibaba ng yellow paper na iyon natagpuan ko ang kalahati ng sulat na iyon.
I'm sorry, Dindin, sabi niya hindi kita pwedeng sulatan. Hindi na raw ako makakabalik sa Laguna. Hindi n akita makikita. I miss you Dindin.
Love, Jaypee.
My eyes watered. Jaypee... Jaypee. Si Jayjay! Ang kababata kong si Jayjay! The tears kept on falling. I was suddenly hit with a realization. That is why he is familiar! Kaya magaan talaga ang loob kjo sa kanya! Siya ang kababata kong si Jayjay!
Dindin, may bago akong pangalan. Hindi na raw ako si Jaypee. Ako na raw si Jacobo Amberto. Ayoko ng pangalan ko. Gusto ko ako si Jaypee. Ako si Jayjay. Sana pala hindi na lang ako inampon. Dindin. Sana nandito ka. Ang lungkot – lungkot ng lahat. Dindin, miss na miss na kita.
Jaypee. Jaypee. Jaypee. Jaypee. Jayjay. Ang Jayjay ni Dindin. Jayjay. Jayjay.
There were a bunch of letters and while reading them, nalaman ko at napagtagni – tagni ang pangyayari. There was a real son, but he died due to an ambush, kasamang namatay ng anak ang nanay at para mapagtakpan ang lahat ng ito, ginawa lahat ng tatay namin ang paraan para hindi mawalan ng tagapagmana. Hindi ko alam kung bakit ganoon, marami akong hindi naiintindihan, pero isa lang ang malinaw.
Hindi si Jacobo na anak ni Rogelip Castillo ang kasama ko ngayon. Siya si Jaypee. Ang kababata kong si Jaypee.
At kung si Jaypee siya... I sobbed. Hindi ko kayang saktan si Jaypee. Hindi ko kayang ituloy ang lahat ng pinaplano ko dahil masasaktan si Jayjay. Jayjay saved my life, sa maikling panahon na magkasama ako at si Jayjay ay napasaya niya si Mama. Hinding – hindi ko makakalimutan ang mga ngiting idinulot niya sa Mama ko.
I wiped my tears but they kept on falling.
I really should burn these letters. I never lied to my father except when he asked me if I threw away the first letter I tried to write for you, My Dindin. If someone finds these letters, they will know the truth about me at lahat ng pinaghirapan ni Papa ay mawawala nang parang bula. But I cannot help it. I wanted to write to you.
I really should forget about you, but I cannot. You are the most beautiful memory I have, Dindin. I miss you. I miss you so much. Sabi ko, kapag nagkita tayong muli, hindi na kita pakakawalan, and that's exactly what I did that day, Dindin because I recognized you from afar. I knew it was you and it was confirmed when you look at me with those beautiful eyes of yours.
I will take care of you from now on, Dindin. I will never let anyone hurt you.
With love, Jayjay.
Iyak ako nang iyak. Nanginginig ang mga kamay na ipinasok ko sa loob ng folder na iyon ang mga sulat ni Jacobo. Or should I just call him Jayjay – kasi iyon naman talaga siya para sa akin. He is my Jayjay and he will be forever my Jayjay.
Exactly five pm, Jayjay came home. He was holding bunch of paper bags and he excitedly came over me. Nakaupo ako sa pinakamamahal niyang sofa. Umupo naman siya sa tabi ko.
"Look! I bought you something!" How can I look at him without crying? Hindi ko alam kung paano ko pipigilan ang sarili ko. Naiiyak ako. My hands were shaking as I open the paper bag he was giving me. Pagbukas ko noon ay sumalubong sa akin ang isang kulay brown na bear. Si Grizzly bear sa We bare bears.
"Ang ganda diba?" He asked me while looking at me. My eyes were teary, but I smiled.
"Thank you, Jay-Jacob." I leaned forward to kiss the side of his mouth. "Thank you so much." I hugged him.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top