Closure

shout out sa kaibigan kong bumili ng black Forest cake. It has cherries on top. Sabi niya sakin pag na buhol mo daw yung tangkay ng cherry sa loob ng bibig mo gamit lang yung dila,you're a good kisser. So I ate all te six cherries and tied them all inside my mouth. yes! I'm a damn good kisser. lol

****

"Ang lalim yata ng iniisip mo?" tanong ni Wil.

"Hindi naman." sagot niya.

"This is a new place. Gusto mo bang subukan?" tanong ni Wil habang naka silip sa isang resto. "Sabi ni Phil masarap ang seafood dito." Dagdag pa niya habang inaalis ang pag kaka lock ng seatbelt.

Tumango siya. "Sige."

Its almost 8pm nang makapasok sila sa resto. Napansin niya na medyo madami ang inorder ni Wil. Halos maghapon naman siyang hindi nakakain ng maayos. Kabilaan ang stress na naramdaman niya ngayong araw at parang gusto nalang niyang umiyak.

"Are you sure you're OK?" tanong ulit ni Wil habang sinisimulan ang pag kain.

Wala sa loob na binalatan niya ang isang hipon gamit ang kutsara at tinidor at inilagay iyon sa plato ni Wil.

Tinignan siya ng nobyo. "Honey allergic ako sa shrimp. I'm just after the grilled squid." sabay turo sa sizzling plate.

Doon siya parang nagising mula sa malalim na pag iisip. "I'm sorry--"

"Its OK."

Kiming ibinalik niya ang atensyon sa pagkain. Out of nowhere, she heard Sam's voice echoing in her head.

"Gusto ko ng hipon." request ng kaibigan niya. "Yung buttered shrimp na niluluto mo."

She rolled her eyes. "No way. Gagawin mo nanaman akong taga balat mo ganon? Mag luto kang mag isa mo."

Nang matapos silang kumain ay dumating ang waiter dala ang dalawang frappe.

Tinikman niya iyon pero hindi niya nagustuhan ang lasa. "Pwede bang palit tayo?" tanong niya kay Wil. "Matapang masyado ang pagka timpla nito."

Napa tingin ulit sakanya si Wil. "Mag order nalang tayo ng iba." tinawag niya ang waiter at nag request ng menu.

"No. Wag na." mahinang sagot ni Elli.

"Lagi nalang ba na ako ang mag aadjust kapag ayaw mo ng flavor ng frappe na inorder mo?" tanong ni Sam habang pinagpapalit ang frappe. Nanghahaba Ang nguso nito. "Ang hilig-hilig mo kasing mag try ng bagong flavors eh, Bakit kasi hindi ka mag pilmi sa paborito mo."

"Sus dami mong arte, Edi mag order ka ng iba. Alam ko naman na gustong gusto mo ang laway ko." sagot ni Elli.

"Ikaw nalang ang mag order. Alam mo naman na nag titipid ako. Pinag iipunan ko na ang pambili ng diapers ng anak ko."

"Tigilan mo' ko. Ni hindi ka nga makabuntis jan."

"Ewan ko ba." sang-ayon ni Sam. Sabay kamot ng ulo.

"Ni hindi ka pa nga yata naka tikim ng virgin." Wala sa loob na biro niya.

Malakas na tumawa si Sam. "Oo. Ang hirap mag hanap ng virgin ngayon. Yung girlfriend ko dati hindi na virgin."

"Kawawa ka naman. Big deal ba sayo kung hindi na virgin?" curious na tanong ni Elli.

"Oo naman. I'm waiting for someone who is pure. True love waits ika nga. Sa dinami-dami ng fuckboy sa mundo, nahintay niya ko." malayo ang tingin ni Sam na para bang nangangarap.

"Elli."

Back to reality nanaman siya nang marinig ang pag tawag ni Wilbur.

"I'm sorry--"

Nahilamos ni Wil ang palad sa mukha. "Kanina pa ako nag sasalita dito---"

"Gusto ni Sam ang hipon." Nagsimulang mangilid ang mga luha niya. "Mahilig akong mag try ng bagong flavors ng drinks, Pero pag hindi ko gusto ang lasa makikipag palit ako sakanya."

Nalaglag ang labi ni Wil. "W-what are you saying?"

"Mag rereklamo siya pero iinumin parin niya yung frappe na lasang tsinelas." tumulo ang luha niya. "When I was young sinabi ko sayo na gusto ko kapag tinatawag mo ako ng Bernardelli. But it was Sam who makes my heart skips a beat every time he calls my name."

Nakita niyang nangilid ang luha ni Wil.

"Kapag nasa bahay siya hindi pwedeng hindi siya makiki shower kasi gusto niya ang amoy shampoo ko."

Natatawang pinunasan niya ang mga luha. "Wil, I'm sorry but we can't be together anymore."

Parang bombang sumabog iyon sa harapan ni Wilbur. Sa buong buhay niya doon lang niya nakitang lumuha ito.

"All these years I'm in love with him. Hindi ko lang maamin sa sarili ko kasi nahihiya ako. Kasi hindi na ako pasok sa standard niya." Napahikbi siya. "Sorry." she's like a baby. "Alam ko masakit, Pero nagtapos na ang love story natin Wil five years ago."

Kinuha niya ang dalang bag at mabilis na iniwan ang lalaki. Mabuti nalang at may naka abang na taxi kaya agad na naka sakay siya. Pag dating niya sa unit ay tuluy-tuloy na pumasok siya ng kwarto. Tahimik na naupo siya sa kama. Nanginginig ang mga kamay niya habang dinadial ang numero ni Sam.

"Yup?" Nagulat siya nang nagsalita ito sa kabilang linya.

"N-nasaan ka?"

"Nasa airport. Naghihintay. Why?"

Napatangis siya. But she have to make her voice cool. "Wala lang."

"Bernardelli--"

"Ginamit mo nanaman ang shampoo ko?" Hindi na niya na control ang boses.

Pinasadahan ni Summer ang buhok sa sariling palad. "Yeah."

"Sam..." pigil hininga siya.

"Hm?"

"Are you in love with me?" Gusto niyang lumubog sa carpet ng mga oras na yon'.

Wala siyang narinig na sagot sa kabilang linya. Napakagat labi siya.

"Sorry--" siya din mismo ang bumawi.

"I'm in love with you, Bernardelli."

Mabilis na kumabog ang dibdib niya nang marinig si Sam. "But--" Narinig niya ang malalim na buntong hininga nito. "We can't be together."

Napalunok siya. "Dahil ba hindi ako pasok sa standard mo?"

"No--"

"Sorry hindi kita nahintay." napahikbi siya."Wag ka nang umalis--" pakiusap niya.

"I'm dying Elli." Sam's voice was so weak. Now he's crying too. "I had brain tumor."

Siya naman ang natameme. "W-what?"

"I have to go. Weeks from now I'll have an operation. Please, wag mo akong susundan."

"No. Wait, don't drop the call!" halos sumigaw na siya. Patakbong kinuha niya ang susi ng sasakyan at mabilis na bumaba ng unit. "I have to see you. Please wait for me." nagkakanda iyak na pakiusap niya.

"Sam."

"I have to go Elli." sagot ni Sam.

Halos hindi na niya naramdaman ang pag apak ng silinyado habang nag d-drive. Sobrang nanghina siya sa sinabi nito. "Hihintayin kita." sagot niya. Muling bumalong ang masaganang luha. Pagkatapos niyang sabihin yon ay pinutol na nito ang linya.

Aminado naman siya na hindi na niya ito aabutan. Kaya sa parking ng airport nalang siya umiyak ng umiyak.



****
an: para kay Kaye Em Na Hindi naman nag nabasa ng mga gawa ko.
sorry Sa mabagal Na update. gutom lang. 28 days Na kasi akong Hindi kumakain ng kanin. heto. yummy Na ulit ako. lol


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top