THIRD month


Dedicated to my sister cathyann0123...  tinutulungan niya din ako sa paggawa ng story eh..

(gusto niyo rin dedication???)


okay continue reading....



  Grade 6     August 2014                           


Top 3 na lang ako. Sinabi na ang top 10 kanina for this quarter. Hayysss. Tinitingnan ko ngayon ang certificate na nagsasabing top 3 ako.


"Rhian, patingin nga certificate mo." sabi ni Madison


"K." sabi ko sabay abot sa kanya


Nagkakaguluhan nanaman dito sa room. Lagi naman eh. Laging binubully si Darlain. Meron din namang binubully iba. Pati nga ako eh. Pero iba talaga pag si Darlain. Lalaki o babae binubully siya.


"ANJAN NA SI MISSSSS!!!!!" sigaw ni Drace


Lahat sila nagkagulo. Umupo na sa kanya kanyang upuan. Tumahimik na ang lahat at naghanda na kami sa first subject.

=========================

Recess


"Ay Criztelyn top 2 na lang. Bobo." Darlain


"MAKABOBO BAMAN TOH! ATLEAST NGA TOP 2 EH. IKAW!? TOP 33!?" Ako


"Grabe naman toh. Top 31 naman. Si Sean yung 33 eh."


"PERO DI AKO BOBO. Sadyang may mas matalino lang sakin "


"Balitang balita: Dating Top 1, ngayon Top 2 nalang."


"Baliw."


"Gusto mo resbakan natin?"


"Masamang gumanti. Atsaka wala naman siyang ginagawang masama eh."


"Pero lungkot mo jan. Dapat top 1 ka ulit. Lets do revenge."


"Eh magaling naman talaga siya eh."


"Eh kung patayin natin?"

====================================


        Buwan ng Wika                                                                         


Naka-filipiniana kami ngayon. Syempre buwan ng wika nga eh. 


Nandito kami ngayon nakaupo sa may court namin. Dito kasi ginaganap ang Buwan ng Wika Activities. So halos lahat ng tao nandito. Kasama ko sila Darlain at Criztelyn.


"Nakakainis talaga tong mga toh." sabi ni Darlain, tinutukoy niya yung nasa harapan namin, sabi ni at sinipa yung upuan nila at naipagkwentuhan ulit sa amin na parang walang nangyari


"Uy ang sama niyo naman." sabi ni Criztelyn


"Uy ikaw naman sumipa." sabi ko


Pinilit namin siya ni Darlain ng pinilit kahit ayaw pero sa huli sinipa niya din. Kaso mahina lang. 


"Darlain at Cheerie tama na ha." sabi ni Criztelyn


Napapalakas na kasi yung sipa namin sa kanila.


"K." Darlain


------------------------------------------------------------


"Uy pare anong sinisilip mo jan ah." sabi ni Drace, nakasilip kasi sa CR ng girls eh


"Shhh wag kang maingay. Tingnan mo kasi si Claudia oh. Sumisigaw at may sinasabi. Siya lang naman tao. Baka nababaliw na pre." sabi ni Sean.. di kasi masyadong dinig yung sinasabi niya sa pwesto namin


"Hahah. Kaya pala nung first day." sabi ni Drace


"Oo nga eh." sabi ni Sean "Baka naka-drugs." at nagtawanan sila


"Oy oy anong ginagawa niyo diyan?" sabi ni Laurence


"Oy wala ha. Tara na nga." sabi ni Sean at umalis na sila ni Drace


Nacurious naman si Laurence kaya sinilip niya din. Nakita niya si Claudia na sumisigaw at maya maya ay sumuka sa lababo.


"Hala buntis nga." bulong ni Laurence sa sarili at tumakbo

------------------------------------------------------------ 

Nagmamadali akong pumunta sa Cr. Galing kasi ako sa canteen, bumili ng tubig para kay Claudia.


"Clau oh. Inom ka muna." sabi ko sabay abot ng tubig


"Salamat Stacey." sabi niya at ininom ang tubig


"CR lang ako Clau ha." sabi ko at pumasok sa isang cubicle

------------------------------------------------------------ 

Nang maubos ko na ang tubig, tinapon ko na ang bote sa labas ng CR at bumalik ulit sa CR para ayusin yung sarili ko. Humarap na ako sa salamin at nagumpisang ayusin ang sarili.


May nakita akong pumasok sa CR at tumabi sa akin at nagsalamin pero di ko inintindi at patuloy lang ako sa pagaayos sa sarili. Habang nagsusuklay ay hindi sinasadyang nahulog ang suklay. Kukunin ko yung suklay sa sahig nang makita ko ang paa ng katabi ko kanina. Duguan ang kanyang paa.


Dahan dahan ako tumingala pero di ko makita ang muka niya. Hanggang leeg lang ang buhok niya. Tumutulo ang dugo mula ulo niya hanggang sa sahig. 


Hindi na ako makahinga sa sobrang takot.


Bigla siyang tumakbo at may nahulog na panyo sa pagtakbo niya.


Nahulog ang panyo sa tabi ng nahulog kong suklay.


Dugo ang ginamit na pansulat sa panyo. L. L ang nakasulat sa panyo. Isang letra pero ano kaya ibig sabihin nun.


Lumabas na si Stacey sa cubicle kaya naman napatayo ako.


"Oh parang gulat na gulat ka. Para kang nakakita ng multo." sabi ni Stacey


"Eh kanina kasi may babaeng duguan. Tas nahulog niya yung pany--" hindi ko natuloy yung sasabihin ko kasi pagturo ko sa panyo ay wala na ito


"Ano?? Panyo? Eh suklay lang naman yan oh." sabi niya at kinuha yung suklay "Pahiram muna ha." at sinuklay niya ang buhok niya


Naguguluhan ako.


"Baka nagugutom ka lang. Tara kain muna tayo sa canteen bago bumalik sa court."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sino nga ba ang Top 1?

Sino yung kinaiinisan nila Criztelyn, Cheerie, at Darlain?

Bakit sumisigaw at sumuka si Claudia?

Ano ibig sabihin ng L sa panyo?



Abangan sa susunod na kabanata

Find out next chapter ==>>

Wait for my next update...



V o t e

(if nagustuhan niyo)

C O M M E N T 

(if there's something opinions, violents reactions, or anything na magpapatahimik sa kaluluwa niyo about TCOA6G =)) or baka naman may hinanakit kayo sa characters)  

S h a r e

(share and spread TCOA6G =)) thank you)



©CrishaneAen

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top