Simula

Simula

"Bitawan nyo'ko! Bitawan nyo ko!" Pagpupumiglas ng isang babae habang kaladkad sya ng dalawang lalaking may hawak sa kanya. Tumigil ang mga ito sa paghila sa babae ng nasa mismong harap na sila ng Pinto.

Pinto na may nakalagay na 'Office of the CEO' takhang napatingin naman ang babae duon.

"Pumasok kana" utos ng isang lalaki sa babaeng, hanggang ngayon ay nagtataka.

"Gusto ka daw makausap ng CEO" Pakikisali naman ng isa pang lalaki, na kanina ay humila sa kanya. Gulong-gulo man ay binuksan nya na ang seradula ng pinto at maingat na umupo dito.

'Gusto lang pala akong makausap ng CEO, bakit kailangan pa nila akong kaladkarin? Pwede namang sabihin nalang nila ng maayos, grabe ha!' Yan ang nasa isip ng babae matapos nyang umupo sa Silya. Nanatili namang nakatalikod ang CEO ng kompanyang kanyang pinagtratrabahuhan.

"Where's my son?" Daretsong tanong ng lalaki na nakatalikod pa'rin sa kanya.

Gulong-gulo ang isip ng babae, anong anak? Wala naman itong ipinabantay sa kanya yan ang nasa isip ng babae.

Nagulat at napatulala nalamang ang babae ng biglang umikot ang upuan nito at makita nya ang makisig at gwapong mukha ng CEO ng kumpanyang kanyang pinagtratrabahuhan, seryoso itong nakatingin sa kanya.

"Where's My Son!" Pasigaw na tanong ulit ng Ceo, napatanga naman sya dito. Anong anak? Bakit sa kanya hinahanap?

"I said where is my child godamn! Woman answer me" pasigaw at halata sa boses nito na galit na galit ito dahil sa pananahimik nya.

"W-wala po s-a akin ang a-anak nyo" mahina na sabi ng babae pero sapat na ito para marinig ng kanyang boss o ng CEO.

"What did you say?! You lost our child!" Sigaw nito sa kanya na lalong nagpagulat sa kanya, anong- anong! Kanina anak lang nito ang hinahanap, bago ngayon anak na nila?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top