Chapter 6

Chapter 6

Heartbreak

Nilukob ng nakabibinging katahimikan ang sumunod na ilang segundong paghihintay ko sa magiging sagot ni Sir Mendez. Wala akong lakas ng loob upang dumilat at tingnan ang reaksiyon ni Sir sa sinabi ko.

"Do you want something to drink or...?"

Napadilat ako dahil sa naging tanong niya. Dinig ko ang pag-aalinlangan dito. Dalawang beses ko pang inulit sa utak ang sinabi niya para masigurado nga kung tama ba ang narinig ko.

Kumunot ang kanyang noo na para bang siya mismo ay naguguluhan sa nangyayari.

"Are you about to go home? Hapon na rin kasi—"

"I wouldn't mind a glass of juice! I'm actually thirsty," agap ko at baka tuluyan na nga na bawiin niya ang imbitasyon. Malapad akong ngumiti. "Pineapple juice is my favorite!"

Marahan siyang tumango at ngayon ay nakapamulsa sa kanyang suot na itim na cargo shorts. Tinalikuran niya ako at nagsimula na siyang maglakad patungo marahil sa kusina. Kusa naman akong sumunod sa kanya.

Hindi maipagkakaila na lalaki ang nagmamay-ari ng kanyang kusina dahil sa kulay ng pinta nito na pinaghalong gray at blue. Simple lang din at minimalist ang dating katulad ng kanyang sala.

Hindi ko nakita ang matanda. Tahimik na inilapag ni Sir Mendez ang supot ng pandesal sa ibabaw ng isang round table at binuksan niya ang pinto ng kanyang refrigerator. Naglabas siya ng isang pitsel ng malamig na tubig.

"You should take a seat," aniya na hindi man lang ako nililingon. Nagkuha naman siya ng isang sachet ng pineapple juice. Sinimulan na niya ang pagtitimpla.

Tumikhim ako at naupo na sa silya. Inilapag ko ang mga kamay sa kanyang round table.

"M-May kasama ka pala rito sa apartment?" tanong ko.

Ilang segundo pa ang lumipas bago siya sumagot.

"She's my family's househelp. Every weekend lang siya nandito para maglinis."

Inilapag na niya sa mesa ang pitsel ng pineapple juice at saka kumuha ng dalawang baso. Kumuha rin siya ng isang plato.

"Muntik na kasi namin siyang nasagasaan noong nakaraang araw..." pagkukuwento ko. "Tumalon kasi 'yong pusa niya kaya...biglaan siyang tumawid sa gitna ng daan..." Huminto na ako sa pagsasalita nang sumagi sa isipan na baka naikuwento na sa kanya ng matanda ang nangyari.

Tipid siyang tumango at nagsalin ng juice sa baso. Iniabot niya ito sa akin at kaagad ko namang tinanggap. Inilagay niya ang pandesal sa plato. Kumuha siya ng isa at tinikman ito.

Imbes na inumin ang juice na ibinigay ay naghintay ako sa reaksiyon niya. Hindi naman siya napangiwi o nagbusangot ng mukha kaya naisipan ko na nagustuhan niya ang lasa.

Inubos niya ang isang tinapay at kumuha ulit siya ng isa pa. Lihim naman akong napangiti at saka sumimsim sa pineapple juice habang nagnanakaw ng sulyap sa kanya.

"Masarap ba?" sabi ko sabay lapag ng baso sa mesa.

"Uh huh. Baka nga maubos ko 'to," sagot niya. "Do you sell this? Pwede ba akong um-order para bukas?"

"Ipagbi-bake kita ulit bukas pagkauwi ko galing school!" nabubuhayan kong sinabi. "Ihahatid ko rito!"

Nagsalin na rin siya ng juice sa kanyang baso at naupo sa tapat ko.

"Ayaw ko ng libre. Atleast let me pay for it."

Nagliwanag ang bombilya na nasa utak ko.

"I don't accept cash. Pero...pwede mo akong ilibre ng dinner dito sa bahay mo bukas?"

"Wala na si Nanay Celia rito bukas," aniya at saka ininom na ang juice.

Kumunot ang noo ko dahil nalito sa naging pahayag niya. Napansin niya siguro ang kalituhan ko kaya nagpaliwanag siya.

"You should not go to a man's house alone."

"Why not? Teacher naman kita..."

Bumuntonghininga siya at mariin akong tinititigan.

"Lalaki pa rin ako."

"Bakit? Pagnanasahan mo ba ako, Sir?" inosente kong tanong. Ginagaya ang maaring isagot ni Hope sa mga pagkakataon na ganito.

Mahina siyang nagmura at tumayo na.

"It's late. Umuwi ka na at baka hinahanap ka na sa inyo."

Ngumuso ako at mabigat sa loob na tumayo. Tahimik kaming lumabas ng kusina. Inihatid niya naman ako sa may gate. Ngayon ko lang napansin na madilim na nga.

"May pasok ka ba bukas sa law school mo?" tanong ko nang hindi pa nakakalabas ng gate.

Tumango siya sabay masid sa labas na para bang may hinahanap.

"Tight ang security dito. At saka may CCTV din," sabi ko sabay turo sa may poste. Hindi ko na ipinangalandakan pa na malapit lang ang mansiyon.

"Anong oras ba matatapos ang klase mo?" pangungulit ko.

"Nine in the evening."

"Kung gano'n, nine ko na rin ihahatid 'yong pandesal mo, Sir."

Napahilot siya sa kanyang sentido.

"Hindi ka pwedeng pumunta ng bahay ko kapag gabi."

"Kapag araw lang? Ihahatid ko lang naman ang pandesal! Hindi ako papasok ng bahay mo," dagdag ko dahil may umusbong ng iritasyon sa mukha niya.

Marahan niya akong itinulak palabas ng gate.

"I'll see you in class."

Tumatak sa isipan ko ang kanyang sinabi. Napaisip din ako kung ano ang mali sa naging tanong ko sa kanya. Pero atleast, may progress na ang pangungulit ko dahil sa wakas ay napansin na niya at nakakuwentuhan ko pa siya sa kanyang kusina. Salamat na lang sa impormasyon na ibinigay sa akin ng kanyang katulong na si Nanay Celia. At bilang pasasalamat, naisip kong ipag-bake siya ng cookies sa susunod na Sabado.

"You said, what?!" bulalas ni Hope nang sabihin ko sa kanya ang naging pag-uusap namin ni Sir. Napatingin na rin sa amin ang iba pang mga estudyante na kumakain sa cafeteria dahil napalakas ang pagkakasabi niya nito.

"Kung...pagnanasahan niya ba ako," inulit ko pa talaga.

Eksahirada siyang nailing at halata ang pagkadismaya sa kanyang hitsura.

"Alam mo, babe, alam ko naman na no boyfriend since birth ang status mo sa life. Kaya lang, bakit ba napaka-inosente mo minsan?!"

"Ano ba ang mali sa sinabi ko? I was only stating the truth," giit ko.

Dinuro niya ako gamit ang hawak na tinidor.

"Sabi ko naman sa'yo kahit na noong high school pa tayo na mag-boyfriend ka na for experience. For you to be aware of what's really happening in the real world. Lalo na sa mga boys!"

Ipinaikot-ikot ko ang tinidor na hawak sa pasta na kanina pa kinakain.

"Bakit 'di kasi ako sinagot para sa experience," dinig kong sabi ng boses mula sa likod. Hindi ko na kailangan pang lumingon para alamin kung kanino nanggaling ito.

"Oh, nasa'n na 'yong girlfriend mo?" pang-aasar ni Hope kay Jok.

Nginisihan lang siya ni Jok at saka naupo na sa tabi niya.

"Friends lang kami no'n."

Napairap sa kawalan si Hope sabay baling ulit sa akin.

"Hindi ka rin talaga masasagot ni JC dahil hindi ka papasa sa standards ng Mommy niya."

" 'Di naman Mommy ni JC ang jojowain ko, ah,"kalmanteng sagot naman ni Jok.

Muntik na akong mabilaokan sa kinakain. Natawa nang malakas si Hope. At dahil magkasabay na naman ang dalawa sa pag-kain ay napuno ng asaran ang lunch break namin.

Sa kabila ng nangyari kagabi ay normal lang ang pakikitungo sa akin ni Sir Mendez sa klase. Hindi naman matanggal ang lihim na ngiti sa mga labi ko habang iniisip ang usapan namin. Sobrang gaan ng pakiramdam ko mula ng magsimula hanggang matapos ang klase namin.

Hindi mawala ang excitement na nararamdaman ko habang papauwi na ng bahay. Balak kong mag-bake na naman ng pandesal para ihatid sa apartment ni Sir. May klase pa naman siya sa law school kaya may oras pa ako.

Matapos makapagpalit ng damit ay dumeretso na ako at inaabala na ang sarili sa kusina. Nakahanda na ang mga gagamitin dahil nasabihan ko na naman nang maaga si Manang para rito. Isang dosena ang ginawa kong perpektong pandesal. Kumpara sa nauna na isinilid ko lang sa supot, isang tupperware na ang pinaglagyan ko nito. Nagdikit na rin ako ng sticky note na sinulatan ko ng mensahe.

Malaya akong nakalabas ng mansiyon dahil nag out of town sina Mommy at Papa para sa isang prospective client. Ang sabi nila ay tatlong araw silang magtatagal doon dahil may kikitain pang kaibigan si Papa. Natuwa naman ako lalo na at hindi masyadong mababantayan ni Mommy ang kilos ko.

Kumain na muna ako ng hapunan bago nagpunta sa bahay ni Sir dahil alas nuwebe pa naman matatapos ang klase niya ayon sa kanya. Malamig ang simoy ng hangin kaya nagsuot na ako ng jacket. Hindi masyadong madilim ang gabi dahil marami namang poste ng ilaw sa daan.

Umangat ang sulok ng labi ko dahil nakitang naka-on na ang ilaw ng kanyang apartment. Siguradong nakauwi na siya.

Bitbit ang tupperware ay tinungo ko na ang kanyang gate. Pipindutin ko na sana ang buton ng doorbell pero natigilan ako nang makita ang pagbukas ng pinto.  Iniluwa nito si Sir na malinaw na hindi pa nakakapagpalit ng suot dahil sa suot na black button down shirt at khaki pants.

Dinaluhan niya ako kaagad at pinagbuksan ng pinto ng kanyang gate.

"Good evening po, Sir," pambungad ko sabay sulyap sa bahay niya.

Naglahad siya ng kamay kaya mabilisan kong iniabot ang tupperware sa kanya.

"Huwag niyo na po isoli ang lalagyan," bilin ko.

Naningkit ang kanyang mga mata habang mariing tinititigan ang sticker na idinikit ko sa takip ng tupperware.

"How much do I owe you for this?"

"Dinner po!" giit ko. "This Saturday... kapag nakabisita na rin sa apartment si Nanay Celia."

"Good night, Miss Villarejas," aniya at isinara na ang pinto ng gate.

Inspired at abala man para kay Sir Mendez, hindi ko naman kinalimutan ang responsibilidad ko sa pag-aaral. May reporting kami sa darating na Biyernes sa subject na Public Governance kung saan si Sir Mendez ang teacher. Masusing paghahanda ang ginawa ko.

Sa mga sumunod na araw ay ganoon pa rin ang ginawa ko. Naghahatid ako ng pandesal sa kanya. Walang palya iyon, ngunit ni isang beses ay hindi niya na ako muling pinapasok ng kanyang bahay. Hindi naman ako nagtampo dahil alam kong pinaninindigan niya lang ang sinabi niya. Hanggang sa dumating ang Huwebes ng gabi.

"Anong gusto mong ulam?" bigla niyang tanong pagkaabot ko sa kanya sa isang paperbag na pandesal ang laman.

Umawang lang ang labi ko habang windang na nakatitig sa kanya. Hindi makapaniwala sa narinig.

"Uutusan ko si Manang Celia para mamili bukas. So... what do you want to eat?"

Bumuka-sara ang bibig ko na parang isda lang. Ilang segundong paulit-ulit ito hanggang sa wakas ay makakapa na ng sasabihin.

"I like chicken curry!" paos kong sinabi. Pilit na inaayos ang sarili para hindi maging masyadong obvious ang kasabikan.

"Alright. Eight pm, sharp. Don't be late," babala niya at pagkatapos ay pinagsarhan na ako ng gate.

Sa walang mapaglagyan ng tuwa ay palundag-lundag ako habang naglalakad pauwi ng mansiyon. Ang buong akala ko ay buong linggo na ang kasiyahan na matatamasa ko, kaya lang hindi pala lalo na nang dumating ang araw ng Biyernes.

Alas kuwatro ng hapon at grupo ko na ang pinakahuli sa reporting. Nasa harapan kaming apat na miyembro at sa aming likuran ay ang aming powerpoint presentation. Nasa malayong tapat naman si Sir nakatayong nakakrus ang mga braso na pinagmamasdan at inoobserbahan kami.

Totoo pala ang sinasabi nila na hindi lahat ng tao magiging masaya sa success na mararating mo.

Noong una ay maayos ang ginawang report ng aming grupo. Mahusay ang takbo dulot marahil ng matiyaga at puspusang paghahanda. Habang nagsasalita si Hope sa parte niya sa report namin tungkol sa Democracy and Wealth na paksa ay biglang sumingit ang leader ng kabilang grupo.

"Do we also get wealth from marrying rich men?"

Nagsitawanan ang buong klase. Akala ay nagbibiro lang ang kaklase naming si Jana. Nga lang, iba ang kutob ko. Napuna ko ang mapamintas na tingin na ipinupukol niya sa akin.

"What? I'm just saying that some people weren't actually born rich in this country," lantaran na siyang nakatingin sa akin, "some were just born as a cheap actress and just preys on rich men."

"Where is this going, Miss Arta?" malamig na boses ni Sir Mendez galing likod.

"Oo nga, Miss Arta! O baka ume-epal ka na naman," dugtong naman ni Hope na naiirita na rin.

"Okay, fine! Let's say, Miss Villarejas, for example. Her mother was just an actress but thanks to her rich stepdad, nakaraos din sa buhay. Though her stepdad is old enough to be his grandfather."

"That's enough!" Umalingawngaw ang malamig na boses ng aming guro.

Nanigas ako sa kinatatayuan at halos hindi na maramdaman ang tuhod. Marami na akong naririnig na mga komento tungkol sa pinagmulan ng pamilya ko ngunit ito na yata ang harap-harapan na pagbanggit nito.

Hinawakan ni Hope ang braso ko bilang suporta at alam kong ramdam niya ang panginginig ng buo kong katawan.

"Take a seat. Your group is done," pagpapatuloy ni Sir Mendez. Hindi ko na tiningnan pa ang kanyang hitsura para sa reaksiyon sa nangyari dahil sa panghihina ko.

Sa tulong na rin ni Hope ay nagkaroon ako ng lakas para makabalik sa upuan. Naging doble naman ang katahimikan sa buong klase sa nangyari. Matapos ang natitirang minuto ay na-dismiss na rin ang klase. Mabilis akong lumabas ng silid.

Nakatanggap ako ng text mula kay Hope nang nasa loob na ako ng sasakyan habang bumibiyahe pauwi. Nagtatanong siya kung ayos lang daw ba ako. Nagtipa ako ng reply at sinabi ang totoo kong nararamdaman. Na nasaktan ako sa nangyari at naiinis kay Jana.

Nang makarating na ng mansiyon ay saka ko pa lamang natanggap ang reply niya sa huli kong nisend na chat.

Hope: Igaganti kita, babe

Binalewala ko ito at pumasok na ng bahay. Hindi muna ako pumunta sa apartment ni Sir Mendez. Nahihiya ako sa nangyari kaya hindi ko pa siya kayang harapin.

Nakapagpasya akong matulog na lang nang maaga. Maski iba-ibang posisyon na ang ginawa ko sa paghiga para lang makatulog ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Naalala ko na naman ang nangyari sa klase kanina.

Muli akong bumangon at sinilip si Pepe sa kanyang higaan na tray. Nilagyan ko lang ito ng maliit na kutson para maging kumportable siya. Nagtaka ako nang makitang pati siya ay gising pa.

"Na-bully ka rin ba, Pe?" bulong ko sabay haplos sa maliit niyang pakpak. "Anong klasing sisiw ka ba? Bakit parang hindi ka lumalaki?"

At siyempre, wala pa rin akong natanggap na sagot mula sa kanya.

"First year college pa lang ako alam na naman ng lahat ang kuwento tungkol sa pamilya ko kaya bakit pa rin ba ako nasasaktan sa tuwing minamaliit nila?"paglalabas ko ng sama ng loob kay Pepe.

"Alam mo bang inaasar ako noong high school dahil hindi naman daw magaling umarte ang Mommy ko. Tapos 'yong mga role niya pa ay laging kabit."Nagpakawala ako ng malalim na buntonghininga. "Mas lumala lang ang isyu noong makilala niya si Papa."

Nahiga ulit ako at nagtalukbong na lamang ng kumot. Naghihintay na sana ay hilahin na nga ng antok.

Ayaw ko sanang pumasok kinabukasan kaya lang naisip kong hindi naman tama na talikuran ko ang pag-aaral. Kapag ginawa ko iyon, iisipan lang ng lahat na nagpapaapekto ako sa mga paratang nila.

Suot ang navy ruffled tied up skater dress na tenernohan ko ng white sneakers ay pumasok na ako sa eskuwela. Maski Sabado ay may pasok kami sa umaga dahil sa PE subject.

Hindi pa nakakababa ng sasakyan ay nakatanggap ako ng mensahe galing kay Hope.

Absent ako ngayon dahil nag-away na naman sina Mama at Papa. Naipaghiganti na pala kita. Nilagyan ko ng daga 'yong locker ni bitchesa! 😉🤗

Dalawang beses kong binasa ang chat niya.Dumoble ang tibok ng puso ko nang maunawaan ang kanyang ginawa. Dali-dali akong lumabas na ng sasakyan at kumaripas ng takbo papuntang locker area. Si Hope talaga! Palalakihin niya pa yata ang isyu, eh.

Ginapangan na ako ng kaba nang makita ang umiiyak na si Jana. Nasa harapan siya ng locker niya na kasalukuyang nililinisan ng isang janitor. Parang tumigil din ang mundo pagkakita ko sa katabi niyang si Sir Mendez. Tumalim ang tingin niya nang masulyapan ako.

"Faculty room. Now," malamig niyang sinabi na alam kong para sa akin.

Sa mabibigat na hakbang ay sinundan ko ang pagpasok nilang dalawa ng faculty room. May ibang teachers din na naroon at abala sa paghahanda para sa kani-kanilang klase. Dumeretso kami sa mesa ni Sir Mendez.Walang ni isa sa aming tatlong ang umupo. Nakatayo si Sir Mendez habang mariin kaming pinagmamasdan ni Jana sa harapan niya.

"I am interfering right now because when you had your conflict yesterday I was your teacher," panimula niya at pagkatapos ay itinuon ang tingin sa akin. "Miss Villarejas, were you aware that there's a rat inside Miss Arta's locker?"

Napalunok ako at bahagyang yumuko. Hindi nakayanan ang tila ba pang-aakusa na ipinakikita ng kanyang mga mata. Mariin akong napapikit nang maalala ang chat ni Hope kanina lang.

"Yes, Sir," matapat kong sinabi, "but it—"

"How old are you to pull that kind of trick? Thirteen? Fifteen?"malamig na pagputol niya, "For pete's sake, you're already a second year college student! You're so immature."

Nanginig ang labi ko at para akong sinasampal ng bawat salitang binitiwan niya. Dahil sa pagiging abala sa pag-intindi ng sariling pakiramdam ay hindi ko na nasundan pa ang sunod niyang sinabi. Napagtanto ko na hindi ko na pala kaya pang intindihin at damdamin ang umaapaw na emosyon.

Mistulan akong tuod na tumango na lang. Hindi ako umiyak. Bakit ko hahayaan ang sarili na umiyak na naman sa harap niya gayong alam ko naman mismo ang buong katotohanan? Bakit pati itong kahuli-hulihang kahinaan ko ipapakita ko pa sa kanya?

Wala ako sa sarili nang makalabas na ng faculty room. Tulala ako habang inaalala lang ang parang robot na paghingi ko ng sorry kay Jana kanina sa harap mismo ng lalaking hinahangaan ko. Isang bagsakan na bumuhos na ang mga reyalisasyon ko sa buhay sa mga nagdaang linggo. Ang tanga ko pala. Paano ako humantong sa pagiging ganito? Paano ako naging desperado nang ganito para lang sa ultimate crush ko?

Bakit ko ba hinayaan ang sarili na magpakita ng emosyon at kahinaan sa iisang tao? Siguro nga ay tama talaga ang payo ni Mommy sa akin. Dapat kinimkim ko na lang ang alas ko. Kaya naman simula ngayon ay kakalimutan ko na siya. Hinding-hindi na ako magpapakabaliw sa kanya. Ituturing ko ang karanasan na ito bilang kauna-unahan kong heartbreak. I might be hurt earlier but I definitely learn today. And tomorrow, I will be wiser.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top