Chapter 5
Chapter 5
Your Teacher
"Bukas na darating 'yong shipments ng wine from Italy. I will personally supervise it," anunsiyo ni Papa habang naghahapunan kami.
"Do you want me to accompany you, darling?" si Mommy.
Ginawaran siya ng matamis na ngiti ni Papa.
"No need, Valen. May usapan kayo ng mga amiga mo bukas, hindi ba?"
"Oh, yes. Pag-uusapan pala namin ang tungkol sa charity ball next month."
May iba pa silang pinag-usapan ngunit bumabalik din tungkol sa business naming winery. Tahimik lang ako habang kumakain at hindi na nakasunod sa paksa.
Dalawang araw na ang lumipas simula noong insedente na nangyari sa labas ng mall. Sa kahihiyan at kaonting pagtatampo na rin ay iniwasan ko ang makasalubong si Sir. Sa klase naman ay hindi ako nakikipag-eye contact sa kanya. Hindi naman siya nagbalak pa na kausapin din ako.
"...so we will have dinner with him this Saturday night. You will join us, Jean."
"Po?" gulat na tanong ko nang marinig ang pagbanggit ni Papa sa pangalan. Epekto ng kanina pa hindi pakikinig sa usapan.
"Are you okay?" May bahid ng pag-alala ang tingin niya. "Mr. Gregorio Cua and his son will be joining us for dinner this Saturday night."
"Gregorio Cua is one of the top hoteliers in the country, Jean," si Mommy ang nagdagdag dahil napansin siguro ang pagsawalang kibo ko.
Sumimsim muna si Papa mula sa kanyang wineglass bago nagsalita.
"He is a potential client. I think you know of his son, Alec Von Cua. He graduated from Ateneo."
Sinuri ko ang memorya. Sa pagkakatanda ko ay first year palang ako noon at fourth year naman si Alec Von Cua. Sikat siya sa university dahil sa gwapong hitsura at sa pagiging babaero.
"I had seen him in school po. But I haven't met him personally," sabi ko.
"He is just three years older than you. He comes from a successful family. You should meet him and maybe, you know, you and him can develop a..." pasaring ni Mommy. Sa ipinapakita ng kanyang mga mata ay alam ko na ang binabalak.
"He is not my type, Mom," deretsahan kong sinabi sabay lapag ng kutsara at tinidor sa mesa.
Eksahirada siyang suminghap at umarteng gulat.
"I didn't mean anything with it."
Hindi ako imimik at inihanda lang ang sarili upang magpaalam dahil tapos na sa pag-kain. Ngunit bago ko pa maibuka ang bibig ay naunahan na niya.
"What's your type in a guy then?" Nagtaas siya ng kilay. "Losers?"
"Valena," saway ni Papa. "Bakit ba naging ganito na ang usapan? It will only be a business dinner with the Cuas."
Napayuko ako dahil sa kahihiyan. Hindi para sa sarili pero para sa ina.
"Tapos na po ako at matutulog na,"paalam ko nang magkaroon na ng lakas ng loob.
Tinanguan ako ni Papa. Hindi naman ako matingnan ni Mommy. Tumayo ako at umalis na ng dining area.
Tinawagan ko si Lolo nang nasa kuwarto na upang kamustahin siya sa probinsiya. Nag video call kami dahil huli naming ginawa ito ay noong pang dumating siya ng probinsiya.
"Okay ka lang ba talaga, JC?" nag-aalala niya na namang tanong.
Ngumiti ako para makampante siyang ayos lang ako.
"Opo, Lo. Marami lang akong ginawa sa eskuwela. Kamusta po kayo riyan?"
"Maayos naman. Abala sa mga alaga kong hayop."
"Bakit hindi niyo lang po kasi tanggapin iyong tulong ni Mommy na mag-hire ng mga tao para po makatulong sa inyo? Malaki po 'yang lupa at hindi niyo makakayang mag-isa ang pamamahala nito."
Bumusangot kaagad ang kanyang hitsura. Hindi na naman nagustuhan ang pangungulit ko tungkol dito.
"Sampong taon na ako lang ang nangangalaga rito at nakaya ko! Hindi ko na kailangan ng katuwang. At ano ba naman iyang alam ni Valena? Hindi na naman iyan nakaapak dito simula nang umalis para mag-artista noon."
"Lo, seventy years old na ho kayo. Nagbabago na ang kundisyon ng pangangatawan niyo at hindi na tulad noong dati."
"Kaya ko pa," matigas na paninindigan niya.
Iniba na niya ang usapan at kinamusta na lamang si Pepe. Hindi na ako nagpumilit pa sa gusto dahil alam kong maiinis lang siya sa akin kapag ginawa ko. Nagpaalam din ako sa kanya kalaunan dahil may pasok pa kinabukasan.
"Bilib na talaga ako sa'yo, Miss Jean Caitlyn Villarejas! Biruin mo 'yon, halos one week na hindi mo binabanggit si Sir Mendez. Though, obvious naman na hindi ka pa nakaka-move on dahil nahuhuli pa rin kita na nagnanakaw ng sulyap sa kanya from time to time,"pagdadaldal ni Hope.
Nasa café kami malapit sa university. Wala kaming pasok kay Sir Mendez dahil um-attend ito ng teachers' conference. Dalawang araw itong mawawala.
Pinaglaruan ko ang straw ng mango juice at pinaikot-ikot sa loob ng baso.
"Hindi ko naman kasi alam ang sasabihin sa kanya. Nahihiya pa rin ako sa inasta ko sa huli naming pag-uusap. Parang na-realize ko kasi na wala naman ako sa lugar para mag-react ng gano'n."
"Nasaktan ka naman kasi kaya gano'n. Maski sabihin mo na wala kang karapatan dahil 'di ka naman niya girlfriend, pero as a girl na may crush sa kanya, siyempre it really hurts, 'no!"
Bumuntonghininga na lamang ako. Nagpatuloy naman siya.
"Sasabay na ako sa'yo pag-uwi, ah. Hindi kasi ako masusundo ni Mommy ngayon dahil sa meeting nila kasama ang Mommy mo para sa charity ball."
"Sige ba. No problem."
Napasulyap ako sa labas ng bintana ng cafè at natiyempohang nakita ang pagdaan ni Jok papunta sa isang sasakyan. May kaakbay itong magandang babae. Napatingin na rin si Hope sa labas.
"Akala ko ba walang spark?" bulong-bulong niya sa sarili.
"Malay mo, delayed lang," kibit balikat ko.
Marahas siyang nagbuntonghininga.
"Boys will be boys naman talaga."
Hindi rin kami nagtagal sa pagtambay sa cafè dahil nag-text din ako kaagad kay Kuya Benj para magpasundo. Sumabay na nga sa akin si Hope dahil nadadaanan lang naman namin ang bahay nila.
Ilang minuto pa ay nakauwi na rin ako. Umahon ako ng upuan nang matanaw ang apartment ni Sir. Karaniwan ko na itong ginagawa sa tuwing napapadaan ako. Habang nagmamasid sa labas mula sa bintana ng sasakyan ay nakita ko ang isang matandang babae na naglalakad sa gilid ng daan. May bitbit siyang bayong na puno ng mga gulay at prutas. Sa isang kamay niya naman ay isang pusa na kulay puti.
Sa isang iglap ay tumalon ang pusa at nakawala mula sa kanyang kamay. Mabilis siyang tumawid sa gitna ng daan upang siguro ay masundan ang pusa niya. Mabuti na lang at alertong nakapagpreno si Kuya Benj at hindi tuluyang nabunggo ang matanda. Nabitiwan lang niya ang bayong kaya naman nagkalat ang laman nito sa kalsada.
Laking gulat ko nalang at muntikan ng masubsob sa harapan. Sa pinaghalong gulat at kaba ay napahawak ako sa dibdib.
Aligagang lumabas ng sasakyan si Kuya upang masuri ang matanda. Mabilisan ko namang tinanggal ang suot na seatbelt, binuksan ang pinto, at lumabas ng sasakyan.
Nakita ko na kasalukuyang dinaluhan ni Kuya Benj ang matanda at sinuri kung ayos lang ba ito.
"Okay lang po ba kayo? May masakit po ba sa inyo, nay?" natataranta kong tanong sabay lapit sa kanila.
Umiling ang matanda ngunit abala naman ang tingin nito sa gilid ng halamanan. Yumuko siya at pinulot ang bayong sa kalsada. Habang pinagmamasdan siya ay napaisip ako na mukhang mas nag-aalala pa siya sa nakatakas na pusa kaysa sa sarili niya.
Pinulot ko ang iilang nagkalat na mga gulay sa lupa upang matulungan siya. Tumulong din si Kuya kaya mabilis naming naisilid muli ang mga ito sa hawak na bayong ng matanda.
"Pakihanap naman no'ng pusa, Kuya," pakiusap ko sa drayber dahil ramdam ko talaga ang pag-aalala ng matanda sa alaga.
Mabilis na umaksiyon si Kuya Benj at iniwan na muna kami.
Napalinga ako sa paligid.
"Saan po ba ang punta niyo, nay?"
Hindi siya nagsalita at itinuro lang ang apartment ni Sir Mendez. Muli ko siyang pinagmasdan mula ulo hanggang paa dahil nagiging kuryoso na sa kanyang pagkatao.
"Sa apartment po na 'yan kayo nakatira? Nanay po ba kayo ni Sir Mendez?"
Imbes na sagutin ay pinagmasdan lang din niya ako pabalik. Agaran ding nakabalik si Kuya Benj na ngayon ay hawak na ang pusa ng matanda. Naglahad ako ng kamay at nagprisinta.
"Akin na." Ramdam ng balat ko ang malambot na balahibo ng pusa nang iabot niya ito sa akin.
"Mauna ka na sa bahay, Kuya. Hatid ko lang si nanay."
Mukhang nagdadalawang-isip pa si Kuya Benj at muling napatingin sa matanda.
"Sigurado ka ba, JC?"
"Opo, Kuya. Malapit lang din naman tayo sa mansiyon. At saka nanay siya ng teacher ko kaya okay lang."
Nagkamot sa batok si Kuya at nakumbinsi ko rin na pumasok na ng sasakyan. Tumabi kami sa gilid ni nanay upang pagbigyang daan ang kotse.
Lumapit na ang matanda sa gate ng apartment ni Sir at sumunod naman ako sa kanya hawak ang pusa. Nakita ko ang susi na kinuha niya mula sa kanyang bulsa. Nang mabuksan na ang pinto ng gate ay pumasok na kami sa loob.
"Kayo lang po mag-isa rito sa bahay dahil may two-day teachers' conference po si Sir sa Davao, 'di ba?" pagdadaldal ko. Naasiwa sa katahimikan na bumabalot sa amin.
Tumango ulit ang matanda at ngayon ay ang front door naman ang kasalukuyang binubuksan.
Sa kanya nga siguro nagmana si Sir sa pagiging tahimik.
Hindi na ako nagsalita pa at tahimik nalang siyang sinundan sa pagpasok ng bahay. Iginala ko ang tingin sa paligid. Umawang ang labi ko sa loob nito. Napakalaki kasi ng espasyo at wala masyadong furnitures. Maliban na lang sa nag-iisang malaking flat screen TV, isang kulay gray na sofa, at babasaging center table.
Inilapag ng matanda ang bayong sa ibabaw ng center table. Hinayaan ko rin na tumalon ang pusa pababa mula sa kamay ko. Nahalata ko na parang pinapamilyar nito ang lugar.
Magpapaalam na sana ako dahil pakiramdam ko ay nakakaabala na at hindi niya naman ako kinakausap pero natigilan lang dahil may iniabot siyang cellphone sa akin. Nagtataka man ay tinanggap ko pa rin ito at binasa ang itinipa niya rito.
Hindi ako ang nanay ni Lake. May gusto ka ba sa kanya?
Para akong nabilaokan sa nabasa. Mabilis ko siyang tiningnan. Naunawaan ko na kung bakit kanina pa siya hindi nagsasalita. Dahil pala ito sa kapansanan.
"W-Wala po,"piyok ng boses ko.
Umismid siya at muling kinuha ang cellphone sa kamay ko. Mabilis ang ginawa niyang pagtipa na mukhang mahaba pa pagkatapos ay ibinigay ulit ito sa akin.
Hindi kumakain si Lake ng masyadong matatamis na pagkain. Umiiwas siya rito dahil may lahing diabetic ang pamilya niya. Sa susunod ay pandesal ang gawin mo. Paborito niya 'yon.
Matapos mabasa ang itinipa niya ay nawalan ako ng kakayanan na makapagsalita dahil sa gulat at pagkamangha. Alam ba niya ang pagbigay ko ng cake at cookies kay Sir? Nang maiabot sa kanya pabalik ang cellphone ay iniwan niya na ako sa sala. Hindi na naman ako nakatulog dahil dito kinagabihan.
Natuloy ang dinner namin nina Mommy at Papa kasama ng mga Cua. Hindi na ako nagmatigas pa dahil alam ko naman na hindi ako tatantanan ni Mommy kung hindi ako pumayag. Sa isang kilalang restaurant sa siyudad kami kumain.
Naunang dumating ang mag-amang Cua. Sa chinito nilang hitsura ay hindi na ako nagtaka pa dahil alam kong may lahi silang Chinese.
Nasa pang-huling course na kami ng pagkain at patapos na rin nang mapasarap ang usapan nina Papa at ng kaibigan na si Gregoria Cua tungkol sa negosyo. Minsan naman ay sumasabay si Mommy sa kanila.
"How's Ateneo?" pagsisimula ni Alec Von Cua na nakaupo sa tabi ng kanyang ama na nasa tapat namin. Nakasandal na siya sa backrest ng upuan. Hawak niya sa isang kamay ang wineglass.
"Still competitive," tipid kong tugon.
Ngumisi siya at mas depina lang nito ang pagiging singkit ng kanyang mga mata. Hindi maipagkakaila na may hitsura nga siya kaya nahuhumaling ang mga babae sa kanya dahil animo'y charming ang datingan.
"Do you have a boyfriend?" deretsahan niyang tanong.
Bigla nalang dumaan ang hitsura ni Sir Mendez sa isipan ko.
"I have someone I like," simpleng tugon ko.
"Okay..." Hindi natanggal ang tusong ngisi niya. Bahagya niyang inilapit ang mukha sa akin na parang may ibubulong. "Just so we're clear, you're not my type either. I don't like prim and proper kind of girls."
Tumalim ang tingin ko sa kanya habang kalmante naman siyang bumalik sa pagsandal sa kinauupuan.
Of course! Because you like them wild! Sa isipan ko pero siyempre hindi ko na isinatinig pa.
"You go to law school, right?" pagbanggit ko sa kanina pa nangungulit na tanong sa isipan simula ng mabanggit ito ni Papa kanina sa sasakyan. "Do you know of someone named Lake Jacobe Mendez?"
"Maybe I do...or maybe I don't," pa-misteryoso niyang sagot. "Is he the 'someone' you've mentioned you like?"
Nag-iwas ako ng tingin at ibinaling ito sa kanyang buhok na napakaiksi ang trim sa gilid ngunit mahaba naman ang nasa bandang harapan na ginamit para maiparte patagilid ang buhok. Parehong-pareho kay Sir Mendez.
"Required ba talaga sa inyong nasa law school ang Ivy League haircut?"
Hindi na niya nasagot pa ang tanong ko dahil sa biglaang pag-ring ng kanyang cellphone. Humingi siya ng paumanhin at panandaliang umalis ng mesa upang sagutin ang tawag.
Wala sa sarili akong napasulyap kay Mommy at nakitaan ang nakaabang na tingin niya sa akin. Nagtaas siya ng isang kilay at may tanong sa kanyang mga mata. Inignora ko naman ito at pagkatapos ay kinuha ang baso ng pineapple juice at saka inubos ang laman. Hindi na muling bumalik si Alec Von Cua.
Iginugol ko ang araw ng Linggo sa paggawa ng pandesal. Maski hindi pa lubusang kilala ang matandang babae na hindi pala nanay ni Sir ay naniwala pa rin ako sa kanyang sinabi. May pakiramdam ako na siya ang mas nakakakilala sa guro ko.
Paglabas ng unang batch ng pandesal na inilagay sa oven ay hilaw. Sinubukan ko ulit at naisip na mas patatagalin pa sa loob kumpara sa nauna. Nga lang, nang mailabas ay sunog naman. Napaso pa ako dahil sa sobrang init.
Hindi ako huminto. Huling beses ko na namang gagawin ito para kay Sir kaya itinodo ko na. Totoo nga siguro ang kasabihang 'Third time is a charm' dahil sa ikatlong pagsubok ay naging matagumpay na. Hindi hilaw, hindi sunog, hindi masyadong matamis.
"Sigurado ka na ba talaga, JC na rito mo lang ilalagay iyang pandesal?" pang-apat na beses na yata itong tanong ni Manang. Hawak na niya ngayon ang magkabilang dulo ng plastik na supot para maibukaka.
Sinimulan ko ang paglalagay ng pandesal sa loob nito.
"Opo. Mag-aaksaya lang po ako ng lalagyan kapag hindi niya na naman tinanggap 'to."
"Ang negatibo mo namang bata ka."
"Manang, masakit po ang ma-reject."
Kumunot ang kanyang noo. "Pero sabi mo, eh paborito niya naman ito. Hindi na siguro 'yon tatanggi."
"Minsan kasi, ang pagtanggap ay wala sa ibinibigay kundi nasa nagbigay."
Matapos mailagay ang sampong malalaking pandesal sa loob ay itinali ko na ang supot. Inihanda ko na rin ang sarili para sa paghatid nito sa apartment ni Sir. Ang balita ko ay kaninang umaga pa nakabalik ang mga kasamahan niya sa conference kaya tiyak na naroon na rin siya sa apartment.
Gray sweater at jogging pants lang ang suot ko dahil hindi na ako nag-abala pang magbihis. Itinali ko ang buhok sa isang bun dahil sa mainit na pakiramdam. Isa sa mga dahilan ng hindi ko pagpapalit ng suot ay ang gagamitin na alibi na pag-jo-jogging. Kunwari ay napadaan lang at naisipan na maging mabait ulit. Ewan ko lang kung maniniwala siya.
Tatlong beses akong pabalik-balik ng takbo habang pasadyang dinadaanan ang harap ng gate ng kanyang apartment. Kahit alas kuwatro na ng hapon ay mainit pa rin ang sikat ng araw. Napayuko ako dahil sa hingal nang mahinto sa harapan ng gate niya.
Umayos kaagad ako nang marinig ang pagbubukas ng pinto nito. Lumabas mula rito ang matanda na nakilala ko noong isang araw. May bitbit siyang maliit na garbage bag sa isang kamay.
Tumayo ako nang deretso at nginitian siya.
"Good afternoon po!"
Tumango siya at inilapag na ang garbage bag sa gilid ng poste. Pagkalaon ay muli siyang tumalikod at naglakad na papasok ng gate.
"Nandiyan na po ba si Sir?!" agap ko bago pa man mapagsarhan. Sa kaba ay napapisil sa sariling mga daliri.
Pinagmasdan niya ako ng ilang segundo at ibinaba ang tingin sa bitbit kong supot.
"Uh...nag-bake po ako ng tinapay... pandesal po," nahihiya kong sambit.
May lihim na ngiti sa kanyang mga labi. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nasilip ko ang isang banayad niyang mukha.
Nilawakan niya ang pagbukas ng gate sabay muwestra sa loob. Kinuha ko itong hudyat ng imbitasyon upang pumasok. Natutuwa akong sumunod sa gusto niya at pumasok na nga.
Dere-deretso ang pagpasok namin sa loob ng bahay. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa dulo ng supot nang madatnan ang pagbaba ni Sir Mendez sa hagdan. Panandalian din siyang nahinto pagkakita sa akin at napuna ko ang pagkabigla na bumalatay sa kanyang mukha.
"Good afternoon po, Sir!" nakangisi kong bati na para bang hindi nagtampo sa kanya.
Tipid siyang tumango at ipinagpatuloy na ang pagbaba.
"Pinapasok pala ako ni—" natihil ako sa sasabihin dahil nawala bigla ang matandang babae paglingon ko sa likod.
"What's that?" aniya sabay turo sa supot na dala ko.
"Ah! Nag-bake ako ng pandesal. Tapos nag-jogging ako sa labas. Maraming sobra kaya... naisipan kong dalhan si... nanay," pagdadahilan ko.
"Nag-jogging ka na may bitbit na plastik?"May nakakubling ngisi sa sulok ng kanyang mga labi. Dahil dito ay nakompirma ko na hindi talaga ako marunong magsinungaling.
Pinanindigan ko pa rin ang alibi at matapang na tumango.
"Kung ayaw mo naman nito, iuuwi ko nalang."
Ngayon ay lantaran ng umangat ang sulok ng kanyang mga labi. Parang nahulog na naman ang puso ko dahil sa gwapo niyang mukha. Hindi ako sanay na nakikita siyang nakangiti. Ito palang ang unang beses.
"Akala ko ba para kay nanay 'yan."
Napakurap ako dahil nagisa yata sa sariling mantika.
"S-Sabi ko nga..." Marahas kong iniabot sa kanya ang supot. "Pakibigay na lang sa kanya!"
Tinanggap niya ito. "It's my favorite. Pwede ba akong manghingi sa kanya?"
"Para... para sa'yo naman talaga 'yan," pag-amin ko sa maliit na boses.
Ilang segundo niya lang akong tinitigan. Sinubukan kong suklian ito kaya lang mistulang hinihigop ng simpleng pagtitig niya ang lakas ng loob ko. Unti-unting nanghihina ang mga tuhod ko at ilang sandali pa siguro ay bibigay na ito.
Pagod siyang humugot ng malalim na hininga.
"I'm your teacher, Miss Villarejas," marahan niyang pahayag.
Kahit isang pangungusap lang iyon ay nakuha ko naman ang gusto niyang iparating. Malakas at malinaw.
"Alam ko," hirap kong pagsang-ayon. Dahan-dahan akong napapikit nang mariin at inihanda ang sarili sa susunod na sasabihin. "Kaya lang kasi...gusto talaga kita."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top