CHAPTER 9: Mommy's here

Nang mabasa ko ang text ni Chester ay agad akong nagtungo ako sa exit gate at agad na pumara ng taxi. Halos makipag-away na ako sa driver dahil sa tagal ng byahe. Inabot naman ng kalahating oras bago kami makarating sa bahay, ibinigay ko na ang bayad at 'di na nag-abalang kunin pa ang sukli. Pagpasok ko nadatnan ko ang aking kakambal na nasa sala at nanonood ng tv.

"Nasaan si sky?" Agad na tanong ko.

"Dumiretso na sa kuwarto niya." Sagot niya habang tutok pa rin sa pinapanood.

Umakyat naman na ako sa taas at dumiretso sa kwarto ni Sky. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok. Nadatnan kong nakahiga sa kama si Sky habang yakap yakap ang SpongeBob na stuff toy na bigay ko sa kanya. Linapitan ko siya. Halata na kagagaling lang niya sa pag-iyak dahil basa pa ang pisngi nito.

"Baby... sorry di nakasipot si mommy," panimula ko. "Hindi naman sinasadya ni mommy eh may nangyari lang talaga." Pagpapaliwanag ko.

"But mommy you promise me... so it's true that promises are meant to be broken I thought its just with dad but now," Nagsimula na naman itong humikbi.

"Sushh... that's not true baby dont say that, may nangyari lang talaga tahan na baby." Niyakap ko siya para patahanin.

"Mo-mmy." Putol putol na sambit niya hanggand sa tuluyan na siyang naiyak. Mukang malaki ang problema ng batang to sa pamilya niya. Kaya siguro naghanap siya ng ina. Maybe he's longing for love and attention.

"Tahan na baby okay babawi si mommy bukas mismo. Sisiguraduhin kong matutuloy 'yon basta stop crying na. 'Di ba your big boy na, kaya be strong okay?" Tumango lang ito atsaka niyakap ako ng mahigpit.

Nakatulog na si Sky kakaiyak. Matapos ko siyang iayos, lumabas na ako ng kwarto niya at bumaba't nagtungo ng kusina. Binuksan ko ang ref para makakuha ng malamig na tubig habang naglalagay ng tubig sa baso ay siya ring pagdating ni Chester.

"So how is he?" Tanong nito at nagsalin rin ng tubig sa kanyang baso.

"Well he's fine now." Simpleng sagot ko at uminom ng tubig. Tinitigan naman niya ako. "What?" Tinasan ko siya ng kilay.

"Saan ka nanggaling? At 'di ka naksipot sa usapan niyo?"

"Sa school," simple kong sagot at mukhang hindi naman ito naniwala.

"Sa school? Huh! 'Di ba nga nauna ka pang umuwe kaysa sa akin...tell me the truth." Maototidad nitong pagkakasabi.

"Okay if you're thinking na nanggaling ako sa gang fight well you're wrong. Wala pa kaming client at wala ring namang nanghamon samin." Pagpapaliwanag ko.

"Kung hindi ka galing sa gang fights mo, mind explaining where did your get your bruises may kalmot ka pa sa pisnge. And huwag mong sasabihing nahulog ka at hindi rin ako maniniwalang gasgas nang rason yan."

Huminga muna ako ng malalim there's no point para itago ko pa ang nangyari lumabas na ang pagiging reporter ng kambal ko at siguradong 'di rin naman niya ako titigilan.

~•~

Nagising ako dahil naramdaman kong may humahalik sa leeg ko nakakakiliti kaya. Iminulat ko ang mata ko at sumalubong sakin ang nakangiting si Sky.

"At last your awake... Good morning mommy!!" Masiglang bati nito saka ulit ako hinalikan sa pisngi.

"Morning baby hows your sleep?"-tanong habang patayo sa kama.

"It was great mommy, because I'm excited for today." Ang bilis naman makarecover ng batang 'to parang kagabi lang iyak siya ng iyak ngayon napakahyper naman. Naalala ko tuloy 'yong usapan namin ni Chester kagabi, sinabi ko sa kanya lahat ng nangyare and guess what? He's really angry. Pagbabayaran daw ni psybi-este Mellisha ang ginawa niya. Nacurious tuloy ako kung anong gagawin nito. Kung ako sana balak ko sanang ipa-ambush siya sa mga gang members ko at itapon sa ilog.Char! Basta 'di ko na muna iisipin yan bahala na si kambal doon I know he can do it.

Inutusan ko si manang Rosetta para asikasuhin si Sky. Samantalang ako ay dumiretso na rin ng banyo para maghanda. I cancelled all my meetings para makapagfocused kay baby. I want him to feel na he's important to me.

Matapos ko makpag-ayos nagtungo ako sa baba dumiretso na sa kusina nadatnan ko roon si baby sky na napakahyper at handang handa na. Hindi naman siya excited eh noh? Naroon na rin si Chester, habang naghahain naman si manang Rosetta. Lumapit na ako at tumabi kay Sky nasa kanan ko naman si kambal na mukhang inaantok pa. Tiningnan niya ako saka ulit tumingin kay Sky at kunot noong bumalik ang tingin sa akin. Problema nito?

"Saan kayo pupunta huh? Ba't bihis na bihis kayo?" tanong nito, at humigop ng kape.

"Mommy said mamasyal daw po kami tito." Masiglang sagot ni Sky.

"What kayo lang ba't di ako kasama?" Parang batang maktol niya.

"Babawi lang ako kay baby Sky dahil 'di ko natupad yung promise ko sa kanya" Sagot ko at nagsimula nang kumain.

"Eh bakit 'di niyo ako sinabihan? Kayo lng mamasyal paano naman ako?" Humawak pa sa dibdib at umakting nagtatampo.

"You're not allowed to come tito, its me and mommy's moment." Sagot ni baby Sky. Gusto kong matawa sa reaksyon ni kambal mukhang 'di niya inaasahang sasabihin 'yon ni Sky.

"Hahaha yaan mo na sa susunod ka na lang sasama. Gawin mo na lang yung pinag-usapan natin kagabi."

"Psh. Sissy naman ihh! Pero sige na nga, basta sa susunod kasama na ako huh?"tumango na lang ako habang nangiti. Minsan talaga nagiging isip bata ang lalaking 'to eh.

Matapos nun nagpaalam na kami saka nagtungo sa garahe gagamitin ko ang kotse ni daddy alangan namang paangkasin ko sa motor ko si Sky. Iyong kotse ko naman kasi ginagamit ko lang kapag may gang fights kami o kaya kapag may mga request sa amin. So okay lang naman na magdrive ako kase may license na rin ako I'm on legal age naman na. Una naming pinuntahan ni Sky ay sa mall. Actually it's mine bigay sa akin ni dad nung eighteenth birthday namin ni kambal regalo at training na rin naming sa paganage ng business. Wala naman kase akong hilig sa mga business na yan pero sabi ni dad kailangan ko ring matuto kaya as my training daw he let managed the school at pinabayaan niya rin akong palaguin ang mall na 'to well masasabi ko lang, I've learned a lot already lumaki na ito at maraming nakikipagsosyo saking mga business tycoons and may apat na branches na rin. Sa Korea, Canada, Paris at dito sa Pilipinas.

Anyway, cut it hindi ako na rito para ikwento ang buhay ko sa business I'm here for my baby. Pagpasok namin dito sa mall binabati ako ng mga empleyadong nadadaanan ko gingantihan ko lang naman sila ng ngiti. Nagshopping lang kami ng kung ano ano. Binilhan ko naman siya ng spongebob set bag, watch, shirts at iba pa. Kumuha na rin ako para dagdag na rin sa collections ko. Nakakatuwa nga eh parehas pa naming paborito si spongebob.

Matapos namin magsawa sa mall nagtungo muna kami sa isang restaurant dahil medyo nagutom na ri kami. Nang mabusog inaya ko si Sky sa isang amusement park. Napag-alaman kong hindi pa pala niya naranasang pumasyal tulad nito, nakakapasyal lang daw siya kapag sinasama siya ng yaya niya pagnamamalengke ito.

Hindi ko maexplain kung gaano kasaya ngayon ang batang ito, nakakatuwa siyang panooring tumawa. Napaisip ako kung nararamdaman din kaya 'to ng magulang niya. Nag-aalala kaya sila ngayon? Napairap na lang ako sa tanong ko. Of course Cheska, sinong magulang naman ang hindi mag-aalala kapag nawawala ang anak nila. Pero sana huwag muna ngayon ayaw ko munang ibalik si Sky. Sana mantili muna siya sa akin selfish na kung selfish pero napamahal na sa 'kin ang batang ito.

"Mommy let's go there. Sakay pi tayo ng carousel." Pag-aaya nito saakin nginitian ko lang siya at bumili ng ticket. Sumakay kami rito tinry din namin ang iba pang rides pero yung mga pangbata lang, feeling ko tuloy bumalik ako sa pagkabata.

We just enjoy this day and I just wish na sana hindi na matapos ito. Nakaupo kami ngayon sa isang bench nagapahinga habang kumakain ng ice cream.

"Mommy I really enjoyed this day'"

"Me too baby and thank you for forgiving me. Pasensya na talaga kahapon."

"It's okay mommy, don't think about it. I love you mommy and thank you." Sabay halik niya sa pisngi ko may ice cream pa 'yong bibig niya napangiti naman ako.

"I love you too baby." Sagot ko at hinalikan rin sya a pisngi. Pinunasan naman ang nagkalat na ice cream sa bibig niya.

Pinagmamasdan ko lang siya habang naglalaro minsan nakikipaghabulan pa sakin.

"Huli ka!" sabay kiliti ko sa kanya.

"Mommy....stop... hahahah." Napatigil siya kaya napatigil rin ako.

"May problema ba baby?" tanong ko.

"Mommy I think I saw daddy," Nilibot ko ang paningin ko.

"Talaga? Saan?!" Hindi ko naman alam ang itsura ng daddy niya.

"DADDY!!" tawag nito sa isang lalaking nakatalikod sa direksyon namin. Tinitigan ko naman kung sino yung tinutukoy niya ngunit bigla na lang itong tumakbo at nagtungo sa kung saan siya nakatingin ngunit 'di ko makita kung sino tinutukoy niya. Napitlag na lang ako nang bigla na lamang itong tumakbo.

"Sky, wait!" Agad na habol ko sa kanya. Bigla niya namang kinalabit ang isang lalaki.

"Daddy I'm gl-" Natigilan siya at biglang laglag balikat na bumalik sa akin. Nakunot naman ang noo ng lalaking kinalabit niya, kaya humingi na lang ako ng paumanhin rito.

"I thought... I-it w-was daddy." Iyak na sabi nito. Wala akong nagawa kung 'di yakapin na lang siya.

"It's okay baby, mommy is here naman di ba? Mas hinigpitan ko angpagkakayakap sa kanya, habang tuloy pa rin ang kanyang paghikbi niya.

Ano bang gagawin ko sa batang ito at bakit wala man lang akong nababalitaang may naghahanap sa kanya. Pero ang puwede ko nalang gawin ang iparamdam ang kalinga ng isang magulang para sa kanya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top