Chapter 27: Warning


I'm really pissed right now. It's been a week since the last time that I've talked to Tyler. A week since my classes starts. and its been a week since I'm receiving that effin' warning! I just hope na may mabuting mangyari sa akin ngayong araw, beccause if those badlucks remains I don't know what to do anymore. I'm on my way to my room when I heard my phone beeps!

Unknown:

Watch your actions. Be alert. They're always there watching you.

This is what I'm talking about. This warnings are so irritating. I don't even know who's behind this. I immediately call MC to inform her about this.

"Hello?" She greeted in lazy tone.

"I received a message again. Do you have any informations kung kanino into nanggagalin?" I ask her directly. I already told them about this and I hope we can find who's behind this immediately.

"Yes boss! I found out that taga rito sa M.U. ang sender, but I still not know who is it dahil after sending you a message pinapatay niya na ang phone that's why I'm lossing my track to the sender." mahabang paliwanag nito. Right, I also tried calling the number but its out of reach.

"Okay don't stop and give me updates if there is a progress on your investigation."

"Aye aye boss."

"Okay I'll hang up. Take care." and with that I ended the call.

Salubong ang kilay ko habang naglalakad patungo sa building kung saan ang klase ko. Bawat batong nakikita ko at sinisipa ko, dito ko binubunton ang inis ko. Badtrip ako! Wala man lang bang magandang mangyayare? Nakakagigil talaga!

Matapos ang mahabang oras na inilaan ko sa eskwela sa wakas uwian na. Kasalukuyan akong nagmamaneho pauwi sa bahay ni Tyler nang mapansin kong kanina pa nakasunod sa akin ang itim na kotse. Mas lalong tumugma ang hula kong sinusundan ako nang may isa pang kotse ang nag-overtake papunta sa harap ng kotse ko. Shit! They're blocking me. Kaya naman nang makakita ako ng pagkakataon agad ko kinabig ang kotse papuntang kabilang kalsada at mas binilisan ang pagmamaneho. Ngunit ang mga walanghiya, sumunod pa rin. Aba! Napangisi naman ako. They want a game? Let's play then.

Hininto ko ang aking sasakyan at inikot paharap sa mga sumusunod sa akin kaya naman napapreno sila bigla. Binuksan ko ang bintana ng kotse ko at inilabas ang ulo at kanang kamay ko. Sinigurado kong makikita nila ako. Saka ko ipinormang baril ang kamay ko at itinutok sa kanila sabay ngisi. I mouthed boom na parang binabaril sila.

Let the game begin.

Agad kong minaniubra ang kotse ko. Pinausok ko ito upang ihanda sa karera. Kailangan ko munang ilayo ang mga ito. Medyo marami-rami pa ang tao dito. Ayaw kong may inosenteng madamay. Pinindot ko ang red button na sa kotse upang maitrack ako nila MC. I need back up. Siguradong hindi lang ang mga ito ang nakasunod sa akin.

Mabilis na kabig pakaliwa at pakanan ang ginawa ko. At hindi nga ako nagkamali, ang kaninang dalawa lang na kotse at naging lima at may kasama pang van. Ambush 'to walangya pinaghandaan ba talaga nila ang pagpatay sa akin ngayong araw?

Patuloy lang kami sa paghahabulan ngunit sa dami nila ay nagawa nilang palibutan ang kotse ko. F*ck!! No choice inihinto ko ang sasakyan ko. Agad na nagbabaan sa sa kanikanilang sasakyan ang mga pangit na nilalang . Base sa mga itsura nila handa na nila akong paulanan ng bala, lahat ng kanilang baril at nakatutok sa aking direksiyon. At hindi nga ako nagkamali dahil walang patumpik tumpik nilang tinadtad ng bala ang saskyan ko. Mabilis akong pumailalalim sa saksakyan habang patuloy lang sila sa pagtadtad ng bala rito.

Sa sobrang dami ng balang bumaon sa sasakyan ko, alam kong ano mang oras ay sasabog na ito kaya hindi na ako nagdalawang isip na pagbabarilin lahat ng paang makita ko. They were caught off-guard on what I did. Kaya ginamit ko ang pagkakataong iyon para makahanap ng pagtataguan. Agad naman akong nakakita ng malaking puno at doon ako nagkubli. Hindi rin nagtagal ay sumabog na nga ang kotse ko. Argh! I just bought that car last month!

"Nandito sya!" Napaupo naman ako nang biglang may nagpautok ng baril sa gawi ko. Walangya! Naman Oh!

"Buwiset kayo!" Sigaw ko at gumanti ng putok sa kanila. Nang malapit na sila sa gawi ko agad akong lumipat ng pagtataguan. Ngunit sa kamalas-malasan ay nasalubong ko pa ang isa sa kanila. Walang pagdadalawang isip kong binaril ito. Hanggang sunod-sunod na sila sa pagsugod.

At kung may tawag pa sa mas malas sa malas well iyon ang dapat itawag sa akin. Dahil mas walanghiya pa sa walanghiya naubusan na ako ng bala.

"Oh suko ka na?" Nakangising tanong sa akin ng isa sa mga kalaban ko.

"Isuko mo mukha mo g*go!" Malutong na murang sagot ko sabay suntok sa mukha niya. Suntok, Sipa, Ilag, ang ginawa ko. May mga oras na tinatamaan ako ng suntok ngunit isinasawalang bahala ko lang. Kailangan kong matalo ang mga ugok na ito.

"Argh!" daing ko nang mataman ng sipa ang sikmura ko. Kainis naman talaga.

"Sumuko ka na lang kase babae." Sabi ng nakasipa sa akin sabay ngisi. Ginantihan ko lang siya ng sipa. Wala akong oras makipagchikahan sa kaniya. Nasaan na ba kase iyong mga back up ko ? Aba ano saka lang ba sila darating kapag naghihingalo na ako. Pero siyempre 'di ako makapapayag na mangyare 'yon.

Patuloy lang ako sa pakikipagbuno, maiigi na lang at nakaagaw ako ng baril na nakatulong rin sa depensa ko. Marami na akong naitumba, ngunit bakit tila lalo silang dumarami. Hinaklit ko ang kamay ng isa sa mga sumugod at saka ipinulupot ang braso ko sa kanyang leeg. Ngunit siniko naman ako ito sa sikmura kaya napaluwag ang hawak ko aa kanya at nakawala siya. Sa bilis ng pangyayare hindi ko namanlayan kung saan nanggaling ang baril niyang nakakatutok ngayon sa akin.

"Say goodbye to the world Moone." Ngising asong wika nito at agad na ipinutok ang baril naramdaman ko ang maiinit na bagay sa tumagos sa tagiliran ko. Pagmulat ko nakahandusay na ang lalaking nanutok sa akin ng baril. Agad ring may lumapit sa akin. It's Ashley and MC.

"BOSS!" Sabay nilang bati habang papalapit. Kahit nakakaramdam ng pagkahilo at nanlalabo ang mata ko ginawa ko pa rin silang singhalan.

"B-bakit ba ang bagal niyo!" Napahawak ako sa aking tagiliran nang makaramdam ng kirot. Argh!

"May tama ka boss.." Narinig kong sabi ni Ashley may mga sinabi pa sila ngunit hindi ko na naintindihan dahil tuluyan na akong nawalang ng Malay."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top