Chapter 24: Rice cooker
Kasalukuyan akong nag-iimpake ng mga gamit ko. Bukas kase ang lipat namin sa bahay ni Tyler. Bakit? Napag-usapan kase namin na doon tumira sa bahay niya dahil mas malapit ito sa Ford International School,which is our school. At mas komportable, masyado siyang mareklamo. Ang ganda kaya ng unit ko!
Minsan napapaisip na lang rin ako kung bakit 'yong school namin malapit sa bahay nila Tyler tapos iyong school ni Tyler malapit sa amin. Ang weird din mag-isip ng mga school na 'yan eh no? Hays sumalangit nawa ang kaluwa ng aming mga ninuno. At patawarin nawa nila ako sapagkat hindi ko alam ang aking sinasabi.
Ayon nga, balik Ford International School ako. Wala na rin akong nagawa dahil hindi ko naman puwedeng ipilit dahil mas imporante iyong lakad ni Tita. At saka ayaw ko rin pahuli kay daddy. Ayokong magrounded.
"Mom!" Tumigil ako sa ginagawa at lumingon sa may pinto kung saan naroon si Sky.
"What is it baby?" tanong ko rito.
"Dad said, make it fast and he is hungry." Sabi nito.
"Aba! Problema ko ba kung gutom siya? Nasa akin ba ang kaldero?" Pamimilosopo ko, ngunit totoo naman. Kinalaman ko sa ikot ng tiyan niya?
"What's kaldero mommy?" Curios na tanong ni Sky. Iba talaga ang rich kid.
"Kaldero is rice cooker baby" Confident na sagot ko. Tama naman 'di ba?
"But dad is not holding a rice cooker mom." Napakunot naman ako ng noo sa sinabi niya.
"What do you mean?" Nabobobo ako sa usapang ito.
"If dad doesn't have the rice cooker, and you don't have it, should I ask dad to order food or else we're not going to eat because the rice cooker is missing." mahabang lintanya ni Sky, Habang ako ay napamura na lang sa aking isipan. Mag-iisip pa sana ako ng matalinong sagot para sa matalinong batang ito nang magring any cellphone ko. Buti naman, wala akong mahukay na katalinuhan sa utak ko.
"Yes, hello?" Formal na bati ko sa kung sino mangtumatawag.
"Buwan..." it took me about 30 seconds before realizing who's the caller.
"Oh my-SEVEN!" Napasigaw ako sa tuwa.
"Ouch Moone, balak mo bang basagin ang eardrums ko?" Natatawang sagot nito sa kabilang linya.
"Namiss kase kita eh! Bakit ngayon ka lang tumawag? Babalik ka na ba sa Pilipinas? Ohwems I really missed you Seven." I sincerely said.
"Aww, my moone misses me, I missed you too babe haha. I'll be home soon honey." Napairap nalang ako, here comes his endearments again.
"Ewan ko sayo! Basta bilisan mo ah, I need back up."
"Inaapi ka na naman ng kambal mo huh? Don't worry I'll talk to him alam mo namang isang kindat ko lang sa baklang 'yon titiklop na." Sabay kaming napatawa sa sinabi niya. Sa pambubully talaga kay Chester talaga kami sobrang nagkakasundo. Anyway, he is Seven Esteves my childhood best friend. Siya ang kakampi ko tuwing sinusungitan ako ni kambal, actually may pagkakataon ngang nagkasuntukan sila dahil hindi sila nagkasundo dahil sa akin. I really missed this man.
"I have to go Moone. Bye, I miss you and I love you." Hindi pa ako nakakasagot pero ibinaba niya na ang tawag. Napabuntong hininga na lang ako. Bitin naman.
"Let's go baby," pag-aaya ko kay Sky.
"Are we going to look for the rice cooker now mom?" Seriously? Sineseryoso niya talaga 'yang rice cooker na iyan? Mas pinili ko na lang huwag sumagot at binuhat ko nalang siya palabas. Nang makarating kami sa kusina, doon namin nadatnan si Tyler na busy sa panonood ng TV.
Agad namang tumakbo sa kaniya si Sky ngunit lalo lamang umikot ang mata ko dahil sa paghahanap niya sa rice cooker na yan. Subalit 'di ito pinansin ni Tyler sa halip at tinanong niya ang anak niya kung bakit kami natagalan.
"Mommy had to answer a call daddy. The caller said I love you to mommy. Why is he saying those to mom dad? It's supposed to be you right?" Mahabang lintanya nito. Napakunot naman ang aking noo nang masamang tingin ang ipukol sa akin in Tyler.
"Problema mo?" masungit kong sabi at binulsa ang kamay. Sa halip naman na sumagot, padabog itong umalis.
"What happened to dad mom?" Nagtataka na ring tanong ni Sky. Bagkibit balikat na lang ako. Gusto ko sang sinasaltik lang ang tatay niya,pero baka dumami pa ang tanong.
--
"Yayaaaaaaa!" Sigaw ni Sky habang patakbo niyang sinalubong ang Aleng nasa may main door ng bahay ni Tyler. Ngayon ang lipat namin sa bahay niya. And I can say his house is awesome.
Napapalibutan ito ng hindi katangkarang bakod, at pagpasok sa malaking gate ng itim sasalubong sa 'yo ang napakaengrandeng fountain. May mga iba't-ibang halamang bulaklak rin ang makikita sa harap ng bahay. Garden kaya nila ito o may iba pa? Nang mayakap ni Sky ang Ale agad niya itong hinila papunta sa direksyon namin.
"Mommy! Mommy!" Sigaw nito habang hila sa kamay ang ale. "This is my yaya... Yaya this is my mommy. She's beautiful right?" Pagpapakilala nito sa amin.
"Oo ijo, kay gandang dalaga." papuri sa akin ng matanda.
"Salamat po. Nice meeting you po." Nahihiyang sambit ko at saka nagmano.
"Hindi lang maganda, magalang pa hahaha." Sambit muli nito na mukhang tuwang-tuwa sa gesture ko. "O siya halina kayo at bang makakain kayo. Iwan niyo na lang diyan ang mga gamit niyo at sila Pedring na ang magdadala niyan."
Sinunod naman namin ang Ale at dumiretso na sa dining area. Sobrang nagkinang naman ang mga mata ko nang makita ko ang mga nakahaing pagkain. Oh shaks! Parang bigla akong nagutom. Hindi naman nagtagal at kumain na kami. I enjoyed the food a lot. Ngayon lang ulit ako nakakain ng ganitong mga lutong bahay. Simula kase umalis si dad, sa condo ko na ako umuuwi. Tapos ang huling pag-uwi ko, I didn't feel eating.
Pagkatapos nang pagkain dinala na ako ni yaya Melissa sa magiging kuwarto ko raw. Naiwan naman ang mag-ama sa sala dahil gusto ko na talagang magpahinga. I take a half bath bago sumalampak sa kama. I'm wearing a loose shirt and a short shorts. Habang nakahiga pinagmasdan ko ang palibot ng kuwarto. May table sa left, kung saan nakapatong ang lamp shade, sa right table naman is a small book holder. Ang diding sa uluhan may portrait na 'di ko maintindihan. An abstract I think. And there is a bathroom, malapit dito may maliit na walk in closet may mahabang sofa, and maroon ding office.
So it means dito ang kuwarto ni Tyler? Don't tell me... Bgo pa man mabuo ang conclusion ko, biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Tyler na nakapoker face. Tumingin ito sa akin saglit at nagtungo sa closet. Paglabas niya may bitbit na itong damit.
"Saan ang room ko?" I silently thank myself for not stammering. He look at me with forrowed brows.
"Ano sa tingin mo itong kinalalagyan mo?" tanong niya.
"A room." I answered.
"See? This is our room."
"But-" I was about to complain but he already went to the bathroom. Napahinga na lang ako ng malalim. I'll talk to him later.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top