Chapter 22: Bossy Daddy, Bossy Baby


"Ano na bossing, talaga bang live in kayo ni Mr. Montealto?"

"Pero paano? Inarrange marriage kayo?"

"Pumayag ka? Bakit mahal mo ba?"

"Pinilit ka ba? Bakit di ka tumutol? May karapatan ka pa rin."

"Ilang taon na kayong nagsasama?"

"Iyon ba ang dahilan kung bakit ka lumipat sa Montealto University??"

Napairap na lang ako sa hangin sa mga sunod-sunod na tanong sa akin ni Ashley at MC. Mas malala pa sila sa tinake naming exam kanina eh. Nakakaurat na! Pinag-iisipan ko kung i-salvage ko nalang kaya sila? Minsan ewan ko kung bakit sila sumasama pa sa akin? Ano para pagchismisan ang buhay ko?

"Huy! Ano ba Cheska? Ang dami na naming tanong sa iyo, tapos ni isa wala ka pang sinasagot!" Pagrereklamo sa akin ni Ashley habang nakapamewang sa harap ko. And for the nth time napairap ako sa kanya.

"Hindi." Simple at tamad na sagot ko. Napakunot naman sila, pati si MC ay humarap na rin sa akin.

"Anong hindi?" Magkasabay nilang tanong.

"Hindi, as in No. Iyon ang sagot ko sa sandamakmak niyong tanong. And please tumahimik na nga muna kayo wala ako sa mood." Masungit kong sabi at saka pinagpatuloy ang paglalakad. Papunta kami ngayon sa pad ni MC. Naisipan naming doon magreview, dahil mas marami siyang mga librong magagamit namin. At ito nga't naglalakad kami. Para masaya daw. Ano naman kayang masaya sa paglalakad nakakapagod kaya? Mabuti sana kung tatawirin lang mula sa eskwela ang kaso halos tatlong kilometro ang layo nito.

"Wala sa mood? Kailan ka ba nasa mood? Tsk!" Dinig kong pasaring ni Ashley na ginantihan ni Mc ng mahinang tawa.

"Tahimik." Pag-saway ko sa kanila.

"Ayy aba't-"

"DAPA!" Sigaw ko, hindi pa sila nakapagreact agad kaya ako ng mismo ang humila sa kanila eksaktong sunod-sunod na putok ng baril ang umaligawngaw. They are aiming at us!

"What the fudge!!"

"Shit!"

S"unod-sunod ang mura ng dalawa dahil tulad ko ay hindi nila ine-expect ito. Nang matigil ang pagputok dali-dali kaming nag-usap para maplano ang pagganti.

"Boss may tama ka!" tarantang sambit ni Mc. Inilabas ko ang aking panyo saka ibinigay ito sa kaniya. Agad niya namang tinalian ang tama ko sa braso para mapigilan ang pagdugo

"Do you have a gun?" Baling ko Kay MC.

"I don't, sa tingin mo magdadala ako ng baril sa school? But, I have this." May nilabas siyang makapal na libro kaya napakunot ang noo ko.

"What the! Anong gagawin natin diyan sa libro? Are we going to read spells-whoa!" natigilan si Ashley sa panenermon kay MC nang buksan nito ang nasabing libro. Naglalaman ito ng mini-size dagger. Kahit ako napawow. I didn't expect something like that.

Kumuha kami nito at ginamit pang-asinta sa kalaban, kahit papaano ay nakatulong ito para pigilan ang sunod-sunod nilang pag-atake. Ngunit hindi pa rin lingid sa kaalaman namin na talo kami sa oras na ito. Walang laban ang maliliit naming kutsilyo sa mga long range firearms nila.

"Save your last dagger. We'll retreat." Anunsiyo ko, nagkatinginan kami at doon palang nagkaintindihan na kami. We saved our last dagger for distraction. Naghiwahiwalay kami ng nilabasan para magtagumpay ang pagtakas namin. I went to east, while MC and Ashley in west. Nang medyo makalayo na kami. Sabay-sabay naming ibinato ang maliliit na kutsilyong hawak namin. And good thing, it works. Nagawa naming mailingat ang mga kalaban.

-----

Dahan-dahan naman ang pag-bukas ko sa pinto ng unit ko upang hindi makagawa ng ingay. It's twelve midnight, siguradong tulog na ang mag-ama. I'm sure.

I guess I'm wrong.

"Where have you been?"Agad akong tumuwid ng tayo dahil sa pamilyar na boses na iyon. And there I saw Tyler and his son sitting in the couch at the living room with crossed arms and serious aura. Napalunok naman ako. They are indeed blood related they have the same bossy feature.

"Ah-ano galing ako kila MC. Nagreview kami for tommorow's exam." Which is half true, dahil hindi nga lang iyon. Why am I explaining anyway?

Napansin ko naman ang pagsipat nila sa akin. Tila ba inaaral ang bawat parte ng katawan ko. Seriously? Ano bang problema ng mag-amang ito?

"What happened to your arms mommy?" Si Sky naman ang nagtanong. Lumapit pa ito sa akin upang sipatin ang braso kong may benda.

"Ano naglaro kase kami... Ng uhmm taguan...Oo! Tama naglaro kami ng taguan tapos hindi ko nakitang may pako palang nakausli sa pinagtaguan ko kaya sumabit ang braso ko." Pagdadahilan ko.

"Does it hurt mommy?" Concern pang tanong ni Sky.

"Hindi naman masyado baby. It just stings."

"Next time magtext ka kapag gagabihin ka." Singit ni Tyler, napayuko naman ako. "You don't know how worried we are, we almost call the cops kung hindi ka pa dumating." Ramdam ko ang inis sa pagkakabigkas nito. Tama ba? Pero bakit siya maiinis?

"I'm s-sorry." tanging nasambit ko. Narinig ko pa ang pagbuntong hininga nito.

"Go and rest now, may pasok ka pa bukas." Huling sambit niya at kinarga niya na si Sky.

"Goodnight mommy," Inaantok na sambit ni Sky. Lalo naman akong naguilty, he also waited for me.

"Goodnight baby," sagot ko, napatingin pa ako kay Tyler na nakatingin pala sa akin.

"Goodnight." Aniya na nakapagpatigil na naman satibok ng puso ko. Hindi ko na rin nagawang sumagot pa dahil nakapasok na ito sakwarto nang bumalik ako sa senses ko. Hooo! I should do something. Unti-untiata along nawawala sa katinuan dahil sa kaniya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top