Chapter 18: Family Day


"Hey ayusin mo!"

"Just stay still okay? I can't focus here!"

"You know what? Just quit it, sampung token na naubos mo eh!"

"Aaargh you're the one who asked me this...now you want me to stop."

"I know, but it's useless mauubos lang ang or as at token natin dyan eh!"

"Okay fine!" Padabog na tinadyakan in Tyler ang machine. Yes! Kanina pa kami dito and wala we end up shouting at each other. Halos lahat ng napapadaan at narito ay nakatingin na sa amin dahil parang walang ibang tao kung kami ay magsagutan.

"Wow! Yeheeeyy! Mommy! Daddy you did it." Sabay kaming napatingin ni Tyler kay Sky at yakap-yakap na nito ang stuff toy na stitch na kanina pa namin kinukuha. So tadyak lang pala katapat ng machine na ito? Tsk! Ako naman ang tumadyak sa machine at may stuff toy ulit na nahulog. Piste!

"Mommy doon tayo sa may cars!" Hila sa akin ni Sky, tahimik lang namn na nakasunod sa amin si Tyler. "Mommy let's ride on that car!" Aligagang sabi ni Sky, we're in the bump car area. Tinignan ko si Tyler and by that he knows what to do. Nagtungo siya sa nagbabantay ng booth. Pagbalik niya kasama niya na ang isang staff at gi-nuide kami sa bump cars kasama ko si Sky habang mag-isa naman si Tyler.

"Mommy faster daddy will catch us!" Malakas na sigaw ni Sky, akala mo'y nakikipag-unahan.

"Hold tight baby, we're bumping!" Iniliko ko ang sinasakyan namin at binangga ang kay Tyler.

"Hey! Why did you do that!?" Bulyaw ito as usual, parang walang alam sa buhay ang lalaking ito maliban sa trabaho eh, lagi na lang seryoso.

"It's bumped the car booth duh?!" I said as a matter of fact and bumped him again and again. I heard him cussed multiple times, bad mouth.

After namin magsawa doon naglaro kami ng arcades. Una naming nilaro iyong parang manghuhuli ka ng isda doonn sa parang lamesang TV at may controller sa magkabilang dulo. Nang magsawa kami doon ay kinuha na namin yung mga tickets. Lumipat naman kami sa may video games kung saan hahawak ka ng laruang baril para patamaan yung mga kalabang zombies sa screen. Tig-iisa pa kami ng inukupa at dahil maliit pa si Sky kailangan niya pang tumungtong aa upuan upang makita ng mabuti ang screen.

Kung ano-ano pang games ang nilaro namin hanggang sa magsawa. Isa na doon yung maghuhulog ka ng piso para ihulog ang mga pisong nakastock I don't know kung ano tawag doon napagsabihan pa nga si Tyler dahil pinag-initan na naman niya ito. Hot tempered pati laro inaaway hahaha. Maraming ticket na rin ang naipon namin.

"Mommy, do you know how to play basketball?" tanong ni Sky.

"Yeah why. It's simply just shooting the ball in the basket." Confident kong sagot.

"Ikaw daddy?" tanong niya naman kay Tyler.

"Yes why?"

"Yey! Play with mom, dad! If you win you can kiss mom, but if you lose you'll carry mom at your back" Excited nitong sabi na tila planado niya ang mangyayri. Aba! Ano namang pumasok sa kukute ng batang to? Aangal pa sana ako nang nauna nang sumagot si Tyler.

"Game!" Malaking ngisi nito

"Bakit ka pumayag?" Inis na tanong ko.

"It's my son's request. Huwag mo sabihing suko ka na or takot kang magpahalik?" Nakangising tanong naman nito. Aba! Iba rin.

Kaya wala na rin akong nagawa nang pumuwesto na siya. Kaya pumuwesto na rin ako. Nang maihulog na namin ang aming mga token hudyat na para maghanda kami. Nagbilang na ang machine kasabay ng pag-angat ng bagay na humaharang sa bola.

"Go mommy! Go daddy!" Sigaw ni Sky. Paminsan-minsa'y sumasablay ang tira ko pero madalas nakakascore naman. Lumingon ako sa kalaban ko prente lang ito habang naglalaro mukhang ineenjoy pa ang paglago ng mga tao sa paligid. Pasikat!

"Oh Em Jii ang pogi ni kuya."

"Magjowa kaya sila?"

"Malamang ayon nga 'yong bata oh mommy at daddy ang tawag sa kanila."

"Ang cute ng family nila no?"

Rinig kong bulungan sa paligid. Ngunit isinawalang bahala ko na lang dahil malapit na ring maubos ang time ko. Pagtingin ko sa score ni Tyler ayus lamang lang siya ng dalawa 56 sa akin at 58 ang kanya mahahabol ko iyan. Ilang sandali pa ay napansin kong tumigil na siya pero 'di ko ito binigyang pansin dahil five seconds na lang din ang natitira sa oras ko nang biglang,

"You're so beautiful wife!" Bulong niya sa mismong tenga ko and take note in a seductive way. And because of that hindi nashoot yung huling tira ko. I looked at my score its 92 and him? It's 96. I glared at him and guess what? He's looking at me with a grin on his face.

"I won." Laking ngiti nitong sabi na siyang kinainis ko.

"You cheated!" Duro ko sa kanya.

"Whoa? I didn't do such thing!" Itinaas pa nito ang dalawang kamay.

"You distracted me!" Dagdag ko pa.

"In what way? You really just can't contain my charms." Mayabang niyang sabi

"What?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Hey son daddy won!" Hindi niya ako pinansin at nakipag-apir kay Sky.

"Kiss mommy now, daddy. Kiss her!" Aba talaga bang tototohanin iyon?

"KISS!!" Nakisigaw na rin ng mga tao sa paligid haluh! What the heck?

"So?" Nakangising lapit ni Tyler sa akin.

"Anong so ka diyan?! Dinaya mo ako, kaya wala 'yon." Inirapan ko siya.

"Haha, why are you insisting that I cheated? There's no rules in the game, besides I didn't cheat you're the one who got distracted." Maangas nitong sabi.

"Huh? Kung 'di pandaraya 'yom? Anong tawag mo d'on ha? Sige nga?" Hamon ko naman.

"It is called technique," Confident nitong sagot. Napatawa naman ako ng pagak.

"Technique daw?" Pag-uulit ko pa.

"Yes, it's called technique, if I didn't do that I'll end up carrying you and its bad scenario because," Binitin nito ang sasabihin saka ako mula ulo hanggang paa. "You look heavy." Napamaang ako sa sinabi niya. Sinasabi niya bang mataba ako? "Hey son, you're mom doesn't want to follow the deal." talaga namang buwiset ang anak ng tilapiang 'to!

"Mommy come on, let daddy kiss you! It's our deal earlier, no one should break it." Isa pa itong batang ito eh.

Hindi na ako nakaangal nang unti-unti na ang paglapit ni Tyler. So, papatulan niya nga ang trip ng anak niya? Habang papalapit siya ay siya namang pag-atras ko hanggang sa nakasandal na ako sa linaruan kong machine. Takte bakit ako kinakabahan? Its just a kiss Cheska. Pangaral ko sa sarili ko. Nang malapit na malapit na ang mukha niyang nakangisi sa akin, wala na akong nagagawa kung 'di ang pumikit ng mariin.

"Looks like you're expecting something wife" Bulong niya sa tenga ko, saka dampi niya akong halikan sa lips. Natameme naman ako hindi ko alam kung sinabi ba niya o sa hali? I even heard him chuckle. Namumuro na talaga 'tong lalaking 'to sa akin.

"Hoy-" Hindi natuloy ang sasabihin ko nang tumalikod na ito sa akin at magtungo sa anak niyang mukhang tuwang-tuwa. Magsama kayong mag-ama kayo.

Gabi na nang matapos kami sa pamamasyal kaya napagdesisyunan naming sa isang restaurant na lang magdinner. Si Tyler ang namili at dinala niya kami sa isang Korean restaurant.

"Nag-enjoy ka ba baby?" Tanong ko kay Sky habang sinusubuan ko siya.

"Yes mommy, I enjoy it a lot. It's my first time to do it with you mommy and daddy. So I very very veryyy happy!" Masayang tugon nito bago isubo yung pagkain na isinusubo ko sa kanya. Ang cute.

"Don't worry son, we'll do it often for you." Sagot naman ni Tyler aba! Himala parang kanina e ayaw lang sumama dahil sa important client kuno. Sana lang tuparin niya, para kay Sky.

"Really daddy?" Nagniningning ang matang tanongnito tumango naman ang huli. Bumaba naman so Sky at umupo sa lap ng daddy niyasabay halik dito. "Thank you daddy!" Sabi pa nito napangiti na lang ako. Biglako namang na miss si mommy at daddy. I wish, I can bring back time.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top