Chapter 16: Together
Cheska's
Dali-daling binuksan ni Chester ang pinto at mabilis ding bumalik sa kinaroroonan ko. Ngayon any araw ng paglipat nila Sky dito sa Condo at nagplano si Chester ng welcome celebration para sa kanila.
"Hello!" Saad ng kakapasok lang na tatay ni Sky. Inilibot nito ang paningin, marahil ay nagtataka dahil hindi kami nito makita. Malamang, ang dami kaseng drama ng mga 'to.
"WELCOME HOME!" Sigaw namin sabay paputok ng confetti. Nagulat pa sila pero nang makarecover at agad na tumakbo si Sky patungo sa direksyon namin.
"Mommy! Mommy!" Halata ang saya nito sa pagkakita sa akin. Patalon siyang nagpakarga sa akin at saka paulit-ulit akong hinalikan sa pisngi. Tinawag niya si Chester at saka nakipag-fist bump rito.
"Mommy I missed you so much!" Hyper nitong sabi, nakakarga pa rin siya sa akin.
"I missed you too, my baby Sky..hmmmuah" Hinalikan kong muli siya. Miss ko sobra ang bugwit na 'to.
Nakita ko namang nakatingin lang sa amin si Tyler na mukhang nakahinga ng maluwag dahil sa nakita niya muling masigla ang kanyang anak.
"Mommy aren't you going to say welcome to daddy and kiss him on cheeks?" Nagtaka ko namang tinigna si Sky. Required ba 'yon?
"H-huh? Ano...baby ano kase...uhm...hindi na kase nagkita naman na kami in daddy mo nung nakaraan." Pagpapalusot ko. Hindii ko alam, pero nailang ako sa titig ng batang to may Mali ba akong nasabi?
"What happen to you mommy?" Seryosong tanong niya. Pinagkrus pa nito ang mga braso. Si Chester tinawag si Tyler mukhang mag-uusap sila. Iniisip ko kung anong sunasabi ng batang ito, masyadong seryoso, nakakailang. Bumaba siya sa pagkakakarga ko at umupo sa sofa. Sinenyasan naman niya ako na umupo sa kaharap na sofa.
"What do you mean baby?" Balik tanong ko naman.
"What happen to your head?" Napakapa naman ako sa noo ko, I almost forgot tumama ito sa lamesa nung may nagpadala ng system bomb sa amin.
"Ahh eto ba baby? Wala ito nauntog lang si mommy at saka ginamot naman na ako ni Tito pogi mo." Paliwanag ko.
"You should take care mom, I don't want to see you hurt." Sweet naman this cutie baby.
"I'm not hurt baby, parang kagat lang kaya ng langgam at saka malayo sa bituka. Mommy is very strong." Pinakita ko pa ang mga braso ko. Bigla naman siyang tumayo at lumapit sa akin.
"I'm just concern mom. Just be more careful next time okay?" Tumango ako at kinandong siya.
"I will baby for you." I said and kiss him on cheeks.
"I love you mommy!"
"I love you too..."
"I love you more!"
"I love you most my baby Sky."
"Aww, how sweet!" Singit ni Chester, papansin talaga 'tong lalaking ito kahit kailan. "Hey my gwapong pamangkin, your Tito pogi is going. Aren't you going to say goodbye?" Napairap na lang ako sa kaartehan niya.
"Why so sudden Tito?" Tanong naman ni Sky.
"I have a meeting with our investor baby, hope you understand." Tumingin pa muli ito sa kanyang relo. "I really have to go. Bye Baby gwapo." Pagpapaalam niya , kinindatan niya ako ngunit sinagot ko lang siya ng irap. Bago umalis tinapik niya si Tyler sa balikat na nanonood pala sa amin.
Nang makaalis na si Chester, parang naging awkward ang atmosphere. Tyler is still not talking parang nag-aabang lang ng susunod naming pag-uusapan ni Sky. Ngunit mukhang nagsawa na si Sky sa pagdaldal.
"Ahm kumain na ba kayo?" pagbasag ko sa katahimikan.
"I'm sleepy mommy." Wika ni Sky, sabay kusot sa mga mata.
"Okay, I'll let you sleep but you need to eat first okay?" Binuhat ko siya papunta sa kusina. Bakit parang gumaan ang batang 'to?
"Here wait maghahain lang ako." Pinaupo ko siya. Sabay naghanda ng makakain. Nang makapaghanda at napansin kong wala pa rin dito si Tyler.
"Hey Sky where's your dad?"I ask pero nagkibit balikat lang siya at nagpray na bago kumain. Iniwan ko muna siya at nagtungo ng sala para tawagin any daddy niya. Ngunit wala siya room kaya naghanap pa ako, and I found him at the terrace.
"Kain na," Pag-aya ko sa kanya. Aalis na sana ako dahil hindi naman siya umimik, ngunit agad ding tumigil nang magsalita siya.
"You know what...it's my first time to see my son that happy, and it hurts, because I'm not the reason of his happiness. I don't deserve to be his dad." Halata ang lungkot sa boses niya. O? Dapat ko ba siyang i-comfort?
"Habang may buhay may pag-asa!" Panimula ko.
"Huh?" Anak ng tinik, huwag mo sabihing hindi 'to nakakaintindi ng Tagalog?
"You don't speak Tagalog?" Tanong ko.
"No. I mean yes, I speak Tagalog but I just don't get your point" Napairap naman ako sa kawalan.
"So slow ka lang talaga?" Tanong ko pa ulit.
"What?" Anak ng kalapati naman oh! Napakasungit na nga, saksakan pa ng slow!
"Alam mo? Nakakaburyot ka?" Inis kong sabi. Lumalabas anger issue ko sa kaniya e.
"You know what just go to your point!"
"Huwag na baka 'di mo lang maiintindihan kase slow ka!" Parehas na kaming nagtataasan ng boses.
"How will I understand it?! Masyado kang maraming paskalye!" Pinamewangan na ako nito.
"Huwag mong isisi sa akin! Slow ka lang talaga!" Pinamewangan ko rin siya. Aba, hindi ako papatalo no!
"Mommy? Daddy? Are you fighting?" Napatigil kami nang magsalita si Sky, nasa tabi na pala namin ito. Hindi namin namalayan dahil sa pagsisigawan namin.
"No baby...w-we...we're just talking ...tama nag-uusap lang kami." Siniko ko naman si Tyler para makisabay nalang. Pero ang bakla inirapan lang ako.
"What are you talking about?" Tanong ni Sky. Pinaglihi yata ang lalaking 'to sa questionnaire e, masyadong matanong.
"We are going out tomorrow!" Sagot ko.
"What?!" Tanong ni Tyler.
"Yeah, hindi ba sabi mo nga, mamasyal tayo. It'll be our first family bonding." Pinandilatan ko siya.
"Yey! Really?" Tuwang-tuwang tugon ni Sky.
"No we're no-aawww1" Aangal pa sana si Tyler ngunit inapakan ko siya sa paa.
"Yes baby, so go to sleep. Maaga pa tayo bukas. Goodnight my baby!" Ngiti kong pagkumpirma kay Sky. Mas lalong kuminang ang mga mata nito, at malalaki ang ngiting ipinapakita niya.
"Goodnight mommy! Goodnight daddy!" Sabay yakap sa amin at humalik sa aming pisngi.
Pagkaalis ni Sky lumingon ako sa katabi ko. Mukhang iniinda pa rin ang sakit ng paa. Oops! Mukhang napalakas ang apak ko. Buti nga sa kaniya.
"What I'm saying is that ...marami pang oras para makabawi ka sa anak mo, at sisimulan mo 'yon bukas." Kinindatan ko siya sabay tapik sa balikat. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at iniwan na siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top