Chapter 15: El Fuero


Ashley's

Grabe kapagod, hindi naman maalikabok itong bahay ni boss pero ang dami niyang gamit. At lahat ng iyon iniutos niyang buhatin namin. Bakit ba kase nagkalat mga laruan niya kuno? Kaloka lang kase yung mga dagger niya at kung ano-anong patalim na nasa paligid lang at umaastang normal na kagamitan ng bahay lang. Meron sa ilalim ng sofa, sa kusina, sa mga libro. Hayss tapos yung ibang gamit niya pa na hindi naman niya daw ginagamit eh pinabuhat niya pa sa amin.

"Naku kung hindi lang kita boss nakuuu." Reklamo ko dahil sa pagod, at ang loka mukang iritado pa tusukin ko ang mata neto eh. Joke, hehe baka bumebwelo pa lang ako e tigok na ako.

"Wala nang next time nito, I tell you ni hindi nga ako nagwawalis sa bahay ehh" Reklamo rin ni Mc sosyal 'tong gaga na ito. Hindi nga marunong magwalis inutusan kase siya kanina ni boss tinanong ba naman kung paano daw gamitin yun hahaha matalino nga simpleng walis hindi alam gamitin.

"Hey!" Napatingin kaming lahat kay Chester na ngayon at may bitbit na laundry basket na puno ng damit. Wow! Naglinis siya ng kuwarto ni boss sipag naman ni fafa Chester hihi. How to be yours po?

"Hungry?" tanong nito.

"Sobra." mabilis kong sagot. Gutom na talaga ako, hindi sapat iyong sitsiryang nadekwat ko kay Cheska.

"Yeah" Tamad na sagot ni boss. Grabe akala mo naman pagod na pagod eh puro utos lang naman ginawa niya.

"Hmm" Mas tamad na sagot naman ni Mc haha wawa ang bruha.

"Okay, I'll cook. And Cheska dalhin mo muna ito sa laundry shop." Pag-uutos nito kinuha naman ni Boss ang labahan at saka kami tinawag.

"Tara samahan niyo ako."

"Kayong dalawa na lang ni Mc boss pagod talaga ako." ani ko atsaka nahiga sa sofa at pinatong ang braso ko sa mata para matulog. Parang ano naman kase magpapasama pa sa baba lang naman.

Mga ilang minuto na ang lumipas Nang makaalis sina boss nang makaramdam ako ng uhaw kaya napagdesisyunan kong magtungo sa kusina. Naabutan ko roon sI Chester na seryoso sa pag-aayos ng kaniyang lulutuin.

"Hey." Bati ko, ngunit tanging tango lang ang sagot nito. Tsk! What do I expect? "Napakasungit niya, kahit hey na lang din sana pero wala! Tsk!" Inis kong bulong.

"Haha cute." Biglang sabi niya na siyang nagpahinto sa akin. did he just say cute? Is he reffering to me? Nagpaulit-ulit ang sinabi niyang iyon sa tenga ko.

"A-anong sabi mo?" Nauutal ko pang tanong dahil hindi pa rin ako makarecover sa sinabi niya. Ngunit sa halip na sagutin niya ako tanging irap lang ang natanggap ko. Ayst! Kainis ang sungit niya talaga. Tsk! Kainis talaga! Kainis siya padabog naman akong nagtungo sa ref para kumuha ng maiinom. Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya.

"What?" Pagtataray ko. Ngunit kumunot lang ang noo nito at saka muling nagpatuloy sa ginagawa niya.Argh! Mas masungit pa siya sa babae. Kaya bago pa sumabog ang bulkan padabog akong umalis sa kusina at bumalik ng sala. Sakto namang pagbalik nina Boss.

"Oh anyare sayo?" Salubong sa akin ni Mc ngunit inirapan ko lang ito. Tinaas naman niya ang dalawang kamay niya na animo'y sumusuko. "Whoooaa!" sabi pa nito.

"Problema mo?" tanong rin ni boss.

"Wala!" Masungit ko lang na sagot.

"Tsk!" Narinig kong singhal nito.

"Baka meron siya boss hahaha!" Panghuhula ni Mc, basta talaga pagdating sa pang-aasar sa akin umiingay ang bruhang 'to eh. Balakayojan. Humiga lang ako sa sofa narinig ko pa ang tawanan nila tuwang-tuwa sa pang-aasar sa akin. Tsk! Hindi ko na lang sila pinansin hanggang sa hilain na ako ng antok.

Cheska's

Papunta ako ngayon ng tagpuan namin nila Cheska at Mc. Yeah bukod sa condo ko may sarili kaming pad. Doon kami nagkikita-kita para mag-usap tungkol sa mga laban namin. Ilang minuto lang ang nakalipas at nakarating na ako.

"Nakarating ka na pala." Tinanguan ko lang sila bilang hudyat na magsimula na sila.

"El Fuero ang pangalan ng grupo na humamon sa atin boss, mukhang baguhan sila dahil walang kahit ano mang detalye ang nakuha ko sa kanila sinubukan kong maghanap ng system nila ngunit wala akong mahanap." Paliwanag ni Mc na busy sa pagkakalikot sa laptop.

"Ay, nga pala boss 'yon nga pa lang sinasabi mong sumusunod sa 'yo sa mall wala akong makuhang detail sa Manila. Baka mga holdapers lang iyon." Singit naman ni Ashley. Pero hindi ako kumbinsido.

"Kung simpleng holdaper lang sila, bakit nila ako susundan? Dapat nagdeklara na sila ng holdap noong una palang, or naghanap nalang ng ibang target. At I'm a bit curious noong di na nila ako makita may sinabi silang malalagot sila sa boss nila." Paliwanag ko. Napatigil si Ashley sa pagsipat sa mga armas.

"Ibig mo bang sabihin boss na may ibang pakay ang mga iyon?" Tumango ako.

"Pero pinagtataka ko ano? Bakit at sino?" Curious kong tanong.

"Hey guys nag-email ang El Fuero!" Biglang sambit ni Mc kaya napalingon kami sa kanya.

"What? Hindi ba kasasabi mo lang na wala kang mahanap na system nila?" Tanong ni Ashley.

"Yes, but bigla nalang nag-pop itong e-mail nila," Binuksan niya ang message kaya lumapit kami sa kaniya.

El Fuero

Hey You Miss Moone and friends hahaha looks like you're having a hard time looking for information about us. But because we are good friend here's some details about us. El Fuero is not what you think it is, we're stronger than you. Better be ready.

Hope you'll love our surprise!

"Surprise?" Tanong in Ashley. At lahat kami'y nagulat nang bigla na lang may lumabas na timer sa screen.

10...

9...

8...

"Wait anong nangyayari Mc?" Seryoso kong tanong habang si Mc ay patuloy sa pagtitipa sa laptop.

"I don't know," natatarantang sagot niya niya.

5...

"Sht! I think that's a messge bomb!" Ashley.

2...

"Cover!" Sigaw ko, ibinato naman ni Mc ang laptop but it's too late. Napatalsik kaming tatlo sa impact ng pagsabog.

Nakaramdam ako ng matinding hilo dahil sa pagtama ng ulo ko sa mesa, Anak ng Tilapia! Ngayon pa talaga ako namali ng iwas tsk!

"Buti na lang hindi 'yong computer lab ang ginamit ko tsk!Pagnataon siguradong siguradong sabog 'tong buong pad." Wika ni Mc habang tumatayo.

"Huy boss! Ayus ka lang?" Sabay nila akong inalalayan paupo ng sofa.

"Yeah, namali lang ng ilag." Sagot ko ipinatong ko ang batok ko sa sandalan ng sofa. Naramdaman ko naman ang pagtabi sa akin in Mc mukhang kinuha niya ang first aid kit. Minulat ko ang mata ko at nakita ko naman si Ashley na nag-aayus at liniligpit ang mga nasirang gamit. Pareparehas kaming nagalusan dahil sa tumalsik na bubog.

"Nagawa nilang magpadala ng bomba through e-mail..." pagsisimula ni Mc hindi ako sumagot at hinitay ang susunod nitong sasabihin."...ibig sabihin lang no'n ay hindi sila basta-basta."

Tama,maaring malaking puwersa ang El Fuego'ng 'to. Maaring kaya walang makuha si Mcsa kanilang impormasyon dahil hinaharang nila ito. Gayun pa man, wala nangatrasan 'to. Hindi ako papaya na hindi ako makaganti sa ginawa nilang ito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top