Chapter 13: A contract?


Cheska's

Nakumpirma ko nga ang hinala kong ako ang minamatyagan ng mga matang iyon. Dali-dali akong pumunta ng parking lot nang bigla namang sumulpot ang daddy ni Sky? Pangiti-ngiti pa ito habang naglalakad. Nang makita kong kasunod niya yung mga lalaking nag-mamatyag sa akin ay agad ko itong hinila papunta sa pinagtataguan ko.

"Hey wh-" Hindi ko na tinapos ang sasabihin niya at tinakpan ang bibig nito. Tinulak ko pa siya papunta sa mas madilim na parte upang hindi kami makita.

Paikot-ikot lang ang dalawang lalaki at mukhang hinahanap kung nasaan ako. Linabas ko ang cellphone ko at palihim silang kinuhaan ng litrato saka ko ito pinadala kay Ashley.

"Nasaan na yun dre?" Tanong ng isa sa lalaki.

"Nandito lang yun kanina ...sigurado ako!" sagot naman ng isa pa. Mukhang natataranta na ang mga ito.

'Ano namang kailangan ng mga ito sa akin?'

"Dali baka nandiyan lang yun hanapin natin!" Muli silang naghanap nang wala silang mahanap sa parking ay lumabas na sila.

Lumayo naman na ako sa daddy ni Sky at inayos ang nagusot kong damit. Ngunit natigilan din ako at takang napatingin sa kaniya.

'Bakit tulala ito? Eh nagtago nga lang kami paano na lang kung gyera edi nabaliw na to? Tsk!'

Tyler's

Kakatapos ko lang makipagmeet sa isa naming client sa isang sikat na mall. Naging successful naman ang meeting kaya hindi maalis ang ngiti ko nang magtungo ako ng parking lot. Papalapit na ako sa akin kotse mang bigla na lamang may nanghila sa akin at dinala ako sa madilim na parte ng parking.

"What ar-" Naputol any sasabihin ko nang takpan nito ang bibig ko. Napakunot rin ako nang makilala kung sino ito.

'Anong problema ng babaeng ito?'

Nakatakip pa rin ang isa ang isa nitong kamay ay nagtitipa sa cellphone niya. Paminsan-minsan ri'y tila may kung anong minamanmanan ito ngunit hindi maalis ang kamay nito sa bibig ko.

"Nasaan na yun dre?" Tinig ng lalaki.

"Nandito lang 'yon kanina ...sigurado ako!" sagot naman ng isa pa.

'Anong pinag-uusapan nila?'

"Dali baka nandiyan lang yun hanapin natin!" -patulak namang nagtago kami sa maliit na lugar. Madilim at makipot kaya naman halos magdikit na kami. Napakaliit na rin ng pagitan ng mukha namin kaya naman medyo nailang na rin ako. Mga ilang minuto kami sa ganoon posisyon bago niya ako binitiwan ngunit hindi pa rin ako makagalaw dahil mukhang pinakikiramdaman niya pa kung may tao.

'Sino ba kase yun kaaaway niya ba? Bakit dinamay pa ako sa pagtatago niya? Tss!"

Nabalik ako sa ulirat nang mapansin kong nakatitig siya sa akin. Nakalabas na pala siya sa pinagtataguan namin. Magsasalita na sana ako nang bigla siyang tumalikod at mukhang papaalis na.

"H-hey C-cheska!" Tawag ko sa kanya. Walang emosyong lumingon naman ito. "Y-you're Cheska right?" Paniniguro ko. Tumango naman ito. Wait...bakit ba ako kinakabahan! Tsk...this is not me. Pinatigas ko ang mukha ko at sinalubong ang mukha niyang walang emosyon.

"Let's meet tommorow. No buts! Susunduin kita." Maotoridad kong sabi at saka siya tinalikuran. Nagtungo ako sa kotse ko at agad itong pinaharurot. Nilagpasan ko pa siyang nakatayo doon sa kinaroroonan niya ngunit di ko na ito pinansin pa.

'Saan ko nga pala suaunduin yun? Aayyyst bakit kase nakakaba siyang tignan. Bahala na!'

Kinabukasan

Inutusan ko ang assistant ko na si Leila upang alamin kung saan matatagpuan si Cheska. Napag-alaman kong transfer student siya sa school na pinapamahala ko.

"Leila,"

"Yes Sir?" Agad na lumapit ito sa akin.

"Cancel all my appointments today, and get my car ready." paguutos ko sa kaniya.

"Yes sir! Noted." Nagbow pa ito bago umalis.

Nang maihanda na ang lahat, agad akong nagtungo sa Montealto University. Pagkarating ko ay natigilan ang mga estudyante. Maging ang mga guro. Agad namang sinalubong ako ng Dean. Hindi ko siya pinansin at nagtuloy tuloy lang sa pagpasok sa opisina ko. Hindi magkandaugaga ang mga ito dahil sa biglaang pagdating ko. Pagkaupo ko ay nasa harapan ko na lahat ng mga guro at lahat sila nakatungo.

"Did I call a meeting?" Seryoso kong tanong.

"N-no S-sir" sagot ng Dean.

"Then why all of you are standing in my front like a kid? Go do your jobs and just come here when I called." Seryoso kong sabi at agad namang nagsipagkilos ang mga ito. "And, Dean come here."

"Y-yes sir?" Bakit ba nauutal to?

"Why are you stammering? Ah never mind call for Miss Cheska. I need to talk to her." Utos ko. Ngunit di pa ito kumilos kaya naman tiningna ko ito ng masama.

"C-cheska Ford sir?" Tanong pa nito.

"Yes! And can you please stop and talk like professional you're stammering Dean." Inis kong sagot napayuko naman ito.

"I'm sorry sir." Paumanhin nito bago lumabas ng opisina ko. Ilang minuto pa akong naghintay bago dumating ang pinapatawag ko.

"Good morning Ms. Ford," Bati ko ng may awtoridad. Nagulat pa into ngunit saglit lang.

"Good morning." Walang gana nitong sagot atsaka umupo.

"Did I ask you to sit down Ms. Ford?" Inis kong tanong ngunit sinuklian rin niya ako ng inis niya ring tinignan ako.

"No. But ganun rin naman papaupuin mo rin ako. Advance lang ako mag-isip. Tsk!" Bakit mas bossy pa ito sa akin? Advance mag-isip? Kalokohan. "So, eto ba ang sinasabi mong magmeet tayo at susunduin mo 'ko?" Parang nang iinsultong tanong nito.

"Oh? Are you expecting to go out with me Ms. Ford?" Nakangising pang-aasar ko.

"In your dreams! Bakit no nga ako pinatawag may klase pa ako."

"Patience Ms. Ford I'm here for you to sign this." Iniabot ko sa kanya ang isang brown envelope at takang binuksan niya naman ito.

"A contract?" Walang emosyong sambit ito. Ngumisi lang ako at sumandal sa pagkakaupo.

"Accept it or Accept it?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top