Chapter 11: Tyler James Montealto



Cheska's

Nang makarating kami sa sinabing tagpuan inakay ko si Sky. Kanina pa siya salita ng salita pero puro tipid na ngiti at tango lang ang naisasagot ko. Wala akong lakas na makipag-usap, baka hindi ko siya maibigay sa pamilya niya.

"Mommy are you going to live with us? You and me and daddy, that would be so fun." Masaya niyang wika, kita sa mga mata niya kung gaano siya kasaya sa imahinasyon niya.

"Ah, a-ano kase baby," Naputol ang tangka kung pagsagot nang tawagin ako ni Chester.

"Hey Cheska come here!" May kausap itong lalaking nakasuuot ng suit, seryoso at kung titingna ay mukhang napakarespetado nitong tao.

Ibinaba ko si Sky, at saka hinawakan ang kanyang kamay at nagtungo sa kinaroroonan ni Chester. Dahan-dahan namang lumingon sa direksyon naming ang lalaking kausap niya. Hindi niya na hinintay pang makarating kami sa kanila at ito na ang kusang lumapit sa amin.

"Son!" Wika nito atsaka yinakap ng mahigpit si Sky. Kita ko ang higpit ng pagkakayakap nito sa bata na tila ba naalisan siya ng tinik sa dibdib. "I'm so worried ...why did you do that?" Kunot noong tanong niya, gusting mainis ngunit nangingibabaw ang pag-aalala sa bata.

"I'm sorry daddy, I just want to see mommy." Malungkot na sabi nito.

"But you should've tell me!" Hindi na nito napigilan ang pagtaas ng kanyang boses. Napakunot ako ng noo, magsasalita na sana ako ngunit sumagot naman na si Sky.

"How will I tell you if you're always busy? You're always drunk and you always shut me out!" Pagsigaw nito at nagsimula nang humagugol. Tahimik naman ang daddy niyang nakatitig lang sa kanya.

Hindi na ako nag-alinlangang tumabi at lumuhod sa harap ni Sky. Niyakap koi to at saka pinatahan. Masamang tingin naman ang ibinato ko sa lalaki na tulala pa rin.

"Uhm, Mr. Montealto?" Pagsingit ni Chester.

Tila nahimasmasan naman ang daddy ni Sky at muling ibinalik ang pagkapormal ng mukha. "Oh yes, I'm sorry. I'm taking my son home, at kung ilan man ang nagastus niyo habang nasa inyo siya I'll pay it." Nakatingin lang ako sa kanila habang hinehele si Sky ramdam ko pa ang hikbi nito.

"No need Sir... Besides we take Sky as a member of our family." Pagtanggi ni Chester, "And he is always welcome to our house anytime."

"I am Thankful for that. Then just expect a good business partnership with us." -atsaka tumingin sakin. "And you are?" Luh! Kanina pa ako ditto, pero ngayon niya lang naisipang tanungin kung sino ako.

"Cheska," Tipid kong sabi.

"I'm Tyler James Montealto, Sky Gabriel's father." Pagpapakilala niya at inilahad niya ang kamay upang makipagshake hands pero tinitigan ko lang ito.

"Aahh haha so ..." Awkward na singit ni Chester.

"We are going." Ani ng daddy ni Sky kaya ibinaba ko na si Sky at hinarap sa akin.

"Magpakabait ka ahh." Nagtataka namn itong tumingin sa akin.

"Aren't you coming with us mommy?" Inosente niyang tanong.

"Ano kase baby may ano... may gagawin si mommy kaya 'di pwede." Halos manikip ang dibdib ko habang parang may batong bumabara sa aking lalamunan.

"Our house is big mommy, you can live there besides, we are family and-" -pinatigil ko siya.

"It's not that easy Sky, there are things you do not understand.You have to go with your dad." Isaid as I hold my tears.

"But---"

"No more buts, I love you baby." Pagpapatigil ko sa kanya, sabay halik siya sa pisngi.

"Let's go." Sabi ng daddy niya at hinila si Sky pero 'di ko pa ito binibitawan, nakahawak kami pareho sa kamay nito. Seryoso naman akong tinignan ng daddy niya kaya nahihiyang binitawan ko na si Sky.

"P-paalam ingat ka lagi ha?" Huli kong sinabi at tumalikod.

"Mommy!" Rinig ko pang tawag sa akin ng bata pero hindi ko na ito nilingon. Baka 'di ko siya payagang bumalik. Dumiretso ako sa kotse at doon binuhos ang luhang kanina pa gustong kumawala sa aking mga mata.

Mga ilang minuto pa nang bumalik si Chester kaya mabilis ko pinunasan ang aking mga luha at inayos ang sarili ko.

"Nakaalis na sila," Malumanay niyang sabi. Ngumiti naman ako sa kaniya at tumingin sa bintana. Wala ako sa mood ngayon. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya saka in-start ang sasakyan. Tahimik lang kaming binagtas ang kalsada patungo sa bahay.

Tyler's P.O.V.

"Mommy!" Sigaw ni Gab, nang tumalikod ang babaeng sinasabi niyang mommy niya pero hindi man lang lumingon ang huli.

"Let's go home son. Yaya is waiting there." Pag-aaya ko sa kaniya na hindi pa rin inaalis ang tingin sa papalayong dalaga.

"But how about mommy daddy?" Tanong niya. Nang hindi ako nakasagot doon sumingit si Chester.

"Baby Sky," Pagkuha niya sa atensiyon nito.

"Yes Tito?" Malungkot nitong tugon.

"Ganito kase, wala lang sa mood si mommy kaya intindihin mo nalang." Pagpapaliwanang nito at saka ginulo ang buhok in Gab. Tumungo lang naman ang anak ko.

"We have to go. Again, thank you Mr. Ford." Pagpapaalam ko.

"You're welcome sir... So I guess see you in board meeting?" -nakangiting sabi nito tumango lang ako saka tumalikod na.

Kasalukuyan kaming nasa biyahe at hanggang ngayon ay wala pa ring imik si Gab. Nakatingin lang ito sa labas, at malalim ang iniisip. I feel guilty because I know, it's my fault why he's like this. Tama ang sinabi niya kanina. Wala akong oras sa kaniya Napabuntong hininga ako.

"Son," Tawag ko sa kanya ngunit hindi niya ako kinibo. "Gab." Muli kong tawag sa kanya. Tumingin naman siya ngunit walang ekspresyon ang kanyang mukha. Nawiwirduhan talaga ako sa batang ito, dahil kahit ako ang ama niya kinakabahan ako sa mga ganiyang titig niya.

"What do you want to eat?" tanong ko pero 'di ako pinansin nito sa halip at muling tumingin sa bintana.

Nang makarating kami sa bahay ay agad kaming sinalubong in yaya. Patakbo pa itong lumapit kay Gab.

"Naku Gab iho saan ka ba nanggaling ha? Alalang-alala kami sayo. Ano okay ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan?" Sunod-sunod na tanong nito

"I'm fine yaya. Mommy took care of me." Nakangiting pagkuwento nito.

"mommy?" Napatingin naman sa akin si yaya.

"May napagkamalan siyang mommy niya." Mahinang sabi ko bagamat naguguluhan pa rin ay hindi na siya muling nagtanong.

"O siya, halina kayo at kumain na kayong mag-ama, sigurado akong gutom na kayo." Nagtungo kami sa dining area. Nang nagsimula na kaming kumain ay pansin kong parang walang gana si Gab.

"Ga, don't you like the food?" Hindi pa rin siya nasagot kaya medyo naiinis na ako. Linapag ko ang hawak kong kutsara at seryosong tumingin sa kanya. "What's the problem son?" Pigil inis kong tanong.

"I'm done eating. I'm going to bed daddy, I'm sleepy." Walang ganang sabi nito at umakyat na papuntang kwarto nito. Akmang susundan ko ito ngunit pinigilan ako ni yaya.

"Hayaan mo muna siya Sir baka pagod lang ang bata." Napabuntong hininga na lamang ako. "Ayy siya nga pala sir, iyong sinabi ni Gab na nakita niya na ang mommy niya?" Usisa nito.

"No, may pinagkamalan lang siyang mommy niya."

"Haluh?! Sir buti 'di siya inano..."

"Hindii naman they seem decent, besides their family is one of our business partners." Sagot ko. Yaya was about to talk when my phone rings.

Leila calling...

"Hello?" I lazily answered.

[Sir... Mr. Velasco is waiting for you in your office] Agad na sagot ni Leila, ang secretary ko.

"What? Hindi ba next week pa 'yon? You know I have matters to do." Pagpapaalala ko. I canceled all my appointments today.

"Yes Sir pero may importante siyang gagawin next week kaya iniadvance niya ito. If you really can't make time I can-" I cut her.

"No. I'm coming." Ibinaba ang tawag dali-dali akong nagbihis at kinuha ang suit ko. Bago ako umalis ay nakita ko si Gab sa harap ng kwarto niya seryosong nakatingin sa akin.

"Work again." Seryosong sabi nito. I was about to explain pero pinagsarhan niya na ako ng pinto.

"Sorry son babawi ako sayo... This is important."Bulong ko, Mr.Velasco is a huge deaL. I can't delay this.



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top