CHAPTER 1: You're my mom
Malakas na suntok at sipa ang aking pinakawalan. Sa bawat ilag ko ay may sasalubong sa aking kalaban. Narito kami ngayon sa isang tagong lugar kung saan nagtitipon ang mga grupong lumaban sa ibang grupo. Iba-iba ang narito, organisasyon at mga grupo na walang inaatrasan na gulo. Delinquents, o mga pariwara kung tawagin. At ngayong gabi kami ang natipuhan ng kabilang grupo.
Ako at dalawa pang kasama ko ang tanging humarap. Ang ibang kagrupo ay isinasama ko lang sa importanteng bagay, at ang labang ito ay saying oras lang at lalo walang kapagurang magaganap kung buo kaming susugod. Maiging pagbigyan na lamang ang mga ito dahil kung hindi tatanggapin ang hamon ng kabilang grupo ay kailangang magbayad ng malaking halaga, bukod pa doon ay maituturing ka pang duwag.
Matapos mapabagsak ang tatlo ay tumingin ako sa mga kasama. Tapos na ang laban, wala pang sampung minute ngunit tulog na ang mga humamon. Wala naman palang binatbat ang mga ito. Napailing na lang ako.
"Ang galing talo nanaman lahat, bilib talaga ako sa galing mo boss!" Masayang sabi ni Ashley.
"No one can beat us talaga, especially you..." Dagdag naman ni MC habang pinapagpag ang damit.
Si Ashley at MC ang pinakamalapit ko sa grupo, sila rin ang nagsislbi kong assistant. Kilala kami sa pangalang Moon Gang. Gangster kami kung ituring, cliché pero tunog pariwara at nakakatakot. Sila lang rin naman ang nagbansag sa amin bilang gangster. Bahala sila, Ang grupong binuo ko ay hindi para kami ay katakunan, mas malalim pa roon ngunit dahil iyon ang pagkakaunawa ng iba ay hinayaan ko na lamang.
"Hindi pa ba kayo uuwi? Kasi ako uuwi na...I'm tired" Bored kong sabi sa dalawa.
"Uuwi na sasabay ka ba?" tanong ni MC.
"No, I'll use my car."
"Sige boss, kitakits na lang." paalam ni Asley at nagtungo na sa sasakyan ni MC.
Kinabukasan ay nagmamadali akong bumangon upang pumasok ng eskwela. Late na naman ako nito at mapapagalitan na naman ako kay daddy. Lahat ng kilos ay mabilisan at hindi ko na rin inabalang kumain at dumiretso nan g parking lot at saka pinaharurot ang sasakyan.
Mabilis ang lakad ko habang dinidedma ang mga estudyanteng lumilingon sa akin. Seems like it's their first time to see a goddess. I chuckled on that thought.
"What?..anong tinitingin tingin niyo gusto niyo bang dukutin ko yang mga mata niyo nang di na kayo makakita pa?" Nataranta naman sila sa banta ko at nagsibalikan na sila kanikanilang ginagawa.
Biro lang naman iyon pero takot na sila agad. Nakakainis na ang sama ng image ko sa kanila. Katakot takot ba talaga ako? Pagkarating ko ng classroom nadatnan ko ang professor na nagsisimula nang magbigay ng guide para sa subject namin. Everybody look at my direction as I enter the room.
"What?"
"You're late Miss Ford."
"Well obviously, my apologies Madame." tinanguan ako nito.
"Just don't be late again next time, I'm sure you don't want your dad to know this." Pagpapaalala niya, napabuntong hininga na lang ako. Dad again. Wala talaga akong takas sa mga rules niya.
Nagpatuloy ang klase kung klase ngang matatawag iyon dahil puro introduction lang naman. I don't really feel like listening, inaantok ako. If only dad won't get mad. Ang kaso lahat pa yata ng teachers ko nagrereport sa kanya kung ano ang pinaggagawa ko.
Makalipas ang tila pang habang buhay na kaboringan, sa wakas ay tumunog na rin ang bell. My favorite break time! Yay!
I hurriedly get my bag and went out of the room. I tried going to canteen pero sobrang gulo naman. So I decided to go out of the campus and look for some convenience store.
Kasalukuyan akong nasa snack section nang may humila sa suot kong palda. Tumingin ako rito. It's a cute baby boy. I smiled at him, baka naligaw lang. Muli Kong binalik ang tingin sa mga sitsirya. Nang akmang aalis na ako ay muling hinila ni baby boy ang uniform ko. This time yumukod ako para mapatayan siya.
"What is it baby? Hmm?" Mabait kong tanong rito.
"Mommy how did you forget me?" napakunot ang noo ko dahil sa sagot niya.
Wait naguguLUhan ako. Does this kid has an amnesia? Face recognition failure or what? May frank ba at ako ang napiling biktima. Nilibot ko pa ang paningin ko upang tignan kung mayroong palihim na kumukuha ng video.
"You want me to help you find your mom?" tanong ko nang wala naman akong nakikitang nagvivideo, naligaw lang siguro.
"Of course not, why would I look for you? Eh nasa front na kita." Masayang sagot niya.
Okay time to move, this kid is crazy. I need to find his parents para mapainom na siya ng gamot.
"I'll help you find your mom," Kinuha ko ang isang kamay niya at nagtungo ng counter.
"What? I told you, you're my mommy!" Pagpipilit niya, napaikot ako ng mata.
"No I'm not."
"Yes you are," pakanta niyang sagot
"I'm not your mom." Mahina ngunit madiin ko nang sabi. Hindi na ako natutuwa.
Pinagtitinginan na kami, and people with judgmental eyes are all over. Sarap pagdudukutin ang mga mata. I took a deep breath to calm myself.
"Yes you are..." Makulit na ulit niya.
"I said I'm not your mommy!!" I almost shouted. He looked shocked at namumula ang mata na tila malapit na ito ng umiyak.
Oh, no.
No. No. No.
"Mommy how did you forget me... don't you love me anymore?" Humikbi ito at nagsimula nang umatungal.
Paano ngayon ito patatahanin?
Napasabunot na lang ako sa sarili ko, at dali-daling binuhat ang bata. I'll surely ask his parents to pay me. Nakakahiya, pinagtitinginan na kami.
"Hey, boy. Shut up now okay!" Mahina kong pagpapatahan. Ngunit lalo lang lumakas ang iyak niya kaya lalong dumami ang tsismosa.
Naman eh! Parang gusto ko na lang rin umiyak.
Todo saway ako sa bata nang may ginang na lumapit sa akin. Sana eto na ang kasama niya.
"Ah, Miss. Anak niyo po ba siya? Kanina pa niya kayo hinahanap eh," Agad na tanong ko. Ngunit inilingan niya lang ako. "Ganun ba? May nakita ba kayong kasama niya kanina o, ano. Kase pinipilit niya ako ang mommy niya." Hindi ko na alam ang gagawin.
"Siguro pagbigyan mo na lang ija, para tumahan na siya. Ganyan talaga ang mga bata kapag hindi nakukuha ang gusto." Paliwanag niya, tinapik niya pa ako sa balikat bago ito umalis.
Wala akong nagawa kundi pagbigyan ang batang tawagin akong mommy. Hindi ko na kaya ang mapanghusgang titig ng mga tao rito. Tsk! Akala mo naman kung sinong mga perpekto. Why don't they just mind their own businesses?
Nang mapatahan ko na ang bata ay agad akong nagtungo sa counter para magbayad. Ikinuha ko na rin siya ng makakain. Ngunit talagang may kung ano ang batang ito dahil pinagsasabi niya talagang mommy niya ako.
"Hey, lady this is my mom." Proud niyang sabi sa cashier. Nginitian siya nito.
"Hey mister guard, this is my mommy." Sabi niya pa sa guard nang papalabas na kami.
Napakamot na lang ako ng ulo. He keeps on telling that I am his mom. Lahat ata ng nasalubong namin sinabihan niya! This is crazy, really... really crazy.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top