ONE

LORENZO ELRIC GARCHITORENA

A GOOD-looking face, well-built body to die for, malakas na appeal, may magarang kotse, may angking katalinuhan... et cetera, et cetera. These are some attributes na hinahanap sa isang ideal guy. At kung ako ang tatanungin...

...wala iyon lahat sa akin.

Well, what we have here is a piece of crap. An useless piece of crap, perhaps. Kung naghahanap kayo ng lalaking may gwapo at artistahing mukha, sorry, hindi ako 'yong hinahanap ninyo.

And...napakagandang araw nga naman ang bumulaga sa akin ngayon--another day, another failure to look forward to. I was kinda used of it.

Hindi ko talaga habit ang tumingin sa salamin araw-araw. Hindi ako 'yong tipo ng tao na conceited to the superlative level--GGSS as the common term used. I feel horrible and shameful to myself while staring at my own reflection. I'm a total disaster--a dishonor to our family (and to our cow).

But after maligo at mag-toothbrush, nagkaroon ako bigla ng urge na tumingin sa reflection ko sa maliit na salaming nakasabit sa bathroom. Himala, Lorenzo! And good thing na lang hindi nabasag ang salamin upon seeing the reflection of this horrid face. But all I can see is an alive piece of bamboo stick.

Ang sabi nila ay nakaka-sexy sa isa ang pagiging prominent ng kanilang collarbone. Kinapa ko, and mayroon naman ako. Pero...na-realize kong nagmukha lang akong malnourished na nilalang na hindi pinakakain araw-araw.

A dazzling wet look also makes you sexier. But in my case, kahit bagong-ligo, nagmukha lang akong unfertilized duck, or 'yong undin na lumalabas sa toilet bowl mula sa isang horror movie. I wiped instead my horrible face with my towel, para magising at mahimasmasan na rin ako sa katotohanan.

Yumuko rin ako upang tingnan ang aking tiyan. I even don't have abs to die for, but my built looks like I'm minutes away from dying. You can already play piano on the ribcage protruding at my abdomen.

I even examined and zoomed-in my face. Darn these pimples! Although kakaunti at kalat-kalat lang sila all over my face, nagmukha akong binubulutong. Puberty sucks! It really hits me hard-in a literal way. Mukha nga akong nabugbog pagsapit ko sa pre-adolesence period. Gah! Wala na akong pag-asa sa mukha kong ito.

Upon examining myself, na-realize kong para talaga akong napag-iwanan. Malamang na may mga narating na sa buhay ang mga kasabayan at mga kaedaran ko sa ngayon. Some of my former junior high school classmates recently became delegates for an international convention. Some of them achieved the highest honors--they even attained scholarships sa mga prestigious na university sa bansa. And some are already making noise in the entertainment industry.

While on the other hand... Mayroong isang patatas na mukhang ewan, na walang ibang ginawa kung hindi ang maging stoic araw-araw; an epic fail, indeed.

Kung sa karera ng buhay noon, 'yong mga kasamahan ko sigurong sperm cells na nakikipagunahan sa uterus ni Mommy para makarating sa katangi-tanging egg cell doon, malamang ang ilan sa kanila ay puwedeng maging gwapo at sikat na artista in the future; may isa na baka maging matalinong mathematician; may isa na puwedeng maging presidente ng Pilipinas; o baka 'yong isa ay magiging doctor o scientist na makahahanap ng cure sa cancer, or even para sa HIV/AIDS.

But unfortunately speaking, I've won that race.

I really love self-pitying, eh? Inaalmusal ko ang insecurites ko sa katawan. Ginagawa kong lunch and dinner ang pamununa at pagmamaliiit sa sarili ko. Ano pa ba ang option ko? Isa lang naman akong disappointment na tinubuan ng cells and body tissues.

I sighed...

"You're a hopeless case, Lorenzo. Ang pangit mo pa rin!"

---

They say that going to college is like entering a thrilling ride sa isang amusement park. Kung ako naman ang tatanungin, para kang papasok sa isang horror house attraction.

Once you immerse yourself in this what they call, univesity life, it's like going to a point-of-no-return; and there's no turning back. Nasa iyo na lang kung makalalabas ka pa nang buhay.

Kanina pa ako nakapalumbaba sa aking upuan sa bandang sulok. Nakailang hikab na ako dahil sa sobrang pagkabagot habang hinihintay 'yong professor namin sa first period. Tinatamad din akong kunin ang aking phone sa bag, pero it would just a waste of time browsing my Facebook newsfeed na ang lamang posts ay puro na lang ka-drama-han ng ibang tao (which wala akong pakialam sa kanila), and some other crappy stuff.

I often found myself lost in thoughts. I'm always preoccupied with bizarre ideas that suddenly pop up within my subconscious. I had found my solace in loneliness, while being alone here in one corner.

Napakaaga kong pumasok ngayong araw, kahit na medyo gulo-gulo pa ang buhok ko, at magmukhang nasalanta ng whirlwind (waste of time pa kasi kung magsusuklay pa). Nakalimutan ko pa tuloy gawin ang facial rituals ko na aabutin pa ako ng siyam-siyam bago matapos; Mommy's gonna kill me when she founds out.

Mga pito na siguro kaming nasa loob ng classroom. And every minute ay padagdag na ng padagdag ang mga 'yon. Naroon sila sa harapan ko, at napaka-busy para sa anumang kwentuhan. No one attempts to engage a conversation to me, neither do I.

Kaya mas mabuti na lang ang manahimik sa may sulok. Itinalukbong ko ang hood ng aking black jacket na pumaibabaw sa uniform ko, at magpalumbaba habang nakatingin sa bintana habang tinitingnan ang mga ibon na nasa nest na nakalagay sa branches.

"The early bird catches the worm." But for me, being early will just gives you nothing, but complete boredom. Nakakabagot ang maghintay nang maghintay, my impatience drives my urge na umuwi na lang.

Mas gusto ko na siguro 'yong nale-late, kaysa naman maghintay pa nang matagal. Parang gusto kong lumabas at bumaba sa building, just a stoll--traversing the entire campus, but I think that it would be more exhausting lalo na at nasa fourth floor ang classroom (how would come that there's no elevator here?). Dang it!

This marks as my first Monday here in the university. Medyo late na kasi akong nakapasok last week (we had an out-of-the-country trip in Hong Kong). Besides, kasisimula pa lang naman ng klase, kaya wala pang mga professor na pumapasok.

A roster of unfamiliar faces starts to flourish. May ilang pamilyar na sa akin, pero I can't recall their names since last week. Habang dumaragdag, ang kaninang medyo tahimik na scenario sa loob ng classroom ay biglang umingay. So I put my earphones, cranked up the volume, and let music dwell and interfere with my existence--a way of unplugging my connection to people that surrounds me.

A tidbit of thought and a realization suddenly popped out habang nakapalumbaba sa desk at minamasdan ang mga kaklase kong may kaniya-kaniyang ginagawa: compared to my senior years, iba ang environment ng college level. Magkaibang magkaiba. I don't think it will be just a stroll in the park, but I should prepare sa kung ano ang posible kong kaharapin sa bago kong mundo. Kailangan na talagang gamitin dito ang "potential" na nabuo noong senior high.

And kailangan kong maging chameleon--to camouflage or learn to adapt on my surroundings using incognito mode.

"You're Lorenzo, am I right?" My bubble of thoughts just popped out nang lumapit sa akin ang dalawa kong kaklase. I started to feel uneasy, and nararamdaman ko na naman ang pagiging awkward ko.

How to start a conversation without being awkward? Act normal, Lorenzo! Ask them questions with sense!

I removed my earphones before I spoke.

"Uhm... Yes... Kayo ba?" Blangko ang naging ekspresiyon ko while not having a direct eye contact, at patingin-tingin lang sa phone ko. Pero sa kaloob-looban, parang gusto ko na lang na sumabog, o kaya ay suntukin na lang ang mukha ko. Holy moley! We're. Doomed!

"Anya," the long-haired lass with bangs answered. She have this cheerful personality, plus siya ang pinakamadaldal sa dalawa.

"And this is Marren," pagpapakilala niya sa kasama niyang naka-pigtails ang buhok. Hindi ko matiis na matingnan sila eye-to-eye, because I hate to do so. Nako-conscious ako.

I really suck at socializing with others. May anxiety ako na feeling ko, may mali akong nasasabi sa iba; kaya nadya-judge ako nang wala sa oras. And this time, I want to curse myself for being a total douchebag!

"Oh," I answered dryly. Hindi talaga ako marunong makipag-engage at mag-prolong ng isang conversation.

Being part-introvert may not work this time. And I friggin' hate it!

Napi-feel ko tuloy na nawi-wirduhan na sa akin ang dalawa kong kaklase. Yes, napaka-dry kong kausap. And nase-sense ko ang cringe nila sa tono ng pananalita nila.

Kaya mas gusto ko na lang ang mapag-isa, minsan. Sarili ko lang ang nakaiintindi at umaaway sa akin. But I can consider myself a total introvert. Nawi-wirduhan talaga ako sa sarili ko sa kung ano ang trip ko sa buhay. I may look like a sheet with different scribbles written in it--unreadable.

"Uhm...guys!" While on the other hand, my other classmate announced, while huffing. Mukhang malayong bundok pa ang inakyat niya base sa ekspresyon ng kaniyang mukha habang pumasok sa classroom at tumungo sa harap.

"Next week na lang daw tayo imi-meet ni Sir Naguit," he announced, at sa mga oras na iyon, nagbago ang ihip ng hangin.

"Ano ba 'yan?" My two classmates already expressed their lamentations in dismay. Lalo na at napa-damba pa ng paa si Marren, kaya napabalik sila sa puwesto nila sa harapan.

Some of my classmates cheered, like they achieved victory in an instant, dahil mas maraming oras ang vacant--more time para maglakwatsa. While half of the population scowled dahil sayang nga naman ang buong period na halos four hours. Like, anong gagawin namin, tutunganga? Sayang na sayang ang efforts sa paggising nang maaga. Tapos, walang professor na papasok. Gah!

I heaved a sigh once again while getting my bag sa desk para makalabas na ng classroom.

Saan naman ako pupunta nito? Actually, hindi ko pa alam kung saan akong kankungan pupulutin. I'll be a vagabond for the rest of the day.

Habang naglalakad pababa sa hagdan, sumabay at niyaya ako ng dalawa kong classmates na kausap ko kanina. I was already on the second level of our school building.

"Sama ka?"

Kung saan man sila pupunta ay hindi ko na alam. Wala ako sa mood para maglakwatsa. Ayaw ko pa namang umuwi muna. Ewan ko lang, pero mas boring kasi sa bahay. Here at school, time flies so fast na para bang may mysterious force na nagpapabilis ng takbo ng oras.

I shook my head. Ayaw kong gumastos ngayong araw, not even a single penny.

Na-realize ko tuloy na nasa harap na pala ako ng Learning Resources Center. I guess, may bago na akong sanctuary for the rest of my four-hour vacant period.

Mukhang hindi na rin siguro magiging boring ang buong maghapon ko.

-30-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top