Second Reason

Kwon Soonyoung is very talkative

Ayaw ni Jihoon sa mga sobrang madaldal na tao.

Ngunit si Soonyoung ay isang sobrang madaldal na tao. 'Yung tipong ayaw na siyang kausapin ng kausap niya pero salita pa rin siya nang salita. Sinong hindi maiinis do'n, 'di ba?

Therefore, Lee Jihoon hates Kwon Soonyoung.

"Jihoonie!" Masayang tinawag ni Soonyoung si Jihoon, ngunit kahit isang sulyap ay hindi ginawa ng nakababata.

Nasa canteen sila ngayon dahil breaktime, of course. Kumakain ngayon ng egg sandwich si Jihoon na gawa ng kanyang "nanay" na si Jeonghan.

"Jihoonie-yah!" Tawag muli ng nakatatanda sa kanya.

Dahil sa inis ay lumingon na si Jihoon kay Soonyoung, "Now what, Mr. Kwon?" Sambit niya habang nakataas pa ang isang kilay.

Napalunok na lamang si Soonyoung ngunit ngumiti pa rin siya nang malapad, "Kailan ang birthday mo, Jihoonie?" Tanong nito sa mas bata.

"That's it? Bwinisit mo ako para lang sa walang kwentang tanong na 'yan? Aish!"

"Dali na, Jihoonie! Sagutin mo 'yung tanong ko."

Nirolyo lang ni Jihoon ang kanyang maliliit na mga mata, "November 22. Now, happy? Tumigil ka na, okay?"

Kakagat na sana muli si Jihoon ng kanyang sandwich ngunit nagsalitang muli si Soonyoung, "Ano na naman?"

"Anong size ng damit mo? Atsaka anong favorite flower mo?" Walang kwentang tanong na naman ni Soonyoung sa mas bata,

"Aish! Size small. My favorite flower is tulips. Bakit ba kasi? Tumigil ka na nga!" Hinampas pa ng nakababata ang braso ni Soonyoung matapos sagutin ang tanong niya bago magpatuloy sa pagkain.

Napangiti na lamang si Soonyoung na parang baliw, at saka inakbayan si Jihoon. Hindi na lang siya pinansin ng mas bata.

"Jihoonie, may iku-kwento ako sa'yo. Makinig ka, ha."

"Soonyoung, please shut up!"

"No. Makinig ka muna kasi. Alam mo, noong elementary ako, grade 3 to be exact. I was a victim of bullying back then. Until one day, may isang bata na nagligtas sa'kin and thenㅡ"

"Kwon Soonyoung, please! Just shut the fuck up! Masyado kang madaldal, aish!" Pinasakan lang naman kasi ni Jihoon si Soonyoung ng sandwich sa bibig.

"Hmm."

"Now, keep quiet Mr. Kwon! I don't want to hear your voice anymore. Do you understand?" Tumango lang si Soonyoung at nginuya ang sandwich na pinasak ni Jihoon sa kanyang bibig.
-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top